17
"Yori... Ano'ng ginagawa mo rito?"
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko! Nasa harapan ko siya! Nandito siya! Totoo siya! Pagkatapos ko siyang hanapin nang hanapin, siya pala ang lalapit sa akin?
"Dalian mo, Zahra! May pogi sa labas!" rinig kong sigaw ni Kobs. "Kausap ni Estella!"
Agad kong hinawakan ang palapulsuhan ni Yori at hinatak siya para tumakbo. Hindi niya alam ang nangyayari pero sumunod pa rin siya sa akin hanggang sa hindi ko na natatanaw ang mga kaibigan ko. Napahinto kami sa may garden ng school. Hingal na hingal pa ako.
"Sorry, 'yong mga kaibigan ko kasi. Chismosa mga 'yon, eh," pagpapaliwanag ko. Huminga ako nang malalim habang nakahawak sa dibdib ko. Grabe, ako na ang hinihingal sa pagtakbo! Mukhang hindi man lang siya napagod.
"Are you okay?" Lumapit siya at pinunasan ang pawis ko gamit ang panyo niya. Natigilan kaagad ako at gulat na napatingin sa kanya.
Ang bango niya! Pucha naman!
"Bakit ka nandito? Ah... Thank you sa flowers," sabi ko. Nilapag ko muna ang bag ko at 'yong flowers doon sa bench.
"It's Valentine's Day," sabi niya na para bang dapat ko nang maintindihan 'yon.
"Oh... Ano naman?" Kumunot ang noo ko.
"Can I take you out on a date?"
Kung may iniinom lang talaga ako, nadura ko na 'yon sa mukha niya. Bakit siya ganito?! Masyado niya akong pinapakilig.
Hala, magpakipot ka naman, Estella.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko naman. Siyempre, hindi kaagad ako pumayag! Baka sabihin niya ay crush na crush ko pa rin siya. Sino ba siya? Sobrang pogi niya lang naman.
"Let's see..." Nilabas niya ang phone niya. "I have a table reserved for us at seven PM in Spiral."
"Ha?" Napakurap ako. Iyong mahal na buffet sa Sofitel 'yon, ah? "Ano'ng gagawin mo kapag hindi ako pumayag?"
"Kakain mag-isa," he casually answered. "I already paid for it."
"Hindi ka mag-aaya ng iba?" Siningkitan ko siya ng mga mata.
His lips slowly formed a smile while staring at my face. "Who else would I date?"
"Malay ko... Kaklase mo siguro." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung nagkaroon ba siya ng ibang babaeng nagustuhan or naka-something sa dalawang taong hindi kami nag-uusap. Ganoon naman sa college. Marami kang dapat i-explore.
"I barely know their names," sabi niya naman.
"Okay... Sofitel... Buffet lang ba?" tanong ko habang naglalakad kami. Kinuha niya ang bag ko at sinabit sa balikat niya kaya bouquet na lang ang hawak-hawak ko.
"Why? You want to book a room?" Tinapunan niya ako ng tingin.
Lintek! Nanggugulat naman siya! Napalunok ako at hindi alam ang sasabihin. Siyempre... Siyempre hindi! Siraulo!
"Hindi naman..." mahinang sagot ko. "Saan naman galing pambayad mo?" kaswal na tanong ko. Nakakahiya kasi kung hiningi niya pa 'yon sa Ate niya!
"I earn," seryosong sabi niya. "From e-games competitions."
Oh? Malaki 'ata bayad sa kanya, ah. Minsan nga, tinitingnan ko kung nagsisimula na siyang mag-stream. Nagse-search pa ako, pero wala akong nakikita sa internet. Sabagay. Ayaw niya talagang pinapakita ang mukha niya. Asset niya nga 'yon, eh!
Siguro kapag nagsimula siyang maging streamer, mauubos ko lahat ng allowance ko kakabigay ng coins. Sa mukha niyang 'yan... Tataas ang competition!
"Dala ko 'yong sasakyan ko," sabi ko sa kanya. "Iyon na lang gamitin natin papunta."
Ako ang nag-drive para sa amin dahil sasakyan ko naman 'yon. Nag-offer naman siya. May lisensya na rin pala siya. Matanda na talaga kami.
Pagkarating namin, dinala na kami sa table noong staff. Sabay rin kaming tumayo para kumuha ng pagkain. Siyempre, marami akong kinuha! Buffet nga, eh! Mabuti na lang at pang-apatan ang table na napunta sa amin kaya kasya lahat ng kinuha ko. Pagbalik ni Yori, isang plato lang ang dala niya. Mukhang nagulat pa siya sa mga pagkain ko.
"Kumuha ka ng marami, sira! Sulitin mo 'yong buffet!" payo ko sa kanya.
"I'm... fine..." nahihiyang sabi niya. Siya pa ang nahiya dahil isang plato lang ang kinuha niya.
"Picture muna tayo bago kumain." Naghanap ako ng staff sa buffet para magpakuha ng picture. Siyempre, ipagyayabang ko lang na may Valentine's date ako! Inggit na inggit pa ako kanina. "Thank you po," sabi ko sa staff.
Kinuhanan ko rin ng litrato ang mga pagkain. Kita lang ang katawan ni Yori, hindi ang mukha niya. Nahagip din iyong bouquet kaya perfect pang-post. Iyong picture namin kanina, pang-memories na lang 'yon. Ang ipagyayabang ko lang naman ay iyong may ka-date ako! Hindi pa ako ready malaman ng mga tao na si Yori ang ka-date ko! Aasarin ako nina Lyonelle! Sasabihan nila akong marupok!
We ate while talking to each other about school. Consistent Dean's lister siya, of course. Currently, rank 1 siya sa batch nila. Ine-expect ko na 'yon. That made me realize that he wasn't inside my rival pool anymore. Magkaiba na kami ng program. I wouldn't have to compete with him anymore.
Busog na busog ako nang maubos ko lahat ng kinuha kong pagkain. Mahina pala kumain si Yori. Ngayon ko lang nalaman.
"Saan kita ihahatid?" tanong ko.
"I stay in the university dorms," sagot naman niya. Hindi ko in-expect 'yon, ah. Akala ko roon pa rin siya nakatira sa Ate niya.
"Magkalapit lang pala tayo. Doon lang din 'yong condo ko." Sinabi ko pa sa kanya ang building para ma-picture niya sa isipan niya kung gaano kami kalapit sa isa't isa.
Ang sabi niya doon na lang siya bababa sa condo ko at maglalakad na lang siya para hindi na ako pumasok sa loob ng campus, pero habang nasa elevator kami galing sa parking, pakiramdam ko ay may kulang pa.
"Gusto mo tumambay muna sa unit ko?" inosenteng tanong ko sa kanya. Tambay lang talaga! Wala akong iniisip na iba! Gusto ko lang bigla ng ice cream. Naalala kong may isang tub pa pala ako sa freezer.
"Would that be okay?" Kumunot ang noo niya.
"Oo naman..." Tatambay lang naman kami. Maaga pa, eh. "Kakain lang tayo ng ice cream tapos manonood ng movie."
"The dorm has a curfew..." sabi niya habang nakatingin sa oras sa phone niya. "Nevermind. It's okay."
Saka lang nag-sink in sa akin ang awkwardness nang makapasok kami sa condo. Ang tahimik ng paligid. Kami lang dalawa. Bigla akong nailang! Bakit ko ba siya inaya rito?! Hindi tuloy ako makagalaw nang maayos.
"Uh... Upo ka muna sa sofa," sabi ko habang kinukuha ang ice cream sa freezer. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang sofa na parang nag-iingat na huwag makabasag ng kung ano man sa condo ko. Naiilang din ba siya?
Nilapag ko ang tub sa coffee table, pati ang dalawang baso na may kutsara. Pagkalagay ko ng ice cream sa baso ko ay umupo na ako sa tabi niya. Pinagpapawisan 'ata ako. Nakabukas naman ang aircon, ah?! Bakit ang init?!
Siyempre, romance film ang pinanood namin dahil iyon ang mga gusto kong movie. Tahimik lang kami habang nanonood at kumakain ng ice cream. Hindi ko alam ang iniisip niya. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya para tingnan ang reaksyon niya. Wala naman. Mukhang okay naman siya.
Nilapag ko ang kamay ko sa gilid ko para maayos ang upo ko. Nahawakan ko tuloy ang kamay niya! Agad kong binawi iyon na parang nakuryente ako.
"Sorry," sabi ko kaagad. Wala na! Namumula na siguro ang pisngi ko! Halata na sa mukha kong naiilang ako! Ako pa naman ang nag-aya sa kanya rito!
Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakita kong gulat ang mga mata niya habang nakatingin sa TV. Namumula ang tainga niya. Oh... Apektado rin pala siya sa presensya ko. Unti-unti siyang umusog palayo sa akin. Napasimangot tuloy ako!
Tumayo ako para sa sahig umupo. Nakakahiya naman sa kanya at parang nilalayuan niya ako! Hindi ko na hahawakan ang kamay niya, okay?!
"Why are you there?" nagtatakang tanong niya.
"Nilalayuan mo kasi ako," sabi ko. "Baka naiilang ka sa 'kin."
"I am not," mabilis na sagot niya.
Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at umupo rin sa sahig, katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at tinuon na lang ulit ang atensyon sa pinapanood namin. Hindi ko na siya matingnan!
Sana pala ay horror ang pinanood namin para may rason akong yakapin siya.
I missed his embrace. Parang mas masarap na siyang yakapin ngayon.
"What are you thinking?" He glanced at me from the side.
"Nagki-kiss sila," wala sa loob na sabi ko habang nakatitig sa screen. Napatingin din tuloy siya. "Ah, tapos na." Mabuti na lang at mabilis lang 'yon! Hindi ko alam kung paano papanoorin 'yon habang nasa tabi ko si Yori!
"Nat..." tawag niya. "Remember what I told you before we parted ways?"
"Huh?" Nagsalubong ang kilay ko. "Alin doon?"
Na-guilty na naman ako sa ginawa ko sa kanya. I bit my lower lip and looked at the floor, inaalala kung paano ko siya iniwan bigla. He was lonely too... Hindi lang naman ako 'yong natalo. We worked hard for that competition. I acted like I was the only one hurt by the results.
But it was for the best. I didn't want to drag him down with me.
"I won't let you go anymore," mahinang sabi niya bago tumayo. Tapos na rin kasi ang movie.
Kinuha niya ang mga baso at nilagay sa lababo. Binalik din niya ang tub ng ice cream sa freezer bago siya nagsimulang maghugas. Napatayo kaagad ako para pigilan siya pero dahil dalawang baso at kutsara lang 'yon, natapos na niya. Hinayaan ko na lang siya.
"I need to go..." Sumandal siya sa may countertop pagkatapos. Ang dalang kamay niya ay nasa magkabilang gilid niya.
"Oo nga... Late na rin..." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Did you have fun today?" tanong niya. Matutunaw 'ata ako sa tingin niya.
"Sobra... Thank you." Ngumiti ako sa kanya. "Sana nag-enjoy ka rin."
Hinatid ko siya sa tapat ng pinto nang makuha niya na ang mga gamit niya. Para akong tangang hinihintay siyang maglakad paalis bago ko isara ang pinto, pero ang tagal niya nang nakatayo sa labas.
"Oh... Can I have your class schedule?" tanong niya bigla nang maalala.
"Akala ko alam mo na dahil pinadalhan mo ako ng bulaklak sa room ko." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.
"I asked Lyonelle about it," sabi niya naman.
Ni hindi ko na nga tinanong kung bakit. Nilabas ko na lang ang phone ko para i-Airdrop sa kanya ang picture ng schedule ko. Nagulat ako nang i-send niya rin sa akin iyong schedule niya.
"You know where to find me." He flashed a smile before walking away.
Pagkasara ko ng pinto, nilabas ko kaagad ang vase na gawa rin ni Kye. Nilagyan ko iyon ng tubig bago nilagay ang mga bulaklak doon para lang mas tumagal pa. Pagkatapos, nag-post ako ng story sa Close Friends ko noong lowkey na photo kanina.
"Hoy! Tangina mo, Nat! Sino 'yong ekalal mo kahapon?" Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Zahra pagkapasok ko ng room.
"Wala 'yon! Ayaw kong ikwento! Baka ma-jinx," sabi ko na lang. Ganoon kasi 'yon! Tingnan mo nga, dati, todo kwento ako sa amin ni Yori. Hindi naman naging kami. Ngayon, dapat ingatan ko na ang mga kinekwento ko!
"Sino 'yong pogi mong kausap kahapon, huh?!" sabi naman ni Kobs. "Mukhang mabango!"
"Mabango naman talaga..." Ngumuso ako at inayos ang buhok ko sa likod ng tainga ko habang pinipigilan ang ngiti. Kinikilig na naman ako! "Mine na 'yon, Kobs, ha! Early bird catches the worm."
"Hala, feeling mo!" Sinamaan ako ng tingin ni Kobs bago lumingon kay Laya. "Ano'ng ibig sabihin noong sinabi niya sa dulo?" bulong niya kahit narinig ko naman.
"Nauna raw siya," pagpapaliwanag naman ni Laya.
Dalawa lang ang subjects namin at may isang lunch break sa gitna. Habang nasa cafeteria kami, tiningnan ko ang schedule ni Yori. Lunch break din niya from twelve PM to two PM kaya todo tingin ako sa paligid ko. Baka mamaya ay nandiyan lang siya.
Ngayon ang totoong Valentine's Day kaya mas dumami lang ang mga may hawak ng flowers. Tapos na ang Valentine's date ko! Bahala kayo magsiksikan at mag-agawan sa reservations sa mga restaurants!
Wala! Bigo ako. Hindi ko nakita si Yori buong lunch break, pero habang naglalakad kami papunta sa susunod naming room, may kumalabit sa akin. Napalingon kaagad ako at nakita si Lyonelle na mukhang papunta pa lang sa training.
"Happy Valentine's Day." Inabot niya sa akin ang maliit na bouquet. Ngumisi pa siya at kumindat bago tumakbo paalis. Male-late na 'ata siya.
"Shet, may gwapo! Hawakan n'yo ako at mahihimatay 'ata ako!" dramatic na sabi ni Kobs. Hinawakan pa rin siya ni Zahra at Laya sa magkabilang braso dahil muntik na nga siyang matumba.
"Wala na siya, 'te. Itigil mo 'yang kaartehan mo," bulong ni Zahra.
"Ay, wala na?" Umayos ng tayo si Kobs at pinagpagan ang damit. "Hindi niya nakita ang acting skills ko."
"Tama... kaya huwag mo nang uulitin 'yan, ha..." sabi naman ni Laya.
Pagdating namin sa tapat ng room, nakita ko si Seven na naghihintay. Nang makita niya ako, naglakad siya palapit at binigyan ako ng chocolates na nasa box. Wala pang emosyon sa mukha na para bang napilitan lang!
"Happy Valentine's Day, Nat," sabi niya. Tinapik niya ang balikat ko para magpaalam, tapos naglakad na siya paalis!
"Nat..." Napaluhod si Kobs sa sahig. "Ireto mo na ako, please..." naiiyak na sabi niya.
Natawa ako at pumasok na lang kami sa room. Hindi na ako nagulat na binigyan ako ni Lai at Seven ng regalo dahil palagi naman nila akong binibigyan. May baon din akong chocolates para sa kanilang dalawa, pero pinabigay ko na lang sa mga ka-team nila kasi nga hindi ko naman alam na pupuntahan nila ako ngayong araw. Nagmamadali pang umalis!
"Nat, sige na! Kahit sa isa lang sa kanila! Ireto mo na ako!" pagmamakaawa pa rin ni Kobs sa akin. Natatawa tuloy ako!
"Wala ngang plano magkajowa 'yong dalawang 'yon," pagpapaliwanag ko. "Imposible talaga. Masyadong focused sa training 'yong mga 'yon, kaya wala kang pag-asa."
"Malay mo, kapag nakita nila ako, magbago ang isip nila." Humawi pa ng buhok si gaga.
"Baka magbago ang isip. Baka mas lalo nang ayaw magkajowa," pang-aasar ni Zahra.
"Tanginang 'to, ah! Sa pretty kong 'to?! I'm pretty sure, you know!"
"Sino ba roon sa dalawa, Kobs?" tanong naman ni Laya.
"Hoy! Ano ka ba! Pwede namang both..." Humawi na naman sa buhok si Kobs at nagpa-cute. "Kung papayag sila, tatlo kami in a relationship. Eme!"
"Nangangarap ka na naman nang gising, Kobs." Tinapik-tapik ko siya sa balikat, naaawa na sa kanya.
Kawawa 'tong kaibigan ko... Hindi pa rin makahanap ng jowa kahit siya na ang naghahanap at lumalapit. Ganoon talaga ang tadhana. Darating din 'yan. Tingnan mo, iyong akin, nandiyan na ulit.
"Alam mo naman ako, Nat. Mahilig talaga akong mag-daydream... kahit gabi at madaling-araw. Kung may planeta man na puno ng pogi, sana kuhanin ako ng alien at doon ako ilagay! Ay, gow! Kunin n'yo na ako! I'm ready!" She even spread her arms and closed her eyes while looking up.
"Ready ka na talaga, Miss Galante?" sabi ng prof pagkapasok ng room.
Malakas na natawa si Zahra pero napatakip din kaagad ng bibig dahil narinig siya sa buong room.
"Galante pero kuripot?" bulong ko.
"Ikaw nga, Nat pangalan pero hindi ka mani," bulong din ni Kobs. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. Baka mahuli kami ni Ma'am.
"Miss Galante, tutal sabi mo ay ready ka na, pa-recap ng na-discuss natin last time," sabi ng prof.
"Sa aliens kasi 'yon, eh," bulong sa amin ni Kobs bago tumayo. Yumuko ako para hindi makitang tumatawa ako. Naririnig ko pa si Zahra at Laya na pinipigilan din ang tawa kaya nahahawa ako.
Nang ma-dismiss kami, doon lang namin nalabas ang tawa namin. Tawang-tawa pa ako at hinahampas ang braso ni Zahra habang palabas ng pinto. Natigilan lang ako nang may humatak sa braso ko.
Nagulat ako nang mapunta kami sa may gilid ng pader, sa may mga vending machines, na para bang nagtatago kami at may ginagawa kaming illegal!
"Hello rin sa 'yo..." gulat na sabi ko habang nasa harapan ko si Yori.
"You said you didn't want your friends to see," sabi niya. "Hi."
"May pasok ka pa, ah?" nagtatakang tanong ko. Nahalata tuloy ako na tinitingnan ang schedule niya!
"Free cut," sabi niya nang magsimula na kaming maglakad. Doon kami sa ibang direksyon para maiwasan ang mga kaibigan ko. "Pauwi ka na ba?"
"Oo... Naglakad lang ako ngayon," sabi ko naman. Mabuti na lang talaga at hindi ako nag-drive. Malapit lang naman, eh... pero mas matagal kaming magkakasama.
"Hatid na kita." Kinuha niya ang bag ko nang mahulog iyon mula sa balikat ko. Sinabit niya na lang sa balikat niya habang naglalakad kami. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
Iyong flowers at box ng chocolates na lang ang dala-dala ko. Hindi ba niya tatanungin kung kanino nanggaling? Hindi ba siya magseselos?
"Happy Valentine's Day, for real. May natanggap ka ba ngayong araw?" tanong ko sa kanya.
"Hmm..." Napaisip siya. "Nothing special."
"Eh?" Kumunot ang noo ko. So mayroon nga? Ako 'ata ang magseselos!
Tiningnan ko kung may hawak siyang iba pero mukhang wala naman. Sumenyas siya na nasa likod daw ng bag niya kaya pumunta ako sa likod niya para makita.
Pagkabukas ko pa lang ay nakita ko na iyong mga chocolates! May mga letters pa! Napasimangot ako at sinara na lang ulit ang bag niya. May baon pa naman akong chocolates... pero mukhang marami nang nagbigay sa kanya. Hindi ko na siya bibigyan!
Tumawa siya sa hitsura ko at pabirong ginulo ang buhok ko. Pinagtitinginan kami habang naglalakad. O baka siya lang ang tinitingnan. Bakit kasi siya tumawa?!
"Huwag kang tumawa! Huwag kang ngumiti! Bawal!" Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. Bawal makita! Nakakasilaw! Mas lalo silang mai-in love!
"Ano?" natatawang sabi niya at binaba ang kamay ko. "Bakit?"
"Masyado kang gwapo," mahinang sabi ko. Sana ay hindi niya narinig.
Nagulat ako nang kuhanin niya ang kamay ko. He intertwined my hand with his while walking. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakapaglakad nang maayos! Hindi ko alam ang gagawin ko! Nablangko ata ang utak ko!
Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko. Tumingin na lang ulit ako sa kamay naming dalawa bago siya sinulyapan. Napangiti ako nang makitang namumula rin ang tainga niya at mukhang nahihiya rin.
His hands felt so warm against mine. Parang kakawala na sa dibdib ko 'yong puso ko. Bakit ang tagal ng lakad namin pauwi?! Baka magpawis na iyong kamay ko! Nakakahiya naman!
"So... Uhm... Nandito na tayo." Huminto kami sa tapat ng building ng condo. Parang nadismaya pa ako nang bitawan na niya ang kamay ko. "Thank you... sa paghatid."
"Take care," sabi niya at kumaway na bago umalis.
Pagkarating ko ng unit, tumakbo kaagad ako sa kwarto at binaon ang mukha ko sa unan bago sumigaw. Pinaghahampas ko pa ang kama at sumipa-sipa sa ere.
Inamoy ko pa ang kamay ko. Amoy hand sanitizer pa dahil sa kanya! Ano ba 'yan! Nasisiraan na 'ata ako!
Nakangiti na naman akong natulog at pumasok kinabukasan. Tatlong subjects ang mayroon ako at isang oras lang ang break kaya medyo nakakapagod. Okay lang naman! Kasi hinawakan ni Yori ang kamay ko! Okay lang ang lahat!
May meeting kami about the university press after kaya hindi ako nakauwi kaagad. May klase rin si Yori kaya alam kong hindi niya ako hinintay sa tapat ng room. Sakto pa nga at natapos ang meeting namin noong tapos na rin ang klase niya.
Purposely talaga akong dumaan sa may engineering building para maglakad pauwi. Siyempre... Baka lang naman makita ko siya.
Pabalik-balik na ako pero wala pa rin siya. Wala pa naman kaming mode of communication! Swertihan lang talaga. In-unfollow kasi ako, eh! Tapos hindi ko alam kung iyon pa rin ang number niya. Pati kasi sa Facebook, in-unfriend niya ako! Nakakahiya naman mag-message! Baka naka-block pa ako!
Dumaan na lang ulit ako sa convenience store para bumili ng cup noodles. Pagkatapos, naghanap ako ng upuan sa labas. May nakita akong pamilyar na mukha kaya roon ako umupo sa table niya. Natigilan siya sa pagkain niya ng noodles nang makita ako.
"Hi, Alia!" bati ko sa kanya. "Wala nang upuan, eh. Dito na lang ako. Okay lang ba?"
"Okay lang po! Hala, naku, sorry..." Tumayo kaagad siya at nilinis ang table gamit ang tissue. Naka-casual clothes siya at nakasuot pa ng I.D. Galing 'ata siyang school.
"Dito ka rin nag-aaral?" curious na tanong ko sabay turo sa campus. Nasa tapat lang kasi.
"Ah, yes po. Fashion Design and Merchandising," nakangiting sagot niya. "First year!"
"Second year ako! Broadcasting," sabi ko naman. Nilahad ko ang kamay ko. "Estella!"
"Alia. Nice to meet you!" Nakipag-shake hands siya. Mabuti naman at hindi na siya nag-po. Na-realize niya sigurong isang taon lang ang pagitan namin. "Bakit 'yan lang ang kinakain mo? Dapat kumain ka ng maayos na meal..."
Napakurap ako at tiningnan ang kinakain niya. Pareho lang naman kami ng kinakain, ah?! Mas may pakialam pa siya sa akin! Ngayon niya nga lang nalaman ang pangalan ko.
"Eh, ikaw rin naman..." sabi ko sa kanya.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Wala na kasi akong time." Tumayo siya at tinapon na sa basurahan ang cup noodles niya. Pagkatapos, bumalik siya sa table at nilinis ulit iyon. "May susunod pa akong trabaho. Sorry, kailangan ko nang umalis. Okay ka lang ba mag-isa?"
"Huy, ang caring mo naman! Okay lang ako! Sige na! Ingat!" Halos itulak ko na siya palayo. Kinuha niya ang mga gamit niya at kumaway na sa akin bago tumakbo paalis.
Binilisan ko na rin kumain bago ako umuwi. Natigilan ako nang makita si Yori na naghihintay sa tapat ng building ng condo. Mukhang galing pa siyang school at hindi man lang umuwi muna.
"Yori! Ano'ng ginagawa mo rito? Kanina ka pa?" nag-aalalang tanong ko.
"No," tanggi niya kahit halata namang kanina pa siya naghihintay. May dala-dala siyang paper bag. "Oh... Have you eaten dinner?"
Sinulyapan ko ang dala-dala niya bago binalik sa kanya ang tingin. Ngumiti ako bago sumagot. "Hindi pa."
"Good. I brought you dinner..." Inabot niya sa akin ang paper bag. "That's all." Tumalikod na siya para maglakad paalis.
"Wait!" Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Ikaw ba? Nag-dinner ka na? Kung hindi, sabay na tayong kumain."
Napatitig siya sa akin nang matagal bago dahan-dahang tumango. Doon ko siya dinala sa roof deck ng condo para doon kami kumain. May mga available tables kasi roon. Pumupunta roon 'yong ibang tao para kumain or mag-aral, o kaya naman para magpahangin, ganoon.
Isang bento box lang ang hinanda niya pero naghati na lang kami. Kumain na kasi ako. Hindi ko lang masabi sa kanya kasi nag-effort siyang magdala ng dinner.
"Magpalitan na nga tayo ng number para hindi ka na naghihintay nang matagal..." sabi ko at inabot ang phone ko sa kanya. Dinelete ko rin ang contact niya, kahit madali namang hanapin sa history ng messages.
Kinuha niya ang phone ko para i-type ang number niya, pagkatapos ay tinawagan niya rin para malaman niya ang number ko.
"I-follow mo na rin ulit ako at i-accept sa Facebook. Tutal, mukhang magaan na nga ang iyong paghinga," pagbibiro ko.
Kumunot ang noo niya, hindi nakuha ang joke ko. Galing kasi sa kanta 'yon. Ginawa na lang niya ang sinabi ko. Finally, mutuals na ulit kami. Habang kumakain, napa-stalk kaagad ako sa profile niya.
Wala namang bago! Wala siyang posts!
Napatingin ako sa taas nang makaramdam ako ng mga patak ng ulan. Agad kaming tumayo at niligpit ang kinakain namin. Inabot na nga kami ng ulan bago pa kami nakatakbo!
"Hala, medyo nabasa ka na. Magpalit ka muna sa condo ko," sabi ko sa kanya habang naghihintay kami ng elevator.
"It's fine. I'll just go home," sabi niya naman.
"Ang lakas ng ulan. Magpatila ka muna," nag-aalalang sabi ko.
"Huwag na. May payong naman ako."
"Bakit ba? Kulit mo naman." Kumunot ang noo ko. Bakit ba ayaw niya?! Magpapatila lang naman ng ulan! "Hindi pa nga tayo tapos kumain!"
"Naulanan na 'yong pagkain," sabi niya naman. "I'll just go."
Napanguso ako. "Ayaw mo na ba akong kasama?" pagpapaawa ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at ginilid ang mukha niya. Masyado kasi akong malapit sa kanya.
"Okay, let's go," sabi niya kaagad at pumasok na sa elevator.
Tinago ko tuloy ang ngiti ko. Success na naman, Estella! Ang galing mo talaga! Promise, hindi na ako maiilang sa kanya!
Pagkabukas ng elevator ay nauna na akong maglakad papunta sa unit. Nakalimutan ko kasi kung nakapaglinis ba ako kaninang umaga bago ako pumasok! Nagmamadali kong binuksan ang unit at tumingin sa paligid. Okay naman. Hindi naman makalat.
"You put them in a vase." Nagulat ako nang makitang nasa tabi ko na si Yori at tinitingnan iyong mga bulaklak na binigay niya sa akin.
"Upo ka... Mag-uusap lang tayo," aya ko sa kanya.
Umupo ako sa couch at dahan-dahan naman siyang umupo sa kabilang side. Tumayo tuloy ako para umupo roon sa tabi niya. Wala na siyang mauusugan. Umiwas siya ng tingin at tinakip ang kamao sa bibig.
"Do you go to the gym?" tanong ko nang mapansin ang braso niya.
"Sometimes..." Nakaiwas pa rin siya sa akin.
"Bakit parang ayaw mong madikit sa akin? Pagkatapos mong hawakan ang kamay ko?" reklamo ko naman dahil napansin ko talagang lumalayo siya!
"No, it's not like that!" Tiningnan niya ako kaagad. Ayun! Nagtama rin ang tingin namin.
"Nasaang stage na ba tayo?" matapang na tanong ko at nilapit pa ang mukha ko sa kanya habang naghihintay ng sagot ang mga mata ko. "Talking stage? Getting to know? Catching up? Friends? Ano?"
"You decide." Inatras niya ang mukha niya at umiwas na naman ng tingin. Namumula na siya ngayon.
"Paano kapag gusto ko tayo na?" pagbibiro ko sa kanya.
"What?" Nanlaki ang mga mata niya. Ang pakipot naman nito! "Can't I... court you first?"
Omg! Manliligaw! Tama! Parang dati lang! Ngumisi ako at umayos na ng upo kaya nakahinga na siya nang maluwag. Nakakatawa naman siya kapag halatang nahihiya. Mas nagkakaroon ako ng tapang kasi alam kong may epekto ako sa kanya.
"Pwede... pero kailangan ba 'yon? Talking stage na kasi tawag ko roon, eh," sabi ko naman sa kanya. "Kaso kilala naman na natin ang isa't isa... Ano pa ang dapat kilalanin?"
"Let's take it slow," payo niya sa akin.
Napanguso ako. Iniisip ko kung worth it bang magsayang ulit ng oras kahit alam naman namin ang patutunguhan nito. Dalawang taon na kaya ang nasayang namin. Nandito na ulit siya, oh. Hindi ba pwedeng go na go agad?
"Okay, let's take it slow..." sabi ko naman. "Win my heart first."
Eme! Akala mo naman talaga hindi ako nagsisisigaw-sigaw kagabi dahil lang hinawakan niya ang kamay ko.
"Kasi right now, I'm not sure if I can be in a relationship," pag-arte ko pa. "You know... Busy ako sa studies ko..."
"I know." Sineryoso niya naman ang sinabi ko! "I'll try my best... I just have one favor."
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
"Can it only be me?" He looked straight into my eyes.
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Ewan. I'm sorry. That was presumptuous of me." Sinandal niya ang dalawang siko sa tuhod at napahawak sa ulo niya. "I guess... You can have options."
"Eh?!" Malakas akong natawa, lalo na nang ma-realize kong tinitingnan niya iyong bulaklak at box ng chocolates na nilapag ko sa coffee table. "Wala akong iba, sira!"
"Really?" Parang lumiwanag ang mga mata niya.
"Kay Lai at Seven galing 'yan! Ikaw nga, ang dami mong gifts, eh," pagbalik ko sa kanya. "So, may iba pa bukod sa akin?" nagtatampong sabi ko.
"That's absurd." Nagsalubong ang kilay niya.
"Teka... Hindi ka pa nagpapalit! Wait lang! Kukuhanan kita ng damit." Tumakbo kaagad ako sa kwarto ko at kinuha ang pinakamalaki kong shirt bago bumalik at binigay sa kanya. Pumasok pa siya sa banyo para magpalit kaya natawa ako.
Sumilip na lang muna ako sa labas para tingnan kung umuulan pa. Mukhang malakas pa nga ang ulan pati ang hangin. Napatingin ako kay Yori na kalalabas lang ng banyo. Fit sa kanya iyong shirt.
"Sure ka bang makakalakad ka pauwi?" tanong ko. "Dito ka na kaya matulog?"
"Huh?!" Gulat na gulat siya. "No way. Your dad will kill me."
"Hindi naman niya malalaman!" sabi ko. "For your safety lang!"
"Hindi pwede," seryosong sabi niya. "I need to go home."
Napanguso ako at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya. Kinuha niya ang gamit niya at hinatid ko na siya sa pinto. Nagpasalamat siya bago naglakad paalis.
Pagkasara ko ng pinto, napanguso ako. Wala na, ang lungkot na naman ng unit ko kasi wala na siya! Kumuha na lang ako ng towel para makaligo na.
Habang naliligo ako, nakarinig ako ng doorbell. "Sino naman 'yon?" nagtatakang tanong ko. Natakot tuloy ako!
Akala ko ay sa isip ko lang 'yon pero may nag-doorbell na naman! Nagmamadali tuloy akong magbanlaw at nagsuot ng bathrobe. Basang-basa pa ako nang silipin ko kung sino ang nasa labas.
Agad kong binuksan ang pinto nang makita si Yori na basang-basa rin ng ulan. Mukhang napabalik siya dahil hindi na siya makalakad pauwi. Nakayakap siya sa sarili, mukhang giniginaw.
"I'm sorry. Is the offer still available?" tanong niya. "Can I stay for the night?"
Napangisi ako at binuksan nang mas malawak ang pinto. "Yes. Come in. Welcome to my arms!"
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro