23
"Congratulations, Nat! Another win na naman!"
Sabay-sabay yumakap sa akin sina Kobs, Zahra, at Laya nang makababa ako ng school bus after namin mag-compete ni Yori for the preliminary rounds. Siyempre, nanalo kami! Maraming na-eliminate na ibang university. Last week naman, nag-compete ako sa journalism contest as part of the broadcaster team, and nanalo rin kami. Bukas, may competition naman ako for the Quiz bowl. Ako kasi 'yong nag-champion last year.
Si Yori, may competition sa e-games in two days kaya busy siya. Lahat ng competitions ay nagsisimula na. Pati sina Lai at Seven ay busy na rin sa training dahil malapit na rin ang competition. Next week, manonood kami ni Yori ng volleyball match ni Seven for the elimination round. Magkasunod na araw pa competition nila ni Lai. Busy months na talaga.
"Let's eat." Bumaba si Yori ng bus at nanatili sa likod ko. Nakasuot siya ng team jacket namin at nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa. "Then, I have to go to my training."
"Kakain muna kami! Miss you, girls!" sabi ko at nagpaalam sa kanila. Sa klase na lang kami nagkikita. Minsan pa ay excused ako kasi nga may competition.
I was back in my element. I really loved competing. Iba kasi ang saya kapag may naa-achieve ako. Iba 'yong feeling kapag nananalo. Parang ang galing-galing ko, ganoon. May ipagmamalaki ako, lalo na kina Mommy... pero since palagi naman akong nagko-compete, parang naging normal na lang sa amin na nananalo ako. Doon nanggagaling 'yong pressure to do well. 'Yong pressure to win.
Nasanay na ang mga taong nananalo ako kaya kailangan kong manalo palagi. Kung hindi, nakakahiya. Wala akong mukhang maihaharap.
Nang makalakad na kami papalayo ni Yori ay agad kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko. Aakbay sana siya sa akin kaso umiwas ako para matanggal ang kamay niya. Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan.
"What did I do?" tanong niya. "Is this about earlier?"
"Bakit kasi ang pogi-pogi mo?! Ngiting-ngiti ka pa kanina roon sa mga girls sa kabilang team!" nagtatampong sabi ko.
"Eh?!" Lumabas iyong Japanese accent niya. "Of course, they wanted to take photos."
"No, dapat poker face ka lang. Parang ganito..." Ni-relax ko ang mukha ko at pinakita sa kanya ang hitsura ko. Tinuro ko ang mukha ko para alam niya kung ano dapat ang gagawin niya sa susunod. Of course, I was joking, pero nakakatawa kasi ang reaksyon niya dahil sineseryoso niya ako. Hindi pa ba siya nasanay?
"I don't think that's polite," pakikipagtalo niya sa akin. Pinigilan ko ang tawa ko at umakto pa ring nagtatampo.
"Ah, ganoon? Sige, mamamatay na lang ako sa selos! Ayaw kong may nginingitian kang iba! Gusto ko ako lang! Kung hindi mo kaya 'yon, para saan pa lahat ng 'to?!" pagdadrama ko.
"O.A., ah."
Doon na ako natawa nang malakas at mahina siyang hinampas sa braso kakatawa. Nakukuha na niya pati 'yong mga phrases na sinasabi ko. Hinimas niya ang braso niya at tiningnan ako nang masama kaya mas lalo akong natawa habang naglalakad kami.
Kumain kami sa karinderya malapit sa school dahil kailangan niyang bumalik kaagad. Hinubad niya ang jacket niya pagkaupo at nilagay sa bag. Ako naman ay nilapag ang tray namin dahil ako ang bumili ng pagkain para sa amin.
May pumasok na ibang mga estudyante sa university namin at agad lumipad ang mga tingin nila kay Yori. Sa dalas naming magkasama, alam naman na siguro ng buong university na kami ni Yori. Pino-post ko rin siya sa Instagram ko tapos picture namin ang profile picture niya. Nakakainis nga kasi kapag siya ang nasa post ko ay ang daming likes at views. Simula noong naging sikat siya sa streaming, nag-private na ako ng account. Mga schoolmates ko lang ang pinapapasok ko or mga kakilala.
Ang dami na sigurong naghihintay sa aming maghiwalay! Sorry sila kasi hindi kami maghihiwalay!
"Babes, galingan mo sa competition mo, ah. Huwag kang papatalo," sabi ko habang kumakain.
"Galingan nila," kaswal na sabi niya. Natawa tuloy ako sa subtle na kayabangan niya. Ang kapal talaga! Alam na alam niyang magaling siya!
"Kapag natalo ka, wala kang mwa mwa," pagbabanta ko pa.
"I'll win," confident na sabi niya.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako pauwi dahil nga iyon ang bilin ni Daddy. Hindi na ako hinahayaang umuwi mag-isa ni Yori ever since. Para ko na tuloy siyang bodyguard.
"Can you fight?" pagbibiro ko habang naglalakad kami pauwi.
Tinaas niya ang sleeve ng shirt niya para ipakita sa akin ang braso niya. "I'm working out for that scenario."
"Ih, kagatin ko 'yan," malanding sabi ko at pinisil ang braso niya. Minsan, naiisip ko kung naiirita na ba mga tao sa paligid namin tuwing nakikita kami dahil sa kaharutan ko kay Yori? Tinatanggap naman niya lahat ng advances ko. Gusto niya rin, eh!
"We're here." Huminto kami sa tapat ng lobby. "I'll go to my training now."
"Okay, ingat ka! I love you!" Gumawa pa ako ng heart gamit ang kamay ko.
Nahiya pa siya at tumingin sa paligid. "Okay, I love you." Lumapit siya at hinalikan ako sa noo bago umalis.
Kinabukasan, maaga akong gumising dahil may competition ulit ako at sa ibang university ang venue. Sinundo ako ni Yori nang maaga sa condo para samahan akong maglakad papuntang campus. Inaantok pa siya at nakasuot ng jacket naman ng e-games club nang makita ko siya. Deretso na rin daw siya sa klase niya.
"Dapat hindi mo na ako sinundo. Kulang ka pa 'ata sa tulog." Alam ko kasi nag-stream siya kahapon.
"It's okay. I promised your dad, after all." He intertwined our hands while walking. Kanina pa siya humihikab, halatang puyat. Bakit kasi ang aga ng call time ko, eh?! Kawawa naman si Yori. Pati siya ay kailangan ding gumising nang maaga para sa akin.
"Malapit na birthday natin," paalala ko sa kanya. "Aalis ba tayo? Saan tayo magse-celebrate?" Magkalapit kasi ang birthday namin. Naalala ko tuloy kung paano kami nag-celebrate ng birthday namin noong high school. Ano kaya ang bago ngayong adults na kami? Hmm... Saan kaya magandang pumunta?
"I won't celebrate. Let's celebrate yours instead," inaantok na sabi niya. Parang napipikit pa ang mga mata niya.
Naalala ko tuloy iyong Dad niya. Iyon pa rin ba ang dahilan? "Hindi pwede! Magse-celebrate tayo! Ako ang bahala!" Kailangan niyang maging masaya sa birthday niya!
Ako kaya? Ano kaya ang plano ko? Matanong nga si Mommy mamaya dahil palagi naman siyang may plano tuwing birthday ko. Nasu-surprise na lang talaga ako minsan.
"Good luck. You will do well," sabi sa akin ni Yori nang mahatid na ako sa tapat ng school bus. Hinatak niya ako at niyakap nang mahigpit bago niya binitawan ang kamay ko.
"Bye!" Kumaway ako at naglakad na papasok ng bus. Umupo ako sa may tabi ng bintana at sumilip. Naghihintay pa rin si Yori sa akin at kumakaway.
"I love you," he mouthed. Napangiti ako, kinikilig. Binigyan ko siya ng finger heart para madama niya rin ang love ko!
Naghintay siya hanggang sa makaalis na ang bus. Hindi naman ako kinakabahan habang papunta kami sa venue. Kahit noong makarating na, iniisip ko na lang sa sarili ko na mananalo ako, na mas magaling ako, na mas matalino ako sa kanilang lahat. Ganoon lang ang paraan para hindi kabahan.
Everyone was wary of me because I was the champion last year. Lahat sila ay naghihintay na matalo ako, pero wala akong pakialam kasi hindi naman ako matatalo. Noong nagsimula na ang competition, I inhaled deeply and composed myself. Pabilisan din 'yon ng pagpindot sa button para makasagot.
Umaga at hapon ang schedule. Nanalo ako sa pang-umaga at naghihintay na lang ako ng schedule sa hapon. Nagbabasa lang ako ng mga random trivia habang naghihintay.
"Hi! Uhm... Tinatanong ng friend ko if pwede daw ba makuha number mo." May lumapit sa aking lalaki, mukhang nahihiya. Lumingon ako roon sa mga kasama niya at lahat sila ay umiwas ng tingin sa akin.
"Bawal. May asawa at tatlong anak na ako," sabi ko at binalik ang atensyon ko sa pagbabasa.
"P're, hindi ba 'yan 'yong girlfriend ni Yori? 'Yong streamer?" rinig kong sabi noong tropa niya.
Hindi ko na sila pinansin hanggang sa makaalis sila. Nang mawala na sila sa paningin ko ay kinuha ko ang phone ko at nag-message kaagad kay Yori.
To: my yoritsune <3
MAY HUMINGI NG NUMBER KO GRR SABI KO MAY ASAWA AT TATLONG ANAK NA AKO did i do well? <3333 miss u baby
Nag-reply kaagad siya.
From: my yoritsune <3
We have four kids. What do you mean?
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang kilig ko. Magta-type na sana ako ng reply pero nag-send ulit siya ng panibagong message.
From: my yoritsune <3
I miss you, babe. How's the competition?
To: my yoritsune <3
panalo sa morning. waiting pa sa afternoon sched. will update u mwa mwa :**
Tinawag na ako ng coach ko kaya tinago ko na ang phone ko. Sumalang na ako sa next round. Tumagal iyon nang apat na oras dahil ilang rounds din 'yon at iba't ibang university sa NCR ang nakalaban ko.
"Congratulations, Estella! You're advancing to the regionals," sabi ni Coach. Ngumiti lang ako dahil wala naman nang bago. Matutuwa lang ako kapag nanalo na ako sa Nationals dahil may trophy na akong mauuwi.
Hindi ko muna binalita kay Yori 'yong results. Naghintay akong makabalik kami sa campus, tapos hinanap ko siya sa building nila. Nasa akin kasi ang schedule ng class niya pati ang room kaya naghintay ako roon sa tapat ng room nila. Ilang minuto na lang naman ay lalabas na sila.
Nang mainip ay sumilip ako at nakita kong may pinapasulat 'yong prof nila kay Yori sa board. Hindi ko maintindihan. May mga codes at drawing. Pagkatapos noon, pina-explain pa sa kanya. Sumandal na lang ulit ako sa pader sa tabi ng pintuan at tiningnan ang oras. Ano ba 'yan, nag-overtime pa 'tong prof.
Nang bumukas ang pintuan ay agad akong napalingon. Nagtama ang tingin namin ng kaklase niyang lalaki. "Yori! Bebe mo, nasa labas!" sigaw niya sa loob. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. In-announce talaga sa lahat, huh?!
Lumabas kaagad si Yori sa pinto, hindi pa nakasara ang bag dahil nagmamadali. Lumapit tuloy ako at sinara ang zipper ng bag niya.
"How was it?" excited na tanong niya.
"Siyempre, panalo ako, duh!" Nagkibit-balikat ako, nagyayabang.
"Let's go!" tuwang-tuwang sabi niya at niyakap ako.
"Respeto naman sa mga malalamig ang pasko, tangina," reklamo ng kaklase niyang lalaki. Tropa niya rin 'yon.
Hindi naman ako masyadong natuwa kanina noong nanalo ako pero noong nakita ko kung gaano kasaya si Yori na marinig 'yon, parang ang saya ko na rin. He motivated me more. Siya 'yong tipong alam kong tatanggapin ako kahit matalo ako. Sa kanya lang ako hindi nakakaramdam ng pressure... kasi kahit ako ay pine-pressure rin ang sarili ko. Yori was just different.
But he still intimidated me. Alam ko at tanggap kong mas matalino siya sa akin kaya nakaka-intimidate kapag nararamdam ko ang pagkakaiba naming dalawa sa IQ. Hindi ko masasabing pressure 'yon kasi hindi ko naman siya nakikita bilang kakompetensya ko. Magkaiba kami ng field. Minsan lang, nararamdaman kong iba ang level niya sa akin pagdating sa ganoon. Kung sumali siya sa Quiz bowl... Sino kaya ang mananalo sa amin? Siya siguro.
Hinatid ko siya sa room ng e-games club. Ang ganda ng training room nila. Talagang may budget sila at inaalagaan sila ng university. Parang comp shop na 'yong room nila, eh. Ang astig pa ng mga PC, gaming equipment, at mga ilaw. May sarili rin silang internet.
"Parang literal na club 'yang room n'yo," pagbibiro ko dahil sa ilaw.
"Want to go inside and watch for a bit?" aya niya. "Or are you busy?"
"Panoorin kita!" Isang rason 'yon, pero may iba pang rason... Ang lamig kasi ng aircon nila. Parang palaging winter season dito sa room nila, eh. Pwede na ngang magsuot ng mga pang-winter jacket dito at gloves. Hala, ang O.A.
Pagkapasok ko, binati kaagad ako ng teammates ni Yori. Umupo ako sa malambot nilang couch at pumwesto naman si Yori roon sa may table nila. Nakaayos na rin doon 'yong phones na ginagamit nila sa paglalaro. Nag-start na kaagad sila. Pinag-try nila ng ibang hero si Yori at iba rin ang role niya. Jungler siya ngayon.
Tahimik at seryoso lang si Yori habang naglalaro. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya, tapos binabalik ko rin ang tingin sa screen para makita ang nangyayari. Naiintindihan ko na nga 'yong laro dahil palagi kong pinapanood ang mga stream niya.
Ang bilis ng mga kamay nila. Ang hindi ko lang maintindihan sa larong 'to ay 'yong mga item-item. Hay... Inaantok ako bigla dahil sa lamig ng aircon. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Lumabas ako saglit para tawagan si Mommy at para rin magising kahit papaano. "Mi, may plano ka sa birthday ko?" tanong ko.
"Hmm, mayroon, pero hindi ko pa sure kasi baka mag-celebrate kayong dalawa ni Yori?" patanong iyong tono niya.
"Opo," sagot ko. "Pero if may plan ka, sa ibang date na lang kami magse-celebrate."
"House party lang... kasi ayaw ni Daddy mo na sa labas mag-party. Alam mo naman..." bulong ni Mommy. "Tapos tayo-tayo lang din ang bisita, kung okay lang sa 'yo..."
"Actually, Mi, mag-simpleng dinner na lang tayo as a family. Kami na lang ni Yori ang magse-celebrate nang bongga."
Nang magpaalam ako kay Mommy ay bumalik na ako sa loob ng room at umupo ulit sa couch. Naghahanap na ako ng lugar kung saan kami magse-celebrate. Hindi ko napansing tapos na pala ang game nina Yori at nakasilip na rin siya sa tinitingnan ko.
"Don't plan for your birthday. Let me do it," sabi ni Yori at kinuha ang phone ko. "Ako na ang bahala. You don't have to stress yourself."
"Busy ka sa competition mo, ano ka ba! Ako na! Birthday ko 'to!"
"Exactly, kaya dapat wala kang ginagawa. Just leave everything to me."
Wala akong nagawa kung hindi hayaan na lang siyang magplano para sa amin. The next day, dumeretso siya sa condo ko pagkatapos ng laro niya. Siyempre, nanalo siya.
"Dahil diyan, may mwa mwa ka sa 'kin!" Tumingkayad ako at pinatakan siya ng halik sa labi. He smiled through the kiss and wrapped his arms around my waist. Hindi tuloy ako makawala! "Kulang pa?" tanong ko.
He leaned and kissed me softly. I opened my mouth and welcomed his kiss. He put his tongue inside me, tasting me. Mas diniinan ko pa ang halik namin habang umaatras ako papuntang kwarto. Kahit nang mahulog kami sa kama, hindi siya tumigil kakahalik. He went on top of me and gave me kisses on my neck. I bit my lower lip when I felt his hand inside my shirt.
"Breathe," mahinang sabi niya sa akin. Hindi ko namalayang pinipigilan ko pala ang paghinga ko. He kissed me again while his hands were on my chest.
Binaba ko rin ang kamay ko mula sa baywang niya pababa sa gitna ng binti niya. Nagulat siya at natigilan. Nagkatinginan kaming dalawa. I smiled innocently at him and stroked the bulge in between his legs.
"Wait-" Aalis na sana siya sa taas ko nang hawakan ko ang dibdib niya at tinulak siya para mapagpalit ang posisyon naming dalawa. Nakaupo na ako sa taas niya at nakangiti sa kanya. "Wait, I'm... Fuck." Hindi siya makapagsalita habang naroon pa rin ang kamay ko.
I wasn't satisfied with it. I unbuttoned his pants and unzipped them so I could touch him through his underwear. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
"Ayaw mo?" tanong ko, nakanguso. "Inaral ko na 'to, promise!"
"You even study these things?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Oo naman! Nag-review ako nang mabuti para sa practical exam natin today." Ngumiti ako sa kanya. "You know I'm competitive... Kailangan perfect ang score ko rito."
Umayos siya ng upo sa kama at sinandal ang likod niya sa may headboard. He started unbuttoning his polo shirt while looking at me. Ngumisi ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Umuwi na rin si Yori pagkatapos dahil may quiz pa siya bukas at kailangan niyang mag-aral. Hindi ko mapigilan ang ngiti habang iniisip 'yong ginawa ko kanina at 'yong hitsura ni Yori. Grabe, miss ko na kaagad siya! Kinuha ko ang phone ko at nag-message kaagad sa kanya.
To: my yoritsune <3
anong score ko sa practical exam
From: my yoritsune <3
100/100. Thank you.
Napasigaw ako at gigil na niyakap ang unan. Nag-thank you pa nga siya. Para akong tangang nakangiti mag-isa habang nakatingin sa phone ko.
To: my yoritsune <3
you're welcome <333 at your service
From: my yoritsune <3
I'll be the one to serve you next time.
"Hala, parang sira!" Sumipa-sipa ako sa hangin sa sobrang kilig. "Saan niya natututunan 'to?!"
September 10 kami nag-celebrate ng birthday namin para weekend. We went to a farm resort in Batangas. Mahal dito, eh! Alam ko kasi si Ledezma resort din 'to.
Hindi ko alam bakit doon pa ako dinala ni Yori! Nakakahiya naman at napagastos pa siya sa akin! Ang laki pa ng room na binook niya para sa amin. May sarili kaming pool!
"We need to relax for a bit," dahilan niya sa akin. Nag-relax nga kami. Nagpamasahe kami, nag-swimming, at kumain ng masarap na dinner. Pagkatapos mag-dinner ay nag-night swim kami. Nakaupo ako sa may gilid ng pool habang siya ay nasa pool mismo at nakatayo sa gitna ng binti ko.
He moved his hand through his hair. Ang gwapo lalo! Ganda rin ng katawan. Hindi na nasundan iyong gym ko, ah... Nakakahiya naman kay Yori.
"Huy!" Napasigaw ako nang hatakin niya ang binti ko palapit sa kanya.
"It's your birthday..." sabi niya. Hinintay ko ang kasunod dahil mukhang may ibang patutunguhan 'yon. "So I'll serve you."
"Huh?! Wait, dito?! Teka-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Napapikit na lang ako at tinakpan ang bibig ko.
Ang himbing tuloy ng tulog ko noong gabing 'yon. Kinabukasan, nag-check out din kami kaagad dahil may pasok pa kami sa Monday. Kahit maikling panahon lang 'yon, nag-enjoy pa rin ako.
Noong Monday, nanood kami ng game ni Seven, tapos kinabukasan naman ay nanood kami ng competition ni Lai. Pareho naman silang nanalo. Parang normal na lang din kay Lai 'yon. International na nga nilalabanan niya, eh. Kung saan-saang bansa na siya nag-compete simula bata siya. Si Seven naman, palagi na lang mukhang badtrip kahit nanalo naman. Palagi niya kasing iniisip 'yong mga mali niya during the game kahit panalo naman na! Passionate talaga siya sa volleyball.
"Have you seen Kye?" tanong ni Daddy pagkauwi niya. Nasa bahay ako dahil weekend ulit. "He left school without informing the driver." Halatang nagmadali pauwi si Daddy. "He's not answering my calls. Can you try calling him?"
Pati tuloy ako ay kinabahan! Napatayo kaagad ako at kinuha ang phone ko. Tatlo na kami nina Mommy na sinusubukang contact-in si Kye at mga kaibigan niya. Dad looked so worried. Hindi siya mapakali at kanina pa siya palakad-lakad habang may tinatawagan. Mukhang kaunti na lang ay luluha na siya sa sobrang pag-aalala.
"Baka umalis kasama friends niya..." sabi ni Mommy, kinukumbinsi ang sarili.
"Hindi raw po kasama nina Leone at Kiel," sabi ko naman nang makausap 'yong dalawa.
It was already nine o'clock, and we still didn't know where Kye was. Tumayo si Daddy at kinuha ang jacket niya, handa nang umalis para hanapin si Kye pero biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napatingin kay Kye na kakauwi lang.
"Kierleigh!" galit na sabi ni Daddy. "Where have you been?! We were so worried about you!"
Naguluhan si Kye at tiningnan kami. "I had a meeting with the sculpting club," simpleng sabi niya.
"Anak, bakit hindi mo sinabi sa driver? Alalang-alala kami sa 'yo," mahinahong sabi ni Mommy. "Alam mo naman ang panahon ngayon. 'Di ba ang sabi namin ay magsabi ka kapag aalis ka? Hindi naman namin kayo pinipigilan. Ang sa amin lang, dapat sinasabi n'yo."
"I lost my phone," sabi ni Kye. "I'm sorry."
Huminga nang malalim si Daddy at napamasahe sa sentido niya. "I'm sorry for yelling... Don't do this next time. I don't know what I'll do if something happens to you."
"Kye naman..." Napabuntong-hininga ako. "Nag-alala kami sa 'yo."
"I'm sorry for causing another trouble," maikling sabi ni Kye. "I'll just take a shower..." Tumakas na siya at umakyat sa kwarto.
"Hello, yes... Can you bring me a new phone by tomorrow morning? Thank you," sabi ni Daddy sa kausap niya sa phone.
Umakyat ako at sumunod kay Kye. Nasa shower na pala siya. Nakaawang ang pinto ng kwarto niya kaya pumasok ako para hintayin siya roon sa loob. Nagulat ako nang may umilaw sa may trash bin niya sa kwarto. Sinilip ko 'yon at nakita ang phone niya. Nagsalubong ang kilay ko at kinuha 'yon para tingnan.
Basag na 'yong phone, pero nabasa ko pa rin 'yong message galing sa unknown number. Muntik ko nang mabitawan 'yong phone nang mabasa ang nasa screen. It was a threat.
"Just throw that away. It's already broken anyway." Nagulat ako nang pumasok si Kye sa kwarto, may towel na nakasabit sa leeg.
"Kailan pa 'to?" tanong ko sa kanila. "Bakit hindi mo sinasabi kina Daddy?"
"It's not like they have a solution for it. I'll just change my phone and number." Umupo siya sa chair niya, mukhang hindi apektado. "I'm used to it anyway."
"Pero... Kailangan mong sabihin sa kanila, Kye."
"They will just worry more. Baka hindi na ako palabasin ng bahay," he said while getting his digital pen. "If you tell them, I won't go home tomorrow," pagbabanta niya pa sa akin.
"Kye!" galit na sabi ko. "Hindi ka man lang ba natatakot?"
"They are all empty threats anyway. It has been like that for years," sabi niya, nagda-drawing na ngayon. Wala talaga siyang pakialam.
Hindi tuloy ako makatulog sa gabi dahil doon. Tama naman si Kye... Wala naman kaming magagawa kung hindi magpalit ng number at phone... at mas magiging strict sila sa kanya kapag nalaman 'yon. Ano ba ang gagawin ko? Baka hindi nga umuwi si Kye kapag sinabi ko, pero parang mali kapag hindi ko sinabi.
Ugh! Puyat tuloy ako kinabukasan. Bago ako bumalik sa condo, kumatok muna ako sa kwarto ni Kye.
"Tell them," sabi ko. "Promise me you'll tell them."
"Okay," sabi niya habang abala sa ginagawa. Napanatag ako roon. Nakita ko ring may bago na siyang phone at number kaya hindi na ako masyadong kinakabahan.
Tama naman si Kye. They were all just empty threats. We celebrated Christmas together in U.S.A. Si Yori, bumalik sa Japan as usual. Two weeks kami sa U.S. at noong pauwi na kami, sa Japan ang deretso ko habang sina Mommy ay umuwi na sa Pilipinas. I wanted to surprise Yori.
Pagka-land ko, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Nag-train kaagad ako papunta sa binook kong apartment... pero nang makarating ako roon ay ayaw bumukas ng pinto. Mali raw 'yong pass code, pero iyon 'yong binigay sa akin! Para tuloy akong tangang nakaupo sa labas at giniginaw. Hinihintay ko iyong reply ng owner ng apartment.
"Shet, na-scam ba ako?" bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman siguro 'no? Namali lang siya at hindi online..."
Pero nilalamig na talaga ako. Hindi ko na kaya! Tinawagan ko na si Yori!
"Waaaaa, huhu!" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Why? What's wrong?!" nag-aalalang tanong niya kaagad.
"Sunduin mo na ako rito!" paiyak na sabi ko. "Nasa Tokyo ako... Nasaan ba ako? Wait lang..." Tiningnan ko ulit iyong address.
"Huh?! What do you mean nasa Tokyo ka?"
"Surprise!" masayang sabi ko pa.
"I'm so confused... I don't know if this is a prank, but still, send me your live location."
Pagka-send ko, umupo ako sa may hagdanan sa labas habang naghihintay sa kanya. Nilalamig ako kaya naghanap ako ng vending machine at bumili ng hot chocolate. Gabi na kaya mas lalong malamig. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naghihintay kay Yori at sa reply noong may-ari ng apartment.
Lumingon ako sa gilid ko nang may makita akong lalaking tumatakbo. Napatayo kaagad ako nang mamukhaan ko si Yori. Nakasuot siya ng coat at scarf. Hinihingal pa siya.
"What the... heck..." sabi niya habang hinahabol ang hininga niya. Napahawak siya sa tuhod niya, mabigat pa rin ang paghinga. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Surprise! Dito ako magnu-New Year!" Umakto pa akong may hinahagis na confetti. "Kaso na-scam 'ata ako, he-he!" Pinunasan ko ang ilong ko dahil pakiramdam ko may tutulo nang sipon doon sa sobrang lamig.
Umayos siya ng tayo at hinubad ang scarf niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at binalot ang scarf niya sa leeg ko. Tinanggal niya rin ang gloves niya at sinuot sa akin. Pati iyong coat niya ay hinubad niya at pinatong sa balikat ko. Hala, paano siya?!
"Let me see." Nilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman sa kanya ang phone ko. He called the number of the owner. Isang tawag, hindi sumagot. Sa pangalawang tawag, sumagot na. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil ibang lengwahe. Pagkatapos, binalik na sa akin ni Yori ang phone. "Did you check your e-mail?"
"Huh? Bakit?" Napatingin tuloy ako sa e-mail ko. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang e-mail sa akin ng owner about a week ago. May nasira daw sa apartment kaya ire-refund na lang niya ang pera sa akin. "Oh... Hmm... Hindi ko nakita." Nagkibit-balikat ako. "Oh well, magbu-book na lang ako ng hotel."
"No," sabi ni Yori.
"Anong no?!"
"You're staying with me. Let's go."
Kinuha niya ang maleta ko at siya na ang nagpagulong noon. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang bahay nila. First time kong makakapunta sa bahay nila! Omg!
Tinawagan niya ang mom niya habang naghihintay kami ng taxi. Hindi ko na naman maintindihan. Basta, ang sabi niya ay sinabihan na niya ang mom niya na nandito ako. Nasa duty pa raw si Mommy niya pero naroon daw si Ate Akemi.
Sumakay kami sa taxi at binigay niya ang direksyon papunta sa bahay nila. Medyo malapit lang din pala, pero hindi na kaya ng katawan ko maglakad dahil ang lamig!
"Arigato gozaimasu," sabi ni Yori sa driver bago isara ang pinto.
Nakatingin lang ako sa labas ng bahay nila. Dalawang palapag 'yon, may gate at may pangalan sa may gate. Binasa ni Yori para sa akin. 'Kaneko' raw 'yon. Apelyido ng Mommy niya.
Pagkapasok namin, hinubad ko kaagad ang sapatos ko. May area sila ng hubaran ng sapatos, tapos mayroon din silang guest slippers. Sinuot ko 'yon bago kami pumasok. Nakabukas ang heater nila kaya hinubad ko na 'yong scarf, gloves, at jacket na suot ko. Iyong coat ni Yori ay sinabit ko roon sa may sabitan.
"Onee-chan?" tawag ni Yori at hinanap si Ate Akemi. Tiningnan niya ang phone niya at binasa ang message sa kanya. "Oh, she went out with her friends for a drink."
"Hmm... Okay." Awkward akong umupo sa sahig. May heater 'yong sahig nila kaya ang sarap umupo.
"I placed your things in my room. Nandito 'yong bathroom," turo niya. "Ah, this still feels so... surreal. I didn't expect you to be in my house tonight.. but here we are."
Natawa ako sa sinabi niya. "Surprise nga, eh! Gusto ko rin ma-meet ulit 'yong Mommy mo... Mamamanhikan na kasi ako," pagbibiro ko.
Tumayo ako para maligo na. Nagbihis ako ng pajamas at pumasok na sa kwarto ni Yori. Naglalatag na siya ng futon sa sahig para sa kanya kasi hindi raw kami kakasya sa kama niya at baka pagalitan siya ng Mommy niya kapag tinabihan niya ako.
"Ganito pala kwarto mo rito..." Naglakad-lakad ako paikot. Ibang-iba 'yong kwarto niya rito kaysa roon sa Pilipinas. Wala 'yong pang-gaming niya. Malinis at kaunti lang ang gamit niya rito. Kinuha ko 'yong picture frame at napangiti nang makita ang hitsura ni Yori noong bata siya. "Cute naman."
"Come here."
Lumingon ako kay Yori na nakaupo sa kama niya. Lumapit ako at hinatak niya ako paupo sa may binti niya, pero nakaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinatakan ako ng halik sa mga labi.
"Thank you for the nice surprise," sabi niya.
"Ten days ako rito. Sulitin mo na." Ngumisi ako sa kanya. "Bukas, magbu-book na ako ng hotel. Nakakahiya tumira rito sa inyo. Baka kung ano isipin ng Mommy mo."
"She won't mind. Just stay here. Minsan ka lang nandito," he whispered while showering my neck with kisses.
"Hmm, ipasyal mo 'ko bukas," I said, trying to ignore his kisses and his hand on my hip.
"Saan mo gustong pumunta?" I could feel his breath on my neck.
"Sa mga paborito mong punta-"
"Tadaima!"
Agad akong umalis sa pagkakakandong kay Yori at nahulog pa ako sa sahig sa pagmamadali ko. Natawa si Yori at tinulungan akong makatayo bago buksan ang pinto ng kwarto niya.
"Okaasan," bati ni Yori. "Hayai desu ne."
"Estella!" masayang sabi ng Mommy niya nang makita ako. "Welcome!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "How are you?"
"I'm okay po. It's nice to see you again po. How are you?" nahihiyang sabi ko.
"I'm fine. Mou tabemashita ka?" Pumunta siya sa ref para maghanap ng pagkain. Tumingin ako kay Yori, nanghihingi ng tulong.
"Kumain ka na raw ba?" pag-translate niya.
"Hai," sagot ko. Oh, alam ko 'yon!
Pinaupo niya pa rin ako sa may dining at naghanda ng prutas para sa akin. Wala naman akong choice kung hindi kainin 'yon dahil nakakahiya. Nakipagkwentuhan siya sa akin in English kaya sumasagot din ako in English, pero kapag si Yori ang kausap niya ay Nihongo naman. Ang bilis ding mag-code switch ni Yori, ah.
"Thank you po," sabi ko nang alukin niya rin ako ng inumin.
Nakangiti siyang umupo sa tapat ko at pinagmasdan ako. "So, when are you getting married?" biglang tanong niya.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro