Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32


"Ayoko na, Kye... Ayoko na. Ang sakit na." 

Iyak pa rin ako nang iyak sa dibdib ni Kye habang yakap-yakap niya ako gamit ang isa niyang kamay. Ang isa ay nakahawak sa payong para hindi kami mabasa ng ulan. He just let me cry on his chest, tapping my shoulder. 

"Kasalanan ko naman, eh. Alam ko 'yon... pero masakit pa rin." Mas lalo akong umiyak. "Hindi ko alam kung paano ako babangon..."

I could fix everything in my life... except this. I went to therapy to fix my attitude towards grades. I started practicing communicating more. I became closer to my family and friends. I had been trying to focus on my journalism career. I was trying to fix everything that was wrong with me. I was trying to fix everything that went wrong.

But not with Yori. I couldn't fix anything with him. Not anymore. A part of me wanted to tell me what I felt... but I did not want to sound pathetic in front of the man who already moved on. Mas okay nang isipin niyang pareho na kaming nakaahon mula sa pinagdaanan namin. Mas okay nang isipin niyang masaya ako ngayon, kahit hindi... kasi wala na siya sa buhay ko. 

I couldn't blame him. Loving me was tiring. It was exhausting. I did not treat him well. Masaya akong hindi na siya nasasaktan... pero masakit kasi hindi na niya ako mahal. I was conflicted between being happy for him and being hurt for myself. Wala naman akong sinisisi kung hindi ang sarili ko. It was all my fault... and the regrets won't go away. I chose to hurt the man who loved me the most. The man I prayed for. The man who, at some point, was willing to do everything for me... and now he wanted nothing to do with me anymore. 

"I'm sorry... kung nakikita mo 'kong ganito." Sinubukan kong punasan ang mga luha ko pero tuloy-tuloy lang silang tumulo. 

"Estella?" 

Natigilan ako at agad lumingon sa gilid ko nang makita si Yori na may dalang payong. He looked like he ran after me when he realized that it was raining and I didn't have an umbrella. Napatingin siya kay Kye at bumati rito. Agad akong umiwas ng tingin, ayaw ipakita sa kanyang umiiyak ako. Mabuti na lang at umuulan. 

"Oh... I thought you were walking home," sabi ni Yori. "You left your wallet." Lumapit siya sa amin at sumilong sa may waiting shed. Lumingon ako sa kanya at kinuha ang wallet ko.

"Thank you," mahinang sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko habang nakayuko. 

Natahimik si Yori. Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin. Umiwas kaagad ako sa kanya at hinawakan na ang braso ni Kye para ayain siyang umalis. 

"Estella... Are you okay?" 

Tumigil ako sa paglalakad. Lumingon din si Kye sa amin at hindi nagsalita. Hindi ako makatingin kay Yori dahil makikita niyang umiyak ako. Namamaga na siguro ang mga mata ko at namumula na ang ilong ko. 

"Oo naman! I'm okay!" I tried to sound happy and energetic. "Ingat ka pauwi."

Pagkatapos noon ay tumalikod na ako at sumakay na sa kotse. Nagpaalam pa si Kye kay Yori bago siya umikot sa driver's seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paalis kami. Pinupunasan ko pa rin ang luhang tumutulo sa mga mata ko kahit ayaw naman nilang tumigil. Nakatulog na ako habang pauwi, pagod na pagod ang mga mata. 

Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako. Binuhat siguro ako ni Kye dahil ayaw niya akong gisingin. Madaling-araw na 'yon kaya tumayo ako para maligo. Bumaba rin ako sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng yelo para sa mga mata ko. 

"Oh, gising ka pa?" Nagulat ako nang makita si Mommy pumasok ng kusina. Kukuha rin siya ng tubig at mukhang hindi pa natutulog kakatrabaho. "Huy..." Nagulat siya nang makita ang hitsura ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya para hindi niya mahalatang galing ako sa iyak, pero huli na dahil lumapit kaagad siya sa akin at niyakap ako. 

"What's wrong, my baby?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. 

Wala na, naiyak na naman ako dahil kay Mommy. Matagal akong umiyak sa kanya habang yakap-yakap niya ako, nagpapatahan. Her warmth eventually calmed me down. 

"Mommy... Paano ako magmo-move on?" Iyon ang tanong ko. 

Doon pa lang, naintindihan niya na kaagad kung bakit ako umiiyak. "Nat..." Bumuntong-hininga siya at inalalayan ako paupo sa may high chair sa kitchen island. "Hindi napipilit 'yan... It just happens. Gigising ka na lang na wala ka nang nararamdaman... pero minsan, traydor din sarili natin, eh. Kasi akala natin wala na... tapos kapag may nangyari ulit, babalik na naman lahat. Siguro iyon ang nararamdaman mo ngayon, pero hindi naman imposible. Ituon mo na lang ang pansin mo sa ibang bagay..."

"Ayaw ko na siyang isipin... Pero paano? Palagi kaming nagkikita. Ako na lang 'yong hindi pa nakakaahon sa aming dalawa. Gusto ko nang mawala 'to... Ayaw ko nang maramdaman 'to," umiiyak na sabi ko. 

"Gusto mo bang makipagbalikan sa kanya?" tanong niya.

"Ang unfair naman noon para sa kanya, Mommy. Sinaktan ko siya... Ngayong naka-move on na siya, ipipilit ko pa rin bang balikan niya ako?"

"Ikaw ang tinatanong ko, hindi siya. Ano ba talaga ang gusto mo?"

"I want to fix it... Pero wala na. Hindi na pwede. Tapos na kami..." 

"Siguro saka ka lang makakapag-let go kapag sinabi mo sa kanya 'yong nararamdaman mo... at kapag deretso niyang sinabi sa 'yong wala na talaga... Na hindi ka na niya babalikan kahit mahal mo pa rin siya." 

"Mommy naman, eh... Mapapahiya lang ako. Sinabi na nga niya sa aking wala na siyang nararamdaman para sa akin. Ako 'tong tanga na nasasaktan pa rin." 

I stayed in the house through the weekend, trying to distract myself. Naging masaya naman ako sa bahay dahil marami akong nakakausap. Noong Monday na, para akong hirap na hirap bumangon. 

"Okay, day one of trying to move on," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Ang plano ko ngayon ay iwasan siya! Hindi ako magpapakita sa kanya. Hindi ako makikipag-usap. Hindi ko siya papansinin. Wala! Wala na dapat siya sa utak ko ngayong araw! 

Iyon ang plano ko. Hindi na nga ako nag-library at naghanap na lang ng coffee shop kung saan pwedeng mag-aral. Sumasama na ako kina Kobs sa coffee shop para sabay-sabay kaming mag-aral at maggaguhan. 

Day one check. Hindi kami nagkita! Kaunting beses ko lang siya naisip buong araw. Iyong day one na 'yon... umabot hanggang day ten. Tuloy-tuloy lang ang progress ko. I was looking at the brighter side. Hindi na ulit ako masyadong nasasaktan kapag naiisip ko siya. Siguro kasi hindi ko na talaga siya nakikita.

"Happy Valentine's Day!" masayang bati ko kina Kobs at binigyan sila ng tig-iisang bouquet. Dahil wala naman akong mareregaluhan ay mga kaibigan ko na lang. 

"Nat, tawag ka ng mga pogi sa labas," pang-aasar ng kaklase ko.

Tumayo ako, alam na kung sino 'yon. Napangiti ako nang makita si Seven at Lyonelle. Nakasuot sila ng pang-training nila. Naka-jersey pa si Seven at naka-team jacket at shorts si Lyonelle. Since competition season nga ay palagi na silang busy. 

Seven gave me a bouquet of Ecuadorian roses, and Lyonelle gave me a bag full of chocolates. Napangiti ako at niyakap silang dalawa. Walang lumipas na Valentine's day na hindi nila ako binibigyan ng kahit ano. Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'yon. Elementary pa lang kami ay may binibigay na sila sa akin. 

"Happy Valentine's day! Don't be sad today, okay?" Pinisil ni Lyonelle ang pisngi ko. 

"I spent so much money on that bouquet, so don't you dare cry today," pagbabanta ni Seven sa akin.

Tumawa ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. I was so sure they would put ten times the effort for their partners. Nakatanggap din ako ng ibang bulaklak at chocolates galing sa ibang lalaki kaya hindi na natigil si Kobs kakaasar sa akin. 

"Wala pa rin akong ka-date today. Ang dami ngang nagbigay, wala namang nag-aya makipag-date!" reklamo ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria. 

"Honey!" Napatakip kaagad ako sa tainga ko at umaktong wala akong naririnig. Nakakahiya at ang lakas pa ng boses niya sa hallway papuntang cafeteria! 

"Huwag n'yo pansinin 'yon. Hindi ko siya kilala," sabi ko kina Kobs nang lumingon sila. 

"Honey, I have something for you!" Napahinto na lang ako nang pumunta sa harapan ko si Clain at inabutan ako ng bouquet. Napasapo ako sa noo ko, ayaw tanggapin 'yon. Nakakahiya! Bwisit naman! 

"Thanks." Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin na lang 'yon para matapos na. 

"Okay, I'll go back to training now. Be happy today!" sigaw niya habang tumatakbo palayo. Napailing na lang ako at hinatak na ulit sina Kobs papasok sa cafeteria. 

Pagkatapos ng klase namin buong araw ay dumaan ako sa restaurant malapit sa school para kumain ng dinner mag-isa. Wala naman akong ka-date kaya mag-isa na lang akong kakain. Dala-dala ko lahat ng binigay sa akin kaya nahirapan akong bitbitin 'yon. Ang dami ko ngang natanggap, mag-isa pa rin naman ako at the end of the day. 

Napabuntong-hininga na lang ako habang nagtitingin ng menu. Nang makapili na ako ay tinaas ko ang kamay ko at naghanap ng waiter. Sa kakahanap ko, nagulat ako nang makita si Yori sa kabilang table! 

Shit. Day ano na ba, Nat? Huwag kang magpapaapekto!

Umakto akong hindi siya nakita at nag-order na lang nang may lumapit na waiter. "Isa po nito..." Tinuro ko 'yong ramen. Nakita kong napatingin sa gawi ko si Yori pero umiwas kaagad ako ng tingin at umaktong nagtitingin ng menu. "Iyon lang pala. Thank you." 

Nang tumayo ang kasama niya at pumuntang restroom ay saka ko lang napansing si Jap pala 'yon. Napatingin ako sa lamesa nila at nakita ang mga regalong natanggap din ni Yori. Umiwas kaagad ako ng tingin at umaktong nagse-cellphone. 

Good job, Nat. Ipagpatuloy mo lang. Huwag ka nang lumapit o makipag-usap sa kanya.

"Estella?" Napatalon ako sa kinauupuan ko nang tawagin ako ni Jap. "Oh, Estella! Mag-isa ka?" Naghanap pa siya ng kasama ko.

Obvious ba, Jap? 

"Oo..." nahihiyang sabi ko. Ano ba 'yan. Halatang single ako. 

"Ah... Sige, eat well." Ngumiti siya sa akin bago tumalikod at umupo sa tapat ni Yori. Napatingin ulit ako kay Yori na mukhang nakikipagtalo na kay Jap. "Don't... I swear," bulong ni Jap pero dahil malapit lang ang table nila ay naririnig ko pa rin. Tinaas ni Yori ang kamay niya para magtawag ng waiter at napasapo naman sa noo niya si Jap.

Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha na lang ulit ang menu para magtingin ng dessert. Hindi pa nila kinukuha, eh. Nakalimutan siguro. 

Habang nagtitingin ako ay napansin kong may spice level pala iyong ramen na kinuha ko. Mahina ako sa maanghang. Minsan, kumakain naman ako, pero kaunti lang. Tinaas ko kaagad ang kamay ko para tawagin ang waiter.

"Hello, pwede pong huwag masyadong spicy 'tong ramen?" tanong ko sa waiter. 

"Ah, okay na po, Ma'am."

"Po?" Kumunot ang noo ko. Ano raw? 

"Nasabi na po noong kasama n'yo." 

"Kasama?" May nakikita ba si Kuya na hindi ko nakikita? Natakot naman ako! Mag-isa lang naman ako sa table! 

"Ay, hindi n'yo po ba kasama sina Sir sa kabilang table? Sorry po. Kausap n'yo po kasi sila kanina." Napakamot siya sa ulo niya. 

"Ah, sige po. Okay na po. Thank you." Napatakip ako sa gilid ng mukha ko nang makaalis ang waiter para itago ang hitsura ko. What the fuck! Iyon ang gusto kong sabihin! Iniiwasan na nga kita! Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to, Yori?! 

Nang dumating ang pagkain ko ay mabilis kong inubos 'yon para makaalis kaagad. Masuka-suka na ako dahil sa busog at sa bilis kong kumain. Nang masimot ko na pati ang sabay ay nagbayad kaagad ako at tumayo na, dala-dala lahat ng regalo sa akin. Hindi ko pinansin si Yori at tuloy-tuloy lang lumabas nang hindi nagpapaalam. 

Noong kinagabihan, I tried my best to distract myself. Hindi pwedeng bumalik sa day one! Hindi ko siya pwedeng isipin ulit kaya nag-aral na lang ako at gumawa ng mga paper. Lahat ng pwedeng gawin ay ginawa ko na! Napatingin ako sa orasan nang makaramdam ako ng antok. Ten P.M. na pala. Tumayo ako at nag-inat-inat. 

Natigilan ako nang mag-ring ang phone ko. "Huh?!" Napakurap ako para maniguradong hindi ako namamalik-mata.

Yoritsune is calling...

Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot. Napaubo pa ako saglit. "Hello?"

"Hello, good evening..." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng babae.

Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. I checked the number again. It was his number. Bakit... Bakit iba ang nagsasalita? Don't tell me...

Bago niya?

"Sorry po kung nakakaistorbo. Pinindot ko lang po 'yong emergency contact ni Sir. Nasa clinic po siya ng dormitory. Ipapasundo ko lang po kasi may sakit po siya at wala po siyang kasama sa dorm kaya wala pong magbabantay. Baka kung ano po kasi ang mangyari..." 

"Wait... Wait lang po!" Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nagmamadaling nagsuot ng jacket. Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng condo ko pati ang wallet ko. "Papunta na po!" 

Binaba ko na ang tawag at tumakbo pabalik sa campus. Nakasuot pa ako ng pantulog na shorts at sando. Mabuti na lang at nagdala ako ng jacket. Doon ako dumaan sa gate malapit sa mga dormitory at nagtanong-tanong kung nasaan ang clinic. 

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa clinic. Nakita ko si Yori na nakahiga roon at nakapikit ang mga mata. Pinagpapawisan siya at mukhang nanghihina dahil namumutla rin. 

"Hello po. Ako po 'yong tinawagan n'yo..." 

Saka ko na iisipin kung bakit hindi pa rin niya ako inaalis sa emergency contact niya! Alam kong ako talaga ang nakalagay roon noong kami pa. Hindi pa rin pala niya naaalis. Nakalimutan niya siguro. 

"Ayun po si Sir. Pa-fill out na lang po nito. Ayaw po kasi niya mag-stay rito. Gusto raw po niyang umuwi..." sabi noong babae. 

Pagkatapos kong asikasuhin 'yong form ay pumunta na ako kay Yori at ginising siya. Bahagya niyang binuksan ang mga mata niya at nagulat pa nang makita ako. 

"Ah... Shit," bulong niya nang ma-realize niya kung bakit nandoon ako. "Sorry. I forgot..." Dahan-dahan siyang umupo at kinuha ang mga gamit niya. "You can go." 

"Hindi pwede. Wala raw ang ka-dorm mo. Akin na ang phone mo. Tatawagan ko 'yong Ate mo..."

"She's in Japan." 

Pinilit niyang tumayo at muntik pang matumba kaya inalalayan ko siya palabas ng clinic. Nagpasalamat pa ako roon sa nurse habang hawak ko si Yori sa baywang. Inakbay ko ang braso niya sa akin para hindi siya matumba. 

"Si Jap... Akin na. Tatawagan ko. Nasaan ang phone mo?" 

Hindi na siya nakasagot at napapikit na lang. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na nga siyang natumba sa akin. Napaupo kaming dalawa sa may hagdanan habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero nakatulog na 'ata siya. Tiningnan ko naman kung humihinga pa siya at okay naman. Nanghihina lang talaga siya. 

Hinanap ko ang phone niya at sinubukang buksan iyon gamit ang Face ID niya. Pagkatapos ay nag-scroll ako sa contacts niya. Kaunti lang ang naroon kaya hindi ako nahirapang hanapin ang pangalan ni Jap. 

Kaso hindi siya sumasagot! Nakailang tawag ako pero wala! Mukhang natulog na! Napasapo ako sa noo ko at napabuntong-hininga na lang. 

"Tara na." Tinulungan ko siyang tumayo at dahan-dahan na lang kaming naglakad pabalik sa condo ko. Bawal ko naman siyang ihatid sa dorm niya dahil lalaki lang ang pwede roon. 

Pagod na pagod ako at hingal na hingal nang makarating kami sa condo. Iyong pawis ko! Ang sakit din ng binti ko dahil ang bigat ni Yori! Hiniga ko kaagad siya sa kama ko at tinanggal ang sapatos niya. Pagkatapos ay lumabas ulit ako para magbasa ng towel at bumalik sa kwarto para punasan siya. 

Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya at nilagyan siya ng malamig na towel sa noo. Kumuha rin ako ng thermometer at kinuha ang temperature niya. 38.6.

Pinainom na siya ng gamot doon kaya ang bilin sa akin ay painumin na lang ulit siya sa mga nakasulat na oras. Binigyan nila ako ng papel at gamot. 

Naghanap ako ng oversized sweater na ninakaw ko kay Kye dahil mukhang nilalamig si Yori. "Upo ka... Magpalit ka muna. Ito ang suotin mo." Tinulungan kong makaupo si Yori at nakapikit kong hinubad ang shirt niya. Pagkatapos ay mabilis kong sinuot sa kanya ang sweater at pinahiga ulit siya. 

Hinayaan ko muna siyang matulog. Naligo ulit ako at naghanda na rin para matulog. Hindi ako tumabi sa kanya. Kinuha ko lang ang maliit kong upuan at dinala sa tabi ng kama. Kinuha ko ulit ang towel at binasa iyon para punasan ulit siya, pinapababa ang temperature ng katawan niya. Pagkatapos ay tumayo ulit ako para basain iyon ng malamig na tubig at nilagay sa noo niya.

Hindi ko na napansing nakatulog na pala ako habang nakaupo. Iyong braso ko ay nakadukmo sa may kama at doon nakasandal ang ulo ko. Nagising lang ako dahil tumunog na 'yong alarm ko para sa gamot ni Yori. Antok na antok pa ako pero tumayo na ako at kinuha ang gamot sa gilid. Kumuha rin ako ng tubig at bumalik para gisingin si Yori.

"Kailangan mo uminom ng gamot..." mahinang sabi ko nang kumunot ang noo niya habang nakapikit. Inalalayan ko siyang umupo. Nakapikit pa siya nang kuhanin niya ang gamot sa palad ko. Pagkatapos ay pinainom ko siya ng tubig habang ang isang kamay ko ay nasa baba niya para hindi matapon ang tubig. 

Pagkatapos noon ay pinatulog ko na ulit siya. Mayamaya, gumising ulit ako, madaling-araw pa rin, para palitan ulit ang towel na nasa noo niya at para tingnan ulit ang temperature niya. Bumaba naman nang kaunti pero nilalagnat pa rin siya. 

Nakatulog ulit ako habang nakadukmo sa kama, pero pagkagising ko ay nasa kama na ako, nakahiga mag-isa. Napabangon kaagad ako nang ma-realize na wala na si Yori. Napabuntong-hininga ako at pumasok na lang ng banyo para maghilamos. 

"Pucha," gulat na sabi ko at napahawak pa sa dibdib ko nang makita ko si Yori na nakatayo at nakasandal ang siko sa may kitchen island, umiinom ng juice. "Bakit tumayo ka na? May sakit ka pa."

Lumapit ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa noo niya. Nakatitig lang siya sa akin habang pinapakiramdaman ko kung may sakit pa siya. 

"Wait nga." Aalis na sana ako para kuhanin ang thermometer nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako. Napalingon ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya. 

"Thank you." He gave me a small smile. "And I'm sorry for the trouble. I forgot to change my emergency contact." 

"Okay lang." Umiwas ako ng tingin at binawi kaagad ang palapulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya. "Sorry din. Hindi ko alam kung saan ka dadalhin. Hindi rin sumasagot si Jap, tapos sabi mo nasa Japan 'yong Ate mo kaya... Dito na lang kita dinala," pagpapaliwanag ko, kinakabahan. 

Somehow, we ended up celebrating Valentine's Day with each other. Nakakabaliw rin 'tong universe na 'to, eh. Sinusubukan ko na ngang lumayo, tapos ito na naman... Back to zero na naman. Ano pa ba ang gagawin ko? Sundin ko na lang kaya ang sinabi ni Mommy at aminin kay Yori ang nararamdaman ko?

Selfish... pero kailangan kong gawin 'yon para umusad. Saka lang siguro ako matatauhan kapag sinabi niya na sa akin nang deretsuhan at harap-harapan na wala na talaga kaming chance. Na hindi na niya ako babalikan. Na wala na siyang pakialam sa akin. 

Pero paano ko sasabihin 'yon? Siguro kailangan ko ng timing. Sige... Hindi ko na muna siya lalayuan. I-reschedule muna 'tong pagmo-move on ko. 

"Breakfast! Dito ka muna. Magluluto lang ako." Agad akong naghanap ng pagkain sa ref. Mabuti na lang at may pancakes pa. 

"I got it. Just sit down." Pumunta sa likod ko si Yori at inabot iyong box ng pancakes na kukuhanin ko dapat. Napalingon ako sa kanya, pero agad din akong lumayo nang mapansing ang lapit ng mukha niya sa akin. Hinayaan ko na lang tuloy siyang magluto! 

Kinuha ko ang thermometer at kinuha ang temperature niya habang nagluluto siya. Nagulat pa siya at napakamot sa tainga niya. 37.6. Okay na, kaso baka lumala na naman kapag nagpakapagod siya. Nag-aalala tuloy ako habang pinapanood siyang magluto. 

"Kaya ka siguro nagkasakit dahil sa sunod-sunod na events mo," sabi ko habang nakaupo sa may kitchen island. Nakatalikod siya sa akin dahil nagluluto. "Take care of yourself. Kumain ka nang maayos at magpahinga ka." 

Napansin kong natigilan siya saglit sa sinabi ko, pero agad ding pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko kasi makita ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya. Was that too much? Was I crossing the line? 

"I will... Thanks," maikling sabi niya. 

Habang nagluluto siya ay naligo na muna ako. Nagsuot na lang ako ng shorts at sando at nagpatuyo ng buhok. Nang marinig kong naghahain na siya ng plato ay lumabas na ako ng kwarto at tinulungan siya.

"Ako na." Nabunggo ko siya nang kaunti at kinuha ang plato mula sa kamay niya. Hindi na siya nakapagsalita at hinayaan na lang ako. 

Umupo siya at umupo naman ako sa tapat niya. Tiningnan ko ang pancakes na nakahain sa gitna namin. Ah, may kulang. Tatayo na sana ako para kumuha ng syrup at butter kaso naunahan niya ako. He moved around my condo like he lived there. Sa dalas niya rito noon, alam niya na rin kung saan nakalagay lahat ng mga gamit. Minsan nga, mas alam niya pa kaysa sa akin. 

Kumuha siya ng maple syrup at butter saka nilapag sa table. Ah... Chocolate syrup 'yong nilalagay ko sa pancakes. Tatayo na sana ulit ako nang mapansin kong hindi pa siya tapos. Kumuha siya ng chocolate syrup sa ref at nilapag din sa table. Natahimik ako. It was weird. He was like a stranger who knew everything about me. 

"I just realized I haven't asked you this question yet... How are you?" tanong niya habang kumakain kami. 

"Okay naman... I've been, uh, going to therapy. I think I'm really better now. I can handle things better now... Hindi na ako anxious sa grades ko. I'm also okay with losing now. I just realized that when we lost the journalism competition. Okay naman ako. I don't even bite my nails anymore. I've been better." I didn't know why I was so nervous while explaining those things to him. 

His lips unconsciously formed a small smile while he was looking down at his plate. 

"That's good. I'm happy for you... But why were you crying that day?" 

Muntik ko nang madura ang kinakain ko sa gulat. Hindi ko inasahang maaalala niya pa 'yon, at hindi ko rin alam na nakita niya palang umiiyak ako! I really tried my best to look okay in front of him that day! Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihing dahil sa kanya 'yon! 

"Uh, wala. I just received some... sad news," palusot ko. "It was about... uh... Lyonelle," I lied again. Sorry, Lai. 

Tumango lang siya sa akin at hindi na nagsalita. Pagkatapos namin kumain ng breakfast ay nagpaalam na siya sa aking uuwi na siya dahil mag-iimpake pa siya. May international competition siya kinabukasan. 

"Kakagaling mo lang sa sakit. Take it easy, Yori," sabi ko nang ihatid ko siya sa may pinto. "And... Good luck. Congratulations na kaagad." I smiled at him. 

"Thank you, Estella. I'll see you around," paalam niya. 

Pagkasara ko ng pinto ay may bigla akong naalala. Tumakbo kaagad ako sa kwarto ko at binuksan ulit ang pinto. Nakita kong naglalakad na siya sa may hallway.

"Yori!" tawag ko. Natigilan siya at lumingon sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. Lumabas ako ng pinto at hinabol siya. Nakasuot pa ako ng house slippers. 

Inabot ko sa kanya ang isang bouquet of roses at dalawang box ng chocolates. I bought a bouquet and chocolates for my friends. Napasobra lang. Wala naman akong gagawin doon kaya sa kanya na lang.

"Belated Happy Valentine's Day," bati ko at agad tumakbo pabalik sa condo, hindi na hinintay ang sasabihin niya. Narinig ko lang ang tawa niya bago ko isara ang pintuan. 

Pagkasara ko ng pintuan ay agad akong tumalikod at napahawak sa puso ko. Para akong mahihimatay sa bilis ng tibok ng puso ko! 

The next week, bumalik na ako sa pag-aaral ko sa library. Hindi na kinakaya ng pera ko ang palaging nasa coffee shop, at madalas ay nakikipagdaldalan din ako kina Kobs kaya wala akong natatapos. Nakakatawa kasi hindi naman ako ganoon. Dati, I wouldn't talk to people while studying. Kahit kausapin ako ay hindi ko papansinin dahil ayaw kong nabe-break ang focus ko. 

Ngayon, mas relaxed na ako. Hindi naman sa pinapabayaan ko ang pag-aaral ko pero hindi na ako nagpapakalunod sa pag-aaral. I had a life outside academics and competitions. Dumating din ang araw na hindi na ako nagi-guilty tuwing nagpapahinga ako. 

"Good morning!" bati ko kay Yori at ngumiti nang umupo ako sa tabi niya sa may library.

He looked at me and gave me a small smile. "Good morning," bati niya. Nakasuot siya ng headphones kaya hindi ko na siya ginulo. Nag-aral na lang ako habang naghihintay sa klase ko.

Twenty minutes before my next class, I stood up and got my things. Tinapik ko ang balikat niya at kumaway na lang para magpaalam. Tumango naman siya sa akin bago bumalik sa pag-aaral. 

And that happened more often. Tuwing nakikita ko siya sa library o sa campus ay binabati ko siya. Binabati naman niya ako pabalik at sabi naman niya dati ay okay lang na batiin siya. 

Nag-inat ako nang matapos ko ang sinusulat kong script for broadcasting. Napagod ako kaya nagpahinga muna ako. Lumabas ako at bumili ng inumin sa may vending machine. Naalala ko bigla si Yori habang bumibili ako ng inumin. Kinuha ko ang note pad sa bulsa ko at nagsulat doon ng 'congratulations!' dahil nanalo pala sila sa e-games competition sa buong Asia. 

Nang madaanan ko ang table ni Yori ay nilapag ko roon ang inumin at tuloy-tuloy lang naglakad papunta sa pwesto ko. Nasa bandang dulo kasi siya at nasa bandang gitna naman ako. Hindi kami magkatabi. 

Nagulat ako nang may nag-notif sa phone ko. 

y_tsune: Thank you.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Ni-like ko iyong message niya bago ako nag-type ng ire-reply.

nataleigh: study well :)

Hindi na siya nag-reply pagkatapos noon. Isang oras pa ang lumipas bago ako nagdesisyong umuwi na. Niligpit ko na ulit ang gamit ko at naglakad na palabas. Wala na si Yori doon sa pwesto niya kaya ibig sabihin ay nauna na siyang umalis. 

Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Yori na nakasandal ang mga braso sa may balcony ng library building habang iniinom 'yong bigay ko. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi ko na siya ginulo. 

Noong weekend ay nag-aya ng reunion ang mga kaklase ko noong high school kaya naman pumunta ako. Na-miss ko rin sina Caitlyn at Ollie. Alam na nila 'yong nangyari sa amin ni Yori kaya sabi ko sa kanila ay huwag na lang kaming aasarin. 

Sa magkalayong upuan nila kami pinwesto. Nasa restobar lang kami para magkwentuhan. Naka-rent ang buong restobar dahil tatay ng kaklase ko ang may-ari noon. 

Katabi ni Yori si Jap at nagkekwentuhan silang mga boys doon sa kabilang side habang ako ay kakwentuhan sina Caitlyn at Ollie. I was sure everyone knew about our breakup already but they never opened up the topic. Mabuti na lang talaga at sinusubukan nilang hindi gawing awkward 'tong reunion. 

Habang nakikipagkwentuhan ako ay nagulat ako nang may kumalabit sa balikat ko. Lumingon kaagad ako at nakitang nakatayo sa likod ng upuan ko si Yori. Napatingala tuloy ako sa kanya.

"You have alcohol?" mahinang tanong niya.

"Ah, wait." Everyone was too busy talking to each other, so they didn't notice us talking. Kinuha ko ang alcohol sa bag ko at nag-spray sa mga kamay niya. Alam niya kasing palagi akong may dala. 

"Thank you," sabi niya at bumalik na roon sa pwesto niya. Napakunot ang noo ni Jap at sinundan ng tingin si Yori, mukhang nainis. Jap said something to him but Yori just shook his head and laughed. Narinig ko pa ang mura niya pero sa ibang lengwahe. 

"Ayoko na, Ollie. Malalasing ako, promise," pigil ko kay Ollie nang magsalin na naman siya ng soju sa baso ko. 

"Drinking game nga, eh! Malamang iinom!" sabi naman niya sa akin. "Sige na! Ihahatid naman nila tayo pauwi!" 

"Nat, wala ka bang marereto sa akin diyan?" Napanguso si Caitlyn. "Iyong mga taga-broadcasting! Wala ba roon?" 

"Wala. Kita mong pati nga ako ay walang makita, oh!" reklamo ko rin. "Paano kita reretuhan? Kung may marereto man ako, ako muna! Irereto ko sa sarili ko!" 

"Omg, hanap kaya kita, Nat? Marami akong friends na palaging nagtatanong kung single ka!" excited na sabi ni Ollie at kinuha ang phone niya para mag-scroll sa Instagram. 

Kinuhanan niya ako ng picture para sa Instagram story niya at ngumiti naman ako. Pinost niya ako sa Instagram, nagtatanong kung sino ang interested. Nagtatawanan kami roon nina Caitlyn habang naghihintay ng mga reply. 

Lumayo muna ako at pumunta sa kabilang side ng table para makipagkwentuhan sa isa kong kaklase. "Oh my gosh, Nat! Ang dami nang may interested sa 'yo! Tingnan mo 'tong friend ko, pogi 'to!" sigaw ni Ollie dahil nga malayo ako. 

"Wait!" Nagmamadali akong bumalik sa pwesto nila para tingnan. Sama-sama kaming girls na  nagkumpulan para tingnan iyong mga nag-reply. Dahil nga may mga tama na ay tuwang-tuwa kami sa lahat ng bagay. 

"Go mo na, Estella!" sabi pa ni Veena. "Pogi, oh! Matangkad din!" 

"Patingin nga..." sabi ko pero wala naman talaga akong balak maghanap. Nagtitingin lang ako.

"Hoy, magsi-inom na nga kayo! Ano b'ang pinagkakaabalahan n'yo diyan?" tanong ng isa naming kaklase sa side nina Yori. 

"Hinahanapan namin si Nat ng-" Natigilan bigla si Caitlyn nang ma-realize na naroon si Yori. Hindi na niya tinuloy at nag-aya na lang siya na umupo na kami. 

Tawa lang kami nang tawa habang umiinom at nagreretuhan ng mga kakilala. Unti-unti na akong nahihilo. Nagulat ako nang may maglagay ng kamay sa may bandang noo ko. My head fell back. Napatingala ako kay Yori na nasa likod na ulit ng upuan ko. Pabaliktad tuloy ang tingin ko sa kanya.  

"Yes?" tanong ko, nakangiti. 

"You're drunk. Is your brother picking you up?" mahinang tanong niya para hindi marinig ng iba. 

"Hindi!" Umayos ako ng upo at lumingon na lang sa kanya dahil nangangawit na ang leeg ko. "Ayaw ko na siyang guluhin. Baka mag-book na lang ako." 

"Yori, bumalik ka na rito!" sigaw ni Jap bigla. 

Tumango lang siya at naglakad na pabalik doon sa pwesto nila. Nang lumingon ako pabalik kina Ollie ay nakita kong nakatitig na sila sa akin. Pinapanood pala nila kami! Napaiwas ako ng tingin at ininom na lang ang shot ko. 

"Hindi ko rin alam, okay?!" sabi ko na lang sa kanila. 

Nakailang bote pa kami bago napagdesisyunang mag-KTV. Nagsitayuan kami at kinuha ang mga gamit dahil lilipat kami ng venue. Hindi na ako makapaglakad nang maayos at natatanggal pa ang heels ko.

"Nat, dali!" sabi ni Ollie na hindi na rin makalakad nang maayos. Magkaakbay sila ni Caitlyn at nauuna silang maglakad.

"Wait!" Yumuko ako para ayusin ang heels ko. Dahil nga nahihilo na ako ay nainis na ako at tinanggal na lang ang heels ko. Nakapaa na lang akong naglakad. Nang makita ako nina Jap ay agad nila akong pinagalitan.

"Hoy, baka may bubog diyan, Estella!" sabi ng kaklase kong lalaki. Tumigil tuloy ako sa paglalakad. 

"Tsk... Buhatin na nga 'yan," sabi ni Jap. 

"Ako na," sabi ni Yori. Nagsalubong na naman ang kilay ni Jap at hinawakan sa braso si Yori. Tumingin sa kanya pabalik si Yori at mukhang nag-uusap sila gamit ang mga mata.

"Sila na lang. Kaya na ni Jim 'yan." 

"It's fine, Jap. It's okay," Yori said. Hindi ko alam kung ano b'ang ibig sabihin ng pinag-uusapan nila. Nakatayo lang ako roon at sinusuot ulit ang heels ko.

Nagulat ako nang lumuhod si Yori sa harapan ko at kinuha ang heels ko. Pagkatapos ay hinubad niya ang jacket niya at tinali sa baywang ko bago ako sumakay sa likod niya. Nakasuot kasi ako ng palda. 

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Yori, nakapikit. "Kaya mo pa ba?" tanong niya habang naglalakad. "Umuwi ka na kaya?" 

Umiling ako. "Gusto ko mag-KTV! Sorry... Pinahirapan pa kitang magbuhat." 

"I'm just returning the favor." Naalala ko iyong pag-alalay ko sa kanya mula campus hanggang sa condo ko noong may sakit siya. Ah... Kaya pala niya ako tinatrato nang ganito. Ayaw niya lang palang may utang na loob sa iba. 

"Yori... Can I say something?" 

"You are already saying something." 

Hinampas ko ang balikat niya. "I just want to say... that I'm genuinely happy for you and your achievements. I feel so proud... tuwing nakikita kong nananalo ka. Iyon lang naman sasabihin ko." 

Natahimik siya bigla at bumagal ang paglalakad niya. Mga nakailang hakbang pa siya bago siya tumigil sa paglalakad at napabuntong-hininga. 

"Huy... Naiiwan na tayo," sabi ko. Nauuna nang maglakad ang mga kaklase namin. 

"Nat..."

Napaawang ang labi ko nang tawagin niya ang pangalan ko. 

"Why are you doing this to me?" mahinang tanong niya. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro