11
"Nat, dali na! Male-late na tayo! Baka mauna pa ang mga Tita mo roon!"
Birthday ko pa rin kahit weekend na! Siyempre, hindi pwedeng walang celebration kay Mommy. Nagpa-reserve siya sa resort tapos invited ang mga Tita at Tito. Siyempre, pati sina Seven ay invited din dahil hindi naman kami nagse-celebrate nang wala sila! Kailangan ay palaging kumpleto! Masyado silang clingy!
In-invite ko si Yori na sumama sa amin. Wala namang magagawa si Daddy dahil birthday celebration ko 'to! Siyempre, kailangan kasama si Yori! Hindi naman sa hindi pumayag si Daddy. For some reason, okay lang naman daw basta magkakasama sila nina Lai at Seven sa room. Ako kasi, kasama ko sina Ate Avi at Celestia. Iyong tatlong mga younger brothers ay magkakasama naman sa isang room. Ganoon ang set-up.
"Pst, Yoritsune! How do I look?!" Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya nang makitang nasa living room na siya, naghihintay kasama si Kye. Umikot pa ako para makita niya ang suot kong beach dress.
"Beautiful." He gave me a thumbs-up and a smile.
Tinawag na kami ni Daddy kaya lumabas na kami, dala-dala ang mga gamit. Sabay na kinuha ni Daddy at ni Yori ang gamit ko kaya natigilan silang dalawa. Nag-back off kaagad si Yori at iyong isa ko na lang bag ang dinala niya. Natawa ako at pumasok na ng sasakyan.
Nasa gitna namin ni Yori si Kye... Ano ba 'yan! Epal naman ng kapatid ko!
Habang nasa byahe, nanonood si Kye ng anime tapos nakikinood din si Yori. Hindi ba sila nahihilo?! Ako ang nahihilo sa ginagawa nilang dalawa kaya natulog na lang ako! Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kye at hindi naman siya nagreklamo. Masyado siyang busy nanonood.
Dumayo pa kaming Bataan para sa beach resort. Apat na oras lang ang byahe at nakarating din naman kami. Ang bilis para sa akin kasi natulog lang naman ako. Pagkababa ko tuloy ng sasakyan, sobrang energized ako! Nanguna-nguna na ako sa may lobby para sa check-in kasama si Mommy. May sinerve kaagad na juice pero masyadong healthy iyon para sa akin! Hindi ko nagustuhan ang lasa! Anong klaseng juice iyong kulay green?!
"Hindi siya masarap." Siniraan ko kaagad kay Yori 'yong inumin nang makarating siya, dala-dala ang ibang gamit. Kinuha niya ang baso at inamoy muna ang juice bago uminom. Nalukot ang mukha niya pagkatikim at binaba kaagad ang baso. Natawa ako dahil pareho kami ng reaksyon!
Sumunod naman si Kye. "Kye, try mo 'to. Masarap," sabi ko sa kanya nang makarating siya.
"You're lying," sabi niya kaagad.
"Huh?! Masarap nga! Bahala ka. Kung ayaw mo, akin na 'to. Uubusin ko na 'to," pagko-convince ko pa sa kanya.
Naniningkit ang mga mata niya nang lumapit siya para kuhanin ang baso. Nakaabang lang ako sa reaksyon niya nang tikman niya iyon.
"This is mine now," sabi niya.
"Eh?!" gulat na sabi ko. Nagkatinginan pa kami ni Yori. Paano niya nagustuhan 'yon?! Kakaiba ang taste buds nitong si Kye! Grabe! "Patikim nga ulit!" Baka namamahay pa ang dila ko!
Nilayo niya na sa akin ang baso at pinatikim kay Daddy. Wala ring reaksyon si Daddy. Ano ba 'yan! Bakit pareho sila?! Hindi naman talaga masarap!
Tumayo kaagad ako nang makitang naglalakad sina Tita Yanna palapit. Nasa likod naman si Ninong Sevi. Ibig sabihin lang noon ay nandito na sina Lai at Seven!
"Ate, paki-serve din doon sa dalawang lalaki 'yong green na juice," sabi ko roon sa waitress. "Thank you po!"
Nang makalapit si Ninong Sevi ay nilahad ko kaagad ang kamay ko. Natigilan siya sa paglalakad habang dala-dala pa halos lahat ng gamit. Wala siyang available na kamay.
"Ibaba mo muna 'yan, Ninong. Unahin mo 'to, oh." Tinuro ko ang palad ko.
Binaba niya ang bag at tinaas ang isang daliri para mag-sign ng 'wait.' Lumiwanag kaagad ang mga mata ko nang may kinuha siya sa bulsa niya. Wallet na ba 'yon?! Shet, heto na!
Nawala ang ngiti sa labi ko nang maglabas siya ng finger heart.
"Happy birthday, inaanak! Love ka ni Ninong!" Pagkatapos ay nilagpasan na niya ako!
"Mommy!" Ngumawa kaagad ako at tumakbo kay Mommy para magsumbong.
"Anak, magpasalamat ka sa Tito Hiro mo. Nag-sponsor siya ng pang-birthday mo." Iyon ang sinabi sa akin ni Mommy nang makalapit ako.
"Thank you, Tito! Pa-convert na lang sa cash." Nilahad ko ang palad ko. Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko! Excuse me?! Akala ba nilang lahat ay nagbibiro ako?! Seryoso ako!
Grabe, kung kani-kanino ko nilahad ang palad ko pero hindi ako binibigyan! Nang makarating sina Tita Via at Tita Ke, nilahad ko rin ang palad ko. Binigyan ako ng chocolate at apir! Grabe na 'to!
"Nat, come here. I'll give you your gift." Parang lumiwanag ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Tita Sam.
"Bigayan na ba ng gift? I thought later pa," sabi rin ni Tita Elyse na kakatapos lang mag-check in.
"Mamaya na 'yan pagkatapos kumain!" Sumingit naman si Mommy. Mommy naman! Ayun na, oh! The best part of my birthday na sana!
Nilapag ko lang ang gamit ko sa kwarto at umalis na kaagad ako para lumipat sa room nina Seven. Binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama ni Yori habang abala siyang nag-aayos ng gamit. Si Seven naman, ini-inspect pa ang mga alikabok sa cabinet! Kumuha pa siya ng towel para maglinis bago nilapag ang mga gamit niya roon.
"Buti nakarating ka, Lai," sabi ko.
"Why not?"
"Hindi naman kasi kita in-invite."
Umilag kaagad ako nang batuhin niya ako ng unan. Malakas akong tumawa at pinaghahampas pa ang kama.
"Pst, Pito, may dala kang sunblock?" pangungulit ko.
"No. I won't swim," sagot niya naman sa akin. Sumimangot kaagad ako at binato sa kanya ang unan na binato sa akin ni Lai kanina.
"Corny mo! Bakit hindi ka magsi-swimming?!"
"May sugat ako."
Lumapit kaagad ako para matingnan iyong sugat niya. Pinakita niya sa akin iyong sugat sa may tuhod niya, dahil siguro sa volleyball.
"Putek na sugat 'yan. Mas malaki pa langgam diyan, eh!" reklamo ko kaagad. Hinampas ko pa iyong tuhod niya kaya hinampas niya naman sa akin ang unan na binato ko. "Aray ko! Sumusobra ka na, huh!" Kumuha rin ako ng unan at hinampas sa kanya. Naghampasan tuloy kami. Si Lai, hindi naman kasali pero hinampas din ako ng maliit na unan! Sinabunutan ko tuloy siya at nag-away-away na kami roon!
Pagkabalik ko tuloy sa tabi ni Yori ay gulo-gulo na ang buhok ko! Ano ba 'yan! Naka-braid pa naman ako tapos ang ayos noon kanina!
"Mga bwisit kayo sa buhay ko!" sigaw ko sa dalawa.
"Ang sakit ng hampas mo," reklamo naman ni Lai habang hinihimas ang braso niya.
Natawa ako nang malakas. Pabiro lang kasi ang mga hampas nila kaya mahihina lang, pero sineryoso ko! Competitive kaya ako! Akala nila ay magpapatalo ako?! No, no, no!
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Yori nang makita ang gulo-gulo kong buhok. Inabot niya ako para ayusin iyon.
"Sila! Sila ang may sala!" I dramatically pointed at Lai and Seven. "Sila ang gumawa sa akin nito! Sila ang sumira ng buhay ko! Mga hayop sila! Ipaghiganti mo ako!"
Napailing lang si Yori sa sinabi ko. Aba! Hindi man lang ako ipaghihiganti!
Nang matapos sila mag-ayos ng gamit ay nag-aya ako sa beach para makapagpa-picture. Mabuti na lang at maayos si Yori mag-picture. Nag-selfie din kami at ginawa kong profile picture sa Instagram.
"Is that okay?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit? Ayaw mo ba at baka makita ng kabit mo?" pagdadrama ko ulit at humawak pa ako sa dibdib ko na para bang sobra akong nasaktan. "Nasaan siya?! Ilabas mo siya!"
"No... I'm just wondering if I can do that too."
"Eh! Ang cute mo naman!" Pinisil ko ang dalawang pisngi niya. "Siyempre! Crush mo ako kaya okay lang na i-announce mo 'yon sa buong mundo!" pagbibiro ko.
Sumunod si Lai at Seven dahil sabi ko ay pipicture-an ko sila. Dala ko iyong malaking camera pang-picture. Memories 'yon, siyempre!
"I don't want a photo," sabi ni Seven at lumayo sa camera.
"Ayaw niya talagang palitan ang anime profile picture niya," sabi ko naman. "Ikaw na lang, Lai!"
Ang kapal ng mukha ni Lai. Fine-flex niya pa ang muscles niya. Akala mo naman ay mayroon! Hinatak niya rin si Seven para may picture silang dalawa. Pinahawak ko kay Yori ang camera para sumama sa picture. Sumakay ako sa likod ni Lai habang ang isa kong kamay ay nakapisil sa mukha ni Seven. Inalis niya kaagad 'yon at sinamaan ako ng tingin. Tumawa lang ako at tumingin sa camera.
"Kayo ni Yori," sabi ni Seven at kinuha ang camera.
Siyempre, hinatak ko kaagad si Yori! Wala nang hiya-hiya! Sinabihan ko siya ng mga pose namin. Iyong pa-heart, magkaakbay, normal pose, wacky, tapos isang photo na buhat niya ako.
Pagkatapos noon ay tinawag na kami para kumain kaya bumalik na kami kaagad. Mahabang table iyon sa may tabi ng beach. Sa dami ba naman namin?! Ang dami tuloy tables na pinagdikit-dikit!
"Estella, ipakilala mo si Yori kina Tita at Tito mo," sabi sa akin ni Mommy habang nag-aayos pa ng pagkain.
"Yori, halika! Ipapakilala kita sa mga Tita at Tito ko! Hindi ko sila Tito at Tito by blood, maliban kay Tita Kierra. Mga friends lang sila nina Mommy at Daddy," pagpapaliwanag ko nang hatakin ko ulit siya.
Siyempre, umikot ako sa mga Tita at Tito para ipakilala si Yori. Hindi ko masabing boyfriend ko kaya pinapakilala ko na lang siya bilang manliligaw ko! Inasar-asar lang ako nina Tita, tapos sina Tito ay halo-halo ang reaksyon.
"Asus, manliligaw! Kayo na, 'no?" pang-aasar ni Ate Avi sa akin.
"Ate! Hindi pa 'no! Competition muna!"
"Nat, you're starting to sound like Yohan. Come on! It's okay to have fun!"
Hindi ko masabing hindi pa kami ready! Basta ang usapan ay dapat mapanalo muna namin ang debate... pero birthday celebration ko kaya saka ko na iyon iisipin!
Pagkatapos kumain ay ang favorite part ko na ng celebration! Bigayan na ng gifts! Sunod-sunod nilang inabot sa akin ang mga gifts nila.
"Sige na, sige na. Heto na." Naglabas na ng wallet si Ninong Sevi at inabutan na ako. Napatalon-talon ako sa tuwa. "Hanggang Pasko na 'yan, ah." Nawala kaagad ang ngiti ko kaya malakas siyang tumawa at tinuro ang mukha ko.
Nabigyan na ako ng gift nina Ate Avi kaya ang mga tanders na lang ang nagbigay. Mga nakabalot ang iba kaya hindi ko pa alam kung ano ang laman. Basta, ang alam ko lang ay kumapal ang wallet ko!
Pagkatapos ng lunch ay pinababa muna namin ang araw bago kami naligo sa beach. Naka-rashguard lang ako at black shorts. Walang choice si Yori dahil sinama ko siya papuntang dagat.
It was a fun day. Ramdam ko ang hiya ni Yori dahil hindi siya masyadong nagsasalita noong una. Ang dami kasing bagong mukha para sa kanya kaya hindi niya alam kung paano siya aakto, pero nag-loosen up din naman siya pagkatapos namin mag-swimming. Nakikipag-usap na siya kina Lai at Seven.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Celestia habang pabalik kami sa cottage mula sa beach. Sinamahan ko siyang mag-swimming dahil iyong tatlong younger brothers ay ayaw mag-swimming! Mas gusto na lang maglaro maghapon ng video games!
"Hoy, magpaaraw naman kayo!" sabi ko kina Kye, Kiel, at Leone.
"Kaya nga nasa labas, eh!" sabi naman ni Kiel. Nasa labas nga, puro video games naman! Itong mga batang 'to!
"Wala na kayang araw. Sunset na, Ate, oh," sabi ni Leone. "Kaya magpapabuwan na lang kami."
"Ah, ganoon? Ang gagaling n'yo sumagot. Bakit hindi kayo lumaban sa debate?" Binatukan ko nga. Mahina lang, baka isumbong ako, eh! Kapag sinumbong ako sa mga Kuya nila, lagot ako!
Nag-shower muna ako at nagpalit ng damit para sa beach dinner. Hinintay ko na rin si Celestia matapos mag-shower para sabay na kaming bumalik.
"Ang laki mo na, baby ko!" sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. She giggled and tried to get out of my hold. "Parang dati lang, ganito ka lang, oh." Pinakita ko sa kanya ang height niya dati gamit ang kamay ko. "Ngayon, tumatangkad ka na!"
"Like Mommy," nakangiting sabi niya.
"Like your Mommy! Also so pretty like your Mommy!" Pinisil ko ang pisngi niya.
The beach dinner was full of music, singing, and dancing. Nagsasayawan kami sa may buhanginan at nagtatawanan. Nang mapagod, inaya kong maglakad si Yori sa tabi ng beach. Alone time lang. Palagi kaming napapaligiran ng tao, eh!
"Nag-enjoy ka ba? Sorry, ah... Ang dami mo kaagad nakilala. Baka na-overwhelm ka," sabi ko habang hawak ang sandals ko. Nakapaa lang ako sa buhangin.
"Nag-enjoy ako. It was fun... The people surrounding you are genuine. They care about you a lot." He smiled.
"Weird dynamics, pero it works for some reason. Magugulo kami pero parang tama lang. Sakto lang. Parang kami nina Lai at Seven. Palagi kaming nag-aaway pero we all complement each other. Parang... ikaw tsaka ako. We fit each other so well like puzzle pieces."
"You think so?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Oo naman! I feel like you're doing a lot of work. I have my flaws, my worst moments, pero kahit kailan, hindi mo ako sinabayan. Gusto ko rin maging better person para sa 'yo..."
"You're already the best person for me."
"Eh?! Ang corny!" Natatawa kong tinulak ang mukha niya palayo. "Basta, I'll be better for you, hanggang sa masasabi mong... Ah, siya na! Si Estella na!"
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nilingon ko siya habang nakatayo siya roon.
"Siya na," sabi niya. "Si Estella na."
"Hoy, ano ba 'yan!" Hinawakan ko ang pisngi ko gamit ang dalawa kong kamay. Nag-iinit kasi iyon! Nakakahiya naman na nakakakilig! Parang sira! "Halika nga, upo muna tayo dito!"
Sabay kaming umupo sa buhanginan habang nakatingin sa dagat. Nilahad ko ang kamay ko at natawa naman siya. Kumunot tuloy ang noo ko. Bakit siya tumatawa?
"Kanina mo pa ginagawa 'yan sa mga Tito mo," sabi niya. I didn't know he was watching the whole time!
"Kamay mo ang kailangan ko!" sabi ko. "Hindi pera!"
Tumatawa pa rin siya nang hawakan niya ang kamay ko. Pinatong ko naman ang isa ko pang kamay roon sa kamay niya habang nakalingon sa kanya.
"Hindi mo pa masasabing ako na. Pagdating natin ng college, ang dami na lalong choices. Lalawak na lalo 'yong mundo mo, tapos baka pagsisihan mo lang 'yang sinasabi mo." I tried to think about it rationally.
"But you're going to be in my college too." Nagrason pa siya.
"Ewan ko sa 'yo. Mamaya, makahanap ka ng iba diyan!"
"Baka ikaw."
"Mataas standards ko! Ikaw lang pinasa ko, 'no!"
"What's my score?"
Umakto pa akong nag-iisip. "Seventy five."
"Wow, passing score."
"Kaya galingan mo!" Tumawa ako at tumayo. Hinatak ko rin siya dahil magkahawak ang kamay namin.
Pagkatapos noon ay hinatid na niya ako sa labas ng room ko bago siya pumasok sa room nila nina Seven. Nakangiti tuloy akong natulog. One night lang kami sa resort dahil may pasok din kami sa Monday kaya umuwi rin kami kaagad.
Nagsimula na akong mamroblema noong Monday na dahil... birthday na rin ni Yori! Maaga akong nagising, nagbibilang ng ipon ko sa may coffee table ng living room.
"Why are you counting your savings?" tanong ni Daddy nang mapadaan.
"Birthday ni Yori bukas, Daddy! Wala pa akong regalo sa kanya!" Napahawak ako sa ulo ko.
"Bilhan na lang natin siya ng gift as a family!" suggest naman ni Mommy.
"Really?! Okay, Dad. Ito ang ambag ko." Binigay ko sa kanya ang piggy bank ko para siya na ang magbilang.
"I'll come up with something later. I have to go." Hindi niya tinanggap ang ambag ko! Humalik lang siya sa ulo ko, tapos kay Mommy, bago umalis. Late na naman nagising si Kye, eh.
Nag-iisip tuloy ako kahit nasa klase. Wala namang importante sa araw na 'yon. May debate training lang din kami dahil malapit na rin ang semi-finals. Na-realize ko lang din na mage-exam na kami sa universities for college. Ang daming aasikasuhin... pero birthday muna ni Yori!
"Aalis na 'ko, Yori! Bye!" Nagmamadali ko siyang iniwan pagkatapos ng training dahil excited na akong makita kung ano ang bibilhin ni Daddy.
Napahinto ako nang makitang sasakyan ni Daddy ang naghihintay sa akin sa tapat ng school. Pagkapasok ko, sabi niya kaagad ay pupunta kaming mall. Sasamahan niya raw ako mamili ng regalo.
Ang daming pwedeng iregalo kay Yori dahil marami din siyang interests, pero pinili ko iyong magagamit niya talaga. Gamer siya kaya pinili ko iyong gaming keyboard bilang regalo sa kanya. Magagamit niya 'yon. May kasama pang headphones pero regalo na raw 'yon ni Mommy at Daddy. Nag-insist ako na ako ang magbabayad ng regalo ko para personalized! Ginamit ko iyong nakuha ko noong birthday ko.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para maaga ko ring mabati si Yori. Nag-message na ako sa kanya kaninang twelve, pero tulog na yata siya noon kaya hindi na siya nakapag-reply.
"Ayan na siya!" Tumakbo pabalik si Ollie na nag-aabang sa pintuan para kay Yori.
Inabangan namin ang pagpasok niya bago kami tumayo. "Happy birthday!" sabay-sabay na sabi namin. Napaatras pa siya at napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat. "Girls, kanta!" sabi ko. Nagsimula naman silang kumanta ng happy birthday habang may hawak akong cupcake at kandila. Bumili pa ako ng lighter para roon.
"Happy birthday to you," sabi ko. "Make a wish!"
Yori was just staring at me the whole time before he blew the candle. Hindi niya sinabi nang malakas ang wish niya! Hindi katulad ko!
"Thank you, Nat." Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Hoy, bawal 'yan! Mamaya na 'yan!" sigaw ni Caitlyn.
Hindi ko pa binigay ang gift niya. Mamaya na lang kapag naroon na kami sa bahay nila. Ipaghahanda siya ng Ate niya, eh... pero ako lang yata ang inimbita niya. Siguro, pati si Jap. Hindi ko alam kung may iba pa.
"You can invite your friends too," sabi ni Yori sa akin nang maupo na kami.
"Sure ka?" Nagsalubong ang kilay ko.
Hindi pala-celebrate si Yori ng birthday. Ito na yata ang birthday niya na may pinakamaraming bisita if ever. I wanted to make the day special for him.
"Sama kayo mamaya, birthday ni Yori," aya ko rin kina Ollie at Caitlyn.
They looked thrilled. Siyempre, sumama kaagad sila. Iyon lang ang inimbita ko, pero parang pareho kami ng nasa isip ni Jap... dahil habang naglalakad kami papunta sa restaurant nina Yori ay parang dala-dala niya ang buong klase.
Hindi na ako 'yon, ah! Si Jap 'yon!
"Okay lang ba kay Yori na ininvite mo 'yong buong klase?" tanong ko kay Jap. Ako ang kinakabahan para sa kanya!
"Okay lang daw, sabi niya!" Wow... Okay!
Nasa training pa si Yori ng e-games club. Susunod daw siya.
Pagkarating namin sa restaurant, mukhang hindi naman nagulat ang Ate ni Yori na maraming bisita. Tuwang-tuwa nga siya. Sinara pa niya ang restaurant para sa birthday celebration ni Yori. Pumunta ako sa kusina para mag-offer tumulong.
"This is the first time Yori brought friends on his birthday," sabi sa akin ng Ate niya. "I'm so happy. Akala ko he's going to be alone forever."
"Hindi naman po siya alone! Si Jap po, best friend niya 'yon." Tinuro ko pa si Jap na abala sa pag-aasikaso ng klase.
"I'm glad... He's not so good at communicating with other people. He also hated celebrating his birthday before."
"Bakit daw po?"
"Dad died just two days before his birthday."
Napaawang ang labi ko. Kaya ba... hindi siya masyadong nagsasalita noong birthday ko? I didn't know. Noong nakauwi kami galing resort, hindi rin siya masyadong nag-message sa akin. May gagawin daw siya.
Doon ko na-realize na marami pa siyang hindi sinasabi sa akin. Marami pa rin pala akong hindi alam tungkol sa kanya. I should try harder. I should make him feel comfortable sharing those things with me.
Nang dumating tuloy si Yori, binigyan ko siya ng ngiti. I acted like I didn't know about his dad's death anniversary.
Kumanta ulit kami ng happy birthday bago hinanda ang pagkain. May cake din na hinanda iyong Ate niya na siya mismo ang nag-bake. Ang galing. Talented talaga ang Ate niya pagdating sa cooking and baking.
We were surrounded by a lot of people kaya hindi kami masyadong nagkausap at nagkasama ni Yori habang kumakain. Si Jap kasi, hatak nang hatak sa kanya! Nagbibiruan sila roon ng mga boys.
Hindi tuloy ako makakain nang maayos dahil sa nalaman ko! Nakatingin lang ako sa gawi ni Yori. At least... Tumatawa siya. Okay na ako roon.
Hinintay ko na lang na magsiuwian ang mga kaklase namin hanggang sa ako na lang ang natira. Tumulong ako sa paghuhugas ng plato para naman may maambag ako.
"Estella, ako na diyan. You can go upstairs," sabi ni Ate Akemi.
"Nat, let's go," aya rin sa akin ni Yori.
Kinuha ko ang gamit ko at umakyat sa bahay nila. Nang makarating kami sa kwarto niya ay nilabas ko na ang gift ko, at ang gift nina Mommy.
"Ta-da!" masayang sabi ko. "Ito, galing sa akin. Ito, galing kay Mommy at Daddy. Happy birthday daw! Sana raw you achieve great success in life, sabi ni Daddy."
"Wow... You... didn't have to. Thank you." He looked thrilled but shy. Umupo siya sa kama niya para buksan iyong regalo. Ingat na ingat pa siyang huwag masira iyong wrap ng gift dahil galing daw sa akin.
He looked surprised to see the keyboard. Niyakap niya kaagad ako at hinaplos ang buhok ko.
"Thank you, Nat. I really appreciate it. I love it."
Natuwa rin siya roon sa headphones at sinubukan niya kaagad doon sa set-up niya. Tinulungan ko naman siyang mag-set up sa desk. Pati ako ay na-amaze sa ilaw sa keyboard. Sabi niya, matagal na niyang gustong palitan 'yong keyboard at headphones niya.
"Uhm... Yori," tawag ko habang nakaupo sa gaming chair niya. Siya naman ay nakaupo sa kama niya. Magkalapit lang kami.
"Hmm?" Lumingon siya sa akin. Abala kasi siyang nag-aayos noong box.
"Bakit ayaw mong nagse-celebrate ng birthday mo?"
He just shrugged. "It's not special."
"Iyon lang ba?" I wanted it to come from him.
"I think so." Umiwas siya ng tingin.
I just gave him a small smile. "Okay," mahinang sabi ko. "That's okay."
Napatitig siya sa akin, mukhang nag-iisip. Inikot ko ang upuan para kalikutin na iyong computer niya. Naghanap ako ng malalaro ko kahit hindi ako marunong. Nagpaalam naman ako kay Daddy na mamaya pa ako uuwi, eh. Alam din nila na nasa birthday celebration ako ni Yori.
"Actually, Nat..."
Hininto ko kaagad ang paglalaro ko at mabilis na inikot ang upuan para makaharap sa kanya. Hinintay ko lang ang sasabihin niya.
"It was my dad's death anniversary last Sunday. Ever since he passed away, it just felt wrong to celebrate my birthday," he said.
Tumayo kaagad ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Ngayon? Do you still feel bad?"
Niyakap niya ako pabalik. "No... It feels nice. Thank you."
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Sana nasamahan kita last Sunday. Sorry, hindi ko alam."
"Why are you sorry?" Hinawakan niya ang baba ko.
We were staring into each other's eyes for too long... until his sister knocked. Sabay kaming napatayo! Umupo kaagad ako roon sa gaming chair niya habang siya ay nagmamadaling binuksan ang pinto.
"Nat, nasa baba na ang sundo mo," she informed me.
"Oh, okay po! Thank you!" Kinuha ko kaagad ang gamit ko. "B-bye! Happy birthday, Yori!"
Nagmamadali akong bumaba at sumakay sa sasakyan. Napahawak kaagad ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Ano ba 'yon! Bakit kasi ang tagal niyang nakatingin?!
Napailing na lang ako at niyakap ang bag ko. Wala 'yon.
Pagkatapos ng mga celebration, nag-focus na kami sa entrance exams at sa debate competition. November iyong semi-finals, tapos December iyong finals. Si Yori, busy lalo dahil dalawang competition ang sinasalihan niya.
Palagi kaming nagii-study date para mag-review sa entrance exams pagkatapos ng training. Gabi na tuloy ako nakakauwi. Sabay rin kaming nag-take ng mga exams.
"How was it?" tanong ni Yori nang magkita kami pagkatapos ng exam sa Flare Alva.
"Hmm... Kaya naman!" Mukhang okay naman ang mga sagot ko. Mukhang papasa naman ako. Siyempre, si Yori din.
Noong week din na 'yon, may semi-finals naman si Yori sa e-games. This time, pumunta na ako para mapanood! Swerte kasi Saturday 'yon! Akala niya, ha!
Kasama ko si Caitlyn at Ollie. Wala kaming idea sa laro pero kinakabahan ako habang nanonood! Hindi nga ako makapagsalita! Grabe, ang intense! Pinapanood ko ang stream sa malaking TV doon sa venue. Iyong character lang na gamit ni Yori ang tinitingnan ko. Hindi pa siya namamatay. Ang ganda ng stats niya! Ang dami na niyang kills.
"Ang kalmado niya tingnan, 'no? Expert na siya," sabi ni Ollie.
"Oo nga! Parang hindi naman nage-exert ng effort si Yori!" nag-agree naman si Caitlyn.
"Huwag n'yo akong kausapin. Hindi ako makapag-focus," sabi ko naman habang titig na titig sa screen. Magkahawak pa ang kamay ko dahil ako ang kinakabahan!
Nang matapos ang laro ay napatalon-talon ako! Panalo sila! Si Yori ang MVP! Hindi nga niya alam na nanonood ako! Naghintay na lang kami sa labas habang abala ang players sa interview sa loob.
"Yori!" malakas na sigaw ko nang makita siyang naglalakad sa hallway. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumatakbo na ako papunta sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap. Pinalupot niya naman ang braso niya sa baywang ko para hindi kami mahulog. "Congrats!"
"Nanood ka?!" hindi-makapaniwalang sabi niya.
"Of course! Best player ka, eh, 'di ba?!" Pabiro kong hinampas ang dibdib niya. "Ah, kasama ko pala si Ollie at Caitlyn..."
Nag-congrats din sila kay Yori bago sila nagpaalam na uuwi na. Hindi na nila hinintay ang awarding. Ako na lang ang naghintay. Sobrang tuwa ko sa pagkapanalo niya! Ganito pala ang feeling! I was never looking forward to other people's wins before, dahil masyado akong nakafocus sa sarili ko.
"Next up, debate!" masayang sabi ko.
Mas malaki ang venue ng semi-finals at mas formal. Mararamdaman mo ang pressure pagkatapak mo pa lang... pero hindi! Hindi ako magpapatalo sa kaba! I was just... excited to win! Alam kong pinaghirapan namin 'to ni Yori. We went here to do our best!
"Ready ka na manalo?" tanong ko sa kanya habang paakyat kami sa stage.
"Easy," pagyayabang niya.
Tumawa ako at tinaas ang kamao ko. "Let's win this." Nag-fist bump muna kami bago pumunta sa table namin.
Ganoon ulit ang naging routine ng competition. Madali iyon topic na napunta sa amin, pero hindi kami nagpakampante, dahil may dalawa pa kaming team na lalabanan mamaya. Depende iyon kung sino ang mananalo sa round one.
"Okay, one down," sabi ko kay Yori nang pabalik kami sa headquarters. Tapos na ang round one kaya kakain muna kami.
Hindi na ako nagulat nang sabihan kami ng instructor namin na nanalo kami sa round one. Pagkatapos kumain, deretso kaagad kami sa round two. Wala pa rin ang kaba ko. I knew I could do it.
Hanggang sa round three na. Ayun na... Kinabahan na ako!
"Hey." Hinawakan ni Yori ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. "We can do this," sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kinalma ko ang sarili ko para hindi maapektuhan ang performance ko. Round three na ang magde-decide kung sino ang lalaban sa finals.
Pagkatapos ng closing speech ko ay nakahinga na ako nang maluwag. Tapos na... Hihintayin na lang ang results.
Hindi ako makapagsalita habang nasa headquarters. Nasa labas ang instructor namin, nag-aabang ng results.
"Do you think we'll win?" tanong sa akin ni Yori.
"Siyempre!" sabi ko kaagad. "Win or win lang dapat, 'di ba? No other choices!"
"Estella, Yori!" Nagmamadaling lumapit ang instructor namin. "You're in!"
Napatayo kaagad ako at nagyakap kami ni Yori sa tuwa. Kinuha ko rin ang phone ko para ibalita kina Mommy at Daddy na nanalo kami sa semi-finals. Sa finals, ang sabi ko, dapat naroon sila! They should watch us win!
"May announcement na rin ng date ng finals," sabi ng instructor namin. "December 12."
"December 12?" Napalingon ako kay Yori dahil mukhang nagulat siya. Nakaawang ang labi niya at mukhang hindi makapagsalita.
"Bakit?" tanong ko. "May problema ba?"
"The finals for the e-games is also on December 12." Napahawak siya sa ulo niya, namomroblema na. "Nat... What should I do?"
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro