34
"Napakalakas na ho ng hangin at ulan dahil sa papalapit na bagyo. Wala nang tao rito sa kinatatayuan ko dahil lumikas na ang mga residente. Lahat ay nag-aalala at naghahanda dahil sa posibleng pinsala na maidudulot ng malakas na hangin at baha..."
Basang-basa na ako at halos tinatangay na ako ng hangin habang sinusubukang mag-report sa lugar malapit sa tabing-dagat, kung saan tatama ang malakas na bagyo. Hindi ko alam kung ilang oras pa bago maputol ang koneksyon namin kaya binilisan ko na.
"Simula umaga ay wala nang kuryente rito. Makikita n'yo ring lumalakas na ang hangin at halos wala na nang makita dahil sa ulan..."
I tried to report everything I could. Sinubukan ko pang maglakad para mapakita ang kalagayan ng bayan pero pinagbawalan na ako ng team at sinenyasan na akong mag-outro.
Binilisan ko na ang pagre-report ko. "Estella Martinez, nagbabalita," sabi ko bago pa maputol ang koneskyon.
Pinapasok na ako ng news team sa tinutuluyan namin at agad nila akong binigyan ng towel. Basang-basa ako at nanginginig na sa lamig. We got stranded there in the province for a few days. Noong humupa na ang bagyo ay nag-abot naman kami ng tulong at nag-asikaso ng mga lumikas na residente kaya ilang araw ulit akong hindi nakaalis doon.
Putik-putik na ang damit ko at ang botang suot ko habang naglalakad kami papunta sa kabilang bayan para mag-abot din ng tulong. It was my life as a field reporter. Kung saan-saang lugar na ako napadpad, at iilan na ring sakuna ang naranasan ko sa trabaho ko. Ilang komunidad na ang nabisita ko at ilang tao na rin ang naabutan namin ng tulong.
Limang taon na akong nagtatrabaho bilang reporter. It was hard but also fulfilling. I got to experience a lot of things. Namulat din ang mga mata ko sa maraming bagay. I got to know a lot of people's experiences, which made me change my perspective about life. Ang dami kong natututunan sa mga taong nakakausap ko.
Pride? Ego? Hindi na mahalaga sa akin 'yon. Kung kailangan kong gapangin para makarating sa destinasyon namin, kaya ko. The people were more important to me. Hindi na nakasentro sa sarili ko ang isipan ko.
"Nay... Kumain po muna kayo. Ako na po diyan." Inabutan ko ng pagkain si Nanay Jema habang kalong-kalong niya ang apo niya. Bata pa 'yon. Kinuha ko muna mula sa kanya ang bata at binuhat para patulugin.
Hindi ako nakatulog nang maayos sa buong stay namin sa probinsya dahil nga mas pinipili kong asikasuhin ang mga tao. Sunod-sunod din ang deliveries ng mga ayuda kaya tumutulong din akong maghatid. Kaya naman nang makabalik kami sa Manila ay bumawi ako ng tulog.
Pero kinailangan ko ring bumalik sa trabaho noong Lunes. Linggo lang ako nagpahinga. Gumising ako nang maaga at nagtimpla ng kape. Hindi ako mahilig sa kape, pero simula noong nagtrabaho na ako, mahilig na akong uminom ng coffee. Nag-toast na rin ako ng bread dahil iyon lang naman ang breakfast ko. Male-late na ako sa trabaho.
Nagsuot ako ng button-down shirt na naka-tuck in sa slacks ko. Pagkatapos ay nagmadali na akong pumasok sa MBC. Metrowave Broadcasting Corporation. Doon ako nagtatrabaho. It was one of the leading multinational broadcasting corporations worldwide. I was so lucky to land a job here. My dream!
I tapped my ID before going inside the headquarters of MBC Philippines. Binati ko ang mga nakakasalubong ko bago pumasok sa elevator. Nang makarating sa 27th floor ay dumeretso kaagad ako sa office ng boss namin.
We were assigned tasks for that day. Kasama ko si Kobs bilang partner ko at sabay kaming nagpuntang police station para sa iko-cover namin. There was always something new happening each day, kaya never akong na-bore sa trabaho ko.
"Lalabas kayo ni Clain mamaya?" tanong ni Kobs habang nasa van kami.
"Hindi ko pa alam." Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text 'yong lalaking 'yon.
"Yiee..." pang-aasar niya at ngumisi sa akin.
Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Siraulo..." bulong ko na lang. Wala naman siyang text kaya tinago ko na lang ulit ang phone ko.
Nagtrabaho lang ako buong araw. Pagod na pagod na naman akong umuwi. Ang dami ko kasing kinakausap kaya nade-drain ang energy ko pagka-uwi. Penthouse ang graduation gift sa akin nina Mommy at Daddy. It was so useful dahil mag-isa lang naman ako kaya hindi ko kailangan magpatayo ng bahay. I started living there ever since I got a job. Mabuti nga at malapit lang ang condo ko sa pinagtatrabahuhan ko.
"What?" masungit na sabi ko nang sagutin ko ang phone.
[Honey! I'm going there! May dala akong food for you kasi alam kong hindi ka pa nagdi-dinner! Late ka na ulit nakauwi!] energetic na sabi ni Clain.
"Okay, whatever." Binaba ko ang tawag at naligo na lang habang naghihintay.
Mga ilang oras pa bago siya dumating. Malapit na mag-madaling araw! Hindi tuloy ako nakapag-dinner dahil hinintay ko ang pagkaing dala niya. Nang makarating siya, nilapag kaagad niya 'yong dala niyang pagkain sa may dining at isa-isa niyang nilabas ang laman. Umupo naman ako sa high-chair at pinanood siya.
"Hoy, wala ka bang plano mag-girlfriend? Nage-enjoy ka 'atang makipaglaro ng jowa challenge sa akin. Hindi mo ako jowa." Tinuro ko pa siya gamit ang tinidor.
"Damn, I'm trying, okay?! Walang nagwo-work sa blind dates ko. Try to find me a girlfriend, then!" reklamo niya naman sa akin.
"Mamaya hindi ka pa nakaka-move on sa akin, ah..." pang-aasar ko habang kumakain. I heard him scoff.
"Aw, honey! Of course! Sobrang ganda mo kasi, eh." There was a hint of sarcasm in his voice. Natawa ako nang malakas at pabiro siyang hinampas sa braso.
"Hahanapan kita ng girlfriend kung hahanapan mo ako ng boyfriend," sabi ko naman sa kanya at ngumiti. "Ayaw ko ng lahat ng ni-reto mo."
"Your standards are too high." Napailing siya. "Where can I find a guy that would pass your standards, huh?!"
"People like those exist," sabi ko na lang. Well... Based on experience.
After eating, I heard another doorbell. Tumayo kaagad ako at pinagbuksan sina Seven at Lai. Napakunot ang noo ko, nagtataka kung bakit may dala silang balloons at cake.
"Happy birthday, Nat!" sabay nilang sabi na parang pinagpraktisan pa nila 'yon.
"Shit..." Napasapo ako sa noo ko. "Nakalimutan ko! Gago ka, Clain! Kaya ba pumunta ka rito?! Hindi mo man lang ako binati!" sigaw ko sa loob ng condo.
"Hey, kaka-twelve A.M. pa lang!" depensa niya at pinakita sa akin ang oras sa phone niya.
"Thank you, guys. Pasok kayo, dali!" Pumunta kami sa may dining para ilabas ang cake. Pinatay ni Clain lahat ng ilaw at nagsindi naman si Lyonelle ng kandila. May dala pa silang party hat. Natawa ako dahil pati si Seven ay nagsuot noon.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" pagkanta nila habang pumapalakpak.
Pumikit ako habang nagwi-wish. I didn't wish for anything unique. I just wished for success and good health for my family and my friends. Pagkatapos ay hinipan ko na ang kandila at binuksan na nila ang ilaw. Nanguha kami ng pictures bilang remembrance. Hinintay talaga nila ang twelve midnight para mag-celebrate.
"Okay, I have to go now, honey," paalam ni Clain sa akin. "Happy birthday. I left my gift above the coffee table." Humalik siya sa pisngi ko at nagmamadali nang umalis dahil may pupuntahan daw siya. Hinintay niya lang talaga ang birthday ko.
Naiwan kaming tatlo nina Seven. Kumakain ng cake si Seven at nagsasalin naman ng wine si Lyonelle sa mga baso. Steak kasi ang dala ni Clain kaya dapat may partner na wine.
"Cheers." Tinaas ni Lyonelle ang baso niya. Kinuha ko rin ang baso ko at kinuha ni Seven ang kanya. Sabay-sabay naming pinagdikit ang baso namin bago uminom. "Happy birthday, our Nataleigh." Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Happy birthday, you." Ngumiti si Seven at niyakap din ako. Naipit tuloy ang pisngi ko sa dibdib niya. "I hope you're happy."
"I am happy! So happy! Thank you, guys!" Ngumuso ako nang kumalas sa yakap. Sunod-sunod na rin ang tunog ng phone ko dahil sa dami ng bumabati. Hindi ko muna pinansin 'yon at nag-celebrate muna kami nina Lyonelle.
"My gift for you is a trip to Japan," pagbibiro ni Lai. Tumawa ako at hinampas siya sa braso. Ganoon na lang talaga ang biruan namin. Wala naman na sa akin 'yon. It was all in the past.
Hindi ko na rin nakita si Yori pagkatapos ng graduation. Ang alam ko lang, nakaalis na siya ng Pilipinas. Doon na siya nakatira sa Japan. Hindi siya nagpo-post sa Instagram kaya hindi ko alam kung kumusta na siya.
Still... He was making headlines, so doon ko nababalitaan kung ano'ng ginagawa niya. He was part of the team that invented this very famous game na nilalaro na ng lahat ngayon sa iba't ibang bansa. He was the one leading the team kaya siya rin ang palaging humaharap sa interviews. After that, they completely entered the gaming and tech field and even built their own company in Japan. They partnered with a big company that got him involved in making gaming peripherals.
Alam ko lahat ng 'yon because I covered that news before. I didn't get the chance to interview him, though.
"You really never saw each other again," sabi ni Seven. We were on that topic again. "We still talk, though."
"Yeah, he replies. Last time, we were supposed to see each other when I went to Japan, but he suddenly had to fly to the USA," sabi naman ni Lai. "You don't message him at all?"
"Sira, ano pa ba sasabihin ko? We already had our closure. Ang tagal na noon." Natawa tuloy ako at napainom na lang ulit ng wine. "But I'm glad that you kept your friendship. I'm not against it or anything."
"He's a nice guy." Seven nodded and sipped on his wine, too. "He was the perfect guy for you."
"Was," I emphasized. "Tapos na, eh! Binabalik n'yo na naman. Nananahimik na 'yong tao sa Japan." Napailing na lang ako, natatawa.
Parang sila pa ang mas nanghihinayang sa pinagsamahan namin ni Yori. Well, we were okay when we parted ways. Iyon ang mahalaga. We got the chance to say goodbye to each other without ill feelings.
"I heard he already has a girlfriend, though," sabi naman ni Lai. "One year na 'ata sila. I asked Jap about it."
I smiled and nodded. "Good for him. I hope she treats him well because he deserves the best."
Nag-cheers ulit kami at nag-inom na lang hanggang maubos ang wine. We had to stop early dahil may trabaho pa ako kinabukasan. When I went to work, may flowers na ako sa desk ko at kinantahan din ako ng happy birthday ng workmates ko. Inaya ko sila ng dinner after work. Iyong celebration namin nina Mommy, ang sabi ko ay pagkatapos na lang ng dinner.
"Hoy, ina mo, happy birthday!" Iyon ang bungad sa akin ni Zahra nang makarating sa pa-birthday dinner ko after work. Sa ibang kumpanya sila ni Laya nagtatrabaho. "Kumusta 'yong date mo last week?"
"Hindi nag-work. Napilitan lang din ako pumunta dahil nakakahiya!" Clain would set me up with guys. I would always try to go pero hindi talaga, eh. Hindi ko talaga sila gusto. I was more focused in my career.
"Happy birthday, Nat!" Yumakap naman sa akin si Laya. "The heartthrob reporter!" pang-aasar niya.
"Small thing." I flipped my hair, teasing. It was an inside joke because many celebrities had tried to hit me up. Hindi naman ako pumapatol dahil ayaw ko ng mga issue-issue na ganoon. I didn't want people to be up on my business all the time.
"Ang hirap abutin ng standards ng babes ko na 'to, eh!" Inakbayan ako ni Kobs. "Siyempre, kung ganoon ba naman ex mo-"
"Oh, tama na," pigil ni Laya sa kanya. Nagtawanan naman kami.
After our birthday dinner, umuwi muna ako sa bahay namin. Umuwi rin si Kye mula sa exhibit niya para ma-celebrate namin nang kumpleto ang birthday ko. Ang sabi ko kay Mommy ay huwag nang maghanda dahil nakakain na ako. Champagne na lang tuloy ang hinanda niya.
"Happy birthday to my baby girl!" masayang sabi ni Mommy. "We love you so much!"
I hugged Mommy, tapos si Daddy, tapos si Kye. I was so lucky to have a family like them. Hindi nila ako iniwan sa lahat ng pinagdaanan ko. They always reminded me that they were there for me... na hindi ako nag-iisa kahit noong tinutulak ko sila palayo. I suffered a lot... and they helped me get through it. And I was glad Kye was also feeling so much better since that incident. Ang tanging hiling ko na lang sa pamilya ko ay manatili silang healthy. We weren't getting any younger.
"Mommy, huwag mo munang hilinging mag-asawa na ako dahil wala pa akong jowa," inunahan ko na siya.
"Hala siya! Wala naman akong sinasabing ganoon! Alam mo, Nat, okay lang sa akin kahit ano'ng gusto mo! Take your time. The right man will come," paalala niya sa akin.
"And if you prefer to be single, that's okay too," sabi naman ni Daddy. "You're still young. You can still do a lot of things. You can explore a lot more... and gain more experiences."
"The important thing is you know where your heart is right now, and it's not hurting anymore," Kye told me.
"Hala, ang O.A. n'yo talaga!" I made a face. Nagbiro lang naman ako, ang dami na nilang nasabi! "Anyway, uuwi rin ako, Mommy. May work pa ako."
Everything was in its right place. My friends, my family, my career. Everything was going smoothly. I was happy. I felt loved. Wala nang kulang sa akin. Ang natitirang goal ko na lang ay maging anchor, but I had to gain more years of experience for that. Basta ang alam ko ay tama ang daang tinatahak ko papunta roon. Hindi ko 'yon basta-basta makukuha. Paghihirapan ko 'yon... at makukuha ko rin 'yon sa tamang panahon. Like Dad said, I was still young. Marami pang mangyayari sa buhay ko.
I woke up early and arrived at the headquarters around seven in the morning. Nag-pack lang ako ng mga equipment at umalis na rin ako kaagad. I headed to a media company for interviews and then returned to the headquarters to transcribe and write an article.
I scrolled for some international news while eating lunch. Natigilan ako nang dumaan ulit sa page si Yori. Wow, they chose a good photo of him. I smiled while reading another one of his articles.
"Oh, si Yoritsune Alanis. You know, I've been trying to schedule an interview with him regarding this new game they just released yesterday," sabi ng senior correspondent namin nang mapadaan sa likod ko.
"Sobrang busy niya siguro, Ma'am," sabi ko.
"Didn't you guys go to the same high school and college? Do you want to try and schedule an interview with him?" tanong niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Utos ba 'yon o casual na tanong lang? May choice ba akong humindi or was it a task assigned to me?
"Okay po," sagot ko na lang. That was the safest answer.
I opened my email and sent their company email a request for an interview. Kapag hindi nag-reply, gagamit na ako ng connections para makapag-schedule.
I waited the whole day pero hindi nga sila nag-reply. Bago ako umalis ay pinatawag ako ng senior ko.
"You're going to Japan with Clover for this event." Inabutan niya ako ng tablet. Nagulat ako nang makita ang event ng SUNE Tech. It was the company Yori built with his team. "My contact just replied to me an hour ago. I secured us a spot."
Oh... Pagkalabas ko ng office ay hinanap ko kaagad si Kobs para sabihin sa kanyang magta-travel kami internationally.
"Hala, ano kaya ang susuotin ko?" Iyon kaagad ang naisip niya.
Mabuti na lang at hindi niya na-realize 'yong kay Yori dahil ayaw ko nang marinig ang mga pang-aasar niya. Inaasar niya ako sa lahat ng lalaking madikit sa akin! Pati kay Clain! Pati sa mga celebrities na kumakausap sa akin at nagfa-follow! Lahat na!
I just packed what I needed before the trip. Saglit lang kami roon at uuwi rin pagkatapos ng event. I didn't tell anyone that I was going to Japan dahil alam ko na ang iisipin nilang lahat doon.
It was an event for the launch of this new gaming device they made in Japan. They invited various reporters from different countries to spread the news. Habang nasa van kami papuntang airport ay nagbabasa lang ako ng mga information tungkol doon. It was important to have background knowledge about it. Kailangan alam ko ang pinapasok ko.
Nag-save din ako ng videos at mga research tungkol sa technology na 'yon at iyon ang pinagtuonan ko ng pansin habang nasa eroplano kami. May kasama pa kaming dalawa sa team namin para tulungan kami sa mga equipment na kailangan.
I wasn't even looking forward to seeing him again because my mind was too occupied by my job. I was busy familiarizing myself with the concept. Ganoon din si Kobs kaya nananahimik kaming dalawa.
"Mamaya pang gabi 'yong event! Labas muna tayo!" aya ni Kobs pagkarating namin sa hotel. Tapos na kaming magbasa.
It was already autumn. Well, early autumn dahil September pa lang. I put my jacket on and went out with Kobs to grab some breakfast. Madaling-araw kasi kami umalis kaya maaga kaming nag-land. Grabe, kulang ako sa tulog! Antok na antok pa ako!
"Tingnan mo, oh! 'Yon 'yong SUNE Tech!" turo ni Kobs sa may building. May sign kasi ng pangalan nila. Malapit doon 'yong venue ng event kaya malapit din doon ang hotel namin. "Hindi ba nagdudugugdug ang puso mo dahil makikita mo ex mo?!" Ayan na nga. Nagsisimula na siya.
"Gusto mong magdugugdug din 'yong ulo mo kapag hinampas kita nito?" Tinaas ko ang tinapay na binili ko.
"Okay, mukhang kinakabahan ka nga." Ngumisi siya at sinundot pa ang baywang ko. "Kapag nakita mo siya, alam mo ang una mong dapat gawin?"
"Ano?" Tumaas ang isang kilay ko.
"Pumunta ka sa likod... Mahaba ang pila, 'te!" Malakas siyang tumawa, nang-aasar.
"Hindi ako pipila. Tsaka may girlfriend na 'yong tao... sabi nila." Hindi ko pa pala sure kaya dinugtungan ko. Ayaw ko namang magbalita ng hindi naman sure!
"Sorry ka, kasama 'yan sa research ko kahapon. Wala siyang girlfriend," proud na sabi ni Kobs.
"Baka lowkey lang," sabi ko na lang. Mas maniniwala ako kay Jap.
"Wala talaga! Na-stalk ko na rin lahat ng following niya sa Instagram! Wala siyang fino-follow na potential girlfriend!"
"Ang kulit mo. Hindi 'yan part ng iko-cover natin."
"Hindi ka ba curious?"
"Hindi. Ikaw naman, masyadong curious. Pipila ka ba?" Tumawa ako habang naglalakad kami. Napahinto ako nang may makita sa LED screen. May commercial doon ng isang game, tapos nandoon din si Yori. Napatingin naman ako sa dalawang babaeng kinukuhanan ng picture iyong LED screen. "Mukhang mahaba ang pila, Kobs. Good luck." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
Pagkabalik namin sa hotel ay naghanda na kami para sa event. Noong kinagabihan, nagpunta na kami sa may venue. Nag-register kami at sinuot na rin ang ID na binigay nila. Pagkapasok ay nakipaghalubilo ako sa ibang reporters. Tutal, maaga pa naman.
Habang nakikipag-socialize ako ay nag-reply sa message ko si Lai. Nag-send kasi ako ng picture sa group chat namin na nasa Japan ako para gulatin sila ni Seven.
Lyonelle Juarez: Btw, since you're in Japan... I just want to tell you that Jap lied. He said Yori's single. Just saying.
Natawa ako pagkabasa sa message niya. May shrugging emoji pa siyang nilagay.
Estella Martinez: okay? HAHAHAHA good for him.
Seven Camero: Talk to him and say hi. My brother's a fan.
Estella Martinez: let's see
"Nat, magsisimula na raw. Umupo na tayo." Hinatak ako ni Kobs nang mag-dim na ang ilaw.
Tumango ako at umupo na sa pwesto namin. Nakahanda na rin iyong camera namin sa gilid. I just watched the event and took notes. They were speaking in Japanese tapos may translator.
"Now, let's call on Mr. Yoritsune Alanis to explain more about the device."
Binaba ko muna ang notebook ko at pumalakpak habang nakatuon ang pansin sa stage. Yori walked to the stage, buttoning his coat. He was wearing a black button-down shirt, a black coat, and black slacks. I stared at him as the spotlight followed him to the podium.
He spoke in Japanese. May translator naman kaya hindi ako nahirapan intindihin. I just focused on taking notes and watching the presentation. Paminsan-minsan, pumapalakpak din.
I was so proud of him. He really made it... and I was lucky to witness it right in front of my eyes. I was grateful to be chosen for this event.
Five years na ang nakalipas. Ang dami nang nagbago sa kanya... at ang dami na ring nagbago sa akin. Having him in front of me didn't feel real at all. I never expected to see him again after graduation.
I was smiling to myself while listening to him explain the device they were launching. He looked so passionate about it. After that portion, they allowed the reporters to ask questions. Pinasa ko na lang kay Kobs ang questions ko... pero natanong na rin ng iba kaya hindi na kami nakapagtanong. Limited time lang ang allowed.
Nang matapos ang event, nagligpit na kami at kinuha na ang kanya-kanyang gamit. Maaga ang flight namin kinabukasan kaya uuwi na rin kami kaagad sa hotel para magpahinga. Yori already left after the interview portion.
Seeing him was already enough for me. I wasn't longing for him... but I was happy to see him again. Kahit hanggang sa malayo lang ako. Masaya akong nakita ko siya ulit at nasigurado kong okay lang siya.
"Hindi mo pupuntahan?" tanong ni Kobs. "Ayaw mo siyang kausapin?"
"Huwag na. Hindi naman kailangan," nakangiting sabi ko habang nag-aayos ng gamit.
"Sure ka? Akala ko kasi pipila tayo sa kanya, eh," pagbibiro niya. Tumawa ako at pabirong hinatak ang buhok niya. "Hoy, wait lang, ah! Huwag kayong magmadali! Kumakain pa ako!"
"Okay. Kumain muna kayo. Lalabas muna ako para mag-restroom," paalam ko sa kanila.
Lumabas ako ng conference room, nakasuot pa rin ng ID. Ang sabi ko ay magre-restroom ako pero umakyat ako sa may roof deck para kuhanan ng picture 'yong city view. Ang gandang tingnan, lalo na't gabi. Mahangin na rin. Hinahangin ang buhok ko patalikod habang nakasandal ang mga braso ko sa railings, dinadama ang hangin.
Nagulat ako nang may magpatong ng coat sa may balikat ko.
"It's cold out here."
Napalingon kaagad ako kay Yori. Sinandal niya rin ang mga braso niya sa railings at lumingon sa akin. When our eyes met, his lips slowly formed a smile.
Eventually, the surprise on my face gave way to a smile. "Hi," I said.
Wow... He was so close. Kanina kasi, ang layo niya. He looked so much better up close, and I could smell his perfume. I could easily reach him with my hand.
Inayos niya ang coat niya na nakalagay sa balikat ko. Dahil tinanggal niya ang coat niya, naiwan na lang siya sa long-sleeved polo niya. Hindi ba siya lalamigin?
Habang inaayos niya 'yong coat ay bumaba ang tingin niya sa may ID ko. "Oh... I was covering the event." Tinaas ko ang ID ko para ipakita sa kanya at para mag-explain din kung bakit ako naroon.
"I know. I saw you." He smiled again and leaned against the railings. Pinagkrus niya ang braso niya habang nakatingin sa akin.
I didn't feel the awkwardness between us. Maybe it was because we were on good terms when we said goodbye to each other. It was like seeing an old friend.
But I missed him.
"Bakit ka nandito?" tanong ko naman, hindi pinapahalata ang iniisip ko.
"I was answering a call." Tinaas niya ang phone niya na agad din niyang binalik sa bulsa niya. He was getting a lot of business calls so he turned his phone off. "How long are you staying here?" Tinuon na ulit niya ang pansin sa akin.
"Uuwi rin ako bukas nang umaga."
Natahimik kaming dalawa. Dinadama ko lang ang hangin habang nakatingin sa mga building. Wow... What a life.
"Do you have plans after this?" he suddenly asked.
Humarap ako sa kanya at sinandal ang balikat ko sa may railings. Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" I asked, smiling. "Aayain mo ako mag-coffee?"
"Hmm..." He playfully looked up, acting like he was thinking about it. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.
"Oh, just ask me," sabi ko, nang-aasar.
"Okay... Do you want to grab some coffee?" He raised a brow.
"And then talk about life?" natatawang sabi ko.
The side of his lips rose. "Sure."
"Hindi ka ba busy? Sure akong marami kang appointment. You're so famous in your field," sunod-sunod na sabi ko. "Oh, I forgot to tell you. Sobrang proud ako sa 'yo! I saw you earlier, and I couldn't help but feel so proud-"
"I missed you."
Natigilan ako saglit at napaawang ang labi ko, hindi na natuloy ang sasabihin. Tuluyan na akong napangiti at umiwas ng tingin sa kanya. Why would he say that? My heart was beating so fast again.
"You read what I wrote in my graduation photo, right?"
Tumango ako sa kanya, hindi makapagsalita. I already memorized what he wrote there.
Nat,
This is probably not our time. Perhaps it's our fate to be separated from each other.
I'm leaving soon. There's a small possibility that we'll ever see each other again,
but I'm willing to make another deal with you.
If we win this game against our fate,
if neither of us has someone else yet,
and if we've both grown as individuals,
maybe we could try again.
Deal?
"Does the deal still stand?" nahihiyang tanong ko sa kanya, hindi na makatingin. "I think... na-check ko naman lahat ng boxes." I bit the insides of my cheek. I was so embarrassed but I couldn't stop smiling.
He licked his lower lip and looked away, laughing a little at my question. What? Totoo naman, ah. We saw each other again by fate, wala akong iba, and I already grew as an individual and became a better person. I checked all the boxes.
"Come here."
I walked towards him, and he pulled me in for a hug. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap ang mga braso ko sa baywang niya. He hugged me and carressed my hair.
"What's your answer?" he asked. "Don't think about anything else. I'll take care of everything... I just want to know how you feel about it."
Kumalas ako sa yakap at tumingala sa kanya. I couldn't help but smile while looking at him. His presence gives off a warmth that has always drawn me in, like a summer daydream.
Win against fate? No... I'm choosing to lose to fate.
I'm giving in.
"Deal."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro