special chapter one
"Nat, nasaan ka ba? Uuwi ka ba rito sa hotel o nakahanap ka ba ng ekalal na mag-uuwi sa 'yo?!"
Conscious akong napatingin kay Yori na umiinom ng kape habang nakatingin sa labas, pinapanood ang mga taong maglakad sa labas. Late na pala umuuwi ang mga tao rito galing sa trabaho.
"Basta... Message na lang kita mamaya," sabi ko.
"Hoy, malandi ka, don't tell me kasama mo ex m-" Pinatay ko na kaagad ang tawag.
Bukas umaga pa ang flight namin ni Kobs pabalik sa Pilipinas pagkatapos ng launching event ng SUNE Tech kaya may oras pa kami ni Yori na mag-coffee pagkatapos ng reunion namin sa may roof deck.
"Uhm, so..." awkward na sabi ko habang pinapainit ang palad ko gamit ang coffee mug na nasa lamesa. Nang magsalita ako, lumingon kaagad si Yori sa akin.
Shit, ang gwapo niya. Hindi na ako sanay sa hitsura niya dahil matagal ko siyang hindi nakita. Hindi ko alam ang iaakto ko! Bakit niya kasi ako hinalikan kanina?! Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Kami na ba?! Ano na?!
"Kumusta ka? Kwento ka naman. Update mo ako sa buhay mo..." nahihiyang sabi ko dahil nakatitig siya sa akin.
He leaned forward, leaning his chin on his palm while looking at me. He smiled so I looked away, trying to calm my heart down.
"Well... I got my engineering license, built my own gaming and tech company, and then bought my own apartment. We secured a deal with a big company, so we're also into making gaming peripherals. Life has been good. How about you?" pagkekwento niya.
"I'm a field reporter now, working under my dream company. I love my job. I've met many people from different areas and heard their stories, which changed my perspective about life. I'm still aiming for the anchor position, but I need more experience so that's my next goal. Life has been good, too." I smiled at him.
"That's good. I know you will be successful with whatever you do." He sipped on his coffee before putting it down again. "How about love life?" He raised his brow.
"Wala, ah!" mabilis na tanggi ko kaagad. "Marami nang sumubok, marami na ring nireto-"
"Marami nang sumubok, huh..." He leaned closer. "Sino?" seryosong tanong niya.
"Kung sinu-sino..." Umiwas ako ng tingin. Naalala ko tuloy 'yong mga nagme-message sa aking artista at mga katrabaho. Hindi ko na sasabihin sa kanya 'yon, siyempre. "Wala kasing kupas ang ganda ko," pagbibiro ko na lang para pagaanin ang atmosphere.
"Sino nga?" Hindi niya pa rin pinalagpas.
"Hindi ko na maalala, eh," palusot ko.
"Try to remember. I'll wait." Sumandal siya sa upuan niya at sumimsim ulit sa kape habang naghihintay.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw talagang pakawalan! "Bakit? Ikaw ba?"
"I declined all offers," confident na sabi niya. "Reto, blind dates, I declined everything."
"At least sa 'yo pa rin ako umuwi kahit sinubukan kong kumilala ng mga nirereto sa akin!" proud na sabi ko pa sa kanya. Saka ko lang na-realize na ang sama pakinggan noon. Kumunot ang noo niya at hindi nagsalita. "I mean-"
"You're my girlfriend now."
Ha?
"Girlfriend?" Hindi ko napigilan ang bibig ko.
Nagsalubong ang kilay niya. "Then... what else?" Parang kinabahan siya bigla dahil nagtaka pa ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi niya, marami nang iniisip. "You don't want a relationship with me? Is it because it's going to be a long-distance relationship?"
"Hindi! Hindi ganoon!" agap ko. I waved my hands in front of me para mas dramatic pa ang pag-deny ko. Kung anu-ano na kasi ang iniisip niya. "Sabi ko naman sa 'yo dati pa, walang problema sa akin ang long-distance relationship. Kaya ko 'yon! Nagulat lang ako! Hindi lang ako makapaniwala! Wow! Ganoon!" pagpapaliwanag ko pa.
"So... We're a couple now, right?" maingat na sabi niya, naninigurado.
Tumango ako sa kanya. "Yes."
He reached for my hand above the table. "Are you really going home tomorrow? Can't you stay longer?" His eyes were begging.
"Uh... Ano naman ang idadahilan ko? Sick leave?" natatawang sabi ko.
"How about telling your boss that you will bring home something in exchange for extending your stay?"
Kumunot ang noo ko. "Like?"
"A personal interview. I saw your company's email."
"Hala, wait!" Parang lumiwanag ang mga mata ko at dali-daling tumayo. Kinuha ko ang phone ko at nagpaalam kay Yori na tatawagan ko lang ang boss ko. Pumayag siya sa personal interview! Malaking bagay 'yon!
Matagal kaming nag-usap ng boss ko sa phone. Pagkabalik ko sa table namin ni Yori, ngumiti ako sa kanya.
"Wednesday na raw kami uuwi." I extended our stay for two more days, but Kobs and another one from the team had to go home tomorrow since may susunod na schedule pa sila. Ako lang at ang kasama kong mag-aayos ng equipment ang mananatili para sa interview bukas. "Thank you!"
"Let's go?" Tumayo siya at kinuha na ang mga gamit niya. Nilagay niya na rin ang mga inunuman naming baso sa may tray para maayos.
"Saan tayo pupunta?"
"Let's walk around."
It was early autumn. The wind was cold and the streets were peaceful. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad-lakad kami. Hindi ko mapigilan ang ngiti at kaba ko kahit wala naman kaming ginagawa kung hindi maglakad.
We started talking about the lives we lived while being apart. Halatang gustong-gusto niya ang ginagawa niya. His eyes were sparkling while talking about his job and his team. He was in his element. Nakangiti lang ako habang pinapakinggan siya at ganoon din siya sa akin.
I realized how much we changed. I never felt anything but happiness for the things he achieved. Alam kong mas marami pang magagandang bagay ang naghihintay sa kanya, and I want to be there for him when that happens.
"So, mag-isa ka na lang sa apartment mo? Hindi ba malungkot?" tanong ko sa kanya.
"I barely go home anyway. Work has been hectic lately because we were preparing for the launch. Nakatira na ako sa office minsan," he said.
I reached for his cheek with my hand. "Kaya pala mukhang inaantok ka na. Natulog ka ba kagabi?" nag-aalalang sabi ko.
He stared at me for so long before pulling me to plant a kiss on my lips. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid dahil nasa kalagitnaan kami ng daan.
"Sorry. You were adorable." Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko. "I couldn't sleep last night."
"Hala, umuwi na pala tayo para makapagpahinga ka na."
"You're going home with me?" he asked, hopeful.
"Huh? Hindi, ah. I mean uuwi ako sa hotel tapos umuwi ka na sa apartment mo," pagpapaliwanag ko. Nakita kong na-disappoint siya kaya binawi ko agad. "I mean... Kukuhanin ko luggage ko sa hotel tapos sa inyo na lang ako matutulog para hindi na ako makadagdag sa expenses kasi nag-extend kami for two more days."
Pareho kaming natawa dahil sa pagbawi ko sa sinabi ko. In the end, iyon na nga ang ginawa namin. Kinuha ko lang ang luggage ko habang tulog na tulog si Kobs at umuwi kami ni Yori sa apartment niya.
"Wait, Nat, your luggage-" Hindi ko na pinatapos si Yori at hinalikan ko na siya. Paatras na kami nang paatras papasok ng apartment niya habang hawak-hawak niya ang luggage ko. Pagkapasok namin ay sinara niya ang pinto at hinubad ang coat niya habang hinahalikan ako. He bit my lower lip and opened my mouth with his tongue, tasting me. I was taking off my jacket too while walking backwards.
Natigilan ako nang mapansin kong ang laki ng apartment niya at ang ganda ng interior. Sa labas pa lang, alam ko nang pangmayaman 'tong residential area dahil may mga guard sa labas, malawak ang driveway, at may fountain pa sa tapat ng building. May reception din sila.
"Ang successful pala talaga ng SUNE Tech," sabi ko habang nakahawak sa balikat niya.
"Is that really important right now?" he whispered before kissing me again. "Let's continue, please... I can't take it anymore."
Tumawa ako at pinalupot ang braso sa leeg niya habang hinahalikan siya. Napahiga ako sa kama nang makarating kami sa kwarto niya. He started unbuttoning his polo while kissing me and positioning me at the center of the bed.
"I love you," he whispered.
When I woke up the next morning, Yori was already preparing breakfast. He was only wearing his sweatpants and nothing on top. Napatakip ako sa bibig ko at minura ang sarili ko nang makita ko ang namumula niyang likod dahil sa kuko ko.
"Good morning," he greeted, putting down the plates. "How was your sleep?"
"Okay naman." Hindi ko matandaan kung kailan ako nakatulog. Omg... Hindi ko naman siguro siya natulugan sa kalagitnaan ano?
"I told you I wanted to do it one more time, but you slept on me." He gave me an innocent smile as if his words were wholesome. "It's okay. I guess you were tired."
"Hah... Pagod lang ako sa byahe." I suddenly got competitive. "Kung hindi lang ako bumyahe mula Pinas papunta rito, hindi ako makakatulog agad! Tsaka pang-ilan na rin 'yon 'no! Hindi ako 'yong problema!"
He laughed and sat down, putting chocolate syrup on my pancakes. "Does your body hurt? Are you okay?"
"Okay lang naman." Medyo masakit ang katawan ko pero kaya ko naman. Kakayanin ko! Hindi ako mahina! "Tanghali pa naman 'yong interview. Magpapahinga muna ako pagkatapos kumain." I couldn't even walk properly.
Pagkatapos namin kumain, umupo muna ako sa sofa at nanood ng TV habang si Yori ay abala sa kakatrabaho. Nagbibihis na siya para sa work habang may kausap sa phone. Hindi ko maintindihan dahil Nihonggo ang usapan nila pero halatang nagmamadali siya.
"Pupunta na lang kami sa office mo, 'no?" paninigurado ko.
"Yes. I have to go now." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko bago ako pinatakan ng halik sa labi. "Bye. I'll see you later."
"Bye!" sigaw ko dahil dumeretso na siya sa may pinto pagkatapos, nagmamadali nang umalis.
Naiwan ako sa apartment niya kaya nag-ikot-ikot muna ako. Hindi ko kasi naikot kagabi dahil masyado kaming naging abala sa 'reunion' namin. Halatang mag-isa lang siyang nakatira rito. Ang ginawa ko ay nag-iwan ako ng mga gamit ko. Iniwan ko ang toothbrush ko roon, ang mga skincare ko, ang body wash ko, at iyong iba kong damit. Babalik naman ako rito sa susunod.
Naligo na rin ako at nagbihis na pagkatapos para maghanda sa interview. Nagkita na lang kami ng kasama ko roon sa lobby ng SUNE Tech. Nang malapit na ang schedule, lumapit na kami sa receptionist. Agad naman kaming pinaakyat sa office.
Grabe, manghang-mangha ako sa lahat ng nakikita ko. Ang high-tech kasi. Nagsasalita pa nga ang elevator nila. Halatang abala ang lahat ng nadaanan namin habang naglalakad papunta sa office ni Yori.
"Come in," sabi niya nang kumatok ako. Umangat ang tingin niya mula sa laptop niya nang pumasok ako. Lumiwanag kaagad ang mga mata niya. Tumayo siya at bumati sa amin.
"We'll just set up our equipment," sabi ko sa kanya. Hindi ko magawang makipaglandian sa kanya dahil may kasama ako at nagtatrabaho ako. Mamaya na lang.
"Sure. I'll just take this call." Bumalik siya sa upuan niya at sinagot ang tawag.
Pagkatapos namin mag-set up ng equipment at mag-testing ay sinimulan na namin ang interview. He was giving good answers to every question... Naiilang lang ako dahil parang tagos sa kaluluwa ko ang tingin niya sa akin habang ini-interview ko siya!
"Okay, good. Cut," sabi ko sa kasama ko. Tumayo na ako at nilahad ang kamay ko. "Thank you so much, Mister Alanis, for granting us an interview."
"You're welcome." Tinanggap niya ang kamay ko at nakipag-shake hands sa akin. "Can I take you out for lunch?"
Naubo bigla ang kasama ko habang nililigpit ang equipment. Conscious tuloy akong napatingin sa kanya. Hindi naman niya alam ang history namin ni Yori. It sounded like he was shooting his shot.
"Uh... I'll eat with-"
"Huwag na, Nat! Inaantok din ako, eh. Ang aga ko nagising. Uuwi muna ako ng hotel at matutulog," nakangising sabi sa akin ng kasama ko. "Tsaka ang dami rin nating dalang equipment. Ibabalik ko na 'to."
"Hala, sure ka ba?!" nag-aalalang sabi ko.
"Got you!" Kumindat siya sa akin at nagmamadaling lumabas para bigyan kami ng alone time. Hahabulin ko pa sana siya kaso hinawakan ni Yori ang palapulsuhan ko at hinatak ako paupo sa couch.
"So, where do you want to eat? I have a list of my recommended restaurants around here." Pinakita niya ang phone niya sa akin. "But first, put your number in here."
"Smooth," bulong ko.
We left his office to go to his favorite ramen place. Everyone was looking at us while we were walking through the hallway from his office to the elevator. Parang ngayon lang nila nakitang may kasamang babae si Yori.
"Bakit sila nakatingin?" nagtatakang tanong ko nang makapasok kami sa elevator.
"First, it's rare for me to eat outside for lunch. I always just order in since I have a lot of work to do. Second, I don't eat outside with a woman." He intertwined his hand with mine.
After eating lunch outside, he went back to work and I stayed in his office, doing my own work. Most of the time, he was in a meeting. May mga nire-sched daw kasi siyang meeting. After office hours, we went home together. Todo tingin na naman ang ibang empleyado.
"I usually don't go home at this time..." paliwanag niya sa akin.
We spent another day together before my flight. Hinatid niya kami ng kasama ko sa airport. Gusto ko pang maiyak habang nagpapaalam sa kanya.
"Susunod ako," sabi niya bago ako halikan sa noo. Nagulat naman iyong kasama ko.
"Sabi mo 'yan, ha?!" naiiyak na sabi ko. Sabi ko pa naman kaya ko ang LDR! Mahirap pala kapag oras na para magpaalam sa airport. "Sumunod ka kaagad!" utos ko sa kanya.
"I promise." He smiled and pinched my cheek.
Nang maglakad na kami ng kasama ko, siniko niya ako, nagtataka. "Ah... Boyfriend ko," proud na sabi ko.
"Ha?! Kailan pa?!" Mahaba naman ang byahe kaya kinwento ko na sa kanya lahat habang pauwi.
Deretso kaagad kami sa office pagka-land dahil kailangan naming bumalik sa trabaho. I messaged Yori to inform him that I landed safely. Noong makauwi ako ay nag-video call kami. Ganoon na ang naging buhay naming dalawa.
"Tangina mo, bago ka umalis, single ka pa, ah?! Pagbalik mo galing Japan, may jowa ka na?!" Binatukan ako ni Zahra.
"Sinasabi ko na nga ba! Kunwari ka pang hindi ka pipila! Unang-una ka pala sa linya!" Binatukan din ako ni Kobs.
"Aray ko, tangina n'yo, ah?!" sigaw ko at ginantihan silang dalawa. "Dapat nga maging masaya kayo kasi mananahimik na ako. Wala na, may jowa na ako, eh."
"Sa sobrang O.A. mo na 'yan?" Tumaas ang kilay ni Zahra.
"Sabi ko na nga ba magkakabalikan din kayo, eh," sabi ni Laya.
"Magaling ka palang manghula, Laya. Tingnan mo nga rin 'yong akin kung kailan ako magkakajowa." Inabot ni Kobs ang kamay niya para ipakita ang palad niya. "Puro kasi perwisyo lang ang dumadating, hindi jowa."
"Dadating din 'yan." Pampalubag-loob ni Zahra at tinapik-tapik si Kobs sa balikat. Yabang, ah!
"Eh, punyeta, kailan nga ang dating?! Ano ang sched?" Inalis ni Kobs ang kamay ni Zahra.
Nag-inuman kami dahil Sunday kinabukasan at wala kaming trabaho. Sa wakas! Hindi naman kami naglasingan dahil cocktail lang ang ininom namin. Tig-iisa lang at umuwi na rin kami dahil matatanda na rin kami na inaantok na pagsapit ng eleven P.M.
Pagkauwi ko, nag-shower kaagad ako at tinawagan si Yori. Kanina pa siya hindi sumasagot, nakakainis! Tinawagan ko ulit at sa wakas, sinagot na niya. Nakasakay siya sa sasakyan, sa may likod.
"Saan ka papunta? Gabi na, ah... Pauwi ka pa lang?" tanong ko.
"Yes. Sorry, I couldn't answer your call. I was sleeping," sabi niya. "Anyway, I'm on the way home now."
"Okay... Mag-ingat ka. Tumawag ka kapag nakauwi ka na. Lumabas kami nina Kobs kanina kaya late na rin ako nakauwi," pag-inform ko sa kanya. "Sige na, mamaya na lang."
Sayang naman ang day-off ko. Hindi ko kailangan gumising nang maaga bukas kaya nanood na lang ako ng movie. Wala pa ako sa kalahati ay napatalon na ako sa kinauupuan ko dahil may narinig akong naglalagay ng passcode sa pintuan ko. Kinabahan kaagad ako!
"Babe, I'm home."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Yori. Agad akong tumakbo at madapa-dapa pa. Napahinto ako nang makita si Yori na dala-dala ang bagahe niya at nakatayo roon sa may pinto. He was holding a bouquet of flowers on his right hand. When he saw me, he spread his arms for a hug. He smiled when I ran towards him and hugged him so tight.
"Oh my gosh, I missed you kahit kakakita lang natin last last week!"
"I told you, susunod ako kaagad," he said, kissing my cheek.
"Kaya pala tinatanong mo address at pass code ko last week, ah! Kinabahan ako! Akala ko kung sino na!" Kaunti lang din kasi ang nakakaalam ng pass code ko. Wala namang nagsabi sa akin na dadaan sila sa condo kaya kinabahan ako! Surprise pala. "Waa, ang ganda, thank you for this!" Kinuha ko ang inabot niyang bouquet sa akin.
He said he would be staying for ten days for work. Sobrang saya ko! Kinabukasan, lumabas kami kasama sina Seven at Lyonelle. Nag-bonding din sila. Parang ako pa nga ang sampid sa kanilang tatlo, eh?! They were getting along so well.
"I knew this would happen as soon as you landed in Japan." Napailing si Seven.
"She was so in denial at first too," sabi rin ni Lyonelle. Talagang nilalaglag nila akong dalawa. "Don't worry, bro. Her heart stayed loyal the whole time."
"Speaking of... Can you tell me who tried to court her after me?" Yori leaned closer. Jusmiyo! Hindi pa rin pala siya tapos doon!
I also invited Yori to dinner with my family after. Kye was so thrilled to know Yori and I got back together. My parents welcomed Yori into the house like he was already a part of our family.
"Mommy, Daddy... Magpo-propose na po ako kay Yori next year," paalam ko.
Agad nabulunan si Daddy at naubo-ubo. Kinuhanan tuloy siya ng tubig ni Mommy habang tumatawa. Si Yori naman ay agad lumingon sa akin, nagwa-warning ang mga mata dahil alam niyang nagbibiro na naman ako. Tumawa ako sa hitsura nila.
"She's just joking..." Lumingon sa akin si Yori. "Right?" paninigurado niya.
Tumawa na naman ako. "Joke lang, eh! Pero magpapakasal na kami soon!" masayang sabi ko.
Muntik pang masamid ulit si Daddy habang umiinom ng tubig. Tumawa ulit ako habang umiiling si Kye sa akin, not taking me seriously.
"That one wasn't a joke," sabi ni Yori.
"Hala, ikaw talaga!" kinikilig na sabi ko at hinampas siya sa braso. "See, Mommy? In love na in love siya sa akin."
"Ang ganda mo talaga. Mana ka sa akin." Nag-apir pa kaming dalawa ni Mommy. "'Yong Daddy mo nga rin, lumuhod talaga siya sa harapan ko at nagmakaawang pakasalan ko siya-"
"That's not how it happened," Daddy defended himself.
"Shush! Kwento ko 'to!" Tinakpan ni Mommy ang bibig niya.
Umuwi rin kami pagkatapos ng dinner. Ten days passed by so quickly, and we were back to video calls again. Ganoon ang naging set-up namin pero hindi naman kami nahihirapan. We both made an effort to make things work. We spent Christmas together in Japan and then New Year in the Philippines. During Spring, bumisita din ako sa kanya.
Then, during the summer, I used my vacation leave and stayed with him in Japan. I also started learning Nihonggo. I just wanted to learn more about him, and that included his language.
"Ikura desu ka?" sabi ko kay Yori.
"Good pronunciation. Good tone," comment naman niya. Pina-practice niya kasi ako. Tinutulungan niya ako sa lessons ko. "Next..."
We had a date outside in a public park. Nag-bike kami paikot at kumain ng popsicles pagkatapos. He turned his phone off so he wouldn't get tempted to answer work calls while on a date. Pinaalam na niya sa lahat na aalis siya ngayong araw kaya huwag muna siyang kontakin.
"You're so hardworking. Pwede na pala akong mag-resign sa trabaho at manatili na lang sa apartment mo," pagbibiro ko sa kanya.
"Sure," he said. "I can provide for us. If that's what you want, you can do that."
Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Mahal ko trabaho ko, 'no! Hmm... But I'm thinking if I should start finding a job here. I can work anywhere, basta sa same field."
"Hey, you don't have to do that. We'll open a branch in the Philippines soon... I'll just go to you." He caressed my hand.
"Hindi naman pwede 'yon. Nandito headquarters n'yo, eh! Kailangan ka rito! Don't worry! Iniisip ko lang naman. I won't do something I don't want. Just trust me." I winked and he laughed.
"Okay... But don't sacrifice anything for me. That's your dream company."
"May MBC Japan kaya rito," pagdadahilan ko naman. "Doon ko balak lumipat."
"Nat... I don't want you to compromise anything for me. I'll find a way to make things better." He leaned to kiss my forehead.
"And I can also find a way. Huwag kang mag-alala sa akin." I kissed him on his lips. "I love you."
Yori and his team were inventing another game so he got busier. Kaya noong umuwi ako sa Pilipinas, naging bihira na kami makapag-usap. Nalulungkot ako minsan pero iniintindi ko na lang na pareho kaming may trabaho. Ganoon talaga.
"I'm sorry, babe. I fell asleep in the office last night. Hindi na kita natawagan," Yori said, obviously tired.
"It's okay. Kailangan mong bumawi pagkatapos niyan, okay?!"
Pero nalungkot pa rin ako at ngumawa pa kina Kobs noong nag-inuman kami sa condo ko. "Ilang linggo na! Hindi na siya nakabawi!" reklamo ko, umiiyak.
"Nat, lasing ka na, 'te," natatawang sabi ni Kobs.
"Ganoon talaga, Nat... May ila-launch kasi kaya doble ang trabaho," sabi naman ni Laya.
"Oo nga. Intindihin na lang natin," sabi ni Zahra.
"Natin? Kasama ka sa relasyon nila?" tanong ni Kobs kay Zahra.
"Paano kapag sawa na pala siya sa akin?!" pag-iyak ko pa lalo, lasing na.
"Mahal na mahal ka noon, Nat," sabi naman ni Laya, pinapatahan ako.
"Ha? Baliw nga sa 'yo 'yon. Balik-balikan ka ba naman nang paulit-ulit! Ano tawag doon?" Napakamot sa ulo niya si Zahra.
"Oo nga. Imposibleng hindi ka na mahal noon! Busy lang talaga!" sabi ni Kobs, natatawa pa rin sa akin.
"Waaa!" Dumukmo ako at umiyak ulit. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Yori pero hindi siya sumagot. "See?! Hindi niya na ako love!" Dumukmo ulit ako at umiyak.
Natahimik sila bigla habang umiiyak ako. Nagtaka ako kaya inangat ko ang ulo ko at tiningnan silang tatlo habang tumutulo ang mga luha ko.
"Bakit hindi na kayo shuma-shot?" tanong ko. "Hindi n'yo na rin ako love?!" Umiyak ulit ako. "Parang si Yori! Sawa na siguro siya sa akin kaya ayaw na niya akong kausap-"
"That's not true." Natigilan ako bigla at agad lumingon sa gilid ko nang may sumulpot doon. Tumawa si Yori at inabot sa akin ang bouquet. Palagi siyang may dala tuwing umuuwi siya o kaya sinusundo niya ako sa airport. "I'm here, baby."
"Waaa!" Tumayo kaagad ako at niyakap siya sa leeg. "Totoo ka ba?! O lasing lang ako?!"
"Why did you even drink so much?" Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko. "I love you. I'm here."
"Huy, nandito pa kami," sabi ni Kobs sa amin.
"Hello," bati ni Yori sa kanila. "Thank you for taking care of Nat."
"Tara, umuwi na tayo. Hinintay ka lang namin makarating, Yori." Tumawa si Laya at tumayo na, nililigpit ang pinag-inuman namin.
What the heck! Alam pala nilang dadating si Yori! Hinayaan lang nila akong ngumawa rito! Nahihiya tuloy akong pinunasan ang mga luha ko nang makaalis sila.
"Hindi ka na naman nagsabi!" Pinagkrus ko ang braso ko at umupo sa sofa. "Tapos ka na ba sa work mo?"
Umupo naman siya sa tabi ko. "Not yet, but I heard someone has been lonely lately..." pang-aasar niya. "So I immediately booked a flight to ease her worries."
Napanguso ako at niyakap ang baywang niya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at bumuntong-hininga.
"I missed you," mahinang sabi ko.
"I'm here now. Don't cry anymore..." Pinunasan niya ang natitirang luha sa mata ko bago hinawakan ang baba ko para palingunin ako sa gawi niya. He kissed my forehead, then my nose, and then my lips.
"Hindi ka sawa sa akin, huh?" paninigurado ko.
He smiled. "Never."
"You love me?"
He nodded and caressed my cheek with his hand. "So much."
"Okay... Good. I love you." Sinandal ko ulit ang ulo ko sa balikat niya hanggang sa makatulog na ako roon.
"Good night, my love... Sweet dreams," he whispered.
________________________________________________________________________________
:)
art by: _baekart (twt)/baek-art.tumblr.com
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro