Prologue
NANG magmulat ako ng mga mata ko ay alam kong wala ng panibagong kabanata pa na naghihintay sa akin.
Nagtapos na ang buhay ko sa mundong ibabaw.
Wala na akong maalala pa. Hindi ko na maalala pa kung sino ako o ano ang buhay ko noon.
Kasama sa pagwawakas ng buhay ko ay siya ring tuluyang paglalaho ng mga alaalang nabuo ko sa ilang taong pamumuhay.
Siguro nga ay hindi lamang sa huling hininga at pagtigil sa pagtibok ng puso nagtatapos ang buhay. Sa palagay ko ay tuluyang nagwawakas ang buhay ng tao sa oras na mawala ang mga alaala niya.
At ngayong wala na ang mga alaala ko noong nabubuhay pa ako, oras na para harapin ko ang tunay na kamatayan.
──────⊱◈◈◈⊰─────
AND THIS IS DEATH
Date Started: October 31 2024
Date Ended: November 01 2024
Genre: Spiritual
Language: Filipino
©All Rights Reserved 2024
Written by: Acheloisly
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro