26
"Academic cheating? Fuck, I would never do that!"
Sumigaw ulit ako sa unan at pinaghahampas iyon sa sofa pagkauwi ko. I just had a talk with my research prof kasama ang groupmates ko regarding the plagiarism matter. The only thing I could do was save myself, but the professor said we shouldn't explain to her but wait for the hearing instead.
They said they will notify our guardians or parents too. Napaisip ako kung nakatanggap na ba ng email sina Mommy. Napaluhod ako sa sahig at sinabunutan ang sarili ko, wanting so bad to scream. Kinuyom ko ulit ang kamao ko. My fingers hurt. They started bleeding again.
Ang daming galit sa puso ko na kailangan kong ilabas pero hindi ko alam kung papaano. My parents will get disappointed. Sino ang hindi? Their child was summoned by the disciplinary committee. Kahit hindi ako ang may kasalanan, damay pa rin ako.
Ang bilis din kumalat ng balita. Alam na sa program namin na may mga napatawag for plagiarism or academic cheating, at alam ng iba na kasama ako roon. Earlier, I heard whispers while walking to the office.
Hindi naman pala matalino. Magaling lang mag-cheat.
Akala ko matino si Estella. Hangang-hanga pa ako sa kanya.
Bakit kasi siya nagpahuli? Ang tanga niya naman.
Suddenly, my academic intelligence was being questioned. All my achievements were being questioned. Lahat ng narating ko, nawala na parang bula. Kahit wala pa 'yong hearing, nahatulan na ako ng mga tao.
Did Yori hear about it too? Ano kaya ang reaksyon niya? Maniniwala ba siya sa kanila? Will he get disappointed too? Hindi niya pa rin ako kinakausap. Hindi ko alam kung nakauwi na siya sa Pilipinas. Ilang araw na rin siyang walang stream. Hindi ko alam kung kumusta na siya... kung ano'ng ginagawa niya.
Thinking about the people who I disappointed made me crazy. Napapikit ako habang umiiyak nang tahimik. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto. Ayaw ko nang lumabas. Ayaw ko nang marinig ang sinasabi ng mga tao sa akin. Lahat ng napatunayan ko... Wala na.
Nakapatay ang phone ko. Naka-block na rin sa akin lahat ng groupmates ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko sa kanila. Mga kaibigan ko sila... pero bakit nila hinayaang mangyari 'to? Lahat kami ay pabagsak ngayon. Sila ang dahilan kung bakit nangyayari 'to sa akin.
I was better off alone all along. Kung sana... una pa lang, hindi na ako pumayag na ka-group sila... sana hindi mangyayari 'to. Who should I even blame for this? May kasalanan ba ako rito?
Academic integrity, huh... I never thought the day would come when people would question my academic integrity.
"Bakit ako mangdadaya? Hindi ko kailangan noon! Bullshit!" Sinuntok ko ulit 'yong unan. "Ugh! Fucking hell! Tangina n'yo!"
I couldn't even sleep kahit maaga ang hearing kinabukasan. Our parents were needed there as witness. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kina Mommy. I had a counsel with me. Kailangan ay from the university kaya iyong instructor ko na lang sa debate.
Hindi kami pinapasok as a group. We had to sit there individually. It felt like I was being prosecuted. Naroon ang disciplinary board, at nakaupo ako sa harapan nila. Katabi ko ang counsel ko... at kasama sa table sa harapan ko ay sina Mommy at Daddy. I couldn't look at them.
I had my head bowed down. Magkadikit ang tuhod ko at nakahawak roon ang dalawa kong kamay. Nakatingin lang ako sa sa baba. I was so embarrassed. Being in this situation was too humiliating for me.
"I didn't do it..." mahinang sabi ko.
"You can present your case," sabi ng head ng disciplinary board. "And then we will decide."
Hinanda ko na ang sarili ko para rito. I gathered everything that could pull me out of this case and gave them to my counsel. Lahat ng proof na pinapaalala ko ang sources. Proof ng delegation of tasks namin. Proof kung sino ang nagsulat ng parts na 'yon dahil nate-trace 'yon. Pinakita ko sa kanilang wala akong kinalaman sa lahat ng 'yon... and the only mistake I did was to skim through before the final pass.
Dapat binasa ko lahat. Dapat chineck ko lahat ng sources. Iyon... Iyon ang mali ko. It was our other groupmate's fault. Ginawa niya siguro 'yon to spite me... Kaya lahat kami ngayon ay nasa impyernong 'to.
Ang tanga.
Ang tanga-tanga lang. Tangina.
They had a lot of questions, and I respectfully answered them. Hindi ko pa rin tinitingnan sina Mommy. I didn't want them to look at me with disappointment.
"Do you agree that you also had the responsibility to check the paper before passing?"
"Yes..." mahinang sabi ko.
"See, Miss Martinez, you worked on this research paper as a group. You should be held accountable as a group, too. You're one of our promising students, but you also need to learn from this mistake. We cannot exempt anyone."
"You're our candidate for the National Debate Competition," sabi ng isang member ng committee. "I'm sorry to say, but expect that you might get disqualified depending on the result of this case."
Nahugot ko ang hininga ko. I parted my lips, wanting to say something. No... Not that competition. Not the Nationals. Ang tagal kong hinintay 'to. Hindi pwede.
"We'll let you know our decision in this matter. Thank you, Miss Martinez. You may go," sabi ulit ng head ng disciplinary board. I stood up and left the room immediately. Ayaw ko nang makausap pa sila Mommy.
Naghihintay sa labas sina Kobs, Zahra, at Laya. Tinapunan ko lang sila ng tingin at nilagpasan sila.
"Nat!" tawag ni Kobs pero hindi ako lumingon.
Ayoko na. Pagod na ako. I couldn't look at them the same way anymore. Ayaw ko na silang kausapin dahil baka kung ano pa ang masabi ko.
Then there was our other groupmate. Trish. Fuck, ni hindi ko nga maalala ang pangalan niya... and she still managed to screw me up.
"Estella, sorry, hindi ko sinasadya-"
"Shut up," I hissed before walking past her.
Dumaan ako sa may fire exit at napaupo na lang sa may hagdanan. Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak na lang nang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat ba ay lumuhod ako kanina sa harapan nila at nagmakaawang huwag nila akong ibagsak? O huwag nila akong parusahan? O kahit huwag na nilang sabihin sa magulang ko?
Kahit huwag na lang nila akong i-disqualify sa competition. Hindi ko alam kung paano ko pa sila mako-convince. Pinaliwanag ko na lahat. Pinakita ko na lahat ng hawak kong ebidensya. Ano pa ba? Kulang pa ba 'yon? Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Bakit ba nangyayari 'to sa akin?
Wala na akong lakas nang maglakad ako pauwi. Napahinto ako sa tapat ng unit ko nang makitang may naghihintay sa labas. Yori kept on pushing the door bell. May dala pa siyang maleta at nakasuot pa ng jacket ng team niya kaya halatang kakauwi niya lang galing ibang bansa.
Nanlaki ang mga mata ko at agad tumakbo paalis. Ni hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo. I was just... afraid to face him. I was afraid to see his reaction. I didn't want to see him disappointed in me too.
Disappointed na ako sa sarili ko. Ayaw ko nang dagdagan pa. Nakakahiya na. Nakakahiyang magpakita sa kanya.
I didn't know where to go. Ayaw ko ring sabihin kina Seven at Lyonelle. They would get disappointed too. Lahat sila...
"Nat? Umuulan. Bakit wala kang payong?" I just found myself back in the campus again. Naglalakad na pala ako sa gilid ng football field. Basang-basa na ako, pati ang mga gamit ko.
When I saw Clain holding an umbrella, I just started crying loudly. Maingay rin ang ulan kaya walang makakarinig. Padilim na rin at walang tao sa football field. Nagulat si Clain pero hindi na siya nagtanong. Pinayungan niya ako pero inalis ko iyon dahil makikita niyang umiiyak ako.
"Tangina... Tangina n'yong lahat!" sigaw ko habang umiiyak. Para na akong bata sa sobrang lakas ng iyak ko. "Ano b'ang ginawa ko sa inyo?! Pagod na ako! Pagod na ako..." Mas lalo ko pang nilakasan ang iyak ko.
Clain was looking at me with confusion. Nakangiwi rin siya at hindi maipaliwanag ang mukha habang pinapanood ako.
"Mukha ba akong magche-cheat ha?! Mukha ba akong plagiarist?! Putangina n'yo!"
"No. Mukha ka lang basang sisiw..."
"Putangina mo rin!" Tinuro ko si Clain. "Dumadagdag ka pa!"
"It's cold! Let's get out of here!"
"Manahimik ka! Hindi pa ako tapos umiyak!"
Mga ilang minuto pa akong umiyak bago niya ako hinatak papunta sa may lockers ng football team para makasilong. Kumuha siya ng twalya at pinatong sa ulo ko. Lumuluha pa rin ako habang pinupunasan ang sarili ko.
"What happened?" tanong ni Clain habang pinupunasan rin ng twalya ang buhok niya.
"Marami." Hindi ko na alam kung paano ko pa iisa-isahin lahat ng nangyayari sa buhay ko. Everything was going down.
"Break na kayo?"
"Hindi, gago ka," galit na sabi ko.
"So why were you crying?"
Hindi ako sumagot at pinunasan na lang ulit ang luha ko. Yori probably left already, right? Pwede na siguro akong umuwi.
"Uuwi na ako." Kinuha ko ang gamit ko.
"Hatid na kita. Umuulan pa."
Wala na akong narinig pa. Basta, iniwan ko na lang siya roon at sinundan niya ako na parang aso. Hawak-hawak niya ang payong kahit nababasa pa rin naman ako. Nakatulala lang ako the whole time. Ang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. I had been anxious since the Kye incident. Hindi na nawala ang pagiging anxious ko. Simula noon, ang dami nang nangyari.
"Shit," bulong ko nang makitang naroon pa rin si Yori sa tapat ng unit ko. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang likod sa pader, hinihintay ako. Agad siyang napalingon sa gawi ko at lumipat ang tingin niya kay Clain.
Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon niya. I bit my lower lip, ready to see how disappointed he was. I was ready for whatever he was going to say.
"I'm glad you're safe," sabi niya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko at nakita ang mga band aid doon. I saw how worried he was. Bumilis ang tibok ng puso ko. I didn't want him to look at me like that. "Nat..."
Nagmamadali akong pumasok sa unit ko. Pagkatapos ay sinara ko ang pinto at sinandal ang likod ko roon. I started crying again. Pati sa harapan ni Yori, hindi ko alam ang iaakto ko.
I stayed in my unit for days without going out or talking to anyone. I was just anxiously waiting for the result of my case. I barely ate. I barely left my bed. I had no energy to do anything. My fingers were already hurting, so I found an alternative. I took the prescribed medicine for my anxiety. I had some with me because I would always get anxious about my grades.
Nakatulala ako sa screen ng laptop ko nang maka-receive ako ng email from the disciplinary committee. They were asking to see me tomorrow. Hindi na naman ako nakatulog. I had to take pills so I could get some sleep.
The next day, I went to the meeting room. Umupo ulit ako sa tapat nila. My parents were there again, pati ang counsel ko. Nakayuko lang ako. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ang sakit ng ulo ko sa gamot na ininom ko. Bumabaliktad din ang sikmura ko sa sobrang kaba na parang masusuka na ako.
"Your group will get a penalty on your grades, Miss Martinez."
"Is it... a failing grade in the course?" Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.
"Only a failing grade in your final pass and a warning."
Hindi ko alam kung matutuwa ako roon... but it was probably the least they can do.
"Will I get disqualified from the debate competition?" That was the most important thing for me.
"No. You will still be allowed to compete."
Tumango na lang ako. Pagkatapos noon ay lumabas na ako. I broke down and cried while sitting on the floor. Napatakip ako sa mukha ko.
A failing grade... Line of eight scores... Cutting off my friends... A fight with Yori and my parents... Everything was too much.
Life would be so much easier if I didn't care too much about being perfect... about being on top. I had so much anger inside me that I just felt numb.
"Nat... We need to talk." Napaangat ang tingin ko kay Daddy na nakatayo na sa harapan ko.
"No." Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Naglakad ako paalis pero pinigilan ako ni Daddy. "I don't want to hear it, Dad!"
"Hear what, Nat?"
"How disappointed you are! How humiliated you are! How stupid you think I am kaya nangyayari 'tong lahat dahil sa akin! That you never imagined your daughter to be like this! What a shame, right?!" Inalis ko ang hawak niya sa braso ko. "What a fucking shame to have a failing daughter!"
"Nat..." Dad was looking at me with those eyes... Those eyes that looked like he couldn't understand. Na parang hindi niya alam kung bakit ako nagkakaganito. He looked so worried about what I had become. "I would never say those things. What made you think I would talk like that to you? What is happening to you?"
"You told me that being overly competitive is not good for me... You're right, Dad. From now on, I shouldn't care anymore. I'm done. Fuck this!"
I tried to run away again, but Mommy held my arm. She didn't look mad, but she looked worried.
"Nat, kausapin mo kami... Hindi ka sumasagot sa tawag namin, sa messages namin... Hindi ka nagpapakita sa amin. Bakit ka nagkakaganito?" Parang naiiyak na rin siya.
"Ang taas ng inakyat ko, Mommy... Ang taas na ng narating ko..." Humikbi ako. "Hindi ako sanay sa ganito... Please... Hayaan n'yo muna ako. I'm hurting... I need to cope by myself."
Nang sinabi kong nasasaktan ako ay hinayaan na lang niya akong umalis, but I saw her cry. I didn't want to talk to them yet. I didn't want to face them yet.
I cared too much... kaya masyado akong nasasaktan. I didn't know how to accept this situation, so the only solution was not to care about anything... about anyone anymore.
That night, I went out drinking by myself. I got myself a table and just drank all my tears away. Wala na akong pakialam sa iisipin ng ibang tao sa akin. I danced, I met some new friends, I was gone. I didn't care anymore.
"'Tara, smoke tayo?" tanong ng babaeng nakilala ko sa club. "Do you smoke?"
Umiling kaagad ako sa kanya, nahihilo na.
"Do you want to try?"
Hindi ko alam kung paano pero napunta ako sa smoking area kasama iyong mga babaeng nakilala ko. They made me try a cigarette. Napaubo kaagad ako. I didn't like the taste at all.
"Sa una lang 'yan. Try mo ulit."
I smoked... drank some more... danced some more.
"Lumayo ka... May boyfriend ako..." Tinulak ko paalis iyong lalaki. Kahit lasing na lasing na ako, hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Yori. "Excuse me." Tumayo na ako at naglakad paalis.
Nakahawak ako sa pader dahil hindi na ako makalakad nang maayos. Ilang beses na akong natumba. Naiyak pa ako nang makitang nasugatan ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ako uuwi. Umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na rin maintindihan 'yong nasa screen sa phone ko. Nag-scroll lang ako sa messages at nagtawag ng random na tao.
"Hello, Kuya Adrian..." Sininok pa ako. "Pasundo akooo... Sa Epitome... Lasing na me, ha-ha!" Nakaupo na ako sa may hagdanan at nilalabanan ang antok.
Nakaidlip 'ata ako. Nagising na lang ako nang makita si Lyonelle at Seven sa harapan ko. Nakahalukipkip si Lyonelle at mukhang galit. Si Seven naman ay kinuha ang bag ko at phone ko.
"Hoy... May boyfriend ako..." sabi ko nang buhatin ako ni Lai.
"You smell like cigarettes," iritang sabi ni Seven.
"Nagyosi ako, eh, malamang!"
"Kailan ka pa nagyosi, huh?"
"Seven, shut it. She's obviously out of it," sabi ni Lai.
I passed out as soon as we reached the car. Nang magising ako, sobrang sakit ng ulo ko. Tumayo kaagad ako at tumakbo sa banyo para sumuka. Nasa kwarto pala ako ni Seven. Mabuti na lang at hindi nila ako inuwi roon sa amin.
"Shit, 'te, tapos ka na ba? Natatae na talaga ako! May gumagamit ng lahat ng banyo!" Narinig ko ang katok ni Kiel sa may pintuan.
"Doon ka, sumusuka ako!" Nasuka na naman ako.
"Bilisan mo!"
"Paano ko bibilisan, ha?! Mag-isip ka ngang bata ka!"
"Inom ka kasi nang inom! Ang baho-baho mo pa. Amoy usok. Kaya ka siguro nasusuka kasi naaamoy mo sarili mo!" Napatakip ako sa tainga ko. Hindi nakakatulong 'tong kaingayan ng batang 'to! Ang sakit-sakit na ng ulo ko. "Bilis, 'te!"
Nang maamoy ko nga ang sarili ko ay nasuka na naman ako. Pagkalabas ko ng banyo, I felt so dehydrated. Nanguha kaagad ako ng damit sa cabinet ni Seven at nagpalit. Pagkatapos, nagmamadali akong tumakas paalis. Ayaw kong makita ako nina Ninong dahil baka isumbong ako kina Mommy.
Nang makauwi ako ay lumabas din ako ulit para magpa-dye ng buhok. Nagpa-all black na ako ng buhok, nagpa-short hair, at pina-trim ko rin ang bangs ko. Pagkatapos ay nag-shopping ako ng mga bagong damit gamit ang credit card.
I barely ate anything that day, tapos nag-inom ulit ako noong kinagabihan. Inaya ko iyong mga na-meet ko sa club kahapon. We went club-hopping. Naka-Do not Disturb ang phone ko the whole time para wala akong iniisip.
I was smoking outside with the girls I met when a man stopped in front of me. Napaangat ang tingin ko.
"Omg, kilala ko 'yan... Siya 'yong streamer, 'di ba?" bulong ng katabi ko.
Agad kong binaba ang yosi na hawak ko at umiwas ng tingin kay Yori.
"Let's talk," sabi niya at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Tinapon ko ang yosi at sumama sa kanya papunta sa may gilid kung saan wala masyadong tao. Sumandal ako sa pader at pilit na ngumiti sa kanya.
"My baby, why are you here?" pagbibiro ko. "Hindi mo ba pupuriin bago kong hairstyle?"
"I'm not in the mood for jokes, Nat. Ano'ng nangyayari sa 'yo? I gave you enough time... enough space... to calm down. This is how you cope?"
"At ano namang mali roon?" Tumaas ang isang kilay ko. "This is how I want to cope. Am I hurting anyone? Wala naman, 'di ba?"
"Me. You're hurting me," giit niya. He bit his lower lip and looked away, trying to calm himself. "You're not answering my texts... my calls. Ano ba ako sa 'yo, Nat? Pati ba ako itatapon mo lang din sa gilid?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Hinawakan ko ang pisngi niya. "I love you. I'm sorry for what I said last time. Na-realize kong wala namang kwenta ang pinag-awayan natin. Over grades, really?" Natawa ako.
"You don't have to force yourself not to care about your grades."
Nawala ang ngiti ko at binawi ang kamay ko. "So, ano ba talaga? Noong masyado akong may pakialam, nagagalit ka. Ngayong wala na akong pakialam, iyan naman ang sinasabi mo. Naguguluhan na ako."
"Naguguluhan na rin ako, Nat..."
"Magbati na lang tayo para walang problema. Hmm?" Tumingkayad ako at hinalikan siya. "You want to go all the way? Free ako tonight. Pwede na akong umalis. Iiwan ko na mga kasama ko."
"Nat!" Tinanggal ni Yori ang yakap ko sa leeg niya, masama na ang tingin sa akin. "Don't be like this..."
"Ayaw mo ba? Sige, huwag na... Sina-suggest ko lang naman."
"Are you drunk?" Kumunot ang noo niya.
"Tipsy." Tumawa ako at naglakad na paalis. "Talk to you later!" Kumaway ako at pumasok na ulit sa loob ng club.
But Yori didn't go home. He waited for me outside the whole night. Nagulat na lang ako noong palabas ako ay naroon siya. Agad niyang hinawakan ang baywang ko dahil muntik na akong matumba sa sobrang kalasingan. I laughed out loud.
"Oh, look! It's Mister Got His Shit Together!" natatawang sabi ko. "Mister Perfect! Mister Straight As!"
"Let's go home. I'll take you home," sabi ni Yori, mukhang galit.
I was so drunk I couldn't even remember how we got home. Pagkapasok ng condo ay napaupo kaagad ako sa may couch.
"Yori... You're... so much better than me," mahinang sabi ko habang nakapikit.
"Is that all I am to you? Someone to compare yourself to?"
"Well... You're so much better at... everything!"
"I am your boyfriend, Nat... I am not your rival. I am not your competition. Why do you always treat me this way? You shut me off... I always wait for you to talk to me. You only talk to me whenever you want to... and you don't even apologize properly for what you said... How... I don't know what to do anymore." His voice was shaking.
"Then leave..." I whispered, closing my eyes. I was already close to passing out.
"I can't... I love you too much..." he said, crying.
I went to our debate training the next day with a hangover. I couldn't even remember what happened last night. Did Yori and I fight? Wala na siya sa condo ko kinabukasan.
During the training, I was slacking off and just doing what I was told. It didn't matter to me anymore kung mananalo ba kami o hindi.
"You want to quit?!" galit na sabi ng trainer ko nang kausapin ko siya sa office.
"Hindi po ba pwede?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi pwede, Nat. Malapit na ang competition. You just can't quit!"
"Okay po. Thank you." Tumalikod na ako at naglakad paalis. Well, I couldn't do anything about that. At least I tried.
Bumalik ako sa table namin ni Yori at ngumiti sa kanya. Sinandal ko ang pisngi ko sa libro habang nakatitig sa kanya.
"Huwag ka nang magbasa. Tara, takas tayo. Date tayo," aya ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at tinapunan ako ng tingin. "Seryoso ka ba?"
"Oo naman." Umayos ako ng upo. "Marunong naman na tayo mag-debate. Bakit kailangan pang i-practice nang paulit-ulit? Labas na lang tayo habang nasa office pa si Sir."
"Nat... Take this seriously. You wanted this," paalala niya sa akin.
"I don't care anymore." Ngumiti ako sa kanya. "Shouldn't you be happy? I'm not obsessed with winning anymore. Wala na akong pakialam." Hinaplos ko ang pisngi niya.
Inalis niya ang kamay ko. "No. We need to finish our tasks."
"Huh... Okay. Iba na lang ang aayain ko."
"Saan ka pupunta?"
"Bibili lang ng food!"
Pero hindi na ako bumalik. I went out for a drink again. That night, nilabas na ang grades. I checked and I still passed everything. I didn't get straight As. May B plus at B. Line of seven din ako sa research pero nakapasa pa rin naman ako.
"Hah..." I scoffed and just drank straight from the bottle. "Cheers!"
I don't care.
I shouldn't care anymore.
I went to training again with a hangover. Late na naman ako. Yori just sighed when he saw me sneaking in. Umupo ako sa tabi niya at binuksan kaagad ang laptop ko.
"Uminom ka na naman?" tanong niya sa akin. "Sino'ng kasama mo?"
"Hmm, sina Clain and other girl friends," sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at nag-focus na lang sa pagbabasa ng article sa laptop niya. Naglagay ako ng pencil sa gitna ng ilong at labi ko at ngumuso habang nakikinig sa trainer namin. Boring.
"Let's have dinner," sabi ni Yori pagkatapos ng training namin.
"Ah, hindi pwede... I made plans." Ngumiti ako nang alanganin sa kanya.
"Iinom ka na naman?" seryosong tanong niya.
"Hindi, ah. May dinner kami ng friends ko." Nag-peace sign ako sa kanya. "Bye-bye!" Humalik ako sa pisngi niya at umalis.
Iyong dinner na 'yon kasama iyong mga nakainuman ko kagabi, napunta sa casino. We spent the whole night there. Nanalo ng malaking pera si Tasia, iyong kapatid ni Clain, kaya napa-book kami sa hotel na 'yon. Beginner's luck, sabi nga nila. Nag-inom tuloy kami ng champagne para mag-celebrate.
Nagpunta akong bar area ng room para maghanap ng maiinom. "Gusto mo, Nat?" tanong noong isang lalaking kaibigan ni Clain. Hindi ko siya kilala. He was smoking something else.
"Ano 'yan?"
"Don't tell anyone, especially si Clain at Tasia. They don't like weeds," sabi niya.
"Eh?" Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa phone ko nang makitang tumatawag si Yori. "Excuse me." Umalis kaagad ako at sinagot ang tawag.
"Nakauwi ka na ba?" tanong ni Yori.
"Ah, hindi ako uuwi. Nasa hotel ako," pagpaalam ko sa kanya.
Natahimik siya saglit sa kabilang linya.
"With?" parang nahihirapang tanong niya.
"Hmm, friends. Hindi mo sila kilala, eh. Nandito si Clain, though, then 'yong kapatid niya..." Iyon lang naman ang kilala niya.
"Okay... Are you drinking?"
"Yes. Wait, tinatawag na ako! Good night! I love you!" Binaba ko na ang tawag at bumalik na sa party.
It was a chaotic night. Mabuti na lang at wala kaming training noong sumunod na araw. Nang umuwi ako, nakita kong naghihintay ulit si Yori sa tapat ng unit ko.
"Here. Extra key para hindi ka na naghihintay sa labas." Inabutan ko siya ng susi pagkapasok namin.
"Nat... How long are you planning to be like this?" Yori looked at me with worried eyes.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Ganito na ako. Nagbago na ako. Iyon naman dapat, 'di ba?" sabi ko habang nag-aayos ng gamit. Napakunot ang noo ko nang makita iyong isang maliit na plastic ng weed. It was probably misplaced. Nauwi ko pa!
Agad kong tinago iyon pero nakita na ni Yori. Napalunok ako at tumayo para ilagay ang damit ko sa laundry.
"And you're doing illegal things now?"
"Hindi sa akin 'yan," paliwanag ko.
"Hinayaan kita, Estella. I let you do these things because I knew you were hurting... you were coping... but I can't let you ruin yourself. It was not easy to hear that you were out drinking with Clain... The guy who likes you. That you were in a hotel with him... but I understood. Iniintindi ko lahat... so please... Stop this now. You already had enough fun... Hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin."
"Ruin myself? I have never felt happier than I am now. It's nice not to care about anything." Nagkibit-balikat ako. "At hindi mo naman sinabi sa aking nagseselos ka pala sa kanya. Sige, hindi na ako sasama sa kanya."
"That wasn't the point, Nat..." Napamasahe siya sa sentido niya.
"Yori." Humarap ako sa kanya. "Ano b'ang gusto mong gawin ko? Ano ba ang gusto mong mangyari? I'm not talking about academics anymore. I'm not comparing myself to you anymore. Tinanggap ko na lahat gaya ng gusto n'yong mangyari. Ano pa ba ang problema? Paano ba ako aakto?"
"Don't be mad..."
"Hindi ako galit. Naguguluhan lang ako. All of you wanted me to act a certain way! Now that I'm like this, ang dami n'yo na namang sinasabi!"
"Okay... Okay. I'm sorry." Hinawakan ni Yori ang kamay ko. "Don't ignore me again. Don't get mad at me..."
Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na ng banyo. After showering, I fell asleep. Nagigising lang ako dahil naglilinis si Yori. Pagkagising ko noong gabi ay may nakahanda nang dinner. May note pa siyang iniwan na aalis na raw siya kasi may stream pa siya.
Habang kumakain, naisipan kong panoorin ang stream niya. He was waiting for the game to start, so he was just reading the comments. He looked so... tired. He wasn't smiling much. He wasn't even talking much.
"Am I okay?" sabi niya nang mabasa iyong isang comment. "Of course. I'm just... tired. That's all." He forced a smile.
I stared at his face for a long time. Hindi na ako nakakain. I left the stream and just went to the couch to sleep again.
We had one last training day before the actual competition. Puro briefing lang iyon ng mangyayari sa mismong competition. Pagkatapos noon ay lumabas kami ni Yori para mag-dinner date.
We weren't talking while eating. Nakatulala lang ako at pinapaikot ang pasta sa tinidor ko. Si Yori naman ay mukhang may iniisip din.
"Uhm, Nat... about the job in Japan..." panimula niya.
"You can go," simpleng sabi ko sa kanya.
Bakit ko naman siya pipigilan? Hindi naman big deal sa akin ang distance.
Natahimik siya saglit. "Wala ka na ba talagang pakialam sa lahat? Pati sa akin?"
Umangat ang tingin ko sa kanya. He was tearing up again. Nabitawan ko iyong hawak kong tinidor at agad inabot sa kanya ang panyo ko.
"Hindi sa ganoon. I'm sorry... Sinabi ko naman sa 'yo before na okay lang naman sa 'kin."
He started crying again. Hindi ko alam ang gagawin ko. I held his hand and tried to comfort him pero binawi niya ang kamay niya. Tumayo siya at naglapag ng bills sa lamesa bago umalis.
Tumayo rin ako at agad sumunod sa kanya palabas. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Yori-"
He faced me, wiping his tears. "I'm tired, Nat..." But he couldn't stop crying. "I'm so tired."
"Saan?"
"Of this..." His voice was shaking. "Let's just... end this. I'm sorry... I'm really sorry... I can't take it anymore."
"End what?" naguguluhang tanong ko.
He couldn't look at me. He just kept on crying.
"Our relationship. Let's break up, Nat..."
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro