18
"Naku... Wala na akong shirt na mabibigay sa 'yo."
Naghahanap pa ako ng malaking damit na kakasya sa kanya sa loob ng cabinet ko dahil nabasa na nga ang suot niya.
"Siguro ganyan ka na lang..." pagbibiro ko nang lumingon sa kanya. Wala na kasi siyang suot pangtaas. Basa na kaya nasa laundry na.
"Nat..." he warned me. "I'm cold."
"Okay, wait..." Naghanap ako ng hoodie ni Kye. May nanakaw na naman ako sa kanya noong umuwi ako. Mabuti na lang at hindi ko pa binabalik. Inabot ko sa kanya 'yon. Kasya naman siguro kasi oversized ang mga trip ni Kye.
Iyong jogging pants, mayroon naman ako. Stretchable naman kaya okay na 'yon. Iyong panloob... Hmm.
"Akin na ang brief mo. Lalabhan natin tapos ida-dryer para may masuot ka." Nilahad ko ang kamay ko.
"Excuse me?" Kumunot ang noo niya.
"Ang brief mo," ulit ko.
"I can do it myself." Kinuha niya ang mga damit at pumasok sa banyo para magpalit at maglaba siguro ng panloob niya. Inabutan ko rin siya ng extra toothbrush pero may dala raw siya.
Natawa ako habang naglalakad palabas ng kwarto. Mukhang matatagalan siya roon dahil maglalaba pa kaya pumunta muna ako sa sofa para manood... pero hindi ko maalis sa utak ko ang presensya niya. Kami lang dalawa sa condo! Na naman!
Dito siya matutulog! Saan kaya? Hmm... Sa sofa? Sa kama ko?
Makukuha ko na ba ang first kiss ko?! Kinakabahan ako, ah!
Hala, magpakipot ka muna, Nat! Saka na 'yon!
Muntik na akong makatulog sa sofa kakahintay sa kanyang lumabas sa banyo. Nang bumukas ang pinto, nagising kaagad ako at lumingon. Bago na ang suot niya. Ngumiti ako nang naglakad siya palapit at umupo sa tabi ko.
"I'll just sleep here," sabi niya habang inaayos ang unan.
"Sure?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ayaw mo sa kwarto-"
"Take it slow, Nat," he reminded me. Napanguso ako at tumayo na para pumasok sa kwarto ko. "Good night."
"Good night," sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.
Kinabukasan ay ten A.M. ang pasok ko. Nagising ako dahil sa pag-alog ni Yori sa balikat ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, nakakunot pa ang noo. Ang aga-aga pa!
"You're going to get late," sabi niya sa akin. "You have class at ten."
Napatayo kaagad ako para tingnan ang oras. May isang oras at kalahati pa ako para mag-prepare. Mabuti na lang at ginising niya ako! Nagmamadali akong tumakbo sa banyo para maghilamos at maligo.
"I have to go. I also have class at ten," sabi niya sa labas ng pintuan. "I already prepared your food."
"Okay! Thank you!" sigaw ko kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay wala na siya, pero may breakfast na sa lamesa. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Para akong tangang kinikilig habang kumakain kahit male-late na ako.
"Pota, naka-floral dress ang binibini," pang-aasar sa akin ni Zahra pagkapasok ko sa room. Nawala ang ngiti ko at binatukan siya. Oo na! Hindi ko naman style 'to pero... gusto ko lang maiba ngayong araw dahil good mood ako!
Tsaka baka magkita kami. Nasa campus din pala siya.
"Good mood ka 'ata?" nakangiting sabi sa akin ni Laya.
"Hoy, ano ka ba! Hindi naman masyado!" Napa-tuck ako ng buhok sa likod ng tainga ko at marahang hinampas ang braso niya. "Am I as bright as the sun ba?" maarteng sabi ko.
"Hindi naman," sagot ni Kobs.
"Ina mo!" sambit ko sa kanya.
Noong lunchtime na, sabay-sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. May isa pa kasing subject hanggang four kaya hindi pa kami pwedeng umuwi. Habang naglalakad kami, todo tingin ako sa paligid, nagbabaka-sakaling makita si Yori.
"Mababali na ang leeg mo niyan kakalingon, Nat," sabi ni Zahra.
"Hala..." Napahawak si Kobs sa leeg niya. "Ganoon ba 'yon? Tinatakot mo naman ako!"
"Boba!" Binatukan siya ni Zahra.
"Sino ba ang hinahanap mo?" tanong ni Laya.
"Wala naman. Ano... Masakit lang leeg ko. Stretching lang," pagpapalusot ko naman.
Pagkapasok namin ng cafeteria, nakuha kaagad ng isang table ang atensyon ko. Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Yori kasama ang ibang schoolmates. May mga laptop sila at mukhang may ginagawa. Nakasuot pa siya ng specs at seryoso ang mukha. May katabi siyang babae na mukhang may tinatanong sa kanya. Napanguso ako at umiwas ng tingin.
Sakto pang bakante ang table sa tabi nila kaya roon kami naupo, dala-dala ang tray. Mukhang hindi pa ako napansin ni Yori kahit dumaan ako sa harapan niya.
Palingon-lingon ako sa kanila habang kumakain. Palagi siyang kinakausap noong katabi niya at nakiki-type pa sa laptop niya. Napakunot ang noo ko nang naglabas pa ng phone 'yong girl at nag-selfie sila. Pagkatapos ay nag-group selfie naman sila. Tinakpan ko ang gilid ng mukha ko para hindi masama sa picture.
Tumayo ako para ibalik ang tray pagkatapos kong kumain, tapos dumaan ulit ako sa harapan ni Yori para bumalik sa table namin. Naalis ang atensyon niya sa laptop at sinundan ako ng tingin. Ngumiti lang ako sa kanya at bahagyang kumaway bago umupo.
"Yori!" tawag ulit sa kanya ng katabi niya nang tatayo na sana siya para puntahan ako. "How about this one..."
"Mag-restroom lang ako," paalam ko kina Kobs bago tumayo at lumabas ng cafeteria. Magfe-freshen up lang.
Habang naglalakad ako, may humawak sa palapulsuhan ko kaya napahinto ako at napalingon. Sinundan pala ako ni Yori.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Omg!" Tinakpan ko ang mukha ko. "Huwag mo akong tingnan! Hindi pa ako nagre-retouch ng makeup!"
"Huh?" Napakunot ang noo niya at bahagyang natawa. "Bakit?"
"Ang pangit ko pa!"
"Don't ever say that," seryosong sabi niya na ngayon at tinanggal ang takip ko sa mukha ko.
"Bakit? Maganda ba ako?" Ngumisi ako at nilagay ang dalawang palad sa mukha ko. Kumindat pa ako. Unti-unti siyang napangiti habang nakatitig sa akin.
"Yes," sagot niya.
"Yes lang?"
"You look... astonishing," pag-exaggerate niya.
"Really? Buti naman." Umismid ako at pumasok na sa restroom. Nag-retouch pa rin ako ng makeup pagkatapos ko sa cubicle.
Pagkalabas ko, naghihintay pa rin si Yori sa akin.
"Good boy!" I gave his head a pat before laughing. Nakakatawa kasi ang reaksyon niya. Nagsalubong ang kilay niya at sinamaan ako ng tingin.
"When's your next class?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa cafeteria.
"Mamaya pang two," sagot ko naman. "Ikaw? Ano'ng ganap mo today?"
"I have a competition later at five. Maybe you can watch... If you want to," nahihiyang sabi niya at umiwas pa ng tingin.
"Sure! Message mo sa akin kung saan gaganapin! I'll be there. Kapag nanalo ka..." Napaisip ako ng reward.
"Let's have dinner," simpleng sagot niya.
"Okay, magde-date tayo kapag nanalo ka," pang-aasar ko. "Kaya galingan mo. Minsan lang ang opportunity na 'to! Ang dami kayang nakapila sa akin."
"Don't worry..." Lumapit siya sa gilid ng mukha ko para bumulong. "I always win."
Tinulak ko ang mukha niya palayo. Namula tuloy ang pisngi ko!
"Umalis ka na nga! Bago pa tayo makita ng friends ko..." Umiwas ako ng tingin.
"It's not like we're having an affair..." bulong pa niya, masama ang loob.
Nauna na akong naglakad paalis para bumalik sa table namin. Hindi na ulit kami nagpansinan hanggang sa bumalik na rin kami sa klase. Pagka-dismiss ng prof, nagpaalam na ulit ako sa girls at tumakbo papunta sa venue ng e-games competition ni Yori. Sa may campus lang din. May kalaban silang ibang team galing sa ibang school.
Maaga pa kaya nagpe-prepare pa lang sila. Umupo ako malapit sa stage. Ang dami rin palang fans ng team nina Yori. May mga shirt pa at banners na dala. I felt so out of place! Wala naman akong alam sa games!
Noong nagsimula na, ang dami nang nag-cheer. Tahimik lang ako at nangunguha ng pictures. Busy si Yori makipag-usap sa teammates niya.
"Ang gwapo talaga ni Yori. Sana mag-stream na siya," sabi ng babae sa likod ko.
"Balita ko magsisimula na rin daw siyang mag-stream," sabi rin noong isa.
Eh?! Bigla akong kinabahan! Shet, ang competition! Dumadami na sila!
Kahit wala akong alam sa games, naiintindihan ko naman ang sinasabi ng host. Na-ban daw lahat ng heroes ni Yori. Mabuti na lang daw ay marami siyang iba pang alam gamitin kaya hindi naman daw masyadong makakaapekto iyon sa laro nila.
Parang ako ang mas kinakabahan! Sobrang focused ko sa laro. Noong intense na ay lumabas muna ako para makahinga nang maayos. Nang marinig ko ang sigawan ay nagmamadali akong bumalik.
Victory! Nanalo sina Yori! Pumalkpak kaagad ako habang si Yori ay kalmado lang na tumayo at dumeretso na sa likod ng stage na parang walang nangyari.
Naghintay ako sa labas para kay Yori dahil may utang akong dinner sa kanya. Habang palabas siya ay marami pang nagpa-picture sa kanya. Agad akong lumayo dahil mukhang busy pa siya.
Nagtago ako sa may likod ng pader at nag-scroll na lang sa phone ko habang naghihintay. Kung ano-ano nang chismis ang nasagap ko. Sinend ko pa sa group chat namin nina Seven.
Estella: kita niu na toh HAHAHA
Seven: Who's that
Estella: tangek sikat mga yan nag-aaway sila
Seven: Are you involved?
Estella: lah siyempre hindi di naman ako kilala nyan ei
Seven: Then let's mind our own business.
Lyonelle: LMAOOOO HAHAHAHA
Estella: namo seven pangit mo kachismisan
"Nat. Why are you hiding?"
Tinago ko kaagad ang phone ko nang marinig si Yori sa gilid ko. Ngumiti ako at pasimpleng tumingin sa likuran niya para makita kung may mga sumusunod pa rin sa kanya. Wala naman. Clear!
"Tara na. Saan mo gusto mag-dinner? Libre kita!" mayabang na sabi ko.
"I want some Filipino food," sabi niya naman.
Dinala ko siya sa karinderya. Filipino food daw ang gusto niya, eh.
Wala naman siyang reklamo. Habang kumakain kami, nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari sa araw namin.
"Balita ko magiging streamer ka na rin daw," pag-open ko ng topic.
"Oh... Some livestreaming app offered to pay me to stream," sabi niya. "I'm still thinking about it."
"What's stopping you?"
"I have to show my face all the time. I don't like it," sabi niya naman.
"Bakit naman? Ang pogi-pogi mo, eh! Pero... sabagay, mas lalong dadami ang magkakagusto sa 'yo!" Pabiro kong tinakpan ang mukha niya. "Mag-facemask ka na lang."
"I might do it... but only with my voice."
"Ikaw bahala. Support kita! Papanoorin ko palagi ang mga stream mo tapos magbibigay ako ng coins."
"Don't do that." Napailing siya. "You don't have to do those things."
That week, sinabi niya sa akin na pumayag na siyang mag-stream. Sa Sunday daw ang una niyang stream kaya nag-abang ako kahit wala akong alam sa mga games.
Natawa ako nang makapasok ako sa stream niya dahil screen lang talaga ng laro ang naroon. Hindi siya naka-on ng camera, tapos halatang naiilang siya magsalita. Hindi pa nga siya naghe-hello simula pagkapasok ko. Nag-type tuloy ako.
nataleigh: hello shoutout naman po <3
"Hi, Nat." Nagulat ako nang batiin niya nga ako.
Padami nang padami ang viewers kahit wala naman siyang public social media. Doon lang sa page ng team nila naka-announce ang live niya.
"I won't talk much. I'll just play. Let's start." Ang seryoso naman nito!
Nilagay ko ang phone ko sa gilid at nagsimula nang mag-aral. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang nangyayari sa stream niya. Ang daming nagbibigay sa kanya ng gifts.
"The fuck..." bulong niya sa stream niya dahil nag-emote 'yong kalaban niya. Halatang na-badtrip siya.
Pinapatuloy ko ang pag-aaral ko hanggang sa matapos ang stream niya. Isang oras lang daw 'yon palagi. Napanalo naman niya lahat ng games na nilaro niya. Ang galing niya talaga.
Habang nagliligpit ako ng gamit, nakita ko iyong pinrint kong application for the debate team. Natigilan ako at napatitig nang matagal doon. Tinabi ko na muna dahil hindi pa naman pasahan. May oras pa ako para mag-isip.
May competition din ako sa quiz bee noong sumunod na week kaya naging busy ako sa paghahanda. Dumayo pa ako sa malayong lugar at doon natulog. Hindi kami masyadong nagkita ni Yori, lalo na't dumeretso ako sa bahay pagkauwi.
"Congrats, Nat!" masayang sabi nina Mommy nang i-surprise ako ng cake. Nanalo kasi ako sa quiz bee.
"Thank you, Mommy, Daddy, and Kye!" masayang sabi ko kahit pagod na. "Pero inaantok na ako..."
"It's okay. You can rest," sabi ni Daddy.
Bumagsak na ako sa kama pagkatapos kong maligo. Mabuti na lang at weekend na ulit at makakapagpahinga ako. Kinabukasan, ginising ako ni Daddy at Kye para samahan silang mag-jogging.
"Nakakatamad!" sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Come on, Nat. You rarely exercise," sabi ni Daddy.
"Your bones will get weak, and you will get sick," pananakot pa sa akin ni Kye. "If you get sick, you will have to skip classes."
"Okay, okay!" Napatayo kaagad ako. Ayaw kong mag-absent 'no!
Pagod na pagod ako! Naiiwan na ako nina Daddy at Kye. Hingal na hingal ako at pinipilit pa ring makasunod sa kanilang dalawa.
"Daddy, ayoko na! Mamamatay na ako!" sigaw ko. Ang layo na nilang dalawa. "Legit! Hindi na ako makahinga!"
Napabuntong-hininga si Daddy at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at napangisi naman ako bago sumakay sa likod niya.
"Weak," pag-trash talk sa akin ni Kye.
Buhat-buhat ako ni Daddy sa likod niya hanggang sa makauwi kami. Naligo ulit ako at bumagsak na sa sofa, pagod na pagod.
"You're going to sleep again? What an active lifestyle." Kitang-kita ko ang pagka-judgmental ng mga mata ni Kye.
"Excuse me! Hindi lahat ng tao gusto mag-exercise palagi!" I defended myself. "Lagi ko namang ine-exercise ang utak ko. Okay na 'yon!"
Kita kong gusto pang makipagtalo sa akin ni Kye pero hindi na siya nagsalita. Napailing na lang siya at pumuntang kusina para uminom ng tubig.
"Kye, may ice cream ba diyan?" tanong ko.
"Wala."
"Bili mo ako."
"No." Sinara niya ang ref at dumeretso na sa taas.
"Ang damot!" sigaw ko para marinig niya.
Napatayo tuloy ako at napilitang lumabas para bumili ng ice cream. Habang nagbabayad ako sa convenience store ay nakita ko si Lai at Seven na nagja-jogging sa labas. Mukhang kanina pa sila dahil pawis na pawis na.
"Hoy!" tawag ko pagkalabas ko. Kumakain ako ng ice cream habang nage-exercise silang dalawa. Napahinto naman sila nang makita ako.
"Ice cream? It's so early in the morning," sabi ni Lai.
"Paki mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaka-jogging ko nga lang pala..." proud na sabi ko.
"Really? How long did you last? Three minutes?" sarkastikong sambit ni Seven.
"Ikaw, ang attitude mo na, ha!" Tinuro ko siya gamit ang kutsara. "Ang lakas kaya ng stamina ko..." pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba... Sabay ka sa amin," aya ni Lai.
"Kakaligo ko lang 'no! No, thanks!" Umismid ako.
"I saw Yori at the gym near the school. He goes there a lot," sabi sa akin ni Seven.
"Eh?! Magkano membership doon?" agad na tanong ko. "Alam mo naman... I love exercising talaga!"
"Stop lying to yourself." Napailing si Lai at iniwan na nila ako! Minura ko na lang sila sa isipan ko at bumalik na sa bahay.
Napaisip tuloy ako kung kailangan ko na ring magsimulang pumunta sa gym. Si Seven at Lai palaging nasa gym at nage-exercise dahil sa sport nila. Ako, wala naman akong sport! Intelligence lang ang kaya kong i-ambag. Walang physical!
Nang bumalik na ako sa condo dahil may pasok na ulit, inaya ko sina Zahra na mag-exercise. Ang mga gaga, parang ako rin, eh!
"Ayaw ko! Mapapagod lang ako," sabi ni Zahra.
"Araw-araw naman akong naglalakad papasok... Exercise na 'yon," sabi naman ni Kobs.
"Madali akong hingalin, eh," sambit ni Laya.
"Alam n'yo... kaya tayo magkakaibigan, eh." Tinapik-tapik ko ang balikat nila. "Dapat talaga hindi na ako nag-abalang ayain kayo."
"Unless may pogi sa gym... Gow! Araw-araw! Kahit pagbuhatin mo pa ako ng one hundred kilograms!" maharot na sabi ni Kobs. "Tapos manghihingi ako ng help. Hey, baka you can spot me..." Nag-roleplay pa si gaga.
"Tapos ang next ay pina-blotter ka na," sabi ni Zahra.
"Huwag naman, tangina mo!"
Pagkatapos ng klase ay naghintay ako sa labas ng building nina Yori dahil sabi niya ay ihahatid niya ako pauwi. Kumaway kaagad ako nang makita siyang nagmamadaling lumabas at dumeretso sa akin.
"Hi," bati niya, hinihingal pa.
"Bakit naman parang tumakbo ka pa?" sabi ko habang kinukuha niya ang bag ko.
"Because you were waiting," simpleng sagot niya. "I don't want you to get impatient and leave."
"Sino'ng kasama mo mag-gym?" curious na tanong ko habang naglalakad. "Iniisip ko kasi kung magdyi-gym na rin ako."
"Ako lang... What's with the sudden thought?"
"Wala, gusto kasi kita makita at makasama palagi, eh," pagbanat ko.
Napahinto siya bigla sa paglalakad at lumingon sa akin. Tumawa ako at tinuro ang mukha niya. Namumula na siya at mukhang nagulat pa sa sinabi ko.
"Don't... joke about those things." Umiwas siya ng tingin.
"Bakit? Kasi kinikilig ka?" pang-aasar ko.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak ako palapit. Tumama tuloy ang pisngi ko sa dibdib niya. Napunta ang kamay niya sa likod ng ulo ko at ang isa ay nakapalupot sa baywang ko.
"Do you hear that?" mahinang sabi niya.
Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napalayo kaagad ako sa kanya. Ako na 'ata ang namumula!
"M-may sakit ka na 'ata, eh!" Napaubo ako at umiwas ng tingin. "Tara na nga!"
Palagi na kaming sabay na naglalakad pauwi. Kahit tuwing nauunang matapos ang klase niya, nagpapalipas siya ng oras sa library para mahatid niya ako pauwi. Hindi ko pa rin nasasabi kina Kobs ang tungkol kay Yori dahil hindi pa nga sure! Baka mawala!
"What are you thinking about?" Hinawakan ni Yori ang baba ko para mapatingala ako sa kanya. Nakaupo ako sa bench at naghihintay sa kanya sa tapat ng building nila.
"Wala... Hmm... May nag-post sa 'yo sa freedom wall. Tinatanong kung single daw ba si Yori na taga... Ano ulit program mo?"
"Bachelor of Science in Electronics Engineering and Master of Science in Electronics and Communications Engineering... It's a special accelerated program. Tri-sem."
Napahinto ako sa paglalakad at napaawang ang labi. "Eh?! Akala ko Electronics Engineering ka lang?! Ang haba pala!"
"I know... That's why I only say Electronics Engineering."
"Okay, basta! May nagtatanong about sa 'yo sa freedom wall. Ini-inform kita kasi alam kong hindi ka nagfe-Facebook."
Nagkibit-balikat siya. "You don't have to inform me."
"Hindi ka ba natutuwa na may nagkaka-crush sa 'yo sa campus?" Nagsimula na ulit kaming maglakad. "Nakaka-flatter kaya 'yon!"
"They're not you, so..." Hindi niya na tinuloy ang sinasabi niya.
Parang sira! Pinigilan ko tuloy ang ngiti ko.
"You say that, but you get jealous easily."
"Ano?!" malakas na sigaw ko. "Ako?! Magseselos?! Kanino naman? At bakit naman ako magseselos? Hindi kaya ako selosa!" Todo tanggi naman ako.
"Okay..." Tinaas niya ang dalawang kamay niya, surrendering. "I was wrong. Calm down."'
"Kahit ilang girls pa ang kausapin mo at ngitian mo, hindi ako magseselos," mayabang na sabi ko pa.
"Okay, okay..." Tumango-tango na lang siya, ayaw makipagtalo.
"Hi, Yori! Pauwi ka na?" May nakasalubong kaming babae na kumaway sa kanya.
"Ah, yes." Tumango siya at bahagyang ngumiti.
"May iniwan ako sa org room for you. Kunin mo na lang bukas." Ngumiti 'yong babae at nagpaalam na rin.
Napanguso ako at pinagkrus ang braso sa dibdib ko habang naglalakad.
"My orgmate," sabi niya sa akin. "Do you mind if we pass by my org room?"
Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Nakisilip din ako kung ano iyong iniwan para sa kanya. Paper bag iyon ng mamahaling chocolate. Mukhang pasalubong galing ibang bansa. May letter din at may heart.
"Wow, mukhang masarap 'yan, ah..." sabi ko.
"You want it?" Inabot sa akin ni Yori ang paper bag.
"Siyempre, hindi! Para sa 'yo 'yan, sira ka. Nag-effort pa siyang pasalubungan ka, oh." Pinalobo ko ang pisngi ko at tumingin na lang sa ibang direksyon. "Kaya ko namang bumili ng sarili kong chocolates..." bulong ko pa.
Nilabas niya ang phone niya para raw makapagpasalamat sa orgmate niya. Hindi ko na binasa. Tumayo na lang ako at naghintay sa kanya sa labas ng org room nila. Wala nang tao dahil late na rin at nagsiuwian na lahat ng mga kasali sa org.
Pagkalabas ni Yori, kinakain na niya iyong chocolates. Inalok pa niya ako pero umiling ako. Ayaw ko nga! Para sa kanya 'yon, eh!
"Close kayo noon?" tanong ko habang naglalakad.
"Hmm... I don't know." Tumingin pa siya sa taas, mukhang nang-aasar. "You can't possibly be jealous, right?"
"Duh! Hindi, ah!" Inirapan ko pa siya. "Parang 'yon lang, eh. Mabait lang 'yong tao kaya namimigay ng pasalubong."
"That's true. She's just nice," sabi niya naman.
Napasimangot ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Nanahimik na lang ako habang naglalakad kami. Siya naman ay kumakain ng chocolates.
"Nandito na tayo." Huminto kami sa tapat ng building ng condo ko. "Pasok na ako sa loob."
"Nat..." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan akong pumasok. "I'm sorry."
"Bakit?" Kumunot ang noo ko.
"For teasing you. I'm sorry." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Don't frown anymore."
I pouted and looked away. "Hindi naman, ah..."
Lumapit siya at marahan akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin sa kanya habang nakahawak sa pisngi ko.
"Good night. I'll call you," mahinang sabi niya bago siya naglakad paalis.
Nakatulala pa rin ako hanggang sa elevator. Did he just... kiss my cheek?! Wala man lang warning! Para akong matutunaw sa sobrang init ng pisngi ko!
Pagkarating ko sa condo, sumigaw ako sa unan at pinaghahampas ang kama sa kilig. Para akong tanga. Sumipa-sipa pa ako sa hangin.
Ang saya-saya ko na naman simula pagkagising. Wala nang nakasira ng mood ko kahit binatukan ako ni Kobs dahil nakatulala lang ako habang nakangiti. Kanina pa raw tapos ang klase pero nakaupo pa rin ako at nakangiti.
"Sira na siya..." sabi ni Laya.
"Glitch lang 'yan. Reset n'yo sa settings," sabi ni Kobs.
"Lagay n'yo sa bigas. Gagana rin 'yan," sabi naman ni Zahra.
"Uy... Lunch na pala?" Tumayo ako nang mapansing nasa pinto na silang lahat. Kinuha ko na ang mga gamit ko at naunang maglakad papuntang cafeteria.
Nakasalubong ko pa si Yori papasok ng cafeteria. Huminto siya at pinauna na kami. Kinilig naman si Kobs at hinampas ako.
"'Di ba 'yon 'yong poging kausap mo? Iyong nagkakagusto sa 'yo?" sabi niya sa akin.
"Hindi, ah," tanggi ko naman. "Nagtanong lang 'yon ng directions."
Pasimple akong sumisilay kay Yori habang kumakain. Puro lalaki na ang kasama niya sa table at mukhang may ginagawa silang school work. Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate 'yon.
From: Yori
Let's go out
Mabilis akong tumayo. "Girls, may bibilhin lang ako!" paalam ko at tumakbo na palabas ng cafeteria.
Hinihintay na ako ni Yori sa labas. Nauna na pala siya sa akin. Sabay kaming naglakad palabas ng campus para pumunta sa may convenience store. Bibili kami ng ice cream.
"Tapos... hindi ko namalayang lunchtime na pala!" pagkekwento ko sa mga nangyari kanina habang naglalakad kami at kumakain ng ice cream. Tumawa siya sa storya ko.
"Slow down." Hinawakan niya ang kamay ko para hatakin ako pabalik. Napatingin ako sa kamay namin nang hindi na niya inalis ang hawak niya sa akin. He slowly intertwined our hands and walked like nothing happened.
Yumuko ako para itago ang ngiti ko. Mapupunit na 'ata ang labi ko kakangiti.
"Nasa room na daw sila," sabi ko. "Hmm, una na ako."
"Okay. Papasok na rin ako." Tiningnan niya ang relo niya. "I'll see you later."
"Bye!" Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko bago naglakad paalis.
"Tangina, nakangiti ka na naman? Ano ba ang binili mo? Good item ba 'yan?" salubong sa akin ni Zahra pagkapasok ko sa room.
"I want what she's having," sabi ni Kobs.
"Hayaan n'yo na. Masaya lang siya." Buti pa si Laya! "Ito, lip balm... Nagsusugat na ang labi mo kakangiti."
"Mga inggitera!" pang-aasar ko. "Saka ko na ikekwento sa inyo kapag sure thing na!"
"So may kaharutan ka nga?" sabi ni Zahra. "Hayup, malandi ka talaga... Sana ako rin."
Ang tagal kong hinintay ma-dismiss ng prof. Una pa ako sa first tumayo at nagpaalam sa girls. "Ina nito, inuuna pa ang kalandian kaysa sa amin!" sabi ni Zahra.
"Bakit? Pinapakilig n'yo ba ako?! Hindi naman!" sigaw ko, tumatawa pa.
"Oo nga naman. Hindi naman natin siya binibigyan ng sarap!" sabi ni Kobs.
"Bastos na 'ata 'yan." Napailing si Laya.
Habang tumatakbo ako, may humatak sa braso ko para pigilin ako. Naghihintay na pala si Yori sa may tapat ng room!
"Hi, baby!" masayang sabi ko. Napaawang ang labi niya sa gulat. "Praktis lang!" Nauna na akong maglakad at sumunod naman siya sa akin.
"Are you going to the field trip?" tanong niya sa akin. "Sabay programs natin."
"Pilitin mo muna ako," pang-aasar ko. "Alam ko namang gustong-gusto mo akong makasama..."
"I'm not going."
Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman siya.
"I'm kidding," bawi niya.
"You want to date?" deretsong tanong ko habang naglalakad kami. Buhat-buhat niya ulit ang bag ko.
"Where?"
"Arcade tayo. Tapos ko na mga gagawin ko for tomorrow, eh."
Siguro nga bad idea na ayain siya sa arcade. Nakalimutan ko 'atang hindi ako pinapapanalo ng lalaking 'to sa kahit anong laro. Naiinis na nga ako pero ang competitive pa rin niya!
"Ito! Ikuha mo na lang ako nito!" Tinuro ko iyong claw machine. Gusto ko noong cute na stuffed toy.
Kahit doon ay magaling siya. Nakuha niya lahat ng gusto ko na para bang nag-practice siya nang matagal sa Japan noong bakasyon.
"Dito na lang tayo!" Hinatak ko siya papasok sa photobooth. "Smile!" Iyong unang picture ay naka-smile kami. Sa pangalawa, nakatingin siya sa akin habang naka-wacky ako. Sa pangatlo, lumapit ako at hinalikan ang pisngi niya. Nakita pa sa picture ang gulat niya.
"What..." Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa ma-print na ang photos. Dalawang copy ang kinuha namin.
"Ang cute!" Nilagay ko 'yon sa likod ng phone ko. Hindi rin kita dahil hindi transparent ang phone case ko.
Nagulat ako nang ilagay niya rin sa likod ng phone niya, pero kitang-kita sa kanya dahil transparent ang case niya. Naisip ko kaagad na makikita ng mga nakapaligid sa kanya. Napangiti ako sa sarili ko.
"Binalik ko lang 'yong ninakaw mong halik sa akin," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Malapit lang naman. Madilim na rin kaya malamig na maglakad.
"So what will happen if I kiss you on the lips?"
Muntik na akong masamid sa iniinom kong milk tea.
"Eh... Eh di... W-wala..." Umiwas ako ng tingin. "Okay lang..."
Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.
"Will you return the kiss too?" seryosong tanong niya.
"Try mo..." I provoked.
He stared at me for so long. I thought he would kiss me, but he just smiled and pinched my cheek.
"I don't think this is a nice place to kiss." Tumingin siya sa paligid. Nasa tabi kami ng daan. "So... let's hold back for a bit."
________________________________________________________________________________
:)
EDIT: Changed Yori's program to a 4-year accelerated program instead of 5 years.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro