Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

MARAMI akong lugar na gustong libutin ngayon ngunit hindi naman ako makaalis o makalayo kung saan naroroon ang katawang lupa ko na wala ng buhay.

Wala ng katao-tao sa loob ng kabahayan, iyong aso na lang na nagbabantay sa ilalim ng kabaong ang naroroon at natutulog. Kaya lumabas ako ng bahay kung nasaan ang dalawang tolda.

Hanggang dito lang ako sa mga tolda, hindi na ako makausad pa, sa tuwing sinusubukan ko ay may pwersa na hindi ko maintindihan na humihila sa akin pabalik sa loob.

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga taong abala sa pustahan habang naglalaro ng baraha at bingo. Nagkakatuwaan silang lahat habang naririto ako at nag-iisa.

Wala naman na akong maalala noong nabubuhay pa ako at na rin dapat akong maramdaman ngayon, subalit hindi ko lubos na maunawaan kung bakit tila ba nakakaramdam pa ako ng kalungkutan. Ramdam na ramdam kong mag-isa ako.

Sa kabila ng pahirapan kong pagproseso ng mga tanong sa isipan ko, ay mayroong nag-iisang tanong ang hindi naaalis sa isipan ko ngayon.

Sino ang siyang totoong naiwan ko sa mundong ito?

─────⊱◈◈◈⊰─────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro