22
"Nat, what's wrong?"
Nakatingin lang ako sa lumabas kong grades sa portal namin. My brows were furrowed while looking at them, kasi... Bakit ganoon? Siguradong hindi ko kasalanan na B+ lang ako. Hindi ako 'yon. Paniguradong 'yong finals namin na by group ang humatak sa akin pababa, iyong kasama ko sina Kobs. Ano'ng nangyari? Na-check ko naman 'yong paper.
"B plus..." bulong ko, hindi pa rin makapaniwala. What the heck? Iyon lang ang nanira sa straight As ko this sem.
"Nat," tawag ulit ni Yori nang hindi ako sumagot.
"Patingin nga ng grades mo," sabi ko at kinuha ang phone niya.
"Nat-" Hindi na niya natuloy at napabuntong-hininga na lang habang tinitingnan ko ang grades niya. Matagal akong napatitig doon sa portal niya. Straight As. Walang palya. "Stop that."
"Congrats," sabi ko at binalik na lang sa kanya ang phone niya. "So proud of you," sabi ko at pinilit ang ngiti ko, pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong B+ na 'yon.
I was starting to blame my friends in my head. Ayaw ko na silang maka-group sa susunod. Mahal ko sila at mabuti silang kaibigan, pero kapag academics na ang usapan... Hindi ko mapigilan magkaroon ng sama ng loob.
"What happened?" tanong ulit ni Yori. Pinakita ko sa kanya ang grades ko. "Wow... You did so well. Good job!"
"Good job?" Kumunot ang noo ko. "Hindi mo ba nakikita 'to?" Tinuro ko ang nag-iisang B+. "This was not a good job. Hindi ko deserve. Sana talaga nag-individual work na lang ako."
"Nat..." Hindi alam ni Yori ang sasabihin niya. Napabuntong-hininga siya. "B+ is already high."
"Not for me," sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pagkain.
"Nag-apply ka na sa debate club?" pag-iba niya ng topic. "Magsisimula na 'yong training."
"Yes, and I got accepted!" nakangiting sabi ko sa kanya. "I hope we get grouped together."
Pagkatapos naming mag-lunch ni Yori sa mall, umuwi na muna ako sa amin at umuwi muna siya sa Ate niya. Bakasyon na kasi dahil tapos na ang finals at nalabas na rin ang grades. Wala na muna akong poproblemahin kung hindi ang debate training at kung ano pa ang pwede kong gawin sa summer vacation.
May two weeks pa bago magsimula ang training kaya uuwi rin muna si Yori sa Japan. Bukas na ang flight niya kaya nagkita muna kami ngayong araw. Badtrip lang dahil nakita ko ang grades ko.
"Oh, Nat! Nag-email sa akin 'yong university. Nilabas na raw ang grades. Kumusta?" nakangiting tanong ni Mommy pagkarating ko.
"Alat, Mi," sabi ko at pinilit ngumiti. "Huwag mo nang tingnan."
"Hala, bakit?"
Madi-disappoint ka lang. Ako nga na-disappoint. I had always shown her my straight As. Nakakahiya naman ipakita 'yong ngayon. May naiibang letter.
"Lumabas din po grades ni Kye, right? Kumusta?"
"Ayun, nagkukulong sa kwarto. Kanina pa ayaw lumabas."
Umakyat tuloy ako para katukin si Kye. Katok ako nang katok para pagbuksan niya ako. Nang mapikon siya ay binuksan niya nga ang pinto, walang emosyon ang mukha.
"What?" pagod na tanong niya sa akin.
"Bakit ka nagkukulong sa kwarto?" tanong ko naman. "Dahil ba sa grades? Patingin nga ako! Hindi ko sasabihin kina Mommy."
Napabuntong-hininga siya at pinakita sa akin ang portal niya. Napakunot ang noo ko nang mapansing matataas naman ang grades niya. Puro line of nine naman, ah!
"Ano'ng problema? Ang taas, ah!" masayang sabi ko.
"Compared to yours, they're not high..."
Nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya, pero agad din akong nakaisip ng paraan para hindi siya malungkot. Kinuha ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang grades ko.
"Tingnan mo nga, oh! Nakakuha ako ng B plus! See?! You don't need to compare yourself to me. Wala namang nagkukumpara-"
"A lot of them, actually."
"Sino, huh?!" Hinawakan ko ang mukha niya hanggang sa mapisil ang pisngi niya. "Alam mo ba, sobrang talented mo! Ang dami mong kayang gawin na hindi ko kayang gawin! You're so good at arts! Painting, drawing, and of course, sculpting! Hindi ko kaya 'yon! We are all different, okay?"
He suddenly pouted, wanting to cry. Natawa ako at niyakap siya nang mahigpit. Natauhan ako dahil kay Kye. I wasn't feeling bad about my grades anymore, kaya agad kong tinawagan si Yori pagkapasok ko ng kwarto.
Pagkasagot pa lang niya, nagsalita na ako. "I'm sorry sa kanina."
"Natauhan ka na?" natatawang tanong niya sa kabilang linya. Napanguso ako at humiga sa kama kahit hindi niya nakikita. Pinindot ko iyong open camera para maging video call 'yong tawag namin at makita niya ang ganda ko.
"Oo, sorry. I'm so proud of you! Hindi dapat ganoon 'yong naging reaction ko kanina. Sorry talaga." Wala! Lunok pride talaga kapag ikaw ang mali.
"It's okay. As long as you know what you did was wrong." Nakaupo siya sa gaming chair niya at naka-headphones. Napakunot ang noo ko, nagtataka.
"Wait... Are you streaming?" gulat na tanong ko.
"Yeah, I muted to answer your call." Inayos niya ang headphones niya.
"Omg, okay! Bakit mo pa kasi sinagot tawag ko?! Bye na!"
"I always answer your calls whatever I'm doing." Tumawa siya at kumaway sa camera. "Bye. I love you."
"I love you, bye! Ingat sa flight!" Binaba ko ang tawag at lumipat ng app para panoorin ang stream niya. Nag-face reveal na siya two weeks ago, at hindi ako natutuwa sa rami ng taong uhaw na uhaw sa kanya! Although medyo gusto ko rin na maraming nagkakagusto sa kanya kasi ang pogi niya talaga, tapos ako ang nagwagi!
Dumating si Daddy noong madaling-araw. Nagulat ako dahil tinawag niya kaming dalawa ni Kye para bumaba. Iyon pala, may dala siyang cake para i-congratulate kami sa end ng sem namin at sa grades.
'Congratulations! You did so well. So proud of you! Love, Mom & Dad.'
Iyon ang nakalagay sa cake, tapos may cartoon drawing ng mukha namin ni Kye. "Thank you, Daddy!" Tumalon kaagad ako at niyakap si Daddy sa leeg.
"Thank you, Dad," sabi ni Kye at umupo na sa may high chair. Nauna pa siyang kumuha ng kutsilyo para hiwain ang cake pero agad siyang pinigilan ni Mommy. Mag-picture daw muna kaming magkapatid na hawak ang cake.
We ate cake until midnight, at nagkwentuhan pa kami nina Mommy. Ongoing pa rin 'yong big case ni Daddy dahil matagal daw talaga ang proseso noon sa korte. Hindi siya naging less strict. Palagi pa ring hatid-sundo si Kye. Ngayong nakauwi na ako, ganoon na rin siguro sa akin. Naiintindihan ko. Takot lang siyang may mawala ulit na malapit sa kanya.
Yori left for Japan, but he continued updating me about his whereabouts. Naiinggit lang ako kasi may ganap sa bakasyon niya tapos ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakahiga lang ako sa kama.
Tapos naalala kong may mga tropa nga pala ako. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nag-video call sa group chat namin nina Seven. Naunang sumagot si Lyonelle, tapos parang napilitan lang si Seven na sagutin. Naka-off na naman ang camera. Nakakainis talaga 'to!
"Mag-on ka ng cam," sabi ko sa kanya.
"I'm busy. What is it?"
Bakit ba lahat ng tao busy?! Ako lang hindi?! Wala na akong magawa. Kaya tuwing bakasyon, mas excited pa akong magpasukan ulit para may ginagawa ako. Hindi pa naman ako mapakali kapag wala akong ginagawa. Pakiramdam ko ang tamad ko o kaya pabaya sa buhay.
"Tambay tayo kina Seven!" aya ko sa kanila.
"Okay. See you in five," sabi ni Lyonelle at binaba kaagad ang tawag.
"Okay, bye!" sabi ko rin.
"Wow, you won't even ask for my permi-" Binaba ko na ang tawag bago pa matapos sa sermon niya si Seven. Agad akong nagbihis at bumaba ng bahay para magpahatid sa driver.
"Where are you going?" Napahinto ako nang marinig ang boses ni Daddy. Nandito pala siya! Hindi ko siya napansin! Dere-deretso na sana ako palabas.
"Kina Seven, Dad!" sabi ko. "Diyan lang naman, malapit lang! Babalik ako kaagad!"
"No," he firmly said before sipping on his coffee.
"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Kina Seven lang naman, Dad? Bakit bawal bigla?"
"Don't go out today. It's too dangerous," seryosong sabi niya habang nagla-laptop. Hindi man lang siya makatingin sa akin kasi alam niya ang ipapakita kong mukha sa kanya.
"It's always dangerous, Dad. Ano ba ang bago? Kina Seven lang naman," pamimilit ko pa. "Bakit dati, pwede naman lumabas? Why can't I go today?" Nararamdaman ko na ang inis.
"Just listen, Nat," narinig ko na ang galit sa boses niya kahit kalmado pa rin ang hitsura niya. When he glanced at me, nangatog ang tuhod ko. He was very serious, but I didn't want to lose.
"Give me a reason why I can't go today, Dad," mahinahong sabi ko naman. "I have to know. Ano ba ang importante ngayong araw? May mangyayari ba-"
"Nataleigh." He stared me down. "No more questions. You're not going out today. Ask them to come over instead."
Kinuyom ko ang kamao ko at inis na naglakad paakyat at pabalik sa kwarto. Nakasalubong ko pa si Mommy na nagtataka kung bakit ganoon ang hitsura ko pero dere-deretso lang ako papasok. Tinawagan ko kaagad sina Lyonelle.
"Change of plans. Bawal ako umalis kaya kayo na lang pumunta dito. Naiinis ako!"
Both of them knew too well not to piss me off, so nag-'okay' na lang silang dalawa. Pagkarating nila, hindi ako bumaba dahil ayaw kong makita si Daddy. Sila na lang ang dumeretso papunta sa kwarto ko.
"What's wrong?" tanong agad ni Lyonelle pagkasarado ko ng pinto. Padabog akong umupo sa kama at pinagkrus ang braso sa dibdib ko.
"Hindi ko alam! Biglang ayaw niya akong paalisin! Okay naman noong mga nakaraang araw, tapos biglang bawal na!" reklamo ko.
"Maybe it's too risky today. You know your dad's job," rational na sabi ni Seven na umupo sa sofa, mukhang tamad na tamad. Mukha ngang hindi na siya nagpalit ng damit. Nakapangbahay lang din siya.
"Ano, forever na lang na bawal lumabas, ganoon?" Sumimangot ako. "Tsaka para namang malayo ang pupuntahan ko? Kina Seven lang naman 'yon!"
"Try to understand your Dad," sabi na naman ni Seven.
"Nakaninong side ka ba, huh?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Napabuntong-hininga siya at napamasahe sa sentido niya. "Sides? You're not young anymore, Nat. You should think like an adult now."
Kumunot ang noo ko. "Wow, the ever so responsible Seven Camero. Can't I be upset? Dapat ba happy-happy lang palagi? Eh, sa hindi ko nga maintindihan kasi sabi niya 'no more questions' kaya paano ko maiintindihan?"
"You're smart. I'm sure you can understand," kalmadong sabi ni Seven habang nagi-i-scroll pa sa phone.
"What's wrong with you, guys? Cut that shit out," inis na sabi bigla ni Lai. "If you have problems at home, don't take it out on each other. You're just making things worse!"
Napanguso ako at umiwas ng tingin. Seven looked like he wasn't a bit bothered by it, pero alam kong kanina pa siya may malalim na iniisip.
"Nat, you can be upset, but also think of your Dad's side too. Don't take it out on your friend. Seven, you too. I know you're tired, but Nat is not part of the reason why you're tired. Don't feel like you are also responsible for her problems," sermon ni Lyonelle sa amin.
"Sorry," mahinang sabi ni Seven. "I'm just tired. That's all."
Ngumuso ako. "Sorry. I was childish," sabi ko na lang din. "Ano ba nangyari, Seven?"
Umiling siya. "It's nothing."
"Come on, man... Are we going to play this game again?" Umupo si Lai sa may carpet at sinandal ang likod sa may gilid ng kama ko.
"I'm just tired of being the one responsible for everything. That's all." He made it sound like it was not a big deal, pero halata sa boses niyang kanina pa niya iniisip 'yon. "I don't have anything to say about it, so don't ask me anymore."
Ang sungit talaga, pero sige! Nirespeto na lang namin ang gusto niya. Nagpatuloy ako sa pagra-rant tungkol sa pagkakakulong ko sa bahay pero naka-move on din naman ako nang maglaro kami nina Lai ng games sa kwarto ni Kye. Sila ang nag-aya, at ayaw kong ma-out of place kaya sumali rin ako.
"Are you going to compete in debate again?" tanong ni Seven sa akin.
"Oo. I need to face my fears," pabirong sabi ko. "Hindi ko na iiwan si Yori. I'll treat him better this time!"
"Dapat lang. Kawawa si Yori sa 'yo," pang-aasar ni Lai.
"Mas kawawa magiging jowa mo," ganti ko.
"Swerte kamo, because I'm good at..." Ngumisi siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "...everything," pagyayabang niya.
"Maliban sa game na 'to. Boom! Loser!" Binaba ko kaagad ang controller nang matalo ko siya. Hah, akala niya, ha! Na-distract kasi si gago dahil sa kayabangan niya!
Kinabukasan, sakto wala si Daddy kaya nagpaalam ako kay Mommy na lalabas kami nina Zahra, Kobs, at Laya. Sabi niya naman ay basta magpahatid ako sa driver kaya iyon ang ginawa ko. Nag-mall kami nina Kobs at nag-window shopping.
"Hindi ka bibili, Nat?" tanong ni Laya dahil may gusto akong bilhin na damit.
"Wala akong pera," natatawang sabi ko.
"Sa yaman mong 'yan, wala kang pera, huh?!" reklamo ni Kobs sa akin. "Pag nanghingi ka kay Attorney, bigyan ka agad ng ten kyaw noon."
"Magkaaway kami!" pabirong sabi ko habang nagme-message. Nag-send ako ng update kay Yori na kasama ko sina Zahra. Nang mag-send din siya ng picture, sumigaw kaagad ako at nahampas pa si Zahra sa braso dahil sa kilig. "Ang pogi-pogi talaga!"
"Patingin nga kung pogi talaga." Sinilip ni Zahra ang picture na sinend ni Yori kaso nilayo ko kaagad. "Ang damot, pero ang pogi nga! Tuwang-tuwa ka siguro kapag nakikipag-kiss."
"Siyempre, duh! Kung pwede nga lang huwag ko na ipikit mga mata ko! Kung hindi lang talaga weird 'yon..." Napa-daydream tuloy ako nang wala sa oras. Miss ko na si Yori.
"Kiss lang?" pang-aasar ni Kobs. Binatukan ko siya kaagad.
Nag-dinner pa kami nina Kobs at napasarap ang kwentuhan namin. Hindi ko namalayang nag-message na pala si Daddy kanina pa.
From: Daddy
Go home.
From: Daddy
Now.
"Shit!" Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko. "Kailangan ko na umuwi, guys! Nahuli na ako ni Daddy!"
Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos. Tumakbo na kaagad ako para hanapin iyong driver namin. Naghihintay na pala siya si Kuya Adrian sa may sasakyan. Dali-dali akong pumasok at sinara ang pinto.
"Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo," sabi ni Kuya Adrian. "Lagot tayong dalawa nito..."
"Pinayagan naman ako ni Mommy, ah!" pagtatanggol ko sa sarili ko pero kinakabahan na talaga ako sa loob-loob ko.
Pagkarating sa bahay, nagulat ako dahil wala si Daddy sa may sofa. Ine-expect ko pa naman na hihintayin niya ako para mapagalitan. Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdan, pero natigilan din nang bahagya kong marinig na nagtatalo si Mommy at Daddy tungkol sa paglabas ko. Nasa loob sila ng kwarto kaya hindi ko masyadong marinig, pero alam kong ako ang pinagtataluhan nila.
Bumukas ang pintuan kaya nagmadali akong bumaba. "I don't know, Luna. I'm just really tired right now. I'm sorry," rinig kong sabi ni Daddy bago isara ang pintuan. Nagtama ang tingin namin. Nanlaki ang mga mata ko at pinagpatuloy ang pagbaba papuntang living room.
Umupo na kaagad ako sa sofa, handa nang mapagalitan.
"I'm glad you're safe," sabi ni Daddy bigla. Napaawang ang labi ko at tumingin sa kanya. Akala ko magagalit siya!
"Thank you po?" Hindi ko alam ang isasagot ko. He looked so relieved to see me.
"I'm sorry about yesterday..." Pinagmasdan ko siya. Mukhang hindi pa siya natutulog at pagod na pagod ang mga mata. Tinanggal niya ang reading glasses niya at pumikit saglit habang nakatakip nang bahagya ang kamay sa mukha. "I just received a message yesterday so... I didn't allow you to leave."
"Oh..." Napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Alam ko na kaagad kung anong klase ng message ang sinasabi niya. I used to receive those messages too noong bata kami ni Kye. May mga nagme-message sa amin ng ganoon kaya palaging kinukuha ni Daddy ang phone namin at pinapalitan. Hindi namin alam kung paano nalalaman 'yong number namin. Nabawasan naman na ngayon.
Napabuntong-hininga si Daddy at napapunas ulit sa mga mata niya habang nakapikit. Akala ko kanina ay masakit lang ang mga mata niya dahil pagod pero hindi ko namalayang naluluha na pala siya.
"Dad... Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ko.
"Nothing. I'm just relieved... so relieved that you're safe." He gave me a small smile. "Don't do this again. Message me when you're leaving. I will allow you to go out, but always update me and answer all my calls immediately."
"Okay po..." Nag-aalala pa rin ako pero tumayo na siya at naglakad na ulit paakyat at papasok sa kwarto. Napakurap ako at napatagal ang upo roon, nag-iisip... pero kinuha ko na lang ang phone ko at kinwento kay Yori ang nangyari. I was so worried for Daddy.
"Is he okay now?" tanong ni Yori.
Nakauwi na siya galing Japan at first day ng debate training namin para sa competition. Nauna kaming dalawa sa room ng debate club. Mas malaki na 'to compared sa room noong SHS. May sarili ring library tsaka mga computer at printer. Mayroon ding mini-stage at microphone. Ngayon na lang din kami nagkita kasi kahapon lang din siya nakauwi.
"Oo. Hatid-sundo pa rin kapag aalis, tsaka 'yong condo ko, doble-doble na 'yong lock," sabi ko naman dahil sa condo na ako uuwi. Start na ng training, eh.
"He texted me yesterday when I landed," sabi ni Yori. Kumunot ang noo ko. "He said I should always walk you home, and also samahan kang maglakad papuntang school."
"Ano ba 'tong si Daddy... pero sige, para mas marami tayong time na magkasama," banat ko sabay ngisi. Napailing si Yori sa akin pero halatang kinilig din naman. Natawa ako at pinisil ang ilong niya. "Punta ka sa condo mamaya, ah... I missed you."
"Nat..." bulong ni Yori at tumingin sa paligid.
"Bakit? Tayo pa lang nandito." Nilagay ko ang kamay ko sa may binti niya para asarin siya. Agad siyang lumayo sa akin. Inusog pa nga niya ang upuan at tumingin ulit sa paligid. Natawa ako nang malakas sa hitsura niya.
Sa first day namin, introduction lang, getting to know each other, general rules, tapos groupings. Lumaki ang ngiti ko nang makita ko sa presentation na partners kami ni Yori. Tumingin kaagad ako sa kanya at kumindat. Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya at umiwas ng tingin, namumula ang tainga. Crush na crush talaga ako nito!
Pagkatapos ng meeting, sabay kaming naglakad ni Yori pauwi. Sobrang init kaya dumaan muna kami sa convenience store sa tapat para bumili ng ice cream.
"Ay, hindi si Alia 'yong nasa cashier," sabi ko nang makitang lalaki ang nasa cashier.
"Who's Alia?" tanong ni Yori sa akin.
"Basta, 'yong part-timer nila diyan. Baka umuwi sa probinsya or ano," sagot ko. "Cute pa naman siya tapos ang daming energy!"
Habang naglalakad kami, naglabas si Yori ng portable fan mula sa bag niya at tinapat sa akin dahil napansin niyang pinagpapawisan ako. Ngumiti ako sa kanya habang kumakain ng ice cream at nagpasalamat.
Napilit ko rin siyang mag-stay muna sa condo ko. Binaba niya ang bag niya pagkapasok at may kukuhanin sana pero tumingkayad kaagad ako at hinawakan ang mukha niya para halikan. Muntik pa siyang matalisod patalikod.
"Wait-" sabi niya pero hinalikan ko ulit siya. "Nat-" Hindi siya makapagsalita. Hinawakan niya ang balikat ko at mahina akong nilayo sa kanya. Sumimangot kaagad ako at sinamaan siya ng tingin.
"Ano ba 'yon? Ayaw mo ba ako i-kiss?" pagtatampo ko.
"No, may ibibigay lang ako." Kinuha niya ang bag niya at inabot sa akin ang isang paper bag. Kumunot ang noo ko. Mas importante ba 'to? Ano ba 'to? "It's a gift from my Mom."
Importante nga!
"Wow, thank you, pakisabi kay Mommy!" Nilabas ko 'yong nasa paper bag. Puro mga pagkain na pasalubong galing Japan. Nilagay ko kaagad sa ref kasi baka matunaw. Mayroon ding shirt na binigay. "Ang cute! Thank you! Arigato gozaimasu!"
"Okay, we can now." Binaba niya ang bag niya sa sofa at hinubad ang polo niya mula sa balikat. Naiwan na lang siyang naka-puting shirt.
"Huh?" nagtatakang tanong ko. "Anong-"
He suddenly held my face and kissed me. Nagulat ako at napaatras kaya napaupo ako sa sofa but he kept on kissing me. He put his one knee on the sofa and then hovered on top of me, still kissing me. Pinalupot ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya pabalik.
"I missed you," bulong niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang patakan niya ng halik ang leeg ko. Iyong isang kamay niya naman ay nasa baywang ko. Medyo tumaas ang suot kong shirt kaya ramdam ko ang kamay niya directly sa balat ko.
Omg, ito na ba 'yon? Teka lang, maliligo muna ako! Baka ang baho ko! Hindi pa ako ready! Dapat fresh ako from the shower! Naplano ko na sa utak ko ang moment na ganito! Hindi ito 'yon!
"What's on your mind?" Tumigil siya at nagtataka akong tiningnan.
"Huh? Wala, ah." Umayos siya ng upo kaya umayos din ako. "Bakit ka tumigil?"
"You're thinking of something else." Tumayo siya para kumuha ng tubig. "Is there a problem?"
"Wala nga!" Paano ko naman sasabihin sa kanya na ang layo na ng ini-imagine ko?! Nakakahiya!
"Ano nga?" tanong niya pagkainom ng tubig.
"Hala, wala nga. Ang kulit nito." Umiwas ako ng tingin. Mas lalo lang tuloy akong nagmukhang guilty!
"Did something happen while I was away?" Sumingkit ang mga mata niya.
"Wala, ano ka ba... Ano naman ang iisipin ko? Wala naman akong lalaki! Alam mo rin naman 'yong nangyayari sa bahay! Wala namang pasok kaya hindi ko iniisip grades ko. Wala nga, promise," pag-assure ko sa kanya.
"Hmm..." He tilted his head a little to the side. "So, ano nga iniisip mo?"
"Sige na nga! Ang kulit mo!" pikon na sabi ko. "Iniisip ko lang kung maga-advance na tayo ng stage kasi hindi pa ako ready! Hindi pa ako naliligo! Amoy pawis pa 'ata ako kasi ang init sa labas!"
Muntik pa siyang masamid sa iniinom niyang tubig. Napaubo siya at binaba ang baso sa may countertop. Oh, ano?! Gusto niya ng honesty, eh!
"Let's take it slow," sabi niya lang, nahihiya.
Three weeks na kaming nagte-training. Pinagsasabay naman ni Yori 'yong training niya at streaming. Maraming nagre-recruit sa kanyang mga sikat na group sa e-games competition pero hindi niya tinatanggap. Ang dami na niyang followers dahil sa pag-stream niya, pero doon lang sa streaming app kasi naka-private lahat ng accounts niya.
Nanonood ako ng stream niya noong kinagabihan para i-support siya. May nilalaro siyang iba namang game. Iba-iba kasi nilalaro niya at ang galing niya sa lahat ng 'yon. Hindi ko na nga alam ang pangalan noong ibang laro.
Nag-join siya ng isang room, tapos naka-on mic 'yong mga tao. Narinig ko 'yong gulat nila nang makita si Yori.
"Oh my gosh, si Yori," sabi noong babae. "Hi, Yori, ang pogi mo."
Hindi nagsalita si Yori at busy lang na may kinukuhang reward somewhere.
"Duo tayo next game, Yori!" sabi noong isa pang babae.
"Hindi ako nakikipag-duo," simpleng sabi ni Yori habang inaayos ang headset.
"Huh, bakit naman? Magaling akong support, promise! Check mo 'yong stats ko!"
"I have a girlfriend."
Napakagat ako sa labi ko at tinakpan ng unan ang mukha ko bago sumigaw. Kilig na kilig ako sa bawat mention niya sa 'girlfriend' niya kasi ako 'yon! Ako ang nagwagi!
Ang sabi niya huwag akong magpadala ng kahit ano, pero ginulat ko siya at nagpadala ako ng gift. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang makita ang pangalan ko.
"Thank you, but don't do that again, babe," sabi niya habang naglalaro. Ngumiti ako at natawa. Kahit hindi ko naiintindihan ang nilalaro niya, nanood pa rin ako bilang support. Ang dami talagang nanonood sa kanya, grabe.
Another month passed by. It was the same routine during summer. Training tapos tatambay muna kami ni Yori sa condo, tapos uuwi siya at magi-i-stream. First competition namin around August so mas naging busy kami noong nagsimula na 'yong third year, first sem.
"Shit, nambabagsak daw prof natin," sabi ni Zahra, halatang stressed dahil nanganganib ang grades nila simula pa first year.
"Okay lang 'yan! Nandiyan naman si Nat," sabi ni Kobs. "Madadala niya tayo sa group works!"
"Hindi naman dapat si Nat palagi..." sabi naman ni Laya.
Ngumiti na lang ako ng pilit at hindi nagsalita. Ayaw ko na sana silang ka-group pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'yon. Kapag pwedeng individual work na lang, prof na lang muna kakausapin ko. Mas okay pa ang grades ko kapag ako lang.
Elective ang next class namin kaya magkakahiwalay kami nina Kobs. Pagkapasok ko pa lang ng room, nasira na ang araw ko.
"Hi, honey- I mean, Nat!" Kumaway si Clain sa akin. Umakto akong hindi siya kilala at umupo ako sa may tabi ng bintana, kaso lumipat naman siya ng upuan at doon pa umupo sa tabi ko! Hindi man lang nag-take ng hint! "Ang sungit mo na naman sa akin. I haven't done anything yet."
"Yet," pag-emphasize ko. "Doon ka nga. Baka magselos jowa ko."
"I don't think he's the jealous type... and we're friends. Akala ko okay na tayo pagkatapos noong inuman? I'm not even bothering you anymore." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"Whatever, loser," parang bata na sabi ko sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin. Inisip ko ngang i-drop na lang 'yong course at mag-take na lang ng ibang elective kaso masyadong hassle 'yon.
Pagkatapos ng elective class ay wala na akong klase. Nakakainis! Nasa class pa sila Kobs kaya si Clain ang kasama ko maglakad papuntang cafeteria. Kinukulit niya na naman ako at tinutulak ko ang mukha niya palayo.
"Doon ka nga. Pupunta akong debate room." Doon na lang ako tatambay habang naghihintay sa training.
"Patambay rin. It has aircon, right? I'm waiting for our training too."
"Mapipigilan ba kita, huh?!" iritang sabi ko.
Pumasok ako sa debate room at sumunod naman siya sa akin. Binuksan ko rin ang aircon at nag-ikot para maghanap ng libro sa mga shelves. Sumunod naman sa akin si Clain at tinulungan akong maghanap.
"Ano ba, doon ka nga! Ang sikip-sikip na nga rito!" Tinulak ko siya nang dumaan siya sa harapan ko at hindi na kami nakagalaw. Maliit lang kasi pagitan ng mga shelves.
Sinubukan kong maglakad pagilid para makaalis pero nabunggo ko 'yong shelf sa likod ko kaya muntik nang mahulog 'yong mga libro. Mabuti na lang at inabot ni Clain 'yon.
Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ni Yori nang makita ang pwesto namin. Agad kong tinulak si Clain at pinilit ang sarili kong makaalis. Nahulog iyong ibang libro sa likod ni Clain kaya naging abala siyang ayusin 'yon.
"T-tapos na class mo?" tanong ko kay Yori.
"Yeah..." mahinang sabi niya at nilapag ang bag sa may desk.
"Tawag na ako ni Coach. Bye Yori! Bye Nat!" Tumakas kaagad si Clain, pero mukhang totoong tinatawag na nga siya dahil may kausap na siya sa phone.
Umupo lang si Yori at naglabas ng laptop. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero kinakabahan ako. Hindi naman siguro siya galit 'no? Wala lang naman sa kanya 'yon.
"You finished your classes early," sabi niya.
"Ah, wala 'yong prof namin for four o'clock," pagpapaliwanag ko.
"Mm-hm."
Natahimik ulit kami. Nag-aaral siya sa laptop niya kaya nilabas ko rin ang iPad ko at nag-ayos ng notes habang naghihintay kami. Ang weird na ang tahimik namin pero mukhang busy lang naman talaga siya. Hindi naman ganoon si Yori... Iyong type na nagseselos at nag-iisip ng kung anu-ano sa ganoong eksena. Hindi naman siya katulad ko na mahilig mag-overthink!
"Magkaklase kami ni Clain sa elective, tapos nakitambay lang din siya dito," pagpapaliwanag ko pa rin. "Ang sikip pala ng shelves dito... Medyo na-stuck kami."
"Yeah, I guess," maikling sagot niya.
"Galit ka ba?"
"Bakit ako magagalit?" tanong niya pabalik habang nagta-type. May suot pa siyang glasses.
"Wala lang..." Umiwas ako ng tingin at nag-type na lang din sa laptop ko.
Normal lang naman pakikitungo sa akin ni Yori hanggang sa matapos iyong training namin. Sabay kaming nag-dinner sa may restaurant sa tapat ng university. Nag-order siya para sa aming dalawa, tapos kinuhanan niya rin ako ng utensils at nilinis pa niya para sa akin. Maayos din naman siyang kausap kaya hindi naman siguro siya galit. Ako lang ang nag-iisip noon.
"How was your day?" tanong niya habang kumakain.
"Boring kasi kaka-start pa lang ng sem kaya halos puro introductions lang lahat," sabi ko. "Ikaw ba?"
"I already have a lot of things to do," sagot niya. Kumuha siya ng tissue at pinunasan pa ang bibig ko. "Are you excited for the competition? It's your first debate competition after a long time."
"Hmm, alam ko namang mananalo tayo, eh," confident na sabi ko. "Kapag pinagsama tayong dalawa, we're unstoppable." Ngumisi ako.
"Iiyak ka ba kapag natalo tayo?"
Nagkibit-balikat ako. "Madi-disappoint ako, siyempre. Baka hindi na ako sumali next year kapag natalo."
Hindi ko lang tanggap na may mas magaling pa kaysa sa akin... or sa aming dalawa. Siguro doon ako madi-disappoint.
"You can cry... but you can't leave me."
"Huh?" Napatigil ako sa pagnguya.
He looked straight in my eyes. "Cry all you want, Nat, but you can't leave me again if we lose," seryosong sabi niya. "So don't even think about it."
"Paano kapag ako pala ang iiwan mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Umiling siya. "That won't happen. I'm in this relationship for life. I date to marry, you know..." Hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi.
"Is this a proposal?" Ngumisi ako. "I do na agad."
"If we win..."
"Ano na naman ang deal this time?" natatawang sabi ko.
"Let's live together."
Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Deal."
______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro