Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19


"Kiss na, naging bato pa!" 

Malakas na nagtawanan sina Zahra nang makwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. Hindi ko pa rin pinapangalanan si Yori. Ang sabi ko lang ay may kalandian ako. Saka na kapag kami na! Baka maudlot na naman. 

"Bakit naging bato?" rinig kong bulong ni Kobs kay Laya. 

"Ibig sabihin noon, hindi natuloy," pagpapaliwanag naman ni Laya. 

"Humanda kayo at matutuloy rin 'to!" pag-announce ko at nilagay ang dalawang kamay sa baywang ko. Desidido na ako! Susubukan ko siyang i-kiss! 

"Tama, ikaw na ang humalik sa kanya!" pagsuporta naman ni Kobs. "First kiss mo ba 'to?"

Tumango ako. Dramatikong napatakip si Zahra at si Kobs sa bibig nila, gulat na gulat. Ano ba ang iniisip nila sa akin?! Hindi nga ako nagka-boyfriend, eh! Hindi rin ako 'yong tipong kung sinu-sino ang hinahalikan sa club dahil hindi naman ako masyadong lumalabas at umiinom. Aral lang ang focus ko. 

"Kailangan mo ng tips and tricks. Una, dapat tantyado mo 'yong mood..." Nanguna na si Zahra magbigay ng tips. 

Nilagay ko pa sa Notes app ko lahat ng sinasabi nila para may matingnan ako mamaya. Rereviewin ko lang na para bang magsasagot ako ng exam. Siyempre, nagtanong din ako sa mga tropa kong ekalal. Baka sakaling may tips din sila. 

Estella: ano tips niu sa taong wala pang pers kiss xD

Seven: ? 

Estella: ay sorry ikaw rin pala may kailangan ng tips

Lyonelle: I pity you guys

Estella: sabi nung hindi maalala kung may first kiss na ba siya o wala

Lyonelle: Bat ka pa nagtanong

Seven: I sent a screenshot of your message to your dad

Estella: gago k b?

Seven: Pwede na.

Estella: whatever mukhang wala naman akong makukuha sa inyo kasi mga losers kayo update ko kayo kapag may first kiss na ako pag inggit pumikit na lang cguro

Nag-react ng 'wow' si Lai sa message ako at like sign naman kay Seven. Wala talagang kwenta kausap ang mga 'to. 

May get-together kami nina Caitlyn, Ollie, at iba naming classmates noong highschool for dinner kaya dumeretso kaagad ako pauwi pagkatapos ng klase. Kakain lang daw sa labas para mag-catch up. 

Siyempre, ginandahan ko talaga. Hindi ko alam kung may igaganda pa ba ako pero kasi kasama si Yori! Baka makuha ko na ang first kiss ko kaya dapat prepared. Binasa ko ulit ang mga tips nina Zahra para alam ko ang gagawin when that time comes! 

Nag-commute lang ako papunta sa mall kung saan kami kakain. Malapit lang naman. Hindi ko kasi alam kung naroon na si Yori o hindi dahil mas late matatapos ang klase niya. Hindi ko na siya ginulo sa text or chat. 

Medyo na-late ako dahil ang tagal ng jeep umalis kaya pagkarating ko ay naroon na silang lahat. Napasimangot ako nang kaunti nang makitang naroon na si Yori, pero katabi niya si Jap sa kaliwa tapos isa pa naming kaklaseng lalaki sa kanan. Wala na ang pwesto ko! Siguro sa binti na lang niya. 

"Nat!" Tinaas ni Ollie ang kamay niya na para bang ang hirap nilang hanapin. Ang haba kaya ng table at halos kami ang nag-occupy ng restaurant. 

Umupo ako sa gitna ni Ollie at Caitlyn. Ni-reserve talaga nila 'yong upuan para sa akin. Nang maupo ako, biglang nagtitinginan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit. Natahimik sila saglit at ang iba ay pinapabalik-balik ang tingin sa amin ni Yori. 

"Sorry... Hindi ba awkward sa inyo? Akala kasi namin hindi pupunta si Yori," bulong ni Caitlyn sa akin.

Ah... Hindi ko pa pala nasasabing okay kami ni Yori. Sumulyap ako sa kanya at naabutan siyang tumatawa habang may hawak na baso, painom pa lang. Nang ilapit niya ang baso sa labi niya ay nagkatinginan kami. He gave me a subtle smile before drinking through the glass. 

Habang naghihintay kami ng food, tumayo ang iba para makichismis sa iba naming kaklase. Nagkanya-kanyang kwentuhan na habang ako ay pumipili ng dessert sa menu para mamaya. Hindi ko napansing tumayo si Yori at pumunta sa likod ko. Inakbay niya ang isang kamay sa may sandalan ng upuan ko at ang isang kamay ay inabot ang menu na hawak ko para makatingin din. I could feel his breathing beside my neck. Ang lapit niya!

"What do you want?" bulong niya sa akin. 

Nakarinig ako ng impit na sigaw sa gilid ko. Umaktong walang nakikita sina Caitlyn at Ollie pero halata sa mga mukha nila ang saya. 

"Hmm, mango float," sabi ko at nilingon siya. Nagulat ako sa lapit ng mukha namin. "Ikaw?"

"I'll have what you're having." 

"Uhm, excuse me po..."

Sabay kaming napalingon sa dalawang lalaking lumapit sa kanya. Umayos siya ng tayo at nagtataka silang tiningnan. 

"Yes?" tanong niya sa dalawa.

"Kayo po 'yong gamer 'di ba? Idol niya raw po kayo... Pwede raw po bang magpa-picture?" 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Mukhang nagulat din si Yori at hindi pa nagpa-process sa kanya iyong sinabi noong dalawang bata kaya tumayo ako at ngumiti sa kanila. Nilahad ko ang kamay ko.

"Ako na magpi-picture!" sabi ko at bahagyang tinulak si Yori palapit sa kanila. 

Yori just gave a small smile and bowed at them after. Natawa ako nang umali siyong dalawang bata at mukhang nagtataka pa rin si Yori. 

"Nakita siguro nila mukha mo sa mga e-games posters," sabi ko sa kanya. "Tapos streamer ka na rin. Naks naman!" Sinundot ko ang baywang niya. 

"That was the first time something like that happened. It's awkward." Halatang na-overwhelm siya sa nangyari. 

"Ano ka ba! Idol ka noong mga bata kasi magaling ka." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"Hoy, ano 'to?! Kayo na?!" Sabay kaming napatingin kay Jap na hawak ang phone ni Yori. Naroon nga pala sa likod 'yong picture namin! Napatingin tuloy sa amin lahat! 

"Uh, no..." sagot kaagad ni Yori.

"Yes! Kami na!" pag-iba ko ng sagot ko at umakbay kay Yori kahit mas matangkad siya. Kumunot ang noo ni Yori at tiningnan ako. 

"What... How..." bulong niya. 

"Para wala na tayong ipapaliwanag sa susunod na hangout," bulong ko. "Okay na 'yan." 

Nagpalakpakan pa sila at nag-congrats. Expected na raw nilang mangyayari 'yon... na "magkakabalikan" daw kami. Ang alam siguro nila ay nag-break kami ni Yori noong highschool kahit hindi naman naging kami.

"Bigla na lang silang hindi nagpansinan 'no. Ang awkward tuloy sa room! Happy ako na okay na kayo. Kapag meant to be talaga, you will always find your way to each other," sabi ni Ollie.

"Luh, ang arte! English pa," pang-aasar ni Caitlyn.

Nag-settle down na rin ang lahat nang dumating ang pagkain. Nagulat ako nang nakipagpalit si Yori ng upuan kay Ollie para makatabi ako.

"Mga bwiset! Ginawa pa akong third wheel!" sabi ni Caitlyn.

"You look pretty," sabi sa akin ni Yori pagkaupo niya.

"You look pretty too," sabi ko naman sa kanya at ngumiti. Ang bango pa. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa dibdib niya. Parang ang bango. 

Busog na busog ako nang lumabas kami ng restaurant. Nagpaalam na ang lahat habang kami ni Yori ay magko-commute pauwi. Sabay na raw kami. 

Pumara siya ng jeep at umupo sa malapit sa pinto. Doon naman ako sa tabi niya. May something talaga sa jeep na nakakaantok. Iyong init, tapos iyong tunog ng mga sasakyan sa labas, tapos 'yong hangin... Nakakaaantok. 

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Yori. Hindi naman siya nagreklamo. 

Nang makababa kami ay hinatid niya pa ako sa condo ko. Doon lang sa lobby. Tiningnan ko ang oras at lagpas na ulit sa curfew ng dorm niya. 

"Ayaw mo matulog sa condo ko?" alok ko, nagbibiro.

"Nat..." Marahan niya akong sinamaan ng tingin. 

"Joke lang, ito naman!" Tumawa ako at hinampas nang bahagya ang braso niya. "Good night, Yoritsune." 

"Good night, Estella Nataleigh," ganti niya. 

"Wala ka bang special nickname sa akin?" pagbibiro ko ulit.

"Love?" Tumaas ang isa niyang kilay. 

"Umuwi ka na nga!" Tinalikuran ko siya at nagmamadaling pumasok ng lobby. Napahinto ako sa may elevator at hinawakan ang dibdib ko. "Hoy, kalma," bulong ko sa sarili ko. 

Music to my ears! Kinilig ako roon, ah. Bwisit 'tong si Yori! 

Noong Friday ay walang class dahil may field trip kami sa mga historical places at museums. Madaling-araw pa lang ay nasa campus na ako dahil naroon ang mga bus. 

"Bwisit, bakit kasabay rin namin kayo?" inis na tanong ko kay Seven at Lai. 

"My mom said I should give these to you." Inabutan kami ni Seven ng maliit na electric fan. "Because it's going to be hot... and she also wants us to apply this." Naglabas din siya ng insect repellent lotion. 

"Baka may lunch box ka pa diyan na pinabaon sa 'yo ng Mommy mo, ah?" pang-aasar ko habang naglalagay noong lotion. 

"Yes. How did you know?" tanong naman ni Seven. 

"Kasi... same!" Tumawa ako at pinakita ang pinabaon sa akin ni Mommy na lunch box. Tumingin ako kay Lai. "Ikaw? Pinabaunan ka ba ng Ate mo?"

"Ugh, yes." Napairap siya at nilabas din ang lunch box. Pare-parehas pa kami ng lunch box! Actually, simula kindergarten ay pare-pareho na kami ng lunch box. 

"Your boyfriend's here," sabi ni Seven nang matanaw si Yori sa malayo. Napalingon din tuloy ako. Nakita kong naglalakad siya papunta sa direksyon namin pero hindi niya pa kami nakikita. 

"So, what happened to your first kiss?" tanong ni Lai.

"Wala pa, okay?! Shh! Baka marinig niya!" 

"It's bad to kiss and tell," sabi naman ni Seven.

"Eh, wala pa ngang kiss! Ano naman ang ite-tell ko?!" 

Natahimik bigla si Lai at Seven. Dahan-dahan akong napalingon at nagtama ang tingin namin ni Yori. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakapamulsa at nakasuot ng hoodie. Peke akong ngumiti sa kanya at marahang tinapik ang bibig ko. 

"Who are you going to kiss, huh?" Nilapit niya nang kaunti ang mukha niya sa akin. 

"Sina Lai!" Malakas akong tumawa.

"Yikes," sabi kaagad ni Seven.

"What the fuck, no," sabi rin ni Lai. 

"Halika na, dali! Mga bebe ko, pa-kiss sa cheeks!" pang-aasar ko at pinisil pa ang pisngi ni Seven dahil siya ang naabot ko. Tumakbo kaagad si Lai palayo sa akin. 

"Help!" sigaw ni Seven kaya binitawan ko siya kaagad at hinampas sa braso. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala namang teacher na nakarinig.

"How about me?" Yori tilted his head a little to the side. 

"Uh..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nagbibiro lang ako, eh! Hindi ko na siya bigla mabiro nang ganoon! "Wala! Walang kiss-kiss! Masama 'yan! Papasok na ako ng bus namin!" 

At tinakasan ko na naman siya! Napatakip ako sa mukha ko nang makaupo sa bus. Nakakahiya! Narinig niya pa 'yong sinabi ko! Mukha tuloy akong excited! 

"Ano? May first kiss na ba?" bungad sa akin ni Zahra nang umakyat siya sa bus.

"Wala!" sigaw ko. "Mukhang never na magkakaroon!"

"Ano ka ba, laban lang. Huwag mawalan ng pag-asa..." Tinapik niya ang balikat ko. 

Tama nga ang Mommy ni Seven. Pagkainit-init ng field trip. Mabuti na lang talaga at pinabaunan ako ni Mommy ng tubig. Hindi tuloy ako makadaldal dahil naiinis ako sa init. Tuwing pumapasok lang kami ng museum, doon lumalamig. May magkakalapit kasi na historical places kaya nilalakad lang namin sa init.

Napabuntong-hininga ako at sinandal ang ulo ko sa balikat ni Lai habang nakatayo. May nagpe-present na tour guide sa harapan. Nawawalan ako ng energy. 

"Mag-notes ka nga. Baka magpa-quiz about sa field trip," sabi ko sa kanya.

"No need. Look at your boyfriend."

Hinanap ko si Yori at nakita siya malapit sa harapan, nagsusulat sa notebook. Natawa ako bigla. May hihingan naman pala ako ng notes. Ang plano ko kasi ay i-store na lang sa utak ko lahat dahil wala akong energy mag-take ng notes. Achiever pa rin talaga 'tong lalaking 'to. 

"Put your head away. He might get jealous," sabi ulit ni Lai. 

"Arte mo!" Umayos ako ng tayo.

Nag-stop kami sa malaking park para mag-lunch. May mga tables at chairs doon. Iyong iba ay sa damuhan na lang umupo sa ilalim ng puno. Mabuti at nakahanap kami nina Zahra ng pwesto sa mga tables. Siyempre, nilabas ko ang mahiwagang lunch box ko. 

From: Yori

Do you have food? I prepared something for you.

Agad kong binalik ang lunch box sa bag ko. 

To: Yori

wala nga eh :((( nakalimutan ata ni mommy

Shet, sorry Mommy! Ako muna! 

"Sinungaling," sabi ni Kobs sa akin nang mabasa ang text ko. 

"Chismosa! Nakikibasa ng text ng iba. Ganyan ka siguro sa jeep." Bahagya kong tinulak ang mukha niya palayo. 

"Hindi, ah. Kung nakikibasa ako, eh di sana nalaman kong may kikitain iyong babae kagabi sa SM Megamall at eight P.M. sharp at magsuot daw ng cap para hindi makilala." Malakas kaming tumawa ni Kobs at naghampasan pa. 

"Nat..." Lumingon ako kay Yori. 

Shit... Napatingin ako sa mga kaibigan ko, kinabahan. Umayos kaagad ako ng upo at parang naging prim and proper. Sabay-sabay napalingon sina Kobs at nanlaki ang mga mata. 

"Hala, ang gwapo." Kinurot ni Kobs ang binti ko. Muntik ko na siyang itulak pahulog sa upuan.

"Thank you," sabi ko nang abutan niya ako ng lunch box. "Ah, friends ko pala... Si Kobs, Laya, tsaka Zahra. Girls, si Yori..." 

"Hi. Nice to meet you." Ngumiti si Yori at nagpaalam din kaagad dahil kasama niya ang mga kaibigan niya.

Nang makaalis siya, nagsitayuan ang mga kaibigan ko at sabay-sabay akong inabot para hampasin, sabunutan, alug-alugin. 

"Ina mo, gaga ka, iyon ba 'yong kalandian mo?!" sigaw ni Zahra sa akin. "Ang gwapo! Iyon 'yong gamer, eh! 'Di ba?!" 

"Oo, siya 'yong lumalaban sa e-games," sabi ni Laya.

"Mine!" sigaw ni Kobs. Sinabunutan ko kaagad siya. "Steal!" pagbabago niya ng sinabi. 

"Naaalala n'yo 'yong ex-almost ko noong high school..." nahihiyang sabi ko. "Siya 'yon."

"Huh? 'Yong mabait mong ex?" tanong ni Laya.

"Gago ka talaga! Sabi mo pangit iyong nakalandian mo noong high school!" Hinatak ni Kobs ang buhok ko. 

Natahimik bigla sina Laya at Zahra habang nakatingin sa likuran ko. Dahan-dahan kaming lumingon ni Kobs. 

"Uhm... Water. Just in case you forgot to bring." Inabot ni Yori ang water bottle sa akin at umiwas ng tingin. "I'll go now."

Shit, narinig niya! Akala niya sinabihan ko siyang pangit!

"Wait... Wait!" Hahabulin ko sana siya kaso sinalubong na siya ng tropa niya. Napasapo ako sa noo ko. Ano b'ang mayroon sa araw na 'to at kung ano-ano ang naririnig ni Yori?! Nakakahiya! "Sana talaga hindi na ako sumama sa field trip. Bakit ba ako sumama rito?" stressed na sabi ko. Hindi tuloy ako makakain. 

"Kasi graded," sagot ni Laya para sa akin.

"Ah, oo nga pala." 

Wala, nanlulumo na tuloy ako buong field trip! Bigla ko na lang ding napansing nilalayuan ako ni Yori... o baka naman feeling ko lang 'yon dahil hindi naman talaga kami magkasama simula pa kanina. Pero nagi-guilty ako! Akala niya talaga ay sinabihan ko siyang pangit! Actually, sinabi ko nga 'yon pero nagsinungaling lang ako! 

Nang makabalik na kami sa campus, hinanap ko kaagad si Yori. Nakikipagtawanan pa siya sa mga kaklase niya nang lumapit ako at hinawakan ang dulo ng shirt niya. Napalingon sila sa akin. Tumingin ako sa baba, malungkot at nahihiya. 

"Uh, sorry, excuse me," paalam niya sa mga kaklase niya bago ako nilingon. Naglakad kami palayo para hindi nila marinig ang usapan namin. "Why? What's wrong?" Hinawakan niya ang baba ko.

"Uuwi ka na?" tanong ko.

"No, actually, I'm going to my sister's restaurant for an errand," sabi niya. 

"Sama ako." 

"Okay... I'll just say bye to my friends." 

Bumalik na kami sa mga kaklase niya habang nasa likuran niya ako at nakahawak pa rin sa dulo ng shirt niya. 

"I'll head out first," paalam niya. "Say bye," sabi niya sa akin.

"Bye..." mahinang sabi ko. 

Ngumiti si Yori at nagpaalam na sa kanila bago kami naglakad palabas ng campus. Nag-commute lang ulit kami papunta sa restaurant nila. Pagdating namin doon ay sarado na kasi late na kaming nakarating galing field trip.

Binuksan niya ang isang ilaw sa may counter at may inasikaso sa may cashier. Umupo naman ako sa bakanteng upuan habang naghihintay.

"You can go up to my room first to wait," sabi niya sa akin.

"Nakakatakot," sagot ko naman. Ang dilim kaya!

Nang tumahimik ang paligid ay tumayo ako at naglakad palapit sa kanya sa may counter para lang tingnan kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko maintindihan pero may ini-input siya. Dahan-dahan ko siyang niyakap mula sa likod at sinandal ang ulo ko sa likuran niya. Natigilan siya bigla sa ginagawa niya.

"I'm sorry," sabi ko. "Hindi ko pinagkakalat na pangit ka, promise! I had my reasons before!" 

"You were sad because of that?" Narinig ko ang maikling tawa niya. 

Hinawakan niya ang mga kamay ko para kalasin. Pagkatapos ay humarap siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa baywang ko habang nakasandal ang likuran sa may counter. 

"I didn't mind," mahinang sabi niya. "Don't be sad anymore." 

"Hindi na ako magiging sad kapag..." Umiwas ako ng tingin. 

"Kapag?" He tilted his head a bit to the side, hinuhuli ang tingin ko. 

"Kiss..." mahinang sabi ko. 

"Ano?" Nilapit niya ang mukha niya dahil hindi niya narinig ang sinabi ko. 

Ugh, bahala na!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumingkayad para halikan siya sa labi. Saglit lang iyon at binitawan ko rin siya kaagad. Napakurap siya at hindi nakagalaw. Umiwas kaagad ako ng tingin para hindi na makita ang reaksyon niya. Natahimik kaming dalawa. Tumingin ako sa sahig dahil hindi na ako makatingin sa kanya. 

"That's... not how I imagined our first kiss to go." Iyon na lang ang nasabi niya.

Umangat kaagad ang tingin ko sa kanya, kinabahan. "I'm sorry-" 

He cupped my chin and tilted his head before kissing me. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at hinatak ako palapit. He gently moved his lips against mine before letting me go. 

"There. I returned it," mahinang sabi niya. 

Halos hindi na ako makahinga! Hinabol ko ang hininga ko at tumingin ulit sa sahig. Shit... Shit... Iyong dibdib ko! Parang lalabas na ang puso ko! 

"What... does that mean..." bulong ko. 

"What?" tanong niya dahil hindi narinig ang sinabi ko. 

I gathered all the courage to look at him. "Ano'ng ibig sabihin noon... Noong kiss..." nahihiyang tanong ko. "Like... Ano na tayo?" 

"Oh..." Na-realize niya bigla ang ibig kong sabihin. Bahagya siyang napatakip sa labi niya gamit ang kamao niya at umiwas ng tingin. 

"Ano?" 

"Do you... like me?" tanong niya sa akin nang tingnan ulit ako.

"Hindi ba halata, huh?" Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko! "S... Siyempre, gusto kita! Hahalikan ba kita kung hindi?!" 

"Kahit pangit ako?" tanong niya, nang-aasar.

"Eh! Nakakainis naman 'to! Hindi ko nga-"

"Daisuki." 

Eh?! Mas lalo 'atang nag-init ang pisngi ko. Alam ko na ang ibig sabihin noon ngayon. Sinabi niya rin 'yon sa akin dati! 

Lumapit siya sa akin para bumulong. "Tsukiatte kudasai." 

"Ano?" 

"Let's date, please." Hinaplos niya ang pisngi ko. Parang natutunaw ako sa tingin niya. Tumango na lang ako at hindi na nakapagsalita. 

Mabuti na lang at biglang tumawag ang Ate niya para tanungin kung tapos na siya kaya nakalayo ako! Bumalik ako sa upuan ko at napahawak sa labi ko. Hindi pa nagpa-process sa akin lahat ng nangyari! Well, ako naman ang nag-initiate noon pero bakit ako pa rin ang nagulat?! 

Nilabas ko ang phone ko at nag-chat kaagad sa group chat namin nina Zahra.

Estella: KAMI NA!!!!!!!!

Zahra: shet walang pinapalagpas ang sis ko go na go agad

Laya: In fairness kasi simula highschool pa sila nagliligawan

Kobs: cong :( gra :( tu :( la :( tions :(

Estella: so ano na gagawin pagkatapos lagyan ng label

Zahra: edi mga ginagawa ng magjowa

Estella: ano ba ginagawa ng mga magjowa first time ko to eh

Zahra: lam mo na yun :D

Kobs: ano yun? 

Laya: Hard launch sa Instagram

Tinago ko kaagad ang cellphone ko nang makitang tapos na si Yori sa ginagawa niya. So... Ano na? Ano na ang gagawin pagkatapos i-confirm na in a relationship na nga kami?! Ano'ng gagawin ko?! 

"Let's get you home," sabi niya sa akin. 

"Actually, dito ako matutulog!" pag-announce ko sa kanya.

"Huh?" Kumunot kaagad ang noo niya. "Who said that?"

"Ako! May dala akong damit, eh!" Tinuro ko ang bag ko. 

"When did this happen?" naguguluhang tanong niya.

"Mag-sleepover dapat kami ni Lai kina Seven pero..." Tiningnan ko ang relo ko. "Gabi na kaya tulog na 'yong mga 'yon. Inaantok na rin ako." 

"Uhm... Is this allowed?" napatanong siya sa sarili niya.

Wala akong balak na kung ano man! Gusto ko lang talaga siyang makasama nang mas matagal pa since... kami na oh! We made it official today! Ayaw ko pang umuwi! Gusto kong namnamin ang moment. 

In the end, pumayag pa rin siya, pero sa sahig daw siya matutulog. Nauna akong pumasok sa banyo para maligo. Tiningnan ko ang mga gamit niya. Malinis. Nakaayos lahat sa loob ng cabinet. May skincare din. Maraming stock ng shampoo at sabon. 

Nagbihis ako ng pajamas bago lumabas ng banyo. Nakita kong nakaupo siya sa gaming chair niya at may naka-open na laro. 

"Palaro muna habang naliligo ka, ah!" paalam ko at tumango naman siya. 

Hindi ko alam kung paano laruin 'yon kaya naghanap na lang ako ng Sims. Wala naman. Naghanap ako ng Stardew Valley. Wala rin! Ngumuso ako at nag-rank na lang doon sa laro niya. Ni hindi ko alam ang controls kaya in-on ko iyong tutorial. 

Mabilis lang iyong naging laro dahil palagi akong patay. Sakto, noong lumabas si Yori sa banyo ay natapos din ang laro. Napatakip ako sa bibig ko nang nawalan siya ng star at nag-rank down. Agad akong tumayo para takpan iyong screen. 

"Why?" tanong niya, alam na may tinatago ako. Lumapit siya at sinilip iyong screen. "Wow... You have a talent," pang-aasar niya.

"Kaya mo naman bawiin 'yan!" pampalubag-loob ko.

"Goodbye one hundred percent win rate sa hero." Napailing siya, lalo akong pinapa-guilty! 

"Matutulog na nga ako!" Binagsak ko ang sarili ko sa kama niya at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi ko tanggap na hindi ako magaling sa mga e-games na 'yan! Dapat magaling ako sa lahat! Kahit hindi na sa exercise.

"Come here." 

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko para tingnan siya. Nakaupo na siya sa gaming chair niya. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Isang 'come here' lang ay napasunod kaagad ako! 

Nagulat ako nang hatakin niya ako paupo sa may gitna ng binti niya. Kinulong niya ako dahil nasa magkabilang gilid ko ang braso niya. Ang isang kamay ay nakahawak sa mouse, at ang isa sa keyboard.

"I can teach you," sabi niya. 

Pinanood ko siyang maglaro. Pati iyong mga pinipindot niya. Hindi naman siya nagcha-chat kapag walang nagcha-chat. May nang-trashtalk lang na kalaban pero hindi niya pinansin at nag-focus na lang sa laro. Nanalo siya at MVP siya pagkatapos. 

"You try," sabi niya.

"Matatalo..." nahihiyang sabi ko. 

"You're Estella. You always win, right?" 

Hindi sa e-games, Yori! Hindi ako magaling diyan! Pero sige... Dahil ayaw ko pang umalis sa upuan ko. 

Naglaro lang kami at tinuruan niya ako. Paminsan-minsan ay hinahawakan niya ang kamay ko para i-guide 'yong mouse, tapos nakikipindot siya sa keyboard. 

"Picture tayo!" sabi ko nang matapos kaming maglaro. Nakita ko kasi ang webcam. Binuksan ko iyong camera para makapag-picture kami. 

First picture na official kami! 

Pinasa ko kaagad sa phone ko at tiningnan lang 'yon habang nasa kama. Nasa sahig naman si Yori, mukhang mabilis lang ding nakatulog. 

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko nang makitang pinalitan niya ang profile picture niya sa Instagram ng picture namin. Nakahalik pa siya sa pisngi ko roon. Ang gwapo talaga ng side profile niya! Gumulong tuloy ako sa kama papunta sa gilid para pagmasdan siya. 

"Pst," tawag ko para tingnan kung gising pa siya.

"Sleep, Nat." Gising pa! 

"Wala namang pasok bukas. Hmm... Okay ka lang ba diyan? Hindi ba uncomfortable diyan?" 

"I'm okay. Are you okay?" Dinilat niya ang mga mata niya kaya nagtama ang tingin namin. 

"Wala ka bang terms and conditions sa relationship natin?" curious na tanong ko. "Para alam ko. First time ko kasi." 

"Nothing... Just don't purposely hurt my feelings." 

Natahimik ako bigla, naalala iyong ginawa ko last time. Umayos ulit ako ng higa at tumingin sa may kisame. 

"That time..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I know," sabi niya naman. "Don't worry about it anymore." 

Kahit wala pa akong sinasabi, naiintindihan na niya. I felt bad... and lucky at the same time. Yori was always so patient with me. He was always compromising. 

"I'll do better. I'll treat you better..." mahinang sabi ko. 

"Just be you. That's enough." 

"Yori... Thanks for trying to understand me all the time. You're the best boyfriend ever." Pinikit ko ang mga mata ko, inaantok na. 

"First day pa lang..."

"I know, but you always do your best for me all the time... Ever since then." 

But I can't say the same thing for me. Sa aming dalawa, ako 'yong may problema. 

"I'll make this work, Yori... I want you to know that." Iyon na ang huling sinabi ko bago ako nakatulog.

________________________________________________________________________________

:)


hello please be patient with me. the updates will really get slow because of law school. thank you. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro