Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21


"Nat? Are you here already?"

Handa na akong matulog pagkatapos kong mag-skincare nang marinig ko ang katok ni Daddy. Tumayo kaagad ako para pagbuksan siya ng pinto. Gusto ko man siyang salubungin with a big smile, hindi ko magawa dahil sa usap namin ni Kye kanina. 

"Hi, Daddy," bati ko at ngumiti nang tipid sa kanya. "Ngayon ka lang nakauwi? Anong oras na, oh..." Tiningnan ko ang orasan sa kwarto ko. Eleven o'clock na. Gabing-gabi na. 

"Sorry, I've been spending a lot of hours in the office," sabi niya. He pulled me into a hug and rested his chin on top of my head. Napabuntong-hininga siya. 

"Dahil ba magkaaway kayo ni Mommy?" tanong ko.

Agad siyang kumalas sa yakap para tingnan ako, nakakunot ang noo. Nagtataka ba siya kung paano ko nalaman? O nagtataka siya mismo sa sinabi ko? 

"What? We're not fighting..." sabi niya naman. Halatang pagod siya sa boses niya. Mukhang palagi nga siyang overworked. Big case nga talaga. "Who told you that?"

"Si Kye... Sabi niya magkaaway kayo dahil sa kanya."

"Wait, no... That's not..." Hindi niya alam ang sasabihin niya. Natigilan siya, mukhang nag-iisip. He was reflecting on their actions these past few days. "I can't call it a fight. It was just a... misunderstanding. That's all." 

"So, magkaaway nga?" Tumaas ng isang kilay ko. "Pinaganda mo pa, Dad..." 

Sabay kaming napatingin sa may baba nang marinig ang pagdating ni Mommy. Dad looked like he didn't know what to do or where to go. Napailing ako habang pinapanood siya. 

"Ayusin mo 'yan, Dad..." sabi ko bago makitang umakyat si Mommy. "Hi, Mommy!" bati ko sa kanya habang nakangiti. 

"Hello, bebe ko!" masayang sabi niya rin. She looked like she wanted to hug me but Dad was in front of me so she just hugged the air. "Sorry, late na ako nakauwi! Hindi man lang kita nasalubong, pero don't worry, paglulutuan kita ng favorite mong pagkain bukas!" 

"Ah, pupunta po si Yori dito bukas," pag-inform ko sa kanila. "May sasabihin daw po siya."

"What?" nagtatakang tanong ni Daddy. 

"Hmm... Sige! Welcome siya dito anytime!" nakangising sabi ni Mommy na parang alam na niya 'yong rason kung bakit pupunta dito si Yori. 

Nagpaalam na ako sa kanilang matutulog na ako kaya sinara ko na ang pinto. Magbabati na kaya sila ngayong gabi? Malalaman ko na lang 'yan bukas. Natulog na lang ako dahil gabing-gabi na. 

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapag-ayos. Naligo ako at nagpalit ng damit. Pagkababa ko, nagluluto na si Mommy ng breakfast. Gaya ng sabi niya, nilutuan niya nga ako ng favorite kong breakfast. Tocino! 

Umupo ako sa may high chair at doon kumain. Tinitingnan ko ang mood ni Mommy para malaman kung okay na sila ni Daddy pero hindi ko mabasa. 

"Good morning, mahal!" bati niya nang bumaba si Kye, kakagising lang din. 

"Morning," maikling bati ni Kye at umupo sa tabi ko. 

Mommy served him a plate of pancakes. May smiley face pa 'yon kaya natawa ako. Kumunot ang noo ni Kye. 

"I'm sorry, baby." Ngumuso si Mommy at sinandal ang siko sa may lamesa para makita nang maayos si Kye. She gave him an apologetic smile. "Kung magkaaway man kami ng Daddy mo, hindi ikaw ang rason, okay? Wala kang kasalanan. I'm so sorry you felt like that..." 

Kye pursed his lips, trying to contain his emotions. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko dahil mukhang maluluha pa siya. Nilagay ko na lang ang kamay ko sa tuktok ng ulo niya at ginulo ang buhok niya. 

Mukhang nag-usap na sina Mommy. Mabuti naman. Ayaw ko talagang nag-iisip ng mga ganoon si Kye. Nalulungkot ako. 

"Misunderstanding lang naman 'yon, lablab ko! Okay kami! Kung worried kang maghihiwalay kami, hindi 'yon mangyayari 'no!" pagbibiro ni Mommy at pinisil pa ang pisngi ni Kye. "Huwag ka na malungkot. Pupunta favorite mong Kuya dito." 

"Huh?" Napaangat ang tingin ni Kye. 

"Si Yori! Pupunta siya dito!" pagbabalita ni Mommy. "Mamayang lunchtime kaya mag-ready ka na rin." 

Pagkatapos kumain, hinintay ko munang umakyat si Kye sa kwarto niya bago ko kinausap si Mommy. Nawala rin ang ngiti niya nang mawala na si Kye, pero nang makita akong nakatingin, ngumiti ulit siya sa akin. 

"Bakit kayo magkaaway, Mommy?" tanong ko. 

"Hmm, big case na naman. Alam mo naman..." Ngumiti nang tipid si Mommy. Alam niyang maiintindihan ko na 'yon. It wasn't like I wasn't aware of my Dad's line of work. It was a big case, so mas malaki ang threat sa amin. "Heightened talaga emotions namin kapag ganito." 

"Gets ko naman, Mommy. Ang sa akin lang, huwag n'yong ipakita kay Kye na hindi kayo okay," sabi ko. "Parang... ang daming tumatakbo sa isip niya. He's quiet so you should pay more attention to him... Ako, okay lang. Huwag n'yo na ako intindihin, Mommy! Malaki na ako!" nakangiting sabi ko. 

"Aw, Nat..." Ngumuso siya. "Hindi naman pwedeng hindi ka namin intindihin, ano ka ba. You're our daughter and we love you so much too! Kakausapin ko si Kye mamaya." 

Okay, that was already out of the way. Ang iintindihin ko na lang muna ay iyong pagdating ni Yori! Kinuha ko ang phone ko para tanungin kung nasaan na siya pero hindi siya nag-reply kaagad. Tinago ko na lang ang phone ko at umakyat para mag-aral. 

Nang ma-bored na ako kaka-aral, nag-practice na lang ako mag-violin. Bakit kasi ang aga kong nagising?! Ang tagal ko tuloy maghihintay na mag-lunch! 

I played something classic. I was closing my eyes so I could focus on listening to the tune, hanggang sa may narinig akong ingay sa pinto. Agad akong natigilan at lumingon. Nakita kong  nakasandal si Yori roon at nakakrus ang braso. He smiled when our eyes met.

"Baby!" Tumakbo kaagad ako sa kanya at niyakap siya kahit hawak ko pa iyong violin at 'yong bow. "Kanina ka pa?!"

"Yes... I didn't know you played violin so well." 

"Palagi naman akong magaling," mayabang na sabi ko at binalik na ang violin sa may case. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa may dulo ng kama ko habang tumitingin sa paligid. 

Umupo naman ako sa tabi niya pagkatapos kong itabi iyong case ng violin. Nandito na siya. Ibig sabihin, nag-usap na sila ni Mommy sa baba. Napatingin ako sa pinto, iniisip kung isasara ko ba 'yon o baka magalit si Daddy. 

Nnarinig ko na ang sigaw ni Mommy na may pagkain na raw kaya bumaba na kami. Kinatok ko pa si Kye para tawagin siya. Nang makita niya si Yori, mukhang lumiwanag ang mukha niya. May kausap na naman siya tungkol sa mga interes niya sa buhay. 

Pagkababa, nandoon na si Daddy. "Hello, good noon po," bati ni Yori. Nakita kong may paper bag doon sa may tabi ng kusina. Galing siguro kay Yori 'yon. Ayaw noon bumibisita nang walang dala, eh.

"Good noon, Yori. You can sit down," turo ni Daddy sa may bakanteng upuan.

Umupo na kaming lahat at nagsimula nang kumain ng lunch. Kinakausap nina Mommy si Yori at tinatanong ng mga life updates niya, kung ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Matagal ding hindi nakapunta rito si Yori. 

"So... Ano 'yong totoong rason kung bakit ka nandito?" pang-aasar ni Mommy pagkatapos ng warm-up conversation.

"Oh... Uh..." Halatang kinabahan si Yori at hindi alam kung paano sasabihin. "I just want to formally ask for your permission to-"

"Kami na!" masayang sabi ko para hindi na siya mahirapan. Ngumiti ako kina Mommy at Daddy at nag-thumbs up pa. "Nakuha ko na siya... Sinagot na niya ako." Humagikgik ako, tuwang-tuwa.

"Nat," Yori warned. "Hindi pa ako tapos..." 

"Ang tagal mo kasi, eh! Simple lang naman ang sasabihin mo!" I gave him an apologetic smile. "Anyway, pumunta po si Yori para maging respectful at ipaalam mismo sa inyo na dine-date na niya ako." 

"It's nothing new..." mahinang sabi ni Daddy. 

Malakas na tumawa si Mommy at tuwang-tuwang pumalakpak. "Omg, congratulations! Sa wakas, may boyfriend na si Nat! Ang tagal kong hinintay 'to!"

"Daddy, ikaw? Wala kang sasabihin?" Siniko ko siya.

"Well... I don't know..." Napaisip siya. "Both of you are smart enough to know what you're putting yourself into." 

"Siyempre naman, Dad!" 

Pagkatapos mag-lunch, inaya ko si Yori sa taas dahil gusto ko siyang i-kiss. 

Kaso ayaw niya! Nakasimangot tuloy ako habang pinapanood sila ni Kye maglaro ng video game sa kwarto ng kapatid ko. Tinuturuan niya si Kye maglaro noong bagong labas na game kasi ang alam ko inaaya siya nina Kiel maglaro.

"Bakit hindi ka kay Kiel magpaturo?" tanong ko habang nakahiga sa kama ni Kye. 

"He said, 'vibes lang 'yan p're.'" Ginaya pa niya kung paano sinabi 'yon ni Kiel kaya malakas akong tumawa. Ang layo talaga nila sa isa't isa! 

Pagkatapos ng teaching session nila roon, inaya ko si Yori bumili ng ice cream para may alone time kami. Palubog naman na ang araw kaya hindi na mainit maglakad-lakad. 

Bumili kami ng tig-isang popsicle at kinain iyon sa playground na palagi naming tinatambayan nina Lyonelle. Umupo kami sa may swing. Ako, naglaro-laro roon, habang siya ay kumakain lang. Magkaiba rin talaga kami nito, eh! 

Hininto ko tuloy ang swing at bumaba. Pumunta ako sa likuran niya at tinulak nang malakas 'yong swing. 

"Nat!" sigaw niya at agad napakapit doon. Malakas akong tumawa at mas lalo pang nilakasan ang tulak sa swing na para bang lilipad na siya papuntang langit. "Nat, stop it!" sigaw niya sa ere. 

Tumatawa pa rin ako habang pinapanood siya. Sinusubukan niyang ihinto 'yong swing gamit iyong paa niya pero dahil masyadong mabilis iyong swing ay bigla siyang nahulog. Nanlaki ang mga mata ko at agad tumakbo sa kanya. 

"Huy! Shet, okay ka lang?!" Hinawakan ko kaagad 'yong swing para hindi siya matamaan. Tumayo siya at tiningnan iyong tuhod niya. Nakasuot kasi siya ng shorts kaya nasugatan iyong tuhod niya. "Omg... Sorry..." Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Shit, mukhang galit siya. 

Hindi siya nagsasalita habang hinahanap ko ang panyo ko. Luluhod na sana ako para ibalot 'yong sugat niya pero bigla niyang hinatak ang palapulsuhan ko para halikan ako. Nagulat ako at hindi nakagalaw. 

He looked so mad when he kissed me. Parang kakawala na sa dibdib ko 'yong puso ko! Nang bitawan niya ako, napabuntong-hininga na lang siya. 

"I don't want to say anything while I'm mad, so I just kissed you to stop myself from talking," he said. 

Tumingkayad ako at pinatakan din ng halik ang labi niya. "Sorry," sabi ko. "Tara na, gamutin natin 'yang sugat mo." 

Pagkabalik namin, nagulat kaagad si Mommy dahil ang dumi na ng suot ni Yori at may sugat pa siya sa tuhod. Agad lumipat ang tingin ni Mommy sa akin, nag-aakusa. Ngumiti ako at nag-peace sign. Alam niya na kaagad kung sino ang may gawa! 

Kumuha ng medicine kit si Mommy habang nagpapalit si Yori ng damit. Pinahiram na lang siya ni Kye. Sana ay kumasya sa kanya. Matangkad naman si Kye, eh. 

Bumaba si Yori na nakasuot ng jogging pants at shirt. Medyo maliit nga lang 'yong shirt kahit oversized fit, pero sakto naman 'yong jogging pants. 

"Pasensya ka na kay Nat, Yori..." nahihiyang sabi ni Mommy habang ginagamot ang sugat ni Yori. "Sana mapagtiisan mo siya nang matagal, ha..." 

"Mommy naman, eh!" reklamo ko. "Yori, sabihin mo kay Mommy love mo ako." 

"Nat?" hindi-makapaniwalang sabi ni Yori sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Hala, Mi, kinakahiya niya ako," pagsusumbong ko. 

"Yori, ito isang milyon. Pumunta kang ibang bansa, gamitin mo sa kung ano, I don't care. Layuan mo lang ang anak ko. Sabihin mo kapag kulang pa." Inabutan ni Mommy si Yori ng band aid. 

Tumawa si Mommy at binawi iyong band aid para siya na ang maglagay. Pagkatapos ay niligpit niya na ang medicine kit. 

"Galit ka pa?" tanong ko nang maiwan kami sa sala. 

Umiling siya sa akin. "Hindi ako galit." 

"Ang bilis mo naman magpatawad," pang-aasar ko. "Kung ako 'yan, hanggang next week, galit ako." 

"You know I can't do that. I will always forgive you." Napailing na lang siya, mukhang sumusuko. 

Oo nga naman. Kahit nga ganoon ang ginawa ko sa kanya dati, bumalik pa rin siya sa akin. Ang bilis talaga magpatawad nito. 

"Yori, do you drink?" tanong bigla ni Daddy nang mapunta siya sa kusina.

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kanya. Hala, no way! Makikipag-inuman ba si Yori kina Daddy?! Ang alam ko kasi may get-together sila nina Tito Adonis sa may garden. Mga college and law school friends niya 'yon. 

"Sabihin mo hindi," bulong ko kay Yori.

"Opo," sagot naman ni Yori. Nagkatinginan kaming dalawa. Iyong mukha niya, parang sinasabi na wala siyang choice at hindi niya kayang magsinungaling. 

Nang mawala si Daddy ay agad kong hinampas sa braso si Yori. "Hoy, makikiinom ka pa sa kanila ng mga tropa niya?! Akala ko ba maaga kang uuwi?!" 

"I can't say no... I heard that's how a boyfriend gets welcomed into the family," bulong naman niya para hindi kami marinig na nagtatalo. "Hindi ba? Jap told me." 

"Hindi! Ano ka ba! Naku, bahala ka..." Napailing na lang ako. 

Noong kinagabihan, pagkatapos mag-dinner ay dumating na sina Tito. Agad akong tumayo para batiin sila, pero napahinto ako nang bumungad sa akin iyong lalaking kinasusuklaman ko. 

"Honey!" masayang bati ni Clain at kumaway sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon kay Yori na nakatayo na rin sa gilid, ready na rin bumati. Mukhang nagulat din siya. "I missed you! You said don't text you so I went here instead!"  

Muntik nang mahulog ang panga ko sa sinabi niya. It sounded so wrong! Hindi ako makapagsalita sa rami ng gusto kong sabihing masasamang words! 

Biglang may bumatok sa kanya kaya muntik na siyang masubsob sa sahig. "Stop fucking teasing her." Lumiwanag ang mukha ko nang makita si Lyonelle. 

"Nat!" Kumaway sa akin si Tasia, mas batang kapatid ni Clain. "I'm here too!" 

Sumilip ako at nakita naman si Seven sa likod ni Tasia, may kinakalikot sa phone. Oh... Mukhang hindi lang pala si Yori ang mapapainom ngayong gabi! Nandito pala sina Lyonelle! Mukhang pati ako ay kasama sa gathering! 

"Nasaan mga kapatid n'yo?" tanong ko kina Seven.

"They're not allowed to drink yet," sabi naman ni Seven. 

"Oh, my man! Yori!" Agad umakbay si Lyonelle kay Yori nang makita siya. Nagtama ang tingin namin ni Yori. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero nakita kong nagulat siya kay Clain kanina. Ugh, gusto kong magpaliwanag pero natangay na ako nina Tasia papunta sa labas, kung saan magaganap ang gathering. 

Umupo kami sa ibang table. Feel at home na feel at home si Lyonelle at Clain na naghahain ng mga pulutan at inumin sa table namin. Si Anastasia, kinakausap ako at tinatanong sa kung ano-ano. Ang ganda talaga ng babaeng 'to, tapos sobrang sikat na model din siya.

"Boyfriend?" nakangising tanong ni Tasia. 

"Yes! Si Yori, boyfriend ko!" pagpapakilala ko. "Yori, si Tasia, friend namin!" 

Nakipagkamay si Yori at ngumiti nang tipid. Lumingon ako sa kanya para tingnan ang mukha niya pero mukhang wala naman siyang iniisip. Tumayo siya nang tawagin siya ni Tito Adonis sa table nila nina Daddy. Nag-aalala ako para sa kanya dahil inabutan kaagad siya ng shot doon!

Nang makabalik si Yori ay ako naman ang nagmartsa papunta roon sa table nina Daddy. Kasama niya sina Tito Adonis, Tito Leo, at Tita Amethyst. Mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila, pero nang makita akong paparating ay nagsitahimik sina Tito, natakot.

"Daddy! Huwag n'yo nang papainumin si Yori, ah?!" galit na sabi ko.

"Me? It was him," turo niya kay Tito Adonis.

"Hala, bakit ako? Ikaw 'yon, eh..." Nagturuan pa sila. "Sige na, promise! Hindi na! Tsaka isang shot lang 'yon, ah?!"

"You're so protective, Nat," sabi ni Tita Amethyst, my ninang. 

"Oo nga. Hindi naman malalasing 'yon sa isang shot, eh!" pagtatanggol pa ni Tito Leo. 

"Ah, basta! Okay na 'yon!" Sinamaan ko sila ng tingin at bumalik na sa table. 

Kinakausap nina Clain si Yori. Nang dumating ako, sinamaan ko kaagad ng tingin si Clain dahil baka kung anu-ano na ang sinasabi niya o kaya ginagawa niyang kwento tungkol sa akin! Baka loko-lokohin niya pa si Yori na may past kami o ano!

"Hindi ka pala nagbibiro noong sinabi mong may boyfriend ka," sabi ni Clain pagkarating ko.

"Bakit naman ako magbibiro, huh?!" galit na sabi ko kaagad sa kanya. "By the way, Yori, si Clain-"

"I already introduced myself, don't worry. I'm your ex-husband after all!" proud na sabi niya.

"Putang-" Tumayo kaagad ako at pinigilan ako ni Lyonelle dahil alam niyang magrarambulan na kami ni Clain dito. Ngumisi si Clain sa akin at nag-peace sign para asarin ako lalo. 

"Ingatan mo siya, bro. Mahal ko 'yan," sabi pa niya.

Tinulak ko si Lyonelle paalis at sinugod si Clain. Nahulog siya sa upuan niya at napahiga sa damuhan habang ako ay nasa taas niya, sinasabunutan siya. Parang nakikiliti lang siya sa ginagawa ko dahil tawa siya nang tawa.

"Aray ko, Nat! Hahaha!" sabi niya, natutuwa pa! Mas lalong nag-init ang ulo ko. 

"Nat, let go," Yori said, worried. He was trying to pull me away. 

Hindi ko pa rin binitawan si Clain. Nilabas ko na lahat ng galit ko! Ilang taon na akong pinipikon nitong siraulong 'to! Lahat na 'ata ng galit ko sa katawan ay napunta na sa kanya! 

"Nataleigh!" sigaw ni Yori, galit na. 

Yori put his forearms below my armpit and used all of his strength to pull me away while Lyonelle put his hand on Clain's chest as a warning not to push my buttons further. Masamang-masama ang tingin ko kay Clain.

"Isa pa, sasakalin na kita, hayop ka!" sigaw ko sa kanya. Nag-iinit talaga dugo ko sa lalaking 'to!

"Don't worry... That's normal for Nat and my brother," sabi ni Tasia kay Yori. "It happens a lot."

Napailing na lang si Seven na nakaupo sa tabi ni Tasia. Tumatawa pa siya. Teka... Phone ba iyong hawak ni Seven? Pucha, nag-video pala si gago! 

"Stop it, dude. I'm serious," rinig kong sabi ni Lyonelle. Mukhang galit na siya kaya nanahimik na lang din ako at umupo na. Lumingon ako kay Yori na galit din sa akin. Hindi siya umupo sa tabi ko. Hinawakan niya lang ang palapulsuhan ko at hinatak ako papasok ulit ng bahay. 

Huminto kami sa may kusina para mag-usap dahil walang tao roon. Huminga siya nang malalim at pinakawalan 'yon para pakalmahin ang sarili. Pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib niya. 

"Ano 'yon?" tanong niya. Iyon lang naman ang sinabi niya pero naramdaman ko ang galit niya.

Napanguso ako at umiwas ng tingin. "Si Clain 'yon. Insekto lang 'yon. Galit ka ba?"

Matagal siyang napatitig sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Kumapit siya sa may counter at yumuko na lang habang nakapikit. Nang kumalma ay umayos siya ng tayo at sumandal na lang. 

"Mali kayo pareho. He provoked you in the first place, but... What made you so mad that you would do that to your friend?" kalmadong tanong niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung anu-ano kasi ang sinasabi niya!" 

"Was that enough to be so worked up? Why would you cause a ruckus-"

"Nandoon ka, okay?!" inis na sabi ko naman. 

"At ano naman kung nandoon ako?"

"Ugh! Ayaw kong magkaroon ka ng ibang idea sa mga sinasabi ni Clain, okay?! Kaya galit na galit ako! Ayaw kong iba ang isipin ko! Ayaw kong magkaroon ka ng doubt sa utak mo tungkol sa amin! Ayaw kong ma-bother ka sa mga sinasabi niya, kaya ko ginawa 'yon! Okay na?!" mabilis na sabi ko.

Napakurap siya sa sinabi ko. Nang maproseso niya ay umiwas siya ng tingin at napapikit na lang habang nakatingala. Bumuntong-hininga siya at nanatili kaming tahimik. 

Pinagsisihan ko bigla 'yong sinabi ko... Ano ba 'yan! Nakakahiya naman! Ang cringe ko naman! Bakit ko sinabi 'yon?! Pwede bang pa-rewind?! Pwedeng take two, direk?! Pa-delete na lang 'yong clip na 'yon, please!

"Nat..." Inabot niya ang kamay ko at marahang hinawakan 'yon. "I was worried. I didn't want you to get hurt. You fell to the ground and started attacking him. What if something happened to you-"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Sinubukan ko talagang huwag, pero nakakatawa 'yong sinabi niya, eh! 

"Bakit ka tumatawa?"

"Ako?! Si Clain, gaganti sa akin?!" Natawa ako roon. "Siraulo 'yon pero hindi ako sasaktan noon! Tsaka nandoon kaya si Lai! Takot niya lang 'no!" Cute niya naman sa mga iniisip niya. Akala ko pa naman kung ano ang kinakagalit niya. 

Normal naman 'yon sa amin ni Clain. Alam niyang gumagana pagpikon niya sa akin. He saw it coming! He knew I would fight him! Bwisit talaga 'yon sa buhay ko! 

"You should apologize to him for doing that, Nat..." sabi niya sa akin.

Gusto kong magreklamo! Bakit ako magso-sorry, huh?! Sa taas ng pride ko na 'to?! Bakit?! Gumanti lang naman ako! Nanguna naman si Clain, eh! 

"Kung magso-sorry din siya sa akin," masungit na sabi ko. Hindi ko na lang sinabi iyong mga nasa isip ko. Wala, eh! 

Bumalik kami sa garden nang kumalma na ako. Nakita kong nakatayo na si Clain, nag-aabang sa amin habang hawak-hawak ni Lyonelle ang collar ng shirt niya. 

"Say it," sabi ni Lai.

"Sorry, Nat." Napanguso si Clain at umiwas ng tingin sa akin, halatang labag sa loob 'yong sinabi niya. "Fuck, why would I even apologize? I wasn't playing when I said I love-" Tinakpan ni Lyonelle ang bibig niya para hindi na siya magsalita.

Tumingin ako kay Yori at tumango siya sa akin. Napairap ako kay Clain bago nagsalita. "Okay. Sorry din," sabi ko na lang.

"Can we just eat now?" sabi naman ni Seven na bored na sa may table. Kumuha si Tasia ng stick ng barbecue at tinapat sa bibig ni Seven para subuan siya... pero kinuha ni Seven 'yong stick at siya na ang nagpakain sa sarili niya. 

Hay... Hindi talaga gagana diyan mga tricks mo, Tasia! Walang pakiramdam 'yan! 

Bumalik kami sa upuan namin at pinagpatuloy ang pag-inom. Hindi ako masyadong umiinom dahil ayaw ko ng lasa ng alak. Si Seven, hindi talaga umiinom. Si Tasia, Clain, Lyonelle, at Yori lang ang umiinom nang maayos. Nagkekwentuhan sila tungkol sa kung ano-ano. 

Noong nakita kong medyo tinatamaan na si Yori, sinabi ko na kina Lyonelle na huwag na siyang painumin. Sunod kong tiningnan si Clain na nagve-vape habang nakatingin sa malayo. Mas mukha siyang maayos kapag tahimik lang siya. 

"Hoy, i-set up kita ng blind dates, gusto mo? Dapat tina-try mo 'yon, eh," sabi ko sa kanya. 

"What?" Tumaas ang isang kilay niya. "Sakit mo na magsalita, ah." 

"Kawawa ka kasi. Mukhang hindi ka maka-move on sa akin," pagbibiro ko. Mabuti nga sinusubukan kong makipag-usap nang walang galit sa kanya, eh! Dapat maging thankful na lang siya. 

Hindi siya nagsalita at napailing na lang. Wow, walang banat?! Hindi niya ako pipikunin?! Mukhang gumana iyong pananakot sa kanya ni Lyonelle. 

"Want to try?" alok ni Clain kay Yori ng vape.

Umiling si Yori. "I don't smoke..." Yumuko siya sa may lamesa. 

"Okay ka lang? Magpahinga ka na kaya sa loob? Halika na," aya ko kay Yori.

Tumayo ako at inalalayan siya papasok ng bahay kahit mukhang hindi naman siya lasing. Tinanggal niya ang hawak ko sa baywang niya at naglakad siya nang maayos. Nakita pala kasi niya si Mommy.

"Oh, Yori, dito ka na matulog!" sabi ni Mommy. "Okay na 'yong guest room. Naayos ko na. May mga extra supplies na rin doon." 

"Thanks, Mi!"

Umakyat kami ni Yori papuntang guest room. Mayroon nang extra toothbrush doon na inabot ko kay Yori. Naghintay ako sa may kama habang nasa loob siya ng bathroom. Pagkalabas niya, mukhang naghilamos din siya. Pinunasan niya ang mukha niya at humiga sa kama, mukhang pagod. 

"Nat... You have all my firsts..." sabi niya bigla habang nakapikit at nakatakip ang braso sa mga mata. 

"Huh?" Agad akong lumapit para mas marinig ang sinabi niya. I sat on his side and leaned, looking down at him. Humaharang iyong buhok ko kaya umayos ako ng upo at tinali iyon. Hindi pa ako tapos ay nilagay na niya ang kamay niya sa batok ko at hinatak ako para mahalikan.

"I love you," he whispered. 

My heart started beating so fast. Mabuti na lang at nakapikit na siya dahil makikita niya pa ang mukha ko! Siguradong pulang-pula na ako! 

"Pakiulit?" Nilapit ko ang tainga ko para marinig siya nang maayos. 

"Kokoro no sokokara aishiteru," he whispered.

Kahit hindi ko naintindihan 'yon, parang alam ko naman ang sinasabi niya. Napangiti ako at marahang inayos ang buhok niya bago ilagay ang kamay ko sa pisngi niya. 

"I love you," bulong ko rin. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya bago siya nakatulog. 

Napangiti ako sa sarili ko habang pinagmamasdan siya. Hinalikan ko siya sa noo at humiga sa tabi niya saglit para lang titigan siya. 

"I'm sorry you fell in love with someone like me," bulong ko ulit. "I will do my best... so don't give up on me." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro