Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

NABUBURYONG na ako habang pinapanood ang mga tao, hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong nandito. Pero sa pagkakatanda ko ay natataranta silang lahat noong unang araw na mailagak dito ang walang buhay kong katawan at ngayon ay halos wala na silang pakialam kung anuman ang mangyari.

Hindi na halos pinapansin ang mga bumibisita, hahatiran lang ng makakain at may kanya-kanya na ulit silang pinagkakaabalahan.

Sa natitirang alaala na mayroon ako, sa pagkakaalam ko ay malingkot dapat lahat sa oras na may mamatay.

Subalit hindi iyon ang nakikita ko.

Dahil sa nakikita ko ay ayos lang para sa kanila kung anuman ang kinahantungan ko. Na dapat ay tanggapin ko na lang.

─────⊱◈◈◈⊰─────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro