Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20


"Ano'ng score mo sa quiz, Nat?" 

Tinago ko na kaagad ang papel ko pagkatapos kong itupi. We had a surprise quiz just to check if people listened during the discussion. 

"Fourteen," sagot ko at napabuntong-hininga. Kinagat ko ang kuko ko habang lumilinga sa paligid, tinitingnan kung sino ang naka-perfect. Over fifteen ang quiz. 

"Ang taas!" sabi ni Kobs at pinakita ang score niya sa akin. "Tingnan mo score ko! Huwag ka nang malungkot..." Pinisil niya ang pisngi ko. Eight lang siya sa quiz. 

"Tama na 'yan." Hinatak ni Zahra ang palapulsuhan ko para hindi ko kagatin ang kuko ko. 

"Fifteen percent lang naman 'to ng grade," sabi ni Layla sa akin. 

Unti-unti akong napangiti sa mga kaibigan ko. First year lang kami nagkakilala pero pakiramdam ko kilala ko na sila buong buhay ko. The way they knew how competitive I was but never invalidated my feelings. The way they knew I would get sad over missing a point but instead of making me feel worse, they knew how to cheer me up. 

"Baka magdugo na naman daliri mo," galit na sabi ni Zahra sa akin habang pinupunasan ng wipes ang kamay ko. 

I was still bothered the whole day, kahit noong nasa meeting na kami for the school newspaper. Na-assign akong mag-interview para sa football players since may laban sila next week. Bakit ko pa kasi sinabing may kakilala ako sa team?

Tumagal din ang meeting hanggang gabi. Nang matapos, pakiramdam ko pagod na pagod ako buong araw. 

"Bye, guys!" nakangiting paalam ko sa mga kasamahan ko sa press team. Nakasukbit sa balikat ko ang tote bag ko dahil kaunti lang naman ang dala ko ngayong araw. 

Natigilan ako sa may pintuan nang makitang may lalaking nakatayo sa may tabi ng bench, naghihintay. Madilim kaya hindi ko makita kung sino 'yon. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa malagpasan ko siya. 

"Nat," tawag niya kaya napasigaw ako. Agad din akong napatakip sa bibig ko at luminga sa paligid nang mapagtantong si Yori 'yon. 

"Baby!" Agad akong napatalon at yumakap sa leeg niya, tuwang-tuwa na makita siya. Nahatak ko siya pababa dahil sa bigat ko kaya medyo napaubo pa siya. "Bakit nandito ka? Hinintay mo ba ako? Sabi ko sa 'yo matagal 'yong meeting! Akala ko may stream ka pa?!" 

"Mamaya pang nine," sagot niya nang bitawan ko siya. Kinuha niya kaagad ang bag ko para siya na ang magdala kahit may suot din siyang backpack. Nakangiti ako habang nakatitig sa mukha niya. Parang nawala na lahat ng pagod ko! Iyong ganyang mukha ba naman ang bubungad sa akin, eh! 

Napagdesisyunan naming mag-dinner sa labas, sa may karinderya ulit dahil masarap ang ulam doon. Magkatapat kami habang kinekwento ko sa kanya ang araw ko. Puro 'nakakapagod' lang naman ang sinabi ko. 

"Ito pa..." Kinuha ko ang bag ko at pinakita sa kanya ang score ko. "Kita mo 'yan? Fourteen over fifteen." Ngumuso ako. 

"Congratulations!" masayang sabi niya para sa akin, pero nawala rin ang ngiti nang makitang hindi ako masaya roon. "What's wrong? That's ninety-three percent," he solved it quickly inside his head. 

"Ang baba... Fifteen na sana kung hindi lang-"

"Kung hindi ka lang nagkamali..." pagtapos niya ng sasabihin ko. "But it was a mistake. People make mistakes." 

"Ikaw ba? May exams ka ba kanina?" pag-iba ko ng topic. 

Kinuha niya ang bag niya, mukhang may ipapakita sana sa akin pero sinara na lang niya ulit at nilapag 'yon sa gilid. Napakunot ang noo ko pero nagkibit-balikat lang siya. "Yeah, it was okay. I got the passing score." 

"Eh? Ikaw? Passing score?!" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. 

"Yes, I make mistakes too. It's normal." Inabot niya ang kamay ko sa may lamesa. "So... Don't feel bad about your score." 

"Okay!" Ngumiti ako at masayang kumain. Nakita kong napangiti rin siya habang nakatitig sa akin, mukhang naginhawaan dahil good mood na ulit ako. 

Nauna akong matapos kumain kaya kinuha ko ang phone ko para tingnan kung nag-reply na ba 'yong kakilala ko sa football team. Tinanong ko kasi kung kailan ang susunod nilang training para ma-interview ko sila para sa school paper. 

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER) 

Wow you unblocked my number 

Nairita kaagad ako, unang kita ko pa lang ng pangalan niya! Dalawang kamay na ang pinanghawak ko ng phone at mabilis akong nag-type. 

To: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

ciempre may kailangan ako sayo eh duh

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER) 

In exchange of what, honey? 

To: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

kinang ina moh may jowa na ako tigil tigilan mo ako pakyu 

"Why do you look mad?" Napatingin ako kay Yori na mukhang natatakot na sa hitsura ko. Parang nakakakita na siya ng apoy sa mga mata ko habang nagta-type. Sa sobrang aggressive kong mag-type, naririnig pa ang pagtama ng kuko ko sa screen.

Peke akong ngumiti kay Yori. "Ah, wala... Nagte-tweet lang ako." 

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

I see no ring on your finger yet <3 

To: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

seryoso iboblock na ulit kita di mo pa tigilan yang kagaguhan mo punyemas nakakabadtrip ka isusumbong kita kay lyonelle isusumbong kita sa tatay mo isusumbong kita sa nanay mo alam ba nila mga pinag gagagawa mo at kung gaano ka ka-pretentious na akala ng lahat handsome good boy ka pero ganito ugali mo di ka na natuto gusto mo pang sinasagad pasensya ng mga tao sayo magbago ka na clain figueroa ang dami mo nang nauuto huy pag sinabi ng tao na di ka niya gusto tigilan mo na wag ka nang magpaka craulo diyan res7 na lang ba? 

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

You think I'm handsome? <3

"Putang-" Napapikit ako nang mariin at padabog na binitawan ang phone ko sa lamesa. Medyo umalog tuloy at muntik pang mahulog ang kutsara ni Yori. Napaawang ang labi niya at tiningnan ako, nagtataka. "Sorry, wait lang." 

Tumayo ako at lumabas saglit ng karinderya habang tinatawagan si Lyonelle. Nag-iinit ang ulo ko! Nakakita ako ng maliit na bato kaya tinapak-tapakan ko 'yon sa galit hanggang sa maging pulbo na lang. 

"What happened?" bungad sa akin ni Lyonelle. 

"Pagsabihan mo 'yang tropa mo, ha! Hindi na ako natutuwa sa kanya! Hindi ako nakikipagbiruan! Nagtatrabaho 'yong tao nang maayos tapos kung anu-ano nire-reply! Ano ba ang tingin niya sa akin, huh?! Wala siyang respeto-" 

"It's Clain, right? You finally unblocked him?" Narinig ko ang malakas na tawa niya. Parang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari! 

"Ugh, Lyonelle!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Nakakainis talaga! Simula ngayon, ikaw na ang magiging messenger namin! Sabihin mo kailangan ko silang interview-in para sa school paper! Iyong football team!" sumisigaw na ako sa inis. 

"Relax..." Narinig ko ulit ang tawa niya. "Alright, but this is the only time I'm doing this. I'm a busy man, you know." 

Pagkababa ko ng call, saktong lumabas si Yori, dala-dala na ang gamit namin. Nakapagbayad na raw siya. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at ngumiti sa kanya na parang walang nangyari. 

"Did I make you mad?" tanong niya habang naglalakad kami pauwi. Agad akong lumingon sa kanya para umiling. Nakahinga naman siya nang maluwag. "Phew... I thought I already messed up when we're just starting the relationship..." 

"Hindi ikaw! Iyong anak ng best friend ni Daddy 'yong kinaiinisan ko. Simula bata kami, nakakainis na siya. Hindi ko siya friend, okay? Kasi hindi kami magkasundo! Sila nina Lai at Seven ang friends. Kami? Hindi kami friends kasi unang kita pa lang niya sa akin noong bata kami, sabi niya mahal na niya ako!" Kinuyom ko ang kamao ko, nagagalit na naman. 

"Maybe he was just joking," sabi naman ni Yori.

"Iyon nga ang nakakairita! Kasi nagbibiro lang siya pero nakakairita! Tapos sobrang good boy niya sa iba. Mapagkunwari talaga 'yong lalaking 'yon!" Sumuntok-suntok ako sa hangin. "Kaya naka-block siya sa akin. I'll just pretend na hindi ko siya kilala at hindi siya parte ng buhay ko kasi hindi talaga!" 

"We're here," sabi niya nang huminto kami sa paglalakad. "Don't let someone else ruin your evening. I'll get jealous." He gave me a small smile and pinched my cheek. "I'll see you tomorrow." 

Humalik siya sa pisngi ko bago naglakad paalis. Kumaway ako sa kanya mula sa malayo bago pumasok sa building. Pagkabukas ng elevator, na-receive ko ang text ni Clain. 

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

Tomorrow, 5 AM /srs 

From: Clain Figueroa (BLOCK THIS NUMBER)

Screenshot that message and send it to Lyonelle. He said he'd punch me in the gut if I didn't take you seriously. 

Hindi na ako nag-reply dahil hindi niya deserve. Kinabukasan, maaga akong gumising para maabutan ko ang training ng football team. Kasama ko ang isang staff sa press team para sa mga equipment. 

Nakita kong nagwa-warm up na ang football players sa field. Nang matapos mag-set up ng kasama ko ay tinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon ni Clain na tumatakbo paikot sa field. Nakita niya kaagad ako at nakangiting tumakbo papunta sa akin.

"Hi, good morning," bati niya sa kasama ko. Akala mo talaga ang bait! Nang tumingin siya sa akin, mas lumawak ang ngiti niya. "Long time no talk and see, Nat. I missed you!" 

Napakunot ang noo ko. "I didn't miss you," malamig na sabi ko sa kanya. "Tawagin mo na ang team mo para matapos na 'to." 

Pumito siya gamit ang daliri para tawagin ang ibang players. Nagsilapitan naman sila kaya sinimulan ko na silang interview-in isa-isa. 

"Are you nervous for the game?" tanong ko kay Clain. Siya ang huli kong in-interview. 

"Honestly?" Napahawak siya sa baba niya habang nag-iisip. "Are you going to watch?"

"Ako ang nagtatanong dito, hindi ikaw," masungit na sabi ko. 

"If you're going to be there, then... I won't get nervous." He flashed his good boy smile at the camera. 

"Cut! Ulit!" galit na sigaw ko. "Clain, ayusin mo o hindi ka na sisinagan ng araw bukas." 

"Okay, okay!" Tumawa siya. Nang mag-roll na ulit, nilagay niya ulit ang kamay sa baba niya. "Of course, I'm nervous. Sino ba naman ang hindi? It's a big game. We're up against the champions last year, pero pakiramdam ko naman kaya namin. Teamwork lang and we can win... Is that good enough for you?" 

"Okay na." Umirap ako at kinuha na ang mic na naka-clip sa shirt niya. "Huwag ka nang magpapakita sa 'kin ulit kahit kailan. Iba-block ko na ulit number mo."

"Don't block my number." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. "I won't message you." 

"Dapat lang! May boyfriend na ako 'no!" proud na sabi ko sa kanya. "I won't let a single doubt in his head! Not that you're a threat..." Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Is your boyfriend real?" pang-aasar niya habang nagpapalit ng damit sa harapan ko. Nagbago kasi siya ng damit para sa interview, para raw mukha siyang fresh. "I thought you're all about academics." 

"Nagbago na ako. Kasama na ang love life sa buhay ko. Hindi mo alam kasi naka-block ka sa akin." Umismid ako at kinuha na ang mga gamit ko. 

"Don't block me anymore!" sigaw niya habang naglalakad kami ng kasama ko palayo. Tinaas ko ang middle finger ko sa ere para makita niya ang sagot ko. 

Maaga pa para sa susunod kong class kaya dumaan muna ako sa convenience store sa tapat ng university. Hindi pa ako nagbe-breakfast. Ang aga naman kasi nila mag-training. 

Habang umaandar ako pagilid dahil nagtitingin ako ng mga tinapay, bigla na lang may large obstacle sa tabi ko na nabangga ko. Nagkatinginan kami ni Seven. 

"Oh!" Napaayos ako ng tayo at tinuro siya. Magtataka na sana ako kung bakit siya maaga pero athlete nga pala siya. Maaga ang training nila. "Good morning! Libre mo 'ko!" 

"Okay," sabi niya lang. Lumawak ang ngiti ko at napasuntok sa hangin. Kumuha tuloy ako ng tatlong sandwich at isang tubig. Nilapag ko lahat ng 'yon sa may counter.

"Hi, Alia!" masayang bati ko sa babae sa counter. Mukhang inaantok pa siya at wala pang tulog pero energetic pa rin siyang bumati sa akin pabalik. 

"Hello po! Good morning!" masayang sabi niya. "Ito lang po ba?" 

"Uh... Here..." Awkward na nilapag ni Seven ang isang tinapay na binili niya. Nakagilid siya at hindi nakatingin sa counter na para bang umiiwas. 

"Huy, ano'ng iniiwasan mo? May sakit ka ba?" Napatakip tuloy ako sa bibig at ilong ko. "Baka may sipon at ubo ka, huh?! Baka mahawa ako!" 

Hindi nagsalita si Seven at naglapag lang ng pera. Pagkatapos magbayad, tumambay kaming dalawa sa labas, doon sa may mga lamesa. Napatingin ako sa tinapay na binili niya. Hindi niya pa rin binubuksan at kinakain kaya kinuha ko para buksan. Ano ba 'to, may taga-bukas pa ng sandwich! 

Natigilan ako nang maamoy iyon. "Oh, 'di ba ayaw mo 'tong palaman na 'to?" Kaya pala hindi kumakain. "Bakit mo pa kasi kinuha 'to, hindi mo naman pala kakainin... Oh, ito. Bacon 'yan." Binigay ko sa kanya iyong isa kong tinapay na binili. "Huy! Bakit ba hindi ka nagsasalita?! Ano b'ang tinitingnan mo diyan?!" 

Napaayos siya ng upo at kinuha kaagad iyong tinapay na inaalok ko. Magre-respond din pala, ang bagal pa! Natamaan siguro ng bola 'to at naglo-loading pa. 

"By the way, kami na ni Yori," sabi ko sa kanya habang ngumunguya. 

"Surprise, surprise," sarkastikong sabi niya. "I'm happy for you, though." 

"Tingin mo it's about time na sumali na ulit ako sa debate team?" Araw-araw sumasagi iyon sa utak ko. Hesitant pa rin ako dahil sa nangyari noon. Hindi na 'ata ako nakaahon sa pagkatalo ko. I didn't want to feel that disappointed again. 

Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawang braso sa may lamesa para mas mapalapit sa akin. Seryoso na siya. 

"You're the best debater I know," sabi niya sa akin. "And I'm not telling you this because you're my friend. I've watched you compete. You're really good at it, so why not?" 

"I'm probably not the best... Natalo ako, eh." Ngumiti ako nang malungkot sa kanya.

"Of course, there are people better than you. There are people better than me, but why do I still compete? Because I love what I do, and you also love debates. Is that not enough reason?" Kumagat siya sa tinapay habang hinihintay ang sagot ko.

Napabuntong-hininga ako pero ngumiti rin. "You always know the right things to say! Thank you!" Ginulo ko ang buhok niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. 

Pagkatapos kumain, tumakbo na kaagad ako sa klase dahil male-late na ako. Mabuti na lang at nakaabot pa ako sa attendance. Hindi ko napansin ang oras. Habang nasa klase ay nag-notify sa akin na finollow na ulit ako ni Clain sa socials ko dahil in-unblock ko na siya. Finollowback ko na siya dahil kawawa naman. Iyon naman ang routine tuwing ina-unblock ko siya. Kapag may ginawa na naman 'to, iba-block ko na ulit siya. 

Nag-report ako sa harapan para sa isang subject. Iniiwasan kong tingnan si Kobs dahil baka matawa ako. May mga tanong sa report ko pero nasagot ko naman lahat kaya napaupo ako kaagad. Sa sumunod na subject naman ay may group meeting kami nina Zahra. Choose your own group kasi kaya nagsama-sama na lang kami. 

"Kobs, Zahra, focus!" sabi ko sa kanila habang nagdi-discuss kami ng gagawin. May pinagbubulungan kasi 'yong dalawa. 

"Ah, sorry, Madam." Umayos ng upo si Zahra. "Chill ka lang..." 

"Hindi pwedeng chill lang. Mataas percentage nito," sabi ko sa kanila. "Kailangan nating isalba 'yong grades ni Kobs, 'di ba?" 

"Shit, oo nga pala." Sumeryoso na tuloy si Kobs. Mababa ang class standing niya. Possible na mabagsak niya 'yong course kung hindi kami makakabawi sa final project. "Ano ulit gagawin?"

"Oo, grades mo nakasalalay dito, okay? Kaya focus," sabi ko sa kanya. "Ito... ako na gagawa nito, tapos pati 'yong checking, ako na rin." 

"Sure ka? Ang dami niyan..." sabi ni Laya. 

Natahimik ako. It wasn't like I didn't trust my friends to do their work or be good at it. Tuwing group work lang, pakiramdam ko mas okay kung ako 'yong gagawa. I didn't want things out of my control. Pakiramdam ko, no one in the group could do it better than me. My grades were at stake kaya ayokong pabayaan lang 'yong quality ng work. I wanted to make sure everything would be according to my academic standards. 

It may not be healthy, but how else could I make sure that I'd get a high grade? Kaya ayaw ko rin ng group works. Nakadepende sa iba ang makukuha ko kaya I would always try my best to control the quality of the work. 

"Okay lang. Mabilis naman akong gumawa," sabi ko na lang kay Laya. 

Hapon na natapos ang classes ko. Dumaan ako sa building nina Yori para lang tingnan kung 'coincidentally' ko siyang makikita. Tiningnan ko ang schedule niya sa phone ko. May maikli silang break in between class. 

Nagkunwari na lang akong may ime-meet na prof sa building na 'yon at hinanap ang room nila. Grabe, iba ang vibes ng building nila sa building namin. Umakyat ako hanggang third floor hanggang sa marating ko na ang tapat ng room nina Yori. Sumilip ako saglit para hanapin siya pero may papasok sa pinto kaya tumabi ako saglit. 

Pagkatapos, sumilip ulit ako at nakita si Yori sa harapan na may sinusulat sa white board. May iilang kaklase ang nakikinig sa kanya sa front row. Mukhang may tinuturo siya sa mga kaibigan niya. Nakasuot siya ng salamin at may hawak na white board marker. 

"Excuse me..." Tumabi ulit ako sa gilid nang may pumasok ulit sa room. Nakita kong napalingon si Yori sa gilid niya dahil bumukas ang pinto. Nagtago na lang ako sa gilid. Nang sumilip ako ulit, biglang nagtama ang tingin namin. Agad akong napaupo sa sahig para magtago. 

Nang bumukas ang pinto, natamaan pa ako sa likod. Hindi naman masakit. Tumayo ako kaagad at naglakad paalis na parang walang nangyari. 

"Wait! Nat!" Narinig ko ang boses ni Yori na hinahabol ako. Napapalingon tuloy iyong ibang estudyante na nasa hallway. 

Lumingon ako kay Yori at hinintay siyang makalapit. "Hello!" bati ko na para bang hindi ko siya pinapanood kanina. "Nandito ka pala... Ha-ha..."

Tumingin siya sa paligid. "Uh... This is our building. What are you doing here?" 

"Aayain sana kitang mag-date," palusot ko. "Pero may klase ka pa."

"Oh, I don't have class. My prof cancelled the next class... That's why we were just having a tutoring session." Tiningnan niya ang relo niya. "Wait for me. I'll just get my things." 

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako pabalik sa tapat ng room nila. Binawi ko ang kamay ko nang pumasok na siya sa room dahil ayaw kong sumama sa loob! 

"Ang aga naman, boss! May tanong pa ako sa exam kanina, oh!" reklamo noong isa nilang kaklase. 

"My girlfriend's waiting for me," sabi naman ni Yori habang kinukuha ang gamit. 

"Ay... Sino ba naman ako? Bobo mong kaklase lang naman." Nagtawanan sila. 

Umakbay sa akin si Yori pagkalabas ng room at sabay kaming naglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil palusot lang naman 'yong kanina, kaya inaya ko na lang siya sa condo para tumambay. Ang sabi ko ay paglulutuan ko siya ng pagkain, pero wala rin naman akong ingredients kaya nag-grocery na lang kami sa baba ng condo. Siya na lang daw ang magluluto. 

Busy siyang nagtutulak ng cart at nagtitingin ng mga gulay habang ako ay kumukuha ng mga junk food sa iba't ibang aisle. Pagkabalik ko ay nilapag ko lahat sa cart. Napatingin siya roon, nakakunot ang noo.

"Those are not very healthy," sabi niya habang ini-isa-isa ang mga binili ko. 

"Masarap naman," pagtatanggol ko. "Don't worry! Magsisimula na akong mag-gym para sa healthy lifestyle..." Doon ako sa gym mo! 

"You? Gym?" Mukhang nagulat siya. "Akala ko ba ayaw mong nage-exercise?" 

"Oo, pero gusto kitang makitang mag-work out," pagsabi ko ng totoo. "Kaya magdyi-gym na ako!" 

Natawa siya sa sinabi ko habang nagtitingin ng repolyo. "That was the reason? You want to see me dirty and sweaty?" 

"Feeling ko ang bango-bango pa rin ng pawis mo." 

"Yuck..." 

Tumawa ako nang malakas at umalis na ulit para kumuha ng iba pang snacks. Nang matapos na si Yori pumili ng ingredients, nagpunta na kami sa counter. Inunahan ko na kaagad siyang magbayad. Akin 'yon, eh! 

Pero nilibre niya ako ng milk tea. Iniinom ko lang 'yon habang nagluluto siya sa kusina ng condo ko. Naligo na rin ako at nagpalit ng damit. Naka-sando na lang ako at shorts. Naka-ponytail din ang mahaba kong buhok habang nakalaglag ang bangs ko. 

Si Yori naman ay hinubad ang polo niya kaya naiwan na lang siya sa shirt at slacks na may belt. Gagawan niya raw ako ng sushi. Habang naghihiwa siya ng ingredients, pumunta ako sa likuran niya at niyakap siya sa baywang. Natigilan siya saglit, pero pinagpatuloy rin ang ginagawa. Inamoy-amoy ko pa ang pabango niya.

"Ang bango!" Kinagat ko ang likuran niya kaya napasigaw siya.

"Nat!" Napahawak siya sa likod niya at lumingon sa akin saglit. "Aso ka ba?" 

"Pick up line ba 'yan? Yieee... Bakit?" kinikilig na sabi ko. 

Matagal siyang napatitig sa akin bago napailing at pinagpatuloy na lang ulit ang paghiwa. Ang boring kaya! Wala akong kausap! Nanatili na lang akong nakayakap sa likuran niya at sinandal ang pisngi ko roon. 

Tinaas ko ang kamay ko mula sa baywang niya papunta sa dibdib niya. "Nat... It's hard to move," sabi niya ulit. 

"Bakit naman?" Tumingkayad ako at sinandal ang baba ko sa balikat niya. "Sige lang, maghiwa ka lang diyan." 

Sinubukan niyang ipagpatuloy ang paghihiwa niya ng ingredients. Binaba ko ulit ang kamay ko sa baywang niya pero bahagya kong pinasok ko ang kamay ko sa loob ng shirt niya. Mukha namang wala siyang pakialam. 

"Hala, abs," bulong ko nang maramdaman iyon. "Patingin!" 

"Nat, please." Binitawan niya ang kutsilyo na hawak niya at humarap sa akin. Nanlaki ang mga ko nang makitang namumula na siya. "I'm trying to prepare food for us... Just play on my phone or something." 

"Pwede ka nang tocino sa pula ng pisngi mo," pang-aasar ko. Binitawan ko rin siya at kinuha ang phone niya para maglaro. Sabi niya, eh. 

Tiningnan ko ang followers niya sa may streaming app na gamit niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang mabilis na pagdami noon. "Wow! Two hundred thousand na followers mo! Congrats! Hindi ka pa rin nagfe-face reveal?" 

"No, but the streaming app wants me to stream with the camera on soon since it's hard to maintain an audience with just my voice." 

Tiningnan ko ang history ng mga games niya pa i-check kung sino ang mga nakakalaro niya. Puro same people lang naman, iyong mga ka-team niya sa competition. Nang ma-bored ako ay nag-selfie na lang ako sa phone niya at ginawang wallpaper. Ako rin naman iyong wallpaper niya. Pinalitan ko lang ng bagong picture. 

Tiningnan ko ang messages. Ate niya lang, si Jap, tsaka Mom niya. Sa photos naman, wala talaga siyang selfie! Nakakainis! Wala man lang ako ma-airdrop sa phone ko. 

Nanood kami ng movie nang tapos na iyong sushi. Nakaupo kami sa sahig habang nasa coffee table iyong plato. Japanese movie 'yon. Romance. 

"Suki da yo," panggagaya ko sa linya ng lalaki sa movie. Ibig sabihin daw ay 'I like you,' sabi sa subtitle. Humarap ako kay Yori. "Yori, suki da yo."

Napaiwas kaagad ng tingin sa akin si Yori at bahagyang tinakpan ang labi at ilong niya gamit ang likod ng kamay na para bang nauubo. 

"Huy." Sinundot ko ang baywang niya. "I said, suki da yo. Daisuki. Yori, daisu-" 

Nilagay niya ang kamay niya sa batok ko at hinatak ako palapit para halikan. Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam ang gagawin. Napapikit ako nang igalaw niya ang labi niya at hinawakan ang pisngi ko. 

He softly bit my lower lip before sucking on it while kissing me. I was trying to breathe in between kisses! Nabitawan ko pa iyong chopsticks. I parted my lips and tried to kiss him back, wrapping my arms around his neck. 

Binitawan niya rin ako at pinulot iyong chopsticks na nahulog ko sa lamesa. Nilinis niya iyon ng tissue habang hinihingal ako. Ano 'yon?! 

"Bakit ka huminto?" tanong ko sa kanya. 

"We're... Uhm... The movie was ongoing," sabi niya naman. 

Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV. "Ayan, wala na." Ngumuso ako. "Kiss ulit!" 

He scoffed, parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Pagkatapos, natawa na talaga siya at sinandal ang ulo sa may sofa habang tumatawa. Kahit sa pagtawa niya, ang gwapo niya pa rin. Lumapit ako sa kanya para patakan ng halik ang labi niya. Mukhang hindi naman siya nagulat. He just looked down at me with a hint of smile on his lips so I gave him another kiss. 

"I think it's getting late." Tumayo siya at tumingin sa relo niya. Napasimangot ako. Iniwasan niya ba ang kiss ko, huh?! 

"Stay for the night." Ngumuso ako.

"No," he firmly said. "By the way... When are you going home?"

"Bukas, after class. Bakit?"

"I want to talk to your parents again regarding our relationship." Kinuha niya ang bag niya. "They should know, right?" 

"Ako na ang magsasabi!" sabi ko. "Okay lang 'yon kina Mommy. Kilala ka naman na nila-"

"Yes... That's why I need to go there personally. Just... out of respect." He gave me a smile and leaned to give my forehead a kiss. "Good night. Huwag mo na ako ihatid palabas." 

Pagkaalis niya, nanatili akong nakaupo sa sahig at nakahawak sa labi ko. Kinuha ko ang unan sa sofa at sumigaw ulit doon, kinikilig. 

Ang saya ko na naman tuloy gumising kinabukasan. Pagkatapos ng class, kinuha ko lang ang gamit ko sa condo at umuwi na ako sa amin. 

"I'm home!" sigaw ko sa bahay pagkapasok ko.

Nang salubungin ako ng katahimikan, saka ko lang na-realize na walang tao sa bahay. Ngumiti na lang ako sa sarili ko at umakyat sa kwarto ko. Tiningnan ko kung nasa kwarto si Kye pero wala rin siya. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at bumuntong-hininga. 

Kinuha ko ang phone ko at nag-message sa family GC, nagtatanong kung nasaan sila. Sabi ni Mommy, nasa company dinner daw siya. Si Daddy naman, overtime sa work. Si Kye, nasa bahay ng kaklase, gumagawa ng project. 

"Sabi ko uuwi ako, eh," bulong ko. "Oh, well..." 

Bumaba na lang ako at kumain ng instant noodles sa may dining room mag-isa habang naghihintay na makauwi sila. Gumawa na lang din ako ng school work, org work, at nag-aral. Naunang umuwi si Kye na mukhang pagod sa school.

"Sabi ko uuwi ako! Wala lahat ng tao sa bahay!" reklamo ko sa kanya.

"Mom and Dad are fighting," simpleng sabi niya. "That's why they're both out." Parang wala lang sa kanya 'yon at dumeretso nang umakyat. 

"Hala!" Napatakip ako sa bibig ko nang maalalang pupunta si Yori dito bukas. "Kailan sila magbabati? Bakit sila nag-away?" Sumunod ako sa kanya paakyat. 

"Because of me," seryosong sabi niya. 

Natigilan ako saglit. "Bakit? May... problema ba?" 

"Just the usual stuff about safety. I did the opposite of what Dad asked. He got so mad. Mom got mad at him for getting mad at me, and now they're avoiding each other because of me," he said in a monotone. 

"Oh... Big case ba ngayon?" tanong ko. It was the usual. Tuwing may big case na hina-handle si Daddy, nagiging sobrang strict niya sa amin at nag-aaway sila ni Mommy. "Hayaan mo na... Hindi ikaw ang may kasalanan, okay?" 

"I want to move out," bulong niya bago isara ang pinto ng kwarto niya.

Napakurap ako, nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Kumatok kaagad ako dahil may gusto pa akong sabihin. Nang buksan niya ang pinto, wala siyang emosyon sa mukha niya.

"Narinig ko 'yong sinabi mo. Bata ka pa, Kye... Hindi madaling mabuhay mag-isa." 

"Pero kaya mo?" sarkastikong sabi niya. "Sabagay... You're up there. I'm just here. I can't be as great as you."

"Galit ka ba sa akin?" hindi-makapaniwalang tanong ko. "Saan nanggagaling 'to?"

Bumuntong-hininga siya at napayuko. Ginulo niya ang buhok niya, mukhang frustrated. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan. Sa akin ba? Kakauwi ko lang! Wala naman akong alam sa mga nangyayari dito. 

"I'm sorry, Ate," sabi niya bigla. "I'm not mad at you. Sorry for taking it out on you." 

I pouted and looked away. Wala na, lumambot na kaagad puso ko! "Ano ba ang problema? Do people compare you to me? May sinabi ba sina Mommy?" 

Umiling siya. "It's nothing," sabi niya bago isara ang pinto. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro