Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Chapter 5

Nasa gitna ng kadiliman ang walang malay na katawan ng isang bata. Sa kaniyang pag mulat ng mata kadiliman ang nakikita at katahimikan ang nalalasap sa sandali Wala na siyang kawala.

Hindi makapag salita ang bata habang pinakiramdaman ang palibot. Mula sa kaniyang kalooban looban nabuo ang matinding init sa kaniyang puso na puno ng hinanakit.

Kusa lumuhod ang batang lalaki. Nang marinig ang tinig na mula sa kung saan, hindi maiwasan tumingala na parang may tinitingnan. Napahawak sa dibdib na bigla naninikip. Ang tanging lumalabas sa kaniyang bibig ang katagang “Aliquam excitare,” ng paulit ulit. Habang tumatagal palakas ng palakas ang kaniyang tinig na tela na parang nababaliw sa mga sadali binibitawan niya.

“Adlaw, Adlaw oras na para ika'y gumising!”

Napatakip ng tenga na marinig ang nakakakilabot na tinig. Hindi mapigilan manginig ang buong katawan. Hindi namalayan kusa umaagos ang kaniyang luha patungo sa kaniyang leeg.

“Pakiusap huminto ka....!” tanging sigaw ni Adlaw. Walang kaawa-awa ang sinapit ni Adlaw.

Sa kaniyang pag pikit saglit, kagandahan ang pumalit sa kaniyang palibot. Unang bumungad sa kaniyang ang usa nakaluhod sa kaniyang harapan, na tela na parang kinikilala siya.

“Adlaw oras na para ika'y imulat sa mga bagay bagay na matagal ng nakalaan para sa iyo. Sana'y iyo ingatan ang iyong kapalaran sa mapangahas na ikot ng daloy ng panahon.”

Hindi magawang makapag salita ni Adlaw. Nagtatanong sa kaniyang sarili kung ang nagsasalita ay walang iba kung hindi ang usa nasa harapan niya.

“Adlaw oras na para ika'y bumalik. Hindi mo pa oras para manatili sa lugar na ito paalam.”

Tumalon ang usa na ikanapikit ni Adlaw. Samantala sa loob ng kagubatan naglalakad ang isang matandang lalaki habang bitbit ang halaman gamot. Huminto ang matanda sa ilalim ng puno upang magpahinga.

“Maganda kaya makipag usap sa ibang tao bukod sa mga kaluluwa nakikita ko?” takang sambit ng matanda.

Ang matandang ito ay hindi kailanman nakipag usap at makipag kita sa ibang tao. May paniniwala ang matanda na likas na masama ang mga tao nabubuhay sa karamihan. Mabuti pa ang mag-isa walang kaaway at kaagaw sa mga bagay-bagay.

Dati na siyang naninirahan sa barrio noong bata pa siya. Ngunit simula nang napadpad siya sa pangangalaga ng dalaga. Napagpasyahan niya na piliin manatili sa kagubatan hanggan dumating ang araw na Kunin na siya ng may kapal.

“Oras na para makihalubilo. Hindi ko tuloy maiwasan ang manabik. Sa pagkakaiba lalabas ako sa kagubatan at mag tungo sa alinman barrio, tiyak na matutuwa ako. Ngunit paano ka-”

Hindi natuloy ng matanda ang sasabihin na marinig ang bulong ng hangin. Napatingala siya sa kalangitan napansin maraming ibon ang lumilipad na hindi mapakali. Parang may kinatatakotan na iniiwasan.

Sinundan ng matanda ang mga ibon na lumilipad at huminto ito sa isang direksyon habang patuloy nag paikot ikot sa malaking puno. Pag dating ng matanda napansin niya ang butas, dahan-dahan siya lumapit dito para malaman kung anong mayroon.

Hindi niya natuloy ang tumingin sa baba nang bigla nagsiliparan pa layo ang mga ibon sa iba't ibang direksyon. Muli siya tumingin sa ibaba. Hindi inaasahan ng matanda na makita. Napakunoot noo, kung talagang bata ang nasa loob ng butas.

Napaatras ang matanda. “Diyos ko may bata sugatan?” Hindi nag dalawang isip ang matanda na tulungan ito, sa paraan alam niya.

Kahit mahirap ay hindi sumuko ang matandang lalaki hanggan sa na ilabas niya ang bata. Nagpahinga saglit ang matanda bago magpasya buhatin ito saka nagmamadali umuwi sa tirahan nito.

Samantala lumipas ang tatlong araw. Sa barrio masaya ang mga tao sapagkat nakuha na nila ang inaasam na hustisya. Hindi magawang ngumiti ni Norah. Sa kadahilanan kilala niya ang mag-asawa na hindi talaga Aswang. Minsan na niya nakita ang mag-asawa sa gabi, hindi naman ito nagpapalit anyo o nagbabago ng ugali.

“Kapitan pa inom ka naman dyan!” sigaw ng isa kakabarrio.

Ngumiti ang kapitan bago sumagot.“Sige mamaya libre ko ang mainom niyo. Pero bago yun samahan niyo ako ihatid sa huling hantungan ang aking anak. Maliwanag ba yun?”

Sumang ayon ang kababarrio maliban Kay Norah napilitan makisabay sa sigaw nila. Napansin ni Norah si Aling Tasing na sobrang nasasayahan sa nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang tuwa nito simula namatay ang mag kapamilya.

“Ang galing ko talaga,” natatawang sambit ng baliw na matanda.

“Nandito na naman ang baliw. Isa pa to nag dala ng kamalasan sa Barrio St. Monica,” inis na bulong ni Norah.

Simula namatay ang mga magulang ni Adlaw natigil ang pagkamatay ng mga alagang hayop.

“Kawawang bata,” bulong na sambit ni Norah. Nabalitaan niya namatay ang bata mula sa mismo ng bibig na pumatay sa bata.

Ang tanging nasa isip ni Norah kung magtatagal ba ang karamihan sa barrio. Ngunit sigurado siya may ibang panganib ang nakaabang sa Barrio St.Monica.

Kung ano man ang panganib. Nakahanda si Norah sa mangyayari pa lang, kung dadating ang araw na yun aalis siya sa Barrio St.Monica upang makaiwas.

Nangliit ang mata ni Norah napansin ang isang bata. Kakaiba ang kinikilos, nakasuot ng sumbrero kaya hindi makita ang mukha nito.

Akmang lalapitan sana ito ni Norah ngunit may bumili sa kaniyang paninda. Muli niya tiningnan ang bata kung saan niya nakita ngunit wala na doon.

Natigilan si Norah na ang bumilis ang dakilang marites ng barrio. May panibago naman ipinakalat, pinakinggan niya mabuti ang pinagsasabi nito.

Matapos mag paliwanag ni Tasing. Umalis kaagad ito matapos makabili ng isda.

“Ano?” Tulala sambit ni Norah habang nakatingin kay Tasing. Napansin niya may bata nakasunod dito.

Hindi pamilyar sa kaniya ang bata. Hindi rin ito ang batang si Adlaw. Kakaiba ang pananamit at kilos nito. Parang may sakit sa pag iisip gaya ng matandang baliw.

“Norah pabili.”

Natauhan si Norah na sumigaw ang suki niya. Humingi ng pasensya si Norah sa suki niya. Naintindihan naman ito ng babae bumilis sa kaniya. Pinayuhan siya na mag pahinga rin minsan. Nakakamatay ang sobrang pagod, halata sa kaniyang mga mata na kulang sa tulog.

“Maraming salamat suki.”

Nakatingin si Norah sa babae na may ngiti sa labi habang tumatango. May punto ang babae kaya bukas na bukas hindi siya magtitinda sa palengke. Bukas ang araw ng pahinga niya.



Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro