Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: Panimula

Si Adlaw ay masayahin bata kahit may panahon na puno ng paghihirap ang kanilang buhay, sa awa ng diyos nagawa pa rin ngumiti ni Adlaw na parang walang problema kinakaharap.

Matagal nakatulog si Adlaw sa pakikinig sa kwento ng kaniyang Ama patungkol sa mga hindi nakikitang nilalang. Hindi alam ni Adlaw kung bakit sa tuwing nakikinig siya sa kaniyang ama, pakiramdam niya may nakatingin sa kanila.

Sumapit ng hating gabi napagpasyahan ni Adlaw na matulog na may ngiti sa labi. Sa kaniyang mga mata nakapikit kalapit sa kaniyang isipan na sana may kakayahan tulad sa kwento ng kaniyang ama. Hindi namalayan linamon ng kadiliman ang kaisipan ni Adlaw hanggang sa tuluyan na siya na katulog.

Pagmulat ng mata ang batang si Adlaw na marinig ang magandang tinig. Tinig na mula sa kung saan. Bumangon si Adlaw sa gitna ng damuhan na puno ng takot ang kaniyang mga mata.

“Nasaan ako?” Nilibot ni Adlaw Ang kaniyang paningin, subalit wala siyang makita kung hindi kadiliman sa kawalan. Ang kandila nakapalibot sa kaniya ang nagsilbing liwanag sa kadiliman.

Labis ang panginginig ng buong katawan ni Adlaw. Ang kaninang magandang tinig na kaniyang naririnig napalitan ng nakakakilabot na tinig. Sabay bumagsak ang magkabilang tuhod ni Adlaw.

“Adlaw nandito na ako!” natatawang sambit ng kung sino man, “Adlaw halika, sumama ka sa akin, tiyak na iyong buhay ay gagaan.”

Sa isang iglap napaatras si Adlaw na lumitaw bigla ang nilalang na walang mukha kung hindi kadiliman ang makikita.

“Huwag ka lumapit sa akin!”

Nanglaki ang mata ni Adlaw na hindi niya maikilos ang buong katawan. Biglaan nagsitayuan ang balahibo niya na may bigla humawak ng malamig na bagay sa kaniyang batok. Dahan-dahan nakatingala si Adlaw na kaniyang pinagsisihan. Nakangiti ang babae lumulutang ang ulo na walang tigil umagos ang pulang likido sa mga mata nito. Kahit anong salita ang binibitawan ni Adlaw ngunit nagising siya sa tinig ng kaniyang ina.

“Mabuti naman nagising ka na. Sa susunod huwag ka makinig sa kwento ng katatakutan bago matulog Ayan tuloy nadala mo pa sa pagtulog,” nag alala paliwanag ng kaniyang ina.

“Mama totoo ba ang tungkol sa kakaibang nilalang sa Mundo natin na nandyan sila, pero lang natin nakikita at nararamdaman ang presensya nila?”

Bahagya napatawa ang ina. “Ikaw talaga bata ka. Ang mabuti pa maligo ka na dyan at kumain,” tanging na sambit ng ina.

Nakatingin Kay Adlaw ang ina habang siya ay nag tungo sa Cr na bitbit ang susuotin. Bahagya napailing ang ina na may na isip.

Lumipas ang sampung minuto kaagad natapos ni Adlaw ang maligo. Kasabay nito kasalukuyan kumakain ang kaniyang ina na panay sulyap sa pinto.

“Nay sino po ang hinihintay niyo?” machina sambit nito. “Nay nasaan si Itay Ethan?”

Ngumiti ang ina bago sumagot ito na may ngiti sa labi. Kaagad naunawaan ni Adlaw na abala ang kaniyang ama sa pag trabaho sa taniman nila.

“Nay bili mo sa birthday ko ng laruan don sa bayan. Nay huwag mo kalimutan malapit na birthday ko.”

Tumango ang ina at hindi nagawa pa sagutin si Adlaw. Matapos kumain ni Adlaw, nag paalam na ito sa kaniyang ina na maglaro sa labas ng bahay.

Lumabas si Adlaw na may ngiti sa labi na payagan siya. Masyadong malikot ang imahinasyon ni Adlaw kaya kahit walang kalaro, masaya na ito naglalaro sa lupa gamit ang bato at dahon.

Habang abala si Adlaw sa paglalaro. Natigilan na lang siya nakaramdam ng pananakit ng dibdib.

“Elah!” sigaw ng babae na papalapit sa bahay nila Adlaw.

Napatingin si Adlaw sa babae na papalapit. Masama ang timpla ng mukha ng babae. Nagsisigawan na tinawag ang kaniyang ina.

Lumabas ang kaniyang ina na may matatalim na tingin sa babae.

“Anong atin Tasing?” takang sambit nito.

“Hoy Elah, kailan pa kayo magbabayad ng utang niyo sa tindahan ng aking ina?!”

Nakataas ang kilay ng ina ni Adlaw.

“Mukhang tulog ka yata, nag bayad na ako ng utang. Oh ito yun papel nakuha ko matapos mag bayad,” sabay pakita nito.

Nakatingin si Adlaw sa dalawa habang patuloy nagtatalo. Napailing si Adlaw, Hindi niya maintindihan ang mga tao sa kanilang baryo. Iba ang turing sa kanila lalo na sa kaniyang ama na hindi marunong magsulat at magbasa madali maluko. Pero ang kaniyang ina ang palagi panangga nito.

Nakaramdam ng matinding init sa kalooban si Adlaw. Hindi maintindihan kung bakit ang kaniyang kagustuhan manakit ay tumaas.

Natauhan si Adlaw na takot na takot sumigaw ang babae si Tasing habang tumatakbo palayo sa kanilang bahay.

“Anong nagawa ko?” bulong sa sarili ni Adlaw.

“Adlaw!” tawag ng kaniyang ina. Lumingon siya dito.

Napailing ang ina , hindi maintindihan ni Adlaw kung bakit.

“Adlaw sa susunod huwag mo ulitin yon.”

Tumalikod ang kaniyang ina bago pumasok ng bahay habang nagsasalita na hindi niya naririnig.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro