Chapter 6
TILA ba napakahaba at napakabagal sa paglipas ng mga oras.
Hanggang ngayon ay naririto pa rin ako. Naghihintay na lang ako kung kailan ako tuluyang maglalaho. Wala na rin namang mawawala sa akin, ano pa nga ba ang mawawala sa akin? Nang magwakas ang buhay ko ay kaakibat na rin niyon ay ang pagtatapos ng lahat sa akin.
Tulala na lang akong nakatitig sa puting kabaong habang nakikipaglaro sa aso. Hindi ako sigurado kung nakikita o nararamdaman niya ako ngunit palagi siyang hindi umaalis sa tabi ko.
Sa mga taong nakapaligid at sa mga taong nakikiramay, mukha itong aso lang na ito ang siyang nangungulila sa pagkawala ko.
Natigil lang ako sa pakikipaglaro sa aso nang mapansin ko ang isang lalaking tulalang nakatingin sa katawan kong walang buhay. Unti-unting nangunot ang noo ko habang tinitignan siya, ito na naman iyong pakiramdam na kilala ko siya at pamilyar siya sa akin subalit hindi ko siya magawang kilalanin.
Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng pagkabalisa at dinalaw ng agam-agam nang makita ko ang tuluyang pagbuhos ng mga luha niya.
─────⊱◈◈◈⊰─────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro