Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31


"Merry Christmas!"

It was December 27. Tapos na ang pasko pero may pahabol na Christmas party kasama ang mga kaibigan nina Mommy. Naging yearly tradition na 'to, na dapat may Christmas party kaming magkakasama. Masaya ako kasi marami akong nauuwing pera galing sa Christmas party pagkatapos. Iba nga lang ang Christmas party ngayong taon dahil may mga dalang chicks sina Seven at Lyonelle. 

"Tahimik mo naman..." Umupo ako sa tabi ni Icelle, 'yong kinakabaliwan ngayon ni Lai. Kanina pa siya nakaupo lang sa may sofa at nanonood sa mga palaro namin. She was a known figure skater. Nagte-training siya ngayon under kay Ate Avi. "Kumuha ka na ng food?" 

Tumango lang siya sa akin at awkward na ngumiti. Hindi talaga siya mahilig magsalita. Kabaliktaran ko talaga 'to, eh! 

"Ice, oh! Nanguha ako ng slice ng cake, pero hindi ko maubos. Share na lang tayo!" Lumapit si Alia na may dala-dalang maliit na plato. May malaking slice ng chocolate cake doon. 

Napatitig nang matagal si Ice doon, hindi alam ang sasabihin. Nagkatinginan kami ni Alia, nag-uusap gamit ang mga mata namin. Parang malalim ang dilemma niya at hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. 

"Thank you... But I can't," iyon na lang ang sinabi niya at ngumiti nang tipid. 

"Ah... Hindi ka ba nagugutom? Kanina kapiranggot lang 'yong kinain mo! Sure ka ba?" nag-aalalang sabi ni Alia.

Napatitig ako kay Icelle at sa reaksyon niya. Nang makitang nahihirapan siyang magsalita ay ako na lang ang kumuha ng isang tinidor. "Tayo na lang ang mag-share!" sabi ko kay Alia. "Baka bawal sa kanya kasi diet siya! Ako, hindi ako nagda-diet! He-he!" 

Pagkatapos kong kumain ng cake ay sumali naman ako sa palaro nila. Ang kalaban ko talaga palagi sa first place ay 'yong kapatid ni Seven na si Kiel. Buset na batang 'yon! Inaagawan ako ng premyo! 

"Wala bang quiz bee diyan?" reklamo ko.

"Luh, lugi!" reklamo rin kaagad ni Kiel. "Ang tanda-tanda mo na! Dapat nga hindi ka na kasali!" 

"Wow, may age limit ba, huh?!" Binatukan ko siya. Binatukan niya rin tuloy ako! Napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala. "Aba, gumaganti ka na, ah!" Binatukan ko siya ulit. 

"Kuya, oh! Si Ate Nat!" pagsusumbong niya kaagad kay Seven. "Binatukan ako! Ang sakit, parang nabali leeg ko!" Umakto pa siyang nasasaktan at humawak sa leeg niya. 

"Sobra mo nang O.A.," sabi ko naman sa kanya. "Hindi ka na nahiya sa sister-in-law mo!" turo ko pa kay Alia.

"Bakit? Sila ba nahihiya kapag naglalandian sila sa harapan ko?!" reklamo niya rin. 

"I feel you..." sabi naman ni Kye. "Ah, wala nga pala siyang boyfriend." Tumingin siya sa akin, hindi ko alam kung nang-aasar o talagang nakalimutan niya lang dahil wala siyang emosyon sa mukha niya! 

Noong dumilim na, ayan na... Nagsimula nang lumabas ang mga alak. Kahit hindi na minor sina Kye ay hindi pa rin sila pinayagang uminom. Hindi rin naman nila gusto at mas gusto nilang maglaro na lang sa game room ng video games kaya nawala rin sila sa living room. 

Kumuha ako ng yelo sa kusina para sa beer namin sa table. Pagkabalik ko ay nakita kong katabi na ni Seven si Alia at katabi ni Lai si Ice. Natigilan ako saglit habang pinapanood ko sila. Hay... Napangiti na lang ako nang tipid bago lumapit at nilapag ang ice bucket. 

"Bawal ang sweet sa harapan ko," pagbibiro ko sa kanila bago umupo. 

"Ah, okay!" Sumunod naman kaagad si Alia at tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Seven. Napakunot tuloy ang noo ng isa at tumingin sa akin na parang sinisisi niya ako. Ngumiti si Alia at inurong pa ang upuan niya para mas malapit sa akin at hindi kay Seven. Ang masunurin naman nito. 

"Ice won't drink much," sabi ni Lai, ang spokesperson ni Icelle. Okay, si Seven at Ice ay hindi masyadong umiinom. Kami nina Alia at Lai ang mga okay lang na malasing. 

Naglaro kami ng games para mas mapabilis ang ikot ng shots namin. Nang ma-bored ay nagkwentuhan na lang kami habang chill na umiinom... kaso 'yong chill na 'yon, parang nakakahilo na. Tumayo ako saglit para pumuntang C.R. 

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ako sa table na 'yon dahil ang sakit sa mata ng mga sweet moments nila! Napailing na lang ako at naghugas ng kamay sa C.R. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at tiningnan ang hitsura ko. 

"Marami namang iba diyan, eh... Maganda ka naman," sabi ko sa sarili ko. 

Nilabas ko ang phone ko at tiningnan ang messages ko. Puro mga kaibigan ko lang na bumabati pa rin ng Merry Christmas pero hindi ko pa nare-replyan. Sa kaka-scroll ko, nakita ko ang dating conversation namin ni Yori. Hindi ko mapigilang buksan 'yon at mag-scroll pataas. 

I sighed while reading all the sweet messages he sent me. Because of me... Nawala lahat ng 'to. I had a lot of regrets in our relationship... but it wasn't like I could still fix it. Kailangan ko na lang talagang mag-move on. Marami pang iba diyan. 

Tama... Marami naman talagang iba diyan... pero hindi sila si Yori

Naghugas ako ng mukha para hindi ako maiyak dahil nararamdaman ko nang naluluha ako. Pagkalabas ko ng pinto, nakasalubong ko si Ice na mukhang hinahanap ang C.R. Ngumiti ako sa kanya at tinuro ang pinto.

"Did you cry?" tanong niya bigla kaya natigilan ako. 

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hindi, ah! Bakit naman ako iiyak? It's Christmas!" masayang sabi ko. 

She was staring at me for so long like she was trying to read into my emotions. Na-conscious tuloy ako at umiwas ng tingin. 

"I'm not good at comforting people..." panimula niya. Natawa tuloy ako roon. "But... If you want to let it out... I think I'm a good listener." 

I gave her a genuine smile. "Thank you... I'll keep that in mind." Iyon na lang ang sinabi ko bago ako naglakad paalis. 

Bumalik ako sa inuman na parang walang nangyari. Nag-inom lang kami hanggang sa malasing na kami ni Alia. Ang hirap lasingin ni Lai kaya hindi na ako nangarap na malalasing ko siya. Tumayo na si Seven at nagpaalam na dahil nga lasing na girlfriend niya. 

"KJ!" sigaw ko. Napalingon tuloy si Daddy sa akin mula sa malayong table. "Ah, hindi ikaw, Daddy!"

Naiwan kaming tatlo nina Lai at Ice. "Why are you sad? Still thinking of him?" seryosong tanong ni Lai. 

Natawa ako sa sinabi niya kasi saktong-sakto ang hula niya. "Mapipigilan ko ba?"

"You said you already moved on. What happened?" 

"Wala... Akala ko kasi hindi na ako maaapektuhan. Akala ko okay na, naka-move on na ako, hindi na masakit... tapos nakita ko siya ulit. Sabi niya sa 'kin, wala na siyang feelings sa akin. Parang doon ko lang na-realize lahat. Ah... Masakit pa pala... Ganoon." I let out a laugh to hide my pain. 

"You still love him?" tanong naman ni Ice. 

"He... treated me so nicely. Wala akong naging problema sa kanya. He gave me so much love... and I ruined it all. Paano ako babangon mula rito? Parang wala nang makakahigit sa kanya, eh... Lahat ng lalaking lumalapit sa akin, tinutulak ko palayo kasi iniisip kong walang-wala naman sila kay Yori. Ewan... Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatang mag-inarte ngayon." Mabilis kong pinunasan ang luha ko at umiwas ng tingin. I bit my lower lip, trying to stop the tears from falling. 

I knew... I knew that it was all my fault. I knew I had no right to feel pain kasi ako ang sumira sa aming dalawa... pero masakit talaga, eh. Minsan, pakiramdam ko ay okay na ako, na wala na lang sa akin... pero may mga oras na bigla ko na lang siyang maiisip. Minsan, napapaisip ako kung anong maiiba sa araw ko kung kami pa ngayon. Siguro, nandito rin siya, nakikipag-usap kay Kye... o kaya nakikipag-inuman kina Seven. Hindi ko mapigilang mag-isip ng mga ganoon.

Tapos bigla na lang papasok sa isip ko na... Ah, wala na nga pala. Hindi na mangyayari 'yon kasi naka-move on na siya sa 'kin. Wala na siyang nararamdaman sa 'kin. Ako na lang 'tong hindi makausad. Ako na lang ang naiwan sa mismong kinatatayuan ko noong naghiwalay kami. 

"Embrace the pain, Nat..." sabi ni Lai sa akin. "You can't move on because you kept on brushing your feelings aside. Embrace it. Allow yourself to feel it... that you love him. And after embracing that feeling, it will be easier to let it go." 

"It's not that easy for her," sabi naman ni Ice, pinagtatanggol ako. 

"I know, but she needs to let go of that love... because Yori has already moved on. I actually got the chance to talk to him before the break when we saw each other at the gym. Somehow, the conversation went to Nat."

"Ano'ng sabi niya?" tanong ko.

"Should I be honest?" 

"Please..." I scoffed. 

"He said he will always look forward to your success. I asked if he still thinks about you from time to time, and he said probably, but it's not out of love anymore. Sometimes, he gets curious, but he really has already moved on from you, even if it was hard." 

I felt the pain on my chest again. Pinunasan ko ulit ang luha ko at yumuko na lang. "May... iba na ba siya?" tanong ko. 

"He said he's busy with studies and his career." 

Napatango na lang ako at uminom ulit. Nang magpaalam na rin sina Lai ay pumasok na lang ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Nakailang buntong-hininga na ako habang hawak ang phone ko. Paskong-pasko tapos ganito ang mood ko.

I tried to keep myself distracted the whole Christmas break. Sinubukan kong huwag nang isipin si Yori. Inamin ko na sa sarili kong mahal ko pa siya. Ang kailangan ko na lang gawin ay i-let go ang nararamdaman ko para makausad na ako. 

Maaga akong pumasok noong bumalik na kami sa school dahil may meeting pa kami ng editorial board. Maga-assign ng mga iko-cover na events para sa January. Tahimik lang akong nakikinig habang nakatingin sa mga nakalistang events sa board. 

"Itong championship ng e-games competition, kaya mo i-cover, Estella?" 

 Napaawang ang labi ko sa gulat nang marinig ang pangalan ko. Napatingin sila sa akin, naghihintay ng sagot ko. "Sige..." Wala akong rason para tumanggi. I should be professional. Hindi ko pwedeng irason na maglalaro ang ex ko diyan kaya ayaw kong i-cover 'yong event. 

The event was closer than I imagined. Just a week after going back to classes, I had to come with the e-games team for the competition. May kasama akong dalawang assistant ko sa event na mga sophomore. 

"May mga kasama nga pala tayo from the student publication," pagpapakilala ng coach nila pagkaakyat namin sa bus. Hindi ako makatingin nang maayos sa paligid dahil baka magkatinginan kami ni Yori. 

"Tara. Doon na tayo sa likod," sabi ko sa dalawang kasama ko. 

Dere-deretso lang akong pumunta sa likod at nilagpasan si Yori. Hindi ko na siya tiningnan. Hindi ko rin siya kinausap o binati man lang. Dahil maalog sa pinakalikod kung saan may pangmaramihang upuan ay doon ako sa sumunod na row. Mag-isa lang ako roon dahil nasa kabilang side 'yong dalawa kong kasama.

Hindi naman malayo 'yong venue. Nakababa rin kami kaagad at sumunod kami sa mga players. Nang makarating kami sa loob ay nag-set up na kaagad kami ng mga camera. Magi-interview muna kami habang naghihintay na magsimula ang game dahil maaga pa naman. Na-interview ko na lahat ng players at hinuli ko talaga si Yori dahil hindi pa ako handang harapin ulit siya.

"Hi, good morning," nakangiting bati ko sa kanya nang umupo na siya sa tapat ng camera. Nasa tabi ako ng camera at hawak ang microphone. 

"Good morning, Estella." He gave me a small smile. "What is this interview about?"

"Ah, mga basic lang na kung ano'ng nararamdaman mo ngayon or kung ano'ng ine-expect mo for this game. Start na tayo?" 

Tinanong ko siya ng questions katulad ng mga tanong ko sa iba, pero may dagdag sa kanya dahil siya ang star player nila. Noong malapit nang magsimula ang laro ay lumabas na rin kami para manood kasama ang audience. Nag-interview rin kami ng mga naroon. Ang daming tao dahil nga kasama si Yori sa maglalaro. Puro mga supporters niya ang naroon. Sikat na sikat na talaga siya.

"Thank you sa pagpayag sa interview," sabi ko sa lalaki pagkatapos niyang sagutin ang mga questions ko tungkol sa kung sino ang sinusuportahan niya. 

"'Di ba jowa ka ni Yori?" Natigilan ako sa sinabi niya at naiilang na ngumiti. 

"Hindi po," sagot ko kaagad.

"Weh? Ikaw 'yon, eh! Break na kayo?" curious na tanong niya. 

Naligtas ako ng host dahil umayos na ng upo ang mga audience nang magsalita siya. Umupo na rin kami dahil magsisimula na ang laro. Nagte-take down lang ako ng notes sa mga nangyayari habang ongoing ang laro. Seryosong-seryoso lang si Yori na naglalaro. Walang bakas ng kaba sa mukha niya. Sanay na siguro siya dahil palagi niyang ginagawa 'to. 

Si Yori ang tumapos ng laro. Napa-1v5 siya dahil namatay ang mga kasama niya, pero naka-survive siya at bumagsak ang base ng kabila. Nagsigawan ang lahat. Pumalakpak din ako at agad kaming bumalik sa backstage para sa maikling interview habang hindi pa nagsisimula ang awarding.

"Congratulations," sabi ko kay Yori nang makasalubong ko siya papasok ng waiting room nila. 

"Thank you." He smiled before gesturing for me to enter the room first. 

Nag-usap-usap sila ng teammates niya tungkol sa mga nangyari sa laro kanina. He was laughing with them. He looked so happy. That was enough for me. Napangiti na lang din ako sa sarili ko habang pinapanood siya.

"Yori, may nagpapabigay!" Bumalik ang coach nila na may dala-dalang paper bag at bulaklak. Naghiyawan ang mga teammates niya at napuno siya ng asar. 

"Ayan na nga! May lumalamang na!" pang-aasar ng teammate niya. "Dati, pagkain lang ang binibigay. Ngayon, may pa-bulaklak na si babe!" 

Natawa si Yori at kinuha iyong mga regalo. Umiwas ako ng tingin at umaktong may sinusulat sa notebook ko. "Ah... Sino palang mauuna sa interview?" tanong ko sa kanila. May nag-volunteer na kaya nagsimula na kami.

Noong turn ni Yori, hindi na ako makatingin nang maayos sa kanya. Nakatingin lang ako sa notebook ko kung saan nakalista ang mga questions. Pagkatapos na pagkatapos niyang interview-in ay tinawag na sila para mag-standby sa awarding. Nagligpit na ulit kami ng equipment. Kinuha ko 'yong camera sa may lamesa kaya napatingin ako sa bulaklak na naroon. May maliit na note. 

Congratulations, babe! <3

Love you xx

Para akong nabagsakan ng mundo. "Ah, mauna na kayo. Mag-restroom lang ako," paalam ko sa dalawang kasama ko.

Umiyak ako sa loob ng C.R. 

Ilang beses akong naghugas ng mukha pagkatapos dahil halatang umiyak ako. Lumabas din ako kaagad dahil kailangan naroon ako sa awarding ceremony. Napatingin sa akin ang dalawang kasama ko dahil namumula ang ilong ko.

"Sinisipon lang ako," paliwanag ko kaagad sa kanila kahit wala naman silang sinabi. "Umuwi na kaagad tayo pagkatapos. Masama pakiramdam ko. Bukas na lang tayo mag-meeting." 

Pumalakpak ako habang sinasabitan ng medal si Yori. I was so happy for him. Success looked great on him. Nakaka-proud siyang panoorin. I didn't even feel any envy towards him, hindi katulad dati na naiinggit ako kapag nakikita ko siyang umaangat sa career niya. I was genuinely happy for him. 

Yori was talking to someone over the phone when I entered the bus. Umupo ulit ako sa may likod at pinikit na lang ang mga mata ko. Ang sakit ng mga mata ko kakaiyak tapos sinipon pa ako. Kahit maikli lang ang byahe ay nakatulog ako dahil sa pagod. 

Nagising na lang ako nang may tumatapik na sa balikat ko. Dumilat ako at nakitang nakatayo si Yori sa gilid ko. Kami na lang dalawa ang nasa bus. Nangyari na 'to, ah! Sa library! 

"Are you sick?" tanong niya. 

Umiling ako sa kanya. "Wala lang 'to. Napagod lang." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Pinauna niya akong maglakad pababa ng bus at sumunod naman siya sa likod ko. 

"We're celebrating. Gusto n'yo bang sumama?" tanong niya at tumingin din sa dalawa kong kasama na naghihintay sa akin sa labas ng bus. 

"Ah, pass ako. Baka sumama lalo pakiramdam ko bukas, eh. Congrats ulit," mabilis na sabi ko at naglakad na kaagad paalis nang hindi nagpapaalam. 

Sinubukan ko na siyang iwasan pagkatapos noon, pero palagi kaming nagkikita sa campus. Dati, hindi naman kami nagkikita! Simula noong nagkita kami sa library, madalas ko na rin siyang nakakasalubong. Hindi pa nakakatulong na binabati niya ako o ngumingiti siya sa akin kapag  nakakasalubong ko siya. 

Minsan, kasama niya ang mga kaibigan niya. May mga oras pang naaabutan ko siyang may kausap na babae. Napapaisip na lang ako kung sino roon ang girlfriend niya. Ayaw ko namang magtanong sa iba. Sasaktan ko pa ba lalo ang sarili ko? 

"Sa library muna ako. Kailangan kong tapusin 'yong article," paalam ko kina Kobs. "Bye! Love you all!" Nag-flying kiss ako bago ako tumalikod at naglakad papuntang library.

Doon ulit ako pumwesto sa individual study spaces. Umupo ako sa pinakaunang bakanteng upuang nakita ko. Hindi ko naman nakitang sa tabi pala iyon ni Yori. Naka-headphones siya at napaangat ang tingin sa akin. 

"Hi," bati ko sa kanya at kumaway na parang wala lang sa aking makita siya, pero ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Tinanggal niya ang headphones niya at sinabit 'yon sa leeg niya. Sumandal din siya nang maayos para magkakitaan kami. "Studying?" kaswal na tanong niya. 

"Ah, may isusulat akong article," mahinang sabi ko para hindi ko maistorbo 'yong ibang nag-aaral. "Ikaw? Reviewing?" 

"Yeah, I have a quiz tomorrow." He gave me a small smile and showed me his paper full of codes. 

Nilapag ko lang ang gamit ko at tumayo din ako kaagad dahil bibili ako ng inumin. Sinundan naman niya ako ng tingin. 

"Bibili ako ng inumin. May gusto ka?" tanong ko sa kanya. 

"Hmm..." Napaisip siya nang matagal, pero sa huli ay tumayo na lang din siya. "I'll just go out too." 

Sabay kaming naglakad palabas ng library para pumunta sa may vending machine. Pinauna niya akong bumili. "Ano'ng gusto mo? Libre na kita," sabi ko sa kanya habang naglalagay ng pera sa machine. 

"Hindi na," tanggi niya kaagad. 

"Dali na. Regalo ko sa 'yo kasi nanalo kayo," pagbibiro ko pa. 

"Really..." He laughed a little before going in front of the machine. Pinindot niya iyong favorite drink niya. Pagkatapos ay pinindot niya rin iyong drink na kukuhanin ko rin sana. Iyon kasi ang palagi kong binibili. "Here." Inabot niya sa akin iyong drink ko. 

Napaiwas ako ng tingin at kinuha na lang ang sukli ko. Pagkatapos ay sabay na ulit kaming pumasok sa may library. Pagkaupo ko ay sinimulan ko na ang article na sinusulat ko habang si Yori naman ay bumalik na sa pag-aaral. Nandoon lang kami hanggang sa magsara na iyong library. 

Sabay kaming tumayo at nag-ayos ng gamit. Nauna ako kaya nauna na akong umalis sa kanya. "Bye," sabi ko na lang nang madaan ako sa likod niya. 

Pagkalabas ko ay nagmamadali akong bumaba. Para akong hinahabol ng multo! Multo ng nakaraan! 

"Ouch!" sigaw ni Clain nang magkabungguan kami. "Oh, honey!" masayang sabi niya at agad akong niyakap. Tinulak ko siya at pinaghahampas sa braso para lumayo siya sa akin. 

"Dinner tayo." Hinatak ko na kaagad siya sa kwelyo at mabilis na naglakad paalis. Hindi naman siya nagreklamo at nagpahatak lang din sa akin. 

Habang kumakain kami ay kinwento ko sa kanya iyong tungkol kay Yori. Ang sabi ko sa kanya ay may girlfriend na siyang bago pero hindi ko alam kung sino. Wala rin naman kasi siyang pino-post sa social media. 

"Not that it's still my business," sabi ko rin in the end.

"Parang wala naman siyang bago. I didn't get news about it. He's pretty famous. If he's dating someone, people would know," sabi ni Clain. 

"Sa wakas, may point ka." Umirap ako. "Pero baka lowkey lang sila o kakasimula lang ng relationship." 

"Maybe it was just a fan. The one who gave the flowers and gifts. I'll ask around." 

"Kung may bago na siya... Good for him." Nagkibit-balikat ako. "I hope she makes him happy and she treats him well. Iyon lang naman." 

Si Clain lang ang kinakausap ko tungkol doon dahil ayaw ko nang abalahin pa sina Seven. Busy sila sa lovelife nila at masaya sila kaya hindi nila ako mage-gets. Si Clain, pareho kaming malas sa lovelife dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang jowa kahit naka-ilang blind dates na siya. 

The next day, I went back to the library while waiting for my next class. Marami pang bakante kaya umupo ako sa kung saan ako madalas umuupo. Nasanay na lang akong doon ako pumepwesto, eh. 

Siguro ganoon din si Yori dahil naroon na naman siya. Hindi niya ako napansing umupo dahil busy siyang nagta-type sa laptop niya. 

Nang makaayos ako ng upo ay tinapik ko ang balikat niya. Nagulat siya at napalingon sa akin habang nakahawak sa headphones. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti. He also gave me a small smile. Pagkatapos ay hindi ko na siya pinansin at nag-focus na lang sa paper ko. 

Mga dalawang oras na ang lumipas nang makaramdam ako ng gutom. Saktong may tumapik sa balikat ko habang tinitingnan ko ang oras. Tinanggal ko ang earphones ko at tumingala kay Yori na nakatayo na pala at dala-dala na ang gamit. Kumaway lang siya para magpaalam na aalis na siya. 

Tumayo rin ako at nag-ayos na ng gamit dahil lunchtime na pala. Napansin niya 'yon kaya hinintay niya na lang din ako at sabay na kaming naglakad palabas. 

"You're going to class?" tanong niya nang makalabas kami.

"Ah, hindi. Maghahanap ako ng kakainan. Lunchtime na, eh." Pinakita ko pa sa kanya ang oras sa phone ko. Napatingin tuloy siya sa wallpaper ko. It was just a photo of a scenery in Japan noong nag-travel kami ni Yori. It just looked pretty! It wasn't because of him! "Ikaw ba? Papasok ka na?" 

"Kakain din."

"Oh, gusto mo sumabay? Unless may kasama ka or..." I suddenly stopped talking midway. 

Shit... Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon! Bakit ko siya inaya?! Bigla na lang lumabas sa bibig ko nang hindi nag-iisip! 

"Joke!" agad na bawi ko. "Kakain na lang pala ako mag-isa!" Kung may girlfriend nga siya, ang pangit namang tingnan kung kakain kami sa labas! Hindi naman kami casual friends! 

"Yeah, sorry. I also have plans with someone. Take care." He tapped my shoulder and smiled before walking away.

Nawala ang ngiti ko nang makalayo na siya. Napabuntong-hininga ako at naglakad sa ibang daan para hindi kami magkasalubong. Kumain ako mag-isa sa cafeteria at nagmakaawa kina Kobs na puntahan ako. Pumunta naman sila kaagad para samahan ako. Hindi ako makangiti sa kanila. 

Noong kinagabihan, umiyak na naman ako. Kung pwede ko lang talagang pilitin ang sarili ko na mag-move on na, ginawa ko na... pero hindi talaga siya madali.

I needed to try harder. Nag-iba ako ng pwesto sa library. Sa first floor na ako palaging pumupunta para mag-aral. Ang problema ko lang ay madalas mabilis napupuno roon kaya umaakyat pa rin akong second floor. Pero sa mga pang-apatan na table na ako umuupo at hindi na sa individual study spaces. Nagi-guilty nga lang ako kasi kawawa naman 'yong mga magkakaibigan na dapat sa table na 'yon umuupo. 

Wala na akong choice kung hindi bumalik na lang sa pwesto ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala si Yori doon. Nakatatlong balik na ako roon nang wala siya kaya pakiramdam ko safe naman na. 

Noong weekend ay nagpunta ako sa malapit na mall dahil may bibilhin akong notebook for school. Nagpunta ako sa isang store na nagbebenta ng school supplies at naghanap ng ballpen at notebook. 

"Oh." Natigilan ako nang paglingon ko sa tabi ko ay nakita kong bumibili rin ng ballpen si Yori. Nagulat din siya nang makita ako. "Hello," bati ko na lang.

"Hi," maikling sabi niya at kinuha na ang ballpen. "What are you buying?"

"Ah, notebooks lang. Ikaw? 'Yan lang pinunta mo rito?" natatawang tanong ko habang nakaturo sa nag-iisang ballpen niya. Iyon ang specific brand at ballpen na palagi niyang ginagamit kahit dati pa. 

"Yeah..." He laughed a bit. Nagpaalam din siya kaagad dahil magbabayad na siya sa counter. Notebook at ballpen lang din binili ko kaya magkasunod lang kaming nagbayad. 

Nauna na siyang maglakad sa akin. Ako naman ay nasa likuran niya dahil pareho lang kaming palabas na ng store. 

"Yori," tawag ko kaya napahinto siya bigla at lumingon sa akin. "'Yong sintas mo," sabi ko kaya napatingin siya sa sapatos niya.

"Oh, thank you." Lumuhod siya para itali ang sintas niya. Pagkatapos ay umayos na siya ng tayo at humarap sa akin. "Did you receive the invitation from the debate club?" 

"Oo. Pupunta ka?" tanong ko. The debate club wanted to have a celebratory dinner at in-invite kami ni Yori bilang past winners ng Nationals. Nanalo rin kasi iyong mga lumaban ngayong year. 

"Might..." Nilabas niya ang phone niya nang tumunog 'yon. "I'll go now. Bye." He gave me a smile before answering the phone and walking away. 

In the end, pumunta rin ako sa dinner dahil nakakahiya sa mga friends ko sa debate club. Kahit wala na ako roon ay palagi pa rin nila akong ini-invite. Minsan ay tinatawag nila ako para magbigay ng tips o ano. 

Magkasunod pa kaming dumating ni Yori kaya medyo naging awkward iyong mga kasama namin dahil alam nilang hiwalay na kami, pero nag-warm up din naman sila. Magkalayo kami ng pwesto ni Yori kaya may kanya-kanya kaming usapan habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nag-aya naman silang lumipat sa bar. Chillnuman at kwentuhan lang daw. 

This time, for some reason, naging magkatabi ang upuan namin ni Yori. Inusog ko lang nang kaunti palayo sa kanya dahil baka may magselos. Kinausap ko na lang iyong isa kong katabi habang nag-iinom. 

"Pumopogi ka talaga lalo, p're! Sikat na sikat ka na rin! Tinatanong nga ng pinsan ko kung may jowa ka na kasi crush na crush ka noon. Mayroon na ba?" rinig kong tanong ng ka-club namin before na lalaki. Hindi ko pinahalatang nakikinig ako sa usapan nila.

"No. I'm too busy," sabi ni Yori, nakangiti. 

Halos madura ko iyong iniinom ko sa narinig ko. Shit, baka tama nga si Clain. Supporter lang nga 'ata 'yon at inaasar lang nila si Yori kasi palagi siyang tinatawag na 'babe.'  Ugh... o baka hindi sila nag-work. Ewan. Basta, wala raw siyang girlfriend. 

But it was none of my business. Nakipag-usap na lang ako sa iba naming clubmates. 

"Reto ko sa 'yo pinsan ko! Ito siya!" Pinakita pa ulit noong kausap ni Yori ang Instagram account. 

"I'm not really looking. I don't have time." Yori took a sip of his canned beer. 

"Sus, baka naman may gusto ka na palang iba!" 

"No, I don't like anyone right now." Yori laughed with them. "Maybe next time." 

"Kapag naghahanap ka na, marami akong marereto sa 'yo! Ano ba ang type mo?" Biglang natahimik ang table nang sabihin 'yon kaya narinig ng lahat at sabay-sabay silang tumingin sa akin. Napakurap ako habang hawak ang baso ko. Iinom na sana ako kaso natigilan dahil sa mga tingin nila. 

Yori laughed a bit when he realized that everyone was staring at me. Inasar kaagad kami sa table. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko! Naghihiyawan pa sila at nagkakantyawan. 

"It's already in the past, everyone," sabi na lang ni Yori. He was still laughing while talking about it. "We already moved on from that." 

"Oo nga! Tumigil nga kayo!" sabi ko na lang din at pilit na tumawa... kahit hindi ako natutuwa. Yori just sounded so casual like it wasn't a big deal to him. Tinitigan ko pa siya para tingnan kung tinatago niya lang ang emosyon niya but his reaction looked so genuine. Na-realize kong ako na lang talaga ang apektado sa nangyari sa amin. 

Lumabas saglit 'yong mga lalaki para magpahangin. Mayamaya ay tumayo rin ako para bumili ng tubig. Napadaan ako sa may pintuan kaya narinig ko ang usapan nila. 

"Wala na ba talagang chance, bro? I mean... Kayo ni Estella."

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. 

"Wala na... I'm already past that," Yori answered. "I really don't have any feelings for her anymore, and she probably feels the same way."

My chest tightened. Alam kong kailangan ko nang maglakad umalis pero hindi ko mapigilang makinig sa susunod nilang usapan. 

"As in? Hindi ka na affected tuwing nakikita mo siya?"

"We always see each other on campus, so it's nothing new. It's like... We're just friends now. I feel relieved... because I really loved her a lot..." 

I bit my lower lip and looked down, trying so hard not to cry. 

"And now I just don't feel anything anymore. I can already smile or laugh about it without any pain or bitterness." 

Mabilis akong naglakad pabalik sa table at kinuha ang gamit ko. "Una na ako. May gagawin pa pala ako. Thank you, guys!" paalam ko at ngumiti pa sa kanila bago nagmamadaling lumabas. 

Pagkalabas ko, napalingon sa akin sina Yori. Nagtama saglit ang tingin namin pero agad akong umiwas at nagmamadaling naglakad paalis. Tinawagan ko kaagad si Kye na sunduin niya ako dahil gusto kong umuwi sa bahay.

Nakatayo lang ako sa waiting shed, pinipigilan lahat ng emosyon ko. I waited until Kye arrived. Umuulan na nang dumating siya. Wala akong payong kaya bumaba siya ng sasakyan para payungan ako, pero napahinto siya nang makita ang hitsura ko. 

"What happened?" tanong niya.

I burst into tears. Lumapit siya at niyakap ako habang umiiyak ako sa dibdib niya. I clenched my fist on my chest because it was so hard to breathe. Everything was painful. 

I sobbed. "I just want to move on already..." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro