Chapter 7
GABING-GABI na subalit maingay pa rin ang mga tao sa labas. Sa ilang araw na lumipad ay tila ba wala silang kasawaan sa paglalaro ng mga baraha roon.
Naiingayan na ako sa kanila kaya saglit akong lumabas at hinagis ang nga barahang nakalapag sa lamesa. Subalit walang nakakakita sa akin, nagmistulan tuloy nilapad ng hangin ang mga baraha.
Wala akong nagawa kung hindi bumalik na lamang sa loob ng bahay. Ang mga bata lang na maglalaro malapit sa kabaong ang taong naroroon---ah mali. Nananatili pa ring nandoon iyong lalaking dumating kanina.
Matapos bumuhos ng luha niya kanina ay tulala na siya sa kawalan at hindi na umiimik. Napapaisip na tuloy ako kung sino ba talaga siya sa buhay ko. Subalit kahit pilitin kong mag-isip ay wala naman na akong maproseso sa isip ko. Isa siguro ito sa epekto ng tuluyang pamamaalam ng katawang lupa ko.
Ngunit hindi ko mawari kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng pagkabagabag at mga agam-agam.
Dala ng kuryosidad ay nilapitan ko iyong lalaki na nakasalampak na lamg sa tabi. Ang gulo-gulo ng damit niya at namumula ang mga mata. Wala sa sarili kong hinawakan ang balikat niya. Nahahawakan ko siya ngunit hindi naman din niya ako nararamdaman.
Nagising na lang akong tapos na ang buhay ko sa mundong ibabaw, at mula nang magising ako ay ang tuluyan ko na lang paglalaho ang inaalala ko. Ngunit ngayon, bago ako tuluyang maglaho ay gusto kong maalala kung sino ang estrangherong nasa harapan ko.
Pakiramdam ko ay isa siyang mahalagang tao sa buhay ko noon na hindi ko dapat makalimutan.
─────⊱◈◈◈⊰─────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro