Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16


"Found you... Again." 

Parang hindi ako makahinga habang nakatitig sa mga mata niya. Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko, at tumutunog na rin ang ilaw sa pedestrian lane, pero hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa hatakin ako ni Yori patawid sa kabilang daan. Lumingon ako sa paligid ko. Nahiwalay na ako kina Seven! 

"Uh... Uhm... I..." Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya. Sorry? Hello? Kumusta? Thank you? Ang pogi mo? Ano'ng sasabihin ko?! 

Nasa gilid kami ng daan, maliwanag, at daan nang daan ang mga tao sa paligid namin. Ang aga pa kaya ang ganda ng tama ng ilaw sa mukha niya. Bakit lumiliwanag siya sa paningin ko?! Nasa langit na ba ako?! 

Kinuha ko ang keychain mula sa kamay niya at nilagay iyon sa loob ng bag ko para hindi na mawala. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Umiwas ako ng tingin at inayos ang scarf sa leeg ko. Kung ano-ano na lang ang ginagawa ko para maiwasan ang tingin niya sa akin. 

"Thank you," sabi ko na lang habang nakayuko. 

Nabunggo kami ng mga tao dahil naging green na ulit ang ilaw sa pedestrian lane. Tatawid na sila kaya hinawakan ni Yori ang balikat ko at hinatak palapit sa kanya para hindi kami nakaharang sa tawiran. 

"Sumimasen," sabi ni Yori sa lalaki at nag-bow pa. 

Dahil hindi siya nakatingin sa akin, nagkaroon ulit ako ng chance para tingnan nang maayos ang mukha niya. He really looked more mature compared to when we were in high school. Parang hindi ko na siya pwedeng asar-asarin ba?! 

Inayos niya ang suot niyang specs at tumingin sa akin. Agad ulit akong napaiwas ng tingin, umaaktong hindi ko siya tinititigan. 

"Nat!" Napalingon ako nang makita si Mommy na tumatakbo papunta sa akin. "Saan ka ba napunta?!" 

Natigilan siya bigla nang makita si Yori. Agad namang nag-bow si Yori sa kanya at binati siya. Napaawang ang labi ni Mommy, gulat. 

"Si Yori na ba 'to?! Aba, binata na, ha! Nandito ka rin sa Tokyo? Bakasyon ba o dito ka na titira?" Si Mommy naman, parang typical na kamag-anak sa reunion! 

"Oh, we're just spending our Christmas vacation with my mom po," magalang na sagot ni Yori. I swallowed the lump in my throat and put my hands inside the pockets of my coat. Nilalamig na ako, huh. Gusto ko nang pumasok sa restaurant at kumain. Iyon naman ang pinunta namin dito. At least, doon, may heater. 

"Mag-isa ka lang ngayon? Saan ka pupunta? Gusto mo bang sumama sa amin?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy. Huh?! Hindi ba niya nare-realize na ang awkward para sa akin?! Ano ba ang akala ni Mommy?! Magkausap pa rin kami ni Yori?! 

"Oh... I was just... about to eat lunch," sabi ni Yori. 

"Sakto! Tara, sama ka na sa amin! Ituro mo na rin kung saan ang masarap dito kung may alam ka!" Mabilis na naglakad si Mommy kaya hindi na nakatanggi si Yori at sumunod na lang. 

"Sorry," sabi ko kay Yori. Napatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya. "Sorry kay Mommy."

"Okay lang," sabi niya sa akin. 

Bumuga ako ng hangin sa mga kamay ko para lang mainitan iyon habang naglalakad kami. Napahinto kami sa may tawiran dahil nasa kabilang daan sina Daddy. Nahiwalay nga kasi ako! Mabuti na lang at nahanap ako ni Mommy. 

Habang naghihintay kami sa crossing, hinubad ni Yori ang gloves niya at inabot sa akin. Napatingin ako sa kanya, nagtataka. Bakit ang bait niya sa akin?! Pagkatapos ko siyang saktan?! 

Dahil naninigas na 'ata ang mga kamay ko, tinanggap ko ang offer niya. Malaki sa akin ang gloves, pero pagkasuot ko, I felt relieved. May heat pack pala sa loob. 

"Thank you," sabi ko ulit sa kanya. 

"Thank you and sorry... Are those the only phrases you could say to me?" 

Napakurap ako, hindi alam ang sasabihin. "Uhm... It's nice to see you again?" Ayan, iniba ko na! Mahaba na ang sinabi ko. 

"I saw you around campus," sabi niya bigla. 

"Ha?!" malakas na sabi ko. Napalakas nga 'ata talaga dahil napalingon si Mommy sa akin. Sakto, nag-green ang ilaw sa pedestrian kaya tumawid na kami. 

"Oh... Yori!" masayang bati ni Lyonelle. 

Para silang nag-mini reunion doon at nagkumustahan pa. Kinumusta rin siya ni Daddy, tapos hindi ko na alam ang pinag-usapan nila. Natuwa naman si Kye dahil may kausap na naman siya tungkol sa mga interest niya sa buhay, bukod kay Seven. Kye really wanted to go to Japan para bumili ng mga kung ano-ano. Tinanong niya kay Yori kung saang store mahahanap 'yon. Sabay na silang naglalakad habang nasa likod ako, kasabay sina Lai at Seven. 

"What happened?" nagtatakang tanong sa akin ni Seven. "I'm so confused right now." 

"Ewan ko rin! Nagkita na lang kami bigla, tapos inaya siya ni Mommy sumama sa atin! Hay naku, hindi ko naman ginustong mangyari 'to!" Napasabunot ako sa buhok ko. 

"The universe is telling you something," pang-aasar ni Lai sa akin. 

"Pwes, hindi ako makikinig!" Tinakpan ko ang tainga ko. 

Natawa si Seven. "It's fate, Nat. You should try flirting with him again."

"Heh! Baka naman may girlfriend na!" Tinago ko ulit sa bulsa ko ang mga kamay ko habang naglalakad kami. 

"Baka naman wala?" pangungumbinsi pa ni Lai.

"Baka ayaw niya na sa akin!" 

"Baka naman gusto niya pa," sabi rin ni Seven. 

"Eh! Ewan ko sa inyo! No! Never! Ngayong araw lang 'to! Hindi na ulit kami magkikita pagkatapos nito." Pero sa loob-loob ko, parang ayaw kong mangyari 'yon. 

Seeing him again made my heart skip a beat. Parang bumalik sa akin lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Siyempre, iba na ngayon. Nagbago na siya at nagbago na rin ako. Ganoon talaga dahil lumipas na rin ang panahon... Pero... Naroon pa rin 'yong warmth na sa kanya ko lang naramdaman. 

Gusto ko siyang yakapin... pero ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko 'yon. Baka ipapulis niya pa ako rito sa Japan! 

Pumasok kami sa restaurant na sinuggest ni Yori. Parang tanga sina Lai at Seven! Hindi talaga ako tinabihan! Bakante tuloy ang isang upuan sa tabi ko. Walang choice si Yori kung hindi roon umupo. 

Siya na ang nakipag-usap sa waiter para sa order namin. "Sumimasen..." Tinaas ni Yori ang kamay niya. "Ōdā shite mo īdesu ka?" 

Hindi ko maintindihan kaya pinanood ko na lang si Yori habang nagsasalita siya at tumuturo sa menu. Bumaba na rin ang boses niya. Grabe, tumanda na nga talaga kami. 

"Your hair..." Hindi ko napansing tapos na pala mag-order si Yori at nakatingin na siya sa buhok ko. Oh... Bago na nga pala ang hairstyle ko. Ang haba na ng buhok ko. Abot na siya sa baywang ko. 

"Bakit?" Tiningnan ko rin ang buhok niya. Naka-two block curtains haircut siya. Bagay sa kanya. Parang paglalaruan niya lang ang puso ko... Ganoong type ng hairstyle. 

He gave me a small smile. "Kawaī ne..." 

"Ano?" Kumunot ang noo ko. 

"Nothing." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. Huwag niya nga akong ngitian! Nasisilaw ako sa kagwapuhan niya! 

Habang kumakain kami, nakipagkwentuhan lang sina Mommy kay Yori. Kawawa nga 'yong tao, hindi na makasubo ng pagkain niya dahil palagi siyang kinakausap. Natagalan tuloy kami roon sa restaurant. Noong oras na para magbayad, tumayo si Yori para mag-abot ng card.

"Yori! Ano ka ba! Kami na, kami na!" Pinigilan kaagad siya ni Mommy at inunahan siyang mag-abot ng pera.

"Don't let him go..." pakanta pa ang tono ni Lai habang palabas kami ng restaurant. 

Naunang lumabas sina Mommy kaya naman pagkalabas ko, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Sinuot ko na lang ulit ang jacket ko at nilagay ang scarf sa leeg ko. 

"Thank you po." Nag-bow ulit si Yori, aalis na 'ata. 

"Bukas, ha! Sama ka!" paalala ni Mommy.

"Huh? Saan siya sasama?" nagtatakang tanong ko. Ano 'yon?! Ano ang pinag-usapan nila?! 

"Siyempre, sa Disneyland. Inaya ko siya." Sinubukan pa ni Mommy ngumiti nang inosente sa akin kahit kitang-kita ko naman ang pinipigilan niyang ngisi. Napailing na lang si Daddy, walang gustong sabihin sa nangyayari. 

"Mommy naman! Pinagtutulungan n'yo ba ako?!" reklamo ko at sinamaan silang lahat ng tingin. 

"I'm not part of this," pagtatanggol kaagad ni Daddy sa sarili niya. 

"Me too, but I like having him around." Tinaas ni Kye ang kamay niya. 

"Eh, kasi naman, Nat! College ka na! Kung magbo-boyfriend ka... Mas maganda iyong kilala na namin..." Tinakpan pa ni Mommy ang bibig niya para pigilan ang tawa niya kahit sinusubukan niyang maging seryoso. "Bakit ba? Ayaw mo ba?" 

Hindi tuloy ako makasagot! Hindi ko naman ayaw... Pero... Nahihiya ako kay Yori! Ano na kaya ang iniisip niya?! Siguro iniisip noon, 'Ano ba naman 'tong pamilyang 'to?! Iniistorbo lang ako!' ganoon. 

"Wala naman akong balak magkajowa, Mommy!" sabi ko na para bang determinado ako roon. 

Mommy dramatically gasped and covered her mouth. "Oh my gosh! Bakit hindi?! Kanino ka nagmana?!"

"She doesn't want to, and she doesn't need to," seryosong sabi ni Daddy.

"As if..." Seven scoffed. Ano ba 'to! Ume-epal na naman sa sinabi ko! 

Hay naku, bahala na sila! Buong gabi tuloy, parang hindi ako makatulog! Iniisip ko kung ano ba ang susuotin ko bukas! Tumayo ako para tingnan ang cabinet kung nasaan ang mga jacket ko. Napaisip ako kung alin kaya roon ang susuotin ko bukas.  

"Ate... Stop moving around," iritang sabi ni Kye at tinakpan ng unan ang mukha para hindi ako makitang paikot-ikot sa kwarto. Nagising ko pala siya. Siya ang roommate ko, eh. 

Sinubukan kong matulog, pero masyado akong... excited para bukas. Kahit kaunti lang ang tulog ko, ang aga ko pa rin nagising. Sinuot ko na ang hinanda kong winter outfit kagabi. Dapat maganda ang suot ko ngayong araw!

Doon na lang kami nagkita sa mismong Disneyland. Malayo pa lang, natatanaw ko na si Yori. Nakatayo lang siya roon sa gitna at nagte-text sa phone niya. Agaw-pansin talaga siya. Pinagtitinginan nga siya ng mga dumadaang estudyante! Ang tangkad niya pa kaya madali siyang makita. 

Nang makalapit kami, umangat kaagad ang tingin niya at ngumiti kina Mommy. Nagbatian sila bago kami pumasok sa loob... at talagang nauna silang maglakad! Iniwan nila kami ni Yori sa likod na magkasama! 

"Are you cold?" tanong niya habang naglalakad kami. 

"Uhm... Sakto lang," sabi ko habang nasa bulsa ko ang mga kamay ko. Malamig kasi ang aga pa. Mamaya siguro, kapag tanghali na, iinit na rin kasi mataas na ang araw. "Sorry, ah... Naistorbo ka na naman. Pinagsabihan ko na si Mommy." 

"Why? I wanted to go." 

Napakurap ako at tumingin sa kanya. His lips formed a small smile when he saw how I was looking at him. Huwag niya akong ngitian nang ganyan dahil nahihirapan na akong i-sort out 'yong mga iniisip ko! Hindi ko na nga alam ang gusto kong mangyari, eh! 

"Sumasakay ka ng rides?" pag-iba ko ng topic. 

"Yes, but I easily get dizzy," sagot naman niya. Naglalakad pa rin kami at nakasunod kina Seven. Nasa gitna nila ni Lai si Kye na binibwisit nila. "Which one do you want to ride first?" 

"Uh... Hindi ko alam..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. I can't believe we were talking. Ang tagal na simula noong huli kaming nag-usap kaya hindi ko alam kung paano ako aakto. Bakit siya, hindi naman nahihirapang kausapin ako? Ako lang 'ata 'yong weird dito. 

Pumasok sila sa isang store para bumili ng headwear. Parang mandatory na 'yon para sa kanila kapag pumupuntang Disneyland. Siyempre, pumili rin ako ng sa akin. Si Daddy naman ang magbabayad, eh. 

Pinili ko iyong Daisy Duck hat. "This one suits you, Yori." Kinuha ni Lai ang Donald Duck hat at sinuot sa ulo ni Yori. Sinamaan ko kaagad si Lai ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin. He even stuck his tongue out. Mas lalo akong nainis! 

"Right. The material is soft... and it fits you perfectly," dagdag pa ni Seven para kumbinsihin si Yori bilhin iyong hat. 

Pumunta na lang ako kay Daddy para ibigay sa kanya ang napili ko. Siya ang magbabayad. Nag-matchy pa talaga sila ni Mommy ng headband. Idea siguro ni Mommy 'yon. 

"Oh... We're matching." Saka lang iyon na-realize ni Yori nang lumabas kami sa store. Sinuot na niya iyong kanya dahil suot ko na iyong akin. Ano ba 'yan, nakakahiya naman. Ang corny pa! 

Noong oras na para sumakay sa rides, nagpaalam na si Mommy at Daddy para humiwalay sa amin dahil magiikot-ikot na lang daw sila. Sinakyan muna namin ang mga rides na usually mahaba ang pila, pero naka-fast pass kami kaya hindi naman kami pumila nang matagal. Noong pahapon na, bigla na lang akong iniwan nina Seven! 

"Hoy! Saan kayo pupunta?!" reklamo ko. "Kye!" 

"We're just going to go around," paalam ni Kye. 

"Bakit hindi ako kasama?! Sama ako!" Hinabol ko pa sila pero bigla na lang silang tumakbo paalis. Hiningal tuloy ako! In just a few seconds, nasa tabi ko na ulit si Yori. Naguguluhan din siya kung bakit kami naiwan. 

Wala na! Naiwan na naman kaming dalawa! Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba 'yong mga bwisit na lalaking 'yon o magagalit, eh! 

"Iniwan nila tayo," pagmamaktol ko. 

Yori laughed a little. "Then... Let's walk around together." 

Nagsimula na siyang maglakad pero napahinto rin nang mapansing hindi ako sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa akin, nagtataka. May gusto akong itanong... bago ako maglakad kasama siya. 

"Why? May problema ba?" tanong niya sa akin. 

"May girlfriend ka ba?" deretsong tanong ko. 

I saw how his eyes widened with my question. He parted his lips like he wanted to say something but stopped himself. Napaiwas siya ng tingin at bahagyang tinakpan ang bibig niya gamit ang kamao. 

"Do I now look like I'd be in a relationship?" nahihiyang tanong niya. 

Naalala ko bigla ang sinabi ko noon... na halata namang wala siyang girlfriend. Omg... Naaalala niya pa 'yon?! I didn't know he held grudges! Hindi naman masama ang ibig kong sabihin! Ang akin lang, mukha siyang someone na priority talaga ang pag-aaral at walang time magjowa. 

"S... Siyempre!" nahihiyang sabi ko rin. "You look good!" 

"Really?" He tilted his head a little to the side. "I don't have a girlfriend, though." 

"Ah, buti naman. Siyempre, kailangan kong mag-ingat bago tayo maglakad-lakad!" Baka mamaya may sumabunot sa akin bigla sa campus kapag nalaman, eh! Mabuti na iyong sigurado! 

"Ikaw?" tanong niya bigla habang naglalakad kami. 

Mabilis akong umiling. "Ako?! Wala, 'no!" Natawa pa ako roon. Unti-unti na akong nagiging comfortable ulit kausap siya. 

Sinamahan niya lang ako kung saan-saan hanggang sa mapagod ako at umupo na lang kami. Umalis siya saglit para bumili ng pagkain naming dalawa. 

"Here..." Siyempre, ang famous na churros. Hindi talaga mawawala 'yon. Mabuti na lang at iyong chocolate flavor ang binili niya. Hindi lang 'yon. May dala rin siyang popcorn at tubig para sa akin. Wala siyang binili para sa sarili niya.

"Ayaw mo?" nagtatakang tanong ko nang kagatan ang churros. Inalok ko sa kanya 'yon. "Tikman mo."

"Natikman ko na 'yan," sagot niya. 

"Tikman mo ulit!" I felt bad dahil ako lang ang kumakain! Ayaw ko noon! 

Nakumbinsi ko rin siya. Kumagat siya roon sa churros at nakiinom din ng tubig sa akin. Ang sakit na ng paa ko kaya nagpalipas na lang kami ng oras doon. Tahimik lang siya at pinapanood ang mga taong dumadaan. 

Tiningnan ko ang phone ko nang may sinend si Lyonelle na picture. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang stolen photo namin ni Yori na nakaupo sa bench. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin sila. Ang gagaling nila magtago, ha! 

Magsisisi na sana ako kasi wala kaming photos ni Yori bilang remembrance, pero ang dami pang sinend nina Seven na stolen photos. Ano ba 'tong mga 'to?! Paparazzi ko ba sila?! May picture pa na nakatalikod kami at sabay na naglalakad. 

"I'm joining the debate club," sabi niya bigla sa akin.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko. "For next year?" 

"Yes... You might want to try too. Application and training will start in summer." 

Nagkibit-balikat na lang ako. Pag-iisipan ko pa 'yon. Pagkatapos noong nangyari last time... natakot na ako. Hindi ba siya galit sa akin sa ginawa ko? Bakit ang bait niya pa rin? 

"I hope to see you there," dagdag niya pa. 

Napangiti ako roon sa sinabi niya. "Nakikita mo pala ako sa campus... Kailan pa?" 

"Orientation day," sagot niya.

Eh?! Nakita niya ako noon?! 

"Outside the room venues. I also went out since it was too noisy. You were with a friend." Alalang-alala niya pa talaga. The only time I went out was the time I saw him... So nakita niya rin ako noon?! Si Kobs siguro iyong tinutukoy niyang kasama ko. 

Sana hindi na niya naaalala iyong sinabi niya sa akin noon tungkol sa pagkikita sa campus. Siyempre, hindi ko na rin 'yon binanggit! Ano lang kasi 'yon... Emosyonal lang siya noon kaya niya nasabi 'yon. 

Parang ayaw kong matapos ang oras namin sa Disneyland... pero siyempre, kinailangan din naming umuwi. Mabuti na lang at hindi na ulit siya inaya ni Mommy sa lakad namin kinabukasan! Kawawa naman 'yong tao! Hindi na nakapag-spend ng time kasama ang pamilya niya. 

Akala ko iyon na rin ang huling pagkikita namin... pero habang bumibili kami ng souvenir malapit sa isang temple, nakita ko siyang naglalakad kasama ang Ate niya at... 'yong Mommy niya siguro. Napaiwas kaagad ako ng tingin at kinabahan! First time kong nakita ang Mommy niya! 

"Estella?" Sinubukan ko naman magtago... pero bakit tinatawag na ni Ate Akemi ang pangalan ko?! "Wow, it's really you! I hope you still remember me!" 

Nagtama ang tingin namin ni Yori. Pareho lang kaming nagulat! Iyong Mommy niya naman ay nagtataka ang mga mata pero ngumiti pa rin siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko! Nag-bow ako sa kanya! 

"Okaasan, tomodachi no Estella-chandesu," sabi ni Yori sa Mommy niya. Pinakilala niya 'ata ako.

Lumaki ang ngiti ng Mommy niya. "Estella... Nice to meet you." 

"Nice to meet you rin po!" masayang sabi ko. "I'm Estella! Yori's..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. 

"Girlfriend!" excited na sabi ng Mommy niya.

"Okaasan! Chigau!" Yori looked embarrassed. 

"Friend... po..." Hindi ko nga alam kung tama iyon dahil hindi naman kami friends. Eh, para lang may ganap ako sa buhay niya kahit papaano dahil pinakilala niya ako. Hindi ko naman masabing ako po 'yong dating kalandian ng anak n'yo noong highschool. 

May binulong 'yong Mommy ni Yori sa kanya kaya kinabahan ako. Ano 'yon?! Hindi ko rin naintindihan dahil ibang lengwahe. 

"She said you're pretty," sabi naman ni Yori. 

Nag-init kaagad ang pisngi ko! "Thank you po!" Mabuti na lang ang bait-bait ng Mommy niya! Medyo kinabahan talaga ako. 

"We have to go, Estella. It's so nice seeing you again!" masayang sabi ni Ate Akemi. "Bye-bye!" 

"Bye po!" Kumaway ako at nag-bow ulit. Naiwan saglit si Yori kaya nagkatinginan kami. "Bakit?" 

"She has been wanting to meet you," sabi niya sa akin. "I didn't know this opportunity would come. It sounded impossible before."

"Oo nga, eh... Grabe, coincidence!" Napakamot ako sa batok ko. Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Nakakahiya palang ang meet the parents. "Your mom is nice." 

"Thank you... Take care," paalam niya. "Oh, wait..." May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa akin. "It's an omamori. A good luck charm." 

"Wow, thank you!" Tinanggap ko 'yon, tuwang-tuwa. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Iba-iba kasi 'yon, eh. 

"Success in studies." Ah... Napangiti ako lalo. "Have a safe flight." 

Pagkatapos noon, hindi na ulit kami nagkita. Buong Christmas break, iyong Japan trip lang namin ang iniisip ko. Kahit dumaan na ang New Year at nagsimula na ulit ang sem, hindi ko pa rin siya maalis sa utak ko! 

"Hoy, bakit ka nakatulala? May nangyari ba during break?" tanong ni Zahra sa akin habang kumakain kami sa cafeteria. 

"Huh?! Wala, ah!" tanggi ko kaagad at umiwas ng tingin. "May nakita lang akong ayaw kong makita!"

"Ano 'yon?" tanong naman ni Laya. 

"Tao ba 'to? Bagay?" sumunod pang magtanong si Kobs na parang naglalaro ng Pinoy Henyo. "Animal? Parte ng katawan? Huy, sige na nga, siret na!" 

"Tao..." Napadukmo ako sa lamesa. "Hindi ko na siya maalis sa isip ko..." Parang naiiyak pa ang tono ng boses ko.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Kobs. "Hoy, kung sino ka man, lumabas ka diyan!" sigaw niya sa ulo ko. Napatakip ako sa tainga ko at binatukan siya. 

"Siraulong 'to!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sakit sa tainga!" 

"Gago, nakita mo ba 'yong ekalal mo noong highschool?!" hula kaagad ni Zahra. She looked so thrilled and excited.

"Ayaw ko na pag-usapan..." Para akong nanghihina! Bakit puro iyon na lang ang nasa utak ko?! Hindi ko makalimutan 'yong mga oras na kasama ko siya. 

Masama na 'to. Signs of hindi maka-move on na 'to! Signs of pagiging tanga na 'to! 

"Damot!" reklamo ni Kobs. "Kwento lang, eh! Dali na! Doon na ba siya nakatira? Pumogi na ba siya?" 

"Kobs naman. Ang sama mo," pagbawal sa kanya ni Laya.

"Bakit?! Siya kaya ang nagsabi na hindi kagwapuhan..." Tinuro pa ako ni Kobs. Na-guilty kaagad ako. Sana hindi ko na sinabi 'yon! Paano kapag nakarating kay Yori na iyon ang tingin ko sa kanya?! Hindi naman 'yon totoo! 

Tinakpan ko ang tainga ko at pinigilan ang sariling magkwento. Buong linggo, hindi man lang nagpakita sa akin si Yori. Ang layo kasi ng engineering building sa amin kaya paano ko naman siya makikita?! 

"Hello! Welcome po!" Napatingin ako sa bumati sa akin sa cashier pagkapasok ko sa convenience store. Huh? Hindi naman siya ang usual na nandito tuwing ganitong oras, ah? 

"Double shift ka?" tanong ko kay Alia. 

"Yes po," magalang na sagot niya at ngumiti sa akin. "Ngayon lang kasi wala po 'yong papalit sa akin, eh." Her smile reached her eyes. How cute! 

Kumuha ako ng snacks at microwaveable na ulam bago bumalik sa may counter. 

"Pwede magtanong?" sabi ko pagkaabot ko ng bayad. 

"Pwede naman po." 

"Ano'ng ibig sabihin kapag nakita mo ulit 'yong taong sinaktan mo noon, pero sobrang bait at caring niya pa rin sa 'yo na parang walang nangyari? Tapos ngayon, hindi mo na siya maalis sa utak mo pero ayaw mo naman kitain siya ulit kasi nga guilty ka pa rin sa ginawa mo?" 

Napakurap siya, gulat sa tanong ko. Oh, hindi niya ine-expect 'yon, ah! 

"Joke lang." Natawa ako nang malakas sa reaksyon niya. Kinuha ko na kaagad ang mga pinamili ko at umalis na. 

Noong palabas na ako, bigla kaming nagkasalubong ni Seven. Nagulat siya nang makita ako na para bang bawal ako sa convenience store na 'yon! 

"Uy, ano'ng bibilhin mo?" pagchismis ko. Sinundan ko siya habang naghahanap siya ng bibilhin. Napakunot ang noo ko nang kumuha lang siya ng candy at nilapag iyon sa counter. "Iyan lang bibilhin mo?" 

"Why are you here?" Aba! Bakit parang bawal talaga ako rito?! 

"Siyempre, bumili ng pagkain. Ano pa ba ang ginagawa rito?" sarkastikong tanong ko. 

Hindi niya ako sinagot. Pagkatapos magbayad, lumabas na ulit siya. "Thank you po! Come again!" sabi ni Alia sa amin. 

Sinundan ko pa si Seven at sabay kaming naglakad. Siyempre, nakipagkwentuhan muna ako kahit wala naman siyang maayos na kinekwento. Nakikinig lang siya sa akin. Hindi ko napansing nakabalik na pala kami sa campus. Napadaan kami sa bulletin board at nakita kong open na ang applications para sa debate club members na lalaban next school year. 

"You should join," sabi sa akin ni Seven nang makitang nakatitig ako roon. "I'm sure you will get in." 

Kinuhanan ko lang iyon ng litrato para makuha ang details kung sakaling sasali nga ako. "Sige na, bumalik ka na sa training! Uuwi na ako!" Tinulak ko siya palayo. 

Naglakad na lang ako pauwi sa condo dahil malapit lang naman, pero habang naglalakad, nadaanan ko 'yong building ng mga taga-engineering. Naisip ko tuloy kung nasa campus siya o wala. 

Lumipas ang isa pang linggo... dalawang linggo... tapos February na! Wala pa rin! Hindi ko pa rin siya nakikita! Hindi ko naman siya iniiwasan o ano. Pumapasok pa ba siya, huh?! 

"Saan ba siya tumatambay?! Bakit hindi ko siya makita?!" reklamo ko ulit habang naglalakad kami nina Kobs sa campus. 

Ano ba 'yan, puro may mga bulaklak ang nakikita kong dumadaan! Hello, bukas pa kaya ang Valentine's?! 

"Sino nga ba kasi hinahanap mo?! I-describe mo kasi nang mahanap din namin!" galit na sabi ni Zahra. 

"Baka hindi mo siya makita dahil hindi siya totoo, Nat... Baka imahinasyon mo lang siya," nakakatakot na sabi ni Kobs. 

"Baka 'yong mabait niyang ex," sabi naman ni Laya. 

"Bukod sa pagiging mabait, i-describe mo 'yong hitsura para mahanap namin! Hindi naman nakikita ang kabaitan!" pagpupumilit ni Zahra. 

"Na-describe na nga niya ang hitsura! Starts with letter P!" sigaw sa kanya pabalik ni Kobs. 

"Huy, ang sama mo talaga, Kobs. Hindi kaya magandang sabihin 'yan sa tao," pagbabawal ulit sa kanya ni Laya. 

"Si Nat nga nagsabi noon, eh!"

"Quiet!" sigaw ko sa kanilang lahat. "Shush! Kung hindi ko pa rin siya mahanap kahit ano'ng gawin ko, isa lang ang ibig sabihin noon! Hindi kami meant to be! Magfo-focus na lang ako sa pag-aaral ko. Iyon na 'yon." 

Pumasok na kami sa susunod naming klase. Sa ibang building kasi 'yon kaya lumipat pa kami. Pagkaupo ko pa lang, bumukas iyong pinto ng room. Ayan na 'yong org na naghahatid ng mga bulaklak sa classrooms. Napairap na lang ako at nilabas ang laptop ko para mag-aral. 

"Estella Martinez?" 

Napaayos kaagad ako ng upo nang marinig ang pangalan ko. May tumawag sa akin pero hindi ko alam kung sino. 

"Ito siya, oh!" turo ni Kobs sa akin. "Ano po ang kaso niya?!" 

"Oh, someone bought flowers for you!" Lumapit iyong babae sa akin at inabutan ako ng bouquet of tulips. 

"Eh?! Sino?!" Gulong-gulo ako nang tinanggap 'yon.

"Sorry, we can't disclose their information. I think there's a letter there! Bye-bye!" Mabilis siyang umalis para hindi na ako makapagtanong. 

"Hoy! Sino 'yan?!" Mukhang mas excited pa sina Zahra sa akin. "Hala, mahal 'yan, ah! Gago, may jowa ka na ba tapos hindi mo sinasabi?" 

Hinanap ko iyong letter. Pinadalhan ba ako ni Seven? Ni Lai? Naawa ba sila sa akin?! Sino sa kanila?! Wala namang iba! 

Happy Valentine's Day. 

Y.K.A. 

Napatakip kaagad ako sa mukha ko nang ma-realize kung sino ang nagpadala. Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko! Hindi ko na napigilan ang kilig ko! 

"Huy, gago, lagot kayo... Sino'ng nagpaiyak sa nakshit ko?" Hinaplos ni Kobs ang buhok ko.

"Kinikilig siya, Kobs..." sabi ni Laya. 

Parang mahihimatay 'ata ako. Kung ipaparamdam niya sa 'kin 'to, sana magpakita naman siya sa akin! Nanggugulat na lang siya bigla! 

Para tuloy akong tangang nakangiti habang nagkaklase. Huling klase na namin 'yon kaya noong dismissal na, kinuha ko na ang bag ko at ang bulaklak, handa nang umuwi. Tatakasan ko na ang mga kaibigan ko para hindi na sila magtanong kung sino ang nagpadala ng bulaklak! 

"Bye, girls!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng room. 

Agad din akong natigilan nang makitang may lalaking naghihintay sa tapat ng room. Napaawang ang labi ko at agad nag-init ang pisngi ko. 

Yori was standing there wearing an oversized dark blue shirt tucked inside a pair of jeans. Nakasabit ang isang strap ng bag niya sa balikat niya at nakapamulsa ang isang kamay. Iyong isa naman ay nakahawak sa phone niya, tinitingnan ang oras. 

Napaatras ako nang magtama ang tingin namin. His lips automatically formed a small smile. 

Naglakad kaagad siya palapit at huminto sa harapan ko. "Hi," bati niya.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro