Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4




Ang Alas Ni Adlaw ( Ang batang Mangbabarang series #1) isinulat ni Christrealz

Chapter 4

Bandang alas otso ng umaga nagising si Adlaw sa sobrang ingay na mula sa labas ng bahay nila.

Mabilis tumibok ang puso ni Adlaw na marinig ang boses ng kaniyang ina. Nagmamadali siya lumabas sa kaniyang kwarto saka nagtungo sa kwarto ng kaniyang mga magulang, ngunit walang tao.

Napagpasyahan niya lumabas ng bahay, naabutan niya ang kaniyang mga magulang na kausap ang barangay captain na si Eman.

Hindi niya maintindihan ang pinag-usapan nila. Kahit anong pilit na intindihin ang mga bagay-bagay sumasakit lang ang kaniyang ulo.

Napansin ni Adlaw ang mga tao namatayan ng mga alaga hayop. Nakatayo ang lahat habang seryuso nakatingin sa kanila. Napakunoot noo si Adlaw nangunguna ang si Aling Tasing, ang dakilang marites ng bario.

“Mawalang galang na po, Kap. Hindi namin magagawa ang ipinaparatang sa amin. Porket hindi kami namatayan ng alagang hayop, kami na agad?”

“Pasensya ka na Elah. Kung kayo ang napabingtangan ng kababario natin. Hindi nila hangad ang kaguluhan, sadyang nanghihinayang lang sila sa mga alagang hayop namatay.”

Napabuntong hininga ang ina ni Adlaw. “Pero sobra naman Kapitan umabot pa talaga sa puntong ito. Naintindihan ko pero ang ikinabahala ko baka may negatibong epekto ito sa anak ko,”  naiinis na sagot nito.

Napatingin ang kapitan kay Adlaw saka napailing. Nagpaalam ang kapitan kasama ang mga taga-barrio pauwi.

Lumapit ang kaniyang ina na puno na pag-alala. “Adlaw ayos ka lang? Pasensya ka na kung ganoon sila.” Sabay hawak sa kaniyang ulo saglit.

“Ayos lang po ako Nay Elah. Pwede ba ako mag laro sa labas?”

Tumango ang kaniyang ina. “Maraming salamat Nay Elah. Pangako hindi ako lalayo sa bahay natin.” Niyakap ni Adlaw Ang ina bago maglaro.

Mapaklang ngumiti si Elah habang nakatingin Kay Adlaw. “Kung may sapat lang sana kami na pera, siguro mapaaral ko siya,” malungkot na sambit nito.

Kahit hindi nakapag aral si Adlaw. Kahit papano marunong ito magbasa at magsulat sa tulong ng gabay ng kaniyang ina.

Sampong taon gulang na si Adlaw ngunit ang pag-iisip nito ay hindi tugma sa kaniyang gulang. Sapagkat puro laro lang ang nasa isip  nito, mabilis umiyak sa maliit na bagay. Hindi maiwasan mag alala ng ina Kay Adlaw dahil matahimik lang ito at hindi sinusubukan makipagkaibigan sa ibang bata.

Napansin ng kaniyang ina nagsasalita ito mag-isa na parang baliw. Wala naman ito kausap. Hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ito Kay Adlaw. Wala naman sila sapat na pera para mag tingnan sa doktor.

Gustuhin man lumapit nila sa albularyo ngunit malayo ang tirahan nito. Nasa kabilang bario pa at nasa gitna pa ito ng kagubatan.

Samantala masaya naglaro si Adlaw. Natigilan sa pagtalon talon na marinig ang tinig ng isang lalaki. Natahimik si Adlaw habang nagsasalita. Ngunit wala naman tao.

Wala sa sarili umupo si Adlaw sa damuhan. Nakatingin sa kawalan matapos marinig ang nakakakilabot na tinig. Walang kabuhay buhay ang mata ni Adlaw. Bigla pumasok sa kaniyang isipan ang masamang nangyari tungkol  kanina.

Lumipas ang maraming oras hindi gumalaw si Adlaw. Sumapit ang hapon dumating ang kaniyang ama na si Ethan. Napansin niya si Adlaw na pilit pinakiusapan ni Elah na pumasok.

“Anong nangyari?”

“Ethan hindi ko alam, mas mabuti ikaw na ang kumausap Kay Adlaw.”

Madali nakiusap ni Ethan si Adlaw kaagad ito sumama papasok ng bahay. Nakahanda na si Elah ng makakain. Kumakain ang mag kapamilya na may ngiti sa labi. Nag kwentuhan tungkol sa masasayang araw lalo na dumating ng mag-asawa si Adlaw.

Matapos kumain, kaagad na hinugasan ni Elah ang pinagkainan. Ang mag-asawa sinamahan ang anak sa kwarto nito upang hindi matakot.

Humiga si Adlaw sa kama na gawa kawayan habang ang magulang nito nakaupo sa magkabilang gilid niya.

Masaya sinimulan isalaysay ni Ethan ang tungkol sa mga nilalang na hindi nakikita ng mata ng tao. Ang kwento ay tungkol sa isang batang lalaki nawawala napadpad sa teritoryo ng mga Engkanto.

Natigilan ang magkapamilya na marinig ang ingay na mula sa labas. Nagmamadali lumabas sila para tingnan ang nangyari.

Malaki ang pagtataka nila na matanaw ang mga kababario may dala Flashlight, gas, posporo at yun iba dala ang mga patalim na pwede mag sugat.

Dumating sa tahanan nila ang mga babario na may mainit na tingin sa kanila. Nangunguna dito si Tasing at kapitan.

“Sinasabi ko na sa inyo na ang Aswang sa Bario natin walang iba kung hindi pamilya Aram!” sigaw ni Tasing.

“Tingnan niyo may sugat si Ethan sa kamay!” turo ni Tasing sa kamay ni Ethan. “Hindi ba nasugatan niyo kagabi ang Aswang?!”

“Ano na naman ito kapitan? Ilang beses ba Namin ipaliwanag sa inyo na hindi kami Aswang. Tulad niyo matahimik ang pamumuhay namin,” naiinis na sagot ni Elah.

“Huwag niyo pagbintangan ang aking asawa. Ang kakapal ng mukha niyo lahat, porket may sugat kamay, asawa ko na agad ang Aswang. Nakuha niya ang sugat niyang sa pag Harvest sa amin pananim!”

Humakbang ang matandang baliw. “Sila ang Aswang, kitang kita ng dalawang mata ko!” turo nito sa kanila.

Mas lalo nag ingay ang mga tao. Hindi lang hayop ang namatay kung hindi ang anak ng kapitan ay namatay kagabi. Dahil pinaniniwalaan inatake ng Aswang at sinipsip ang dugo hanggan sa binawian ng buhay.

Kahit anong paliwanag nila, walang magagawa sapagkat sarado ang kanilang isipan. Nilamon ang kanilang kaisipan ng kadiliman at matinding na nagmulat sa kanilang puso.

Walang basta basta itinapon sa mag asawa ang gas. Walang magawa si Ethan nang tinamaan siya sa ulo ng bato na naging dahilan ng kaniyang pag bagsak.

Humarang si Adlaw ngunit kaagad siya hinila ni Elah at itinukak papasok sa pinto ng bahay. Sinabihan siya ng kaniyang ina na tumakas na.

“Tay! Nay!“ sigaw ni Adlaw na nasaksihan ng dalawa kaniyang mga mata ang bigla pag liyab ng buong katawan ng mga magulang niya.

“Walang kasalanan ang mga magulang ko!”

Patuloy sinisigaw ng mga tao na Aswang. Walang magawa si Adlaw kung hindi ang tumakas, lumabas siya sa kusina. Medyo maraming puno sa likod bahay nila. Nahihirapan ang mga tao habulin siya dahil sa sobrang dilim.

Patuloy na umagos ang luha ni Adlaw habang patuloy na sinasambit ang pangalan ng kaniyang mga magulang.

Masakit man isipin sa isang iglap ang masayang gabi ay napalitan ng hinanakit. Pangyayari hindi malilimutan sa tanang buhay ni Adlaw. Kahit nahihirapan siya tumakbo, tiniis niya ang sakit upang hindi mahanap ng mga tao.

“Hindi...!” sigaw ni Adlaw na tumama sa kaniya balikat ang kahoy na patusok.

Naririnig niya ang boses ng dalawang lalaki na patuloy hinabol siya. Pag liko niya sa kabilang, aksidente nahulog siya sa butas. Bumagsak ang  kaawa awa bata, tumama sa Binti ang bato na naging dahilan nagdurugo ito. Nawalan ng malay si Adlaw sa lakas ng impak ng pagkahulog.

Itutuloy...

A/N : Expect the wrong grammar and typo
        : Open for criticism
Warning: Plagiarism is a crime don't copy or repost my work without any permission coming from me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro