Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10


"Hello! I'm Lyonelle, and this is Seven." 

In-offer ni Lyonelle ang kamay niya at naiilang naman itong kinuha ni Yori para makipag-shake hands. Wala na! Dito na sila nakaupo sa table namin ni Yori! Dapat ay date 'to, eh, tapos may mga um-epal naman! 

"Hi," bati rin ni Seven nang makipag-shake hands siya. 

"So... How long have you guys been dating?" Nakangisi si Lai nang tanungin 'yon. Nangalumbaba pa siya at mukhang tuwang-tuwa. As if naman hindi niya alam! In-announce ko nga sa kanila 'yon!

"Just recently..."

"Damn, I feel bad for you." 

Inabot ko kaagad ang buhok ni Lai para sabunutan siya. Agad naman niyang hinawakan ang balikat ni Seven para hatakin siya at gawing shield. Tatlo na tuloy kaming nag-aaway at nagkakagulo roon! 

"Ayusin mo, Lyonelle! Kapag ikaw talaga, nagkajowa, sisiraan kita roon!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawa naman siyang bumalik sa kinauupuan niya habang si Seven ay inaayos ang sleeve ng polo niya para mawala iyong lukot. 

"How long have you been friends?" tanong naman pabalik ni Yori.

"Hmm, kailan ba? Ewan ko rin! Basta, simula bata ako, nandiyan na 'yang mga bwisit na 'yan para sirain ang buhay ko!" inis na sagot ko. 

"Look who's talking," ganti naman ni Seven. I made a face and rolled my eyes.

"Our parents are friends so naturally, we all became friends too. We were always together ever since we were kids... Oh, but there's no need to get jealous. Since she's already dating, we can distance ourselves if you feel uncomfortable. We want to get to know you better, though." 

Ang daming sinasabi ni Lyonelle! Sweet-talker talaga kunwari! 

"Oh, to be distanced from Nat and Lai..." Nangarap naman 'tong si Seven. Ini-imagine niya pa lang, parang ang saya na niya. 

"No, no..." Nag-panic kaagad si Yori. He started waving his hands in front of him. "It's okay, really."

Sus, parang hindi nagselos dati! Okay lang, understandable naman dahil may miscommunication kami noon at wala pa siyang assurance mula sa akin. Mixed signals nga raw. 

"Cool... Then..." Lai started speaking in Nihongo kaya sa language na 'yon din ang sagot ni Yori. Wala na, hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila. I just stared at Yori while he was talking. Sinusubukan kong intindihin ang sinasabi niya based on his expressions. 

Napakunot ang noo ko nang tumawa silang dalawa ni Lai! Ano ang nakakatawa?!

"Naiintindihan mo?" tanong ko kay Seven. 

"A bit," sabi niya lang. 

"Hala, paano naman ako?!" reklamo ko. "Kailangan ko na talagang matuto niyan!" 

"We were just talking about you," bulong sa akin bigla ni Yori kaya nagulat ako at napatakip sa tainga ko. 

"Hoy, bina-backstab mo na naman ako, ha!" turo ko kay Lai at sinamaan siya ng tingin. 

"He just asked when I am planning to officially ask you out. I told him about our deal." Ang tinutukoy 'ata ni Yori ay iyong deal namin sa debate competition. Kapag nanalo kami, kami na rin! 

Hindi naman naging mahirap kay Yori na maging kaibigan iyong dalawa. He had common interests with them. He can communicate with Lai in his language, tapos si Seven naman, pareho sila ng mga pinapanood. I wanted Yori to get along well with the people around me, para hindi na mahirap! Alam naman naming dalawa kung saan papunta 'to, eh! Dapat ngayon pa lang, may relationships na siya sa mga tao sa paligid ko!

Naisip ko tuloy i-close din si Jap dahil best friend niya 'yon. Iyong Ate niya, na-meet ko naman na. Wait... Na-realize ko lang na iyong Ate niya lang at si Jap ang mga tao sa paligid niya... Wala nang iba. He always kept his circle small. Curious tuloy ako. Baka may iba pa siyang friends tapos hindi ko lang alam.

Kaya habang naghihintay kami ni Yori ng sundo ko, naisipan ko siyang tanungin. Nauna na kasi sina Seven para maiwan kaming dalawa. 

"Bukod sa Ate mo at tsaka kay Jap, may iba ka pa bang family or friends dito?" tanong ko kay Yori. 

"I have relatives on my father's side but I'm not really close with them. I have acquaintances but no other friends," deretsong sagot niya sa akin. 

"Bakit?"

"Ewan... I don't think it's necessary. I'm used to working alone." Nagkibit-balikat siya. 

"Pero maganda ring magkaroon ng ibang friends. Si Lai at Seven, ituring mo na ring friends mo. Magkakasundo kayo ng mga 'yon," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Yeah, they're cool." He also gave me a smile. 

Nag-exchange din sila ng socials kanina, eh! Naawa tuloy ako kay Yori dahil baka kulitin siya nang kulitin ni Lai! Si Seven naman kasi, hindi ma-chat 'yon. Si Lai, ang daming gustong kaibiganin. 

"Ayan na ang sundo ko. Sabay ka na kaya?" aya ko sa kanya. 

"Huwag na. I still need to buy something for the kitchen." Sinamahan niya akong bumaba ng hagdan at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. "Bye. Message me when you get home."

"Congrats ulit! Bye bye!" Kumaway ako bago pumasok ng sasakyan. 

Noong sumunod na linggo ay may district debate competition kami. First round pa lang iyon for elimination. Hindi naman lahat ng schools ay sasali dahil may schools na walang debate club kaya mabilis lang ang elimination kaysa sa ibang competition, katulad ng quiz bee. 

"Wow, matchy!" masaya kong tinuro ang suot namin ni Yori. May uniform kasi ang debate club na gagamitin for competitions. Polo shirt iyon na may logo ng school at sa likod naman ay pangalan ng member at kung ano ang lalabanan. 

Nagpa-picture ako sa isang member ng debate club, tapos hinatak ko rin si Yori. Nakatalikod kami pero medyo nakaharap ako sa camera at naka-flex ang biceps ko na akala mo ay mayroon talaga. Si Yori ay naka-side view lang. 

Ang cute! Pinost ko nga si Instagram ko. 

nataleigh: elimination round! wish us luck <3

Dumayo kami sa ibang school para sa competition. Malaki iyong school kaya naintindihan ko na kung bakit doon ang venue ng competition. May morning and afternoon schedule kami ni Yori. Wala pang afternoon schedule dahil depende iyon sa result ng morning competitions. 

Nasa orientation pa lang kami ay ang dami nang tumitingin kay Yori na ibang estudyante! Tinakpan ko ang mukha niya. Nagsalubong tuloy ang kilay niya at inalis ang kamay ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Masyado kang pogi," sabi ko. "Nasisilaw ako." 

Natawa siya saglit kaya napahawak ako sa puso ko. Lagot, nakita na nilang ngumiti! Mas lalo lang maraming mahuhulog sa kanya! 

"Breakfast muna kayo habang naghihintay," sabi ng instructor namin pagpasok namin sa room na naka-assign sa amin as headquarters. 

Pagkatapos namin mag-breakfast ni Yori ay naglaro lang kami ng nakita naming board game doon sa may table. Pangpataas lang ng competitive spirit habang naghihintay. Noong tinawag na kami ay iniwan namin ang laro at pumunta na sa room na naka-assign sa amin for the debate.

"Let's go?" Inangat ko ang kamao ko para makipag-fist bump kay Yori.

"We're going to win this." Nag-fist bump kami bago kami naglakad papunta sa stage. 

May tatlong judges sa harap at may Chairperson sa gitna ng table ng dalawang teams. Apat lang kaming maglalaban dahil tig-dalawang students lang per team. Pumwesto na kami ni Yori sa affirmative side dahil iyon ang na-assign sa amin sa draw lots. 

The topic was about mandatory vaccination. Nagkatinginan kaagad kami ni Yori dahil during training, naging sample topic namin 'to. Alam na kaagad namin ang mga ipe-present naming arguments at alam na rin namin kung ano ang sasabihin ng kabila. 

Nag-introduce muna ang Chairperson ng sarili, sunod ang mga students. Pagkatapos noon ay opening presentation na. Ako ang nauna tapos dinagdagan lang ni Yori. Hindi gaanong maganda ang opening ng kabila. Naubusan din sila ng time kaya na-cut off. 

Pagkatapos noon ay nagtanong ng questions ang judges. 

Honestly, hindi naman ako nahirapan during the debate. Sa lahat ng tanong ng judges at kahit ng audience ay mabilis naman naming nasasagot. Alternate kaming sumasagot ni Yori. It just made me realize more that the was a worthy opponent. Hindi na ako nagtaka kung paano niya ako natalo noon. Walang idle time sa kanya. Pagkatapos ng tanong, may sagot na kaagad siya. 

"Good job," bulong niya sa akin pagkatapos kong sagutin ang last question. "I already wrote down possible questions for the other team." 

Nagtanungan kami ng kabilang team. 

"You raised a point about freedom of choice. However, should that choice endanger the lives of others, wouldn't the others be denied their own freedom of choice to live or die?" tanong ni Yori.

I was taking notes of their answers, in case may mahanap akong inconsistency sa mga argument nila. Kahit isang word lang, pwedeng magamit iyon against the other team. 

Pagkatapos ng questions ay nag-final remarks na ako. May mga comments ang judges regarding the strengths and weaknesses of our arguments bago natapos ang debate. Hihintayin na lang ang results within an hour.

"Punta muna tayong cafeteria," aya ko kay Yori. 

Naghanap ako ng bakanteng upuan habang si Yori ay bumibili ng snacks at tubig para sa amin. Nalingat lang ako saglit, paglingon ko ay may kumakausap na kay Yori na ibang students. Napailing na lang ako at natawa nang sarkastiko, pero nagulat ako dahil bigla na lang akong tinuro ni Yori at lahat sila ay napatingin na sa akin. 

I forced an awkward smile bago umiwas ng tingin at bahagyang nagtakip ng gilid ng mukha. Ano 'yon?! 

"Some students asked for my number," sabi ni Yori pagkalapag ng tray sa table namin. 

"Oh? Ano ang sabi mo? Bakit mo ako tinuro?" nagtatakang tanong ko.

"Sabi ko may girlfriend ako, nakaupo sa gilid," kaswal na sabi niya habang binubuksan ang bote ng tubig. 

"Girlfriend, huh..." Ano ba 'yan, kinilig tuloy ako! 

"Soon," bulong niya pero narinig ko naman! 

Napanguso tuloy ako para pigilan ang ngiti ko. Kinain ko na lang iyong cookies na binili niya habang nag-uusap kami tungkol sa debate kanina. We found it okay. Hindi kami nahirapan. 

Hindi na ako nagulat nang pagbalik namin sa headquarters ay nalaman naming nanalo kami sa first round. Dapat lang! 

"Most instructors are wary of you two. Kayo ang laging nagcha-champion sa debate noong junior high school. Pinag-uusapan nga kayo sa labas ng room." 

"Wow, topic of the day! Thank you so much!" masayang sabi ko at natawa pa. "Gagi, famous na tayo, Yori."

Tiningnan ko ang comments ko sa Instagram post ko. Puro good luck galing sa mga followers ko. Nag-comment lang sina Lai ng 'soft launch' daw ni Yori! 

Mayamaya, during lunch break ay tumawag si Mommy. Sinagot ko kaagad 'yon. "Yes, Mi?" 

"Nat, hindi mo sinabi sa 'kin na may competition ka today! Sa Instagram ko pa nalaman!" Ah... Oo nga pala! Hindi ko na sinabi sa kanila. 

"Elimination round pa lang naman kasi, Mi. Para sa akin, hindi naman ganoon ka-importante unless finals na." 

"Kahit na! It's still a day to remember! Sana man lang napagbaunan kita ng pagkain. Sabihin mo sa akin sa susunod, ha? And good luck! I love you so much, win or lose!" 

"Win or win lang, Mi. Wala nang ibang choices," sabi ko at tumawa. "Sige na, Mommy. Thank you! I love you too, mwa!" 

Mabilis lang dumaan ang lunch break kaya sumabak na rin kami kaagad sa second round. About fairytales na ang topic, kung nakakaapekto raw ba sa perception of reality ng mga bata. Hindi namin na-practice ni Yori 'yon pero naka-survive naman kami. 

"Hay, nakakapagod!" Binagsak ko ang sarili ko sa loob ng school bus. Tumabi naman sa akin si Yori. 

"At least we won the elimination round," sabi niya.

"Siyempre! Given na dapat 'yon, 'no!" Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Patulog muna, ha. Napagod ang utak ko." 

Nakatulog na nga ako sa byahe. Antok pa ako nang makabalik kami sa school kung saan naghihintay ang sundo ko. Nagtaka ako dahil kotse ni Daddy ang nakita ko. 

"Iyan ba ang sundo mo?" tanong ni Yori sa akin.

"Oo... Si Daddy 'yan," sabi ko sa kanya. "Mag-hello ka muna sa kanya. Tara!" 

Binuksan ko ang pintuan ng shotgun seat at umupo roon. Yumuko naman si Yori para batiin si Daddy. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho at kanina pa siya naghihintay sa tapat ng school. 

"Good evening po," bati ni Yori.

"Good evening, Yori," sagot ni Daddy. "Are you on your way home?"

"Ah, yes, Tito."

"I can drop you off," offer ni Daddy. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kanya. Wow! Nag-offer, huh! Nakapasa talaga si Yori sa kanya. 

"Huwag na po. Malapit lang po 'yon. I can just walk." Yori smiled. "Take care po. Have a good night." Dad raised his hand for a small wave before Yori closed the door.

Napalingon ako kay Daddy na naka-work attire pa. "Kanina ka pa nandito, Di?" tanong ko. 

"Not really. How was your competition? You didn't tell me about it..." seryosong sabi niya. 

"Panalo, siyempre! Pero elimination round lang 'yon kaya hindi ko na kayo sinabihan ni Mommy! Kahit naman kasi sabihin ko, hindi rin naman kailangan manood ang parents, eh. Kapag finals na, sasabihan ko na kayo para makanood kayo ni Mommy. Don't worry, I won't disappoint you! Ipapanalo ko-"

"Nat," Dad cut me off. Natigilan tuloy ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya. "Losing a competition will not disappoint me. Failure is a natural part of life, and there's always a lesson to be learned from it." 

"Even if it won't disappoint you, it will disappoint me, Dad," seryosong sabi ko. 

"It's normal to get disappointed in yourself when you lose... but always be open to that outcome. Being overly competitive is not good for you," he said while driving. 

"I'm not overly competitive," I defended myself.

Maybe I was... pero ayaw ko nang pahabain ang usapan. I had a long day. Pagod na ang utak ko for another debate! Pangatlo na 'yon if ever, at alam kong hindi ako mananalo kay Daddy, kaya huwag na lang! 

"And... You can tell us everything, Nat. The elimination round may be something small for you, but the fact that my daughter is competing... It's already a big thing for me. Please tell me next time. Whatever type of competition it may be, I want to be able to support you." 

"Okay, Dad." Tumango ako. Hindi ko alam na ganoon pala ang iniisip niya. 

September pa ang susunod na competition kaya back to debate training kami after class. Ang bilis lang lumipas ng araw hanggang sa September 7 na. Malapit na ang birthday ko! 

"Mommy! Ayaw ko ng grand celebration, huh!" reklamo ko. Siya kasi ang nag-plan ng birthday ko. "Walang surprise-surprise!"

Ngumuso siya. "Pero naka-reserve na ako ng resort this weekend," sabi niya.

"Eh, basta walang program! Bye, Mommy!" 

Pagkapasok ko ng school ay tanong kaagad nina Caitlyn kung ano ang plano ko sa birthday ko. Weekend pa ang totoong celebration namin. For tomorrow... Wala akong plano. 

Napaangat ang tingin ko nang makita si Yori. Isang linggo na... Isang linggo na niya akong iniiwasan! Hindi ko alam kung bakit! Hindi na siya nakakatawag sa akin sa gabi, tapos maikli na lang din replies niya kasi nakakatulog kaagad siya. Papasok siya palaging puyat, tapos pagkatapos ng training, uuwi kaagad siya! 

Okay, gets ko naman na busy siya. Everyday siyang may training. Alternate training niya sa e-games tsaka sa debate... pero hindi man lang niya ako kinakausap masyado! 

"Good morning," bati niya sa akin bago umupo. 

"Morning," masungit na sabi ko at tumingin sa harapan. 

"Good morning," ulit niya, emphasizing the 'good.' 

"Morning," ulit ko rin. 

"Hey... May problema ba?" 

Wow, iyong problema, nagtanong kung may problema ba! 

"Oo. Ikaw," deretsong sabi ko. "Ito na ba ang sinasabi nilang ghosting, huh? Iyon na ba ang kasunod noon?"

"Ano 'yon?" Hindi niya na-gets.

Hindi ko na siya sinagot dahil dumating na ang teacher kaya nilabas ko na lang ang gamit ko. Noong lunch break, dumeretso kaagad ako kina Caitlyn at sumama sa kanila papuntang cafeteria. Dahil walang PE, long break na naman kami.

Bumili ako ng popsicle at umupo ulit doon sa hagdanan malapit sa garden para walang tao at tahimik. Nag-isip-isip muna ako roon. 

"Pst!" tawag ko bigla nang makita si Jap na dumadaan. Lumingon siya at nagtaka kung saan nanggaling iyong tawag. "Huy, Jap!" Tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako.

Tinuro pa niya ang sarili niya, mukhang naguguluhan kung siya ba ang tinatawag ko o ano.

"Oo, ikaw! 'Lika, dali!" I gestured for him to come closer. 

Umakyat siya ng hagdan at huminto sa tapat ko. "Bakit? Wala si Yori, nasa library, natutulog!" 

"Bakit na naman puyat 'yon? Kakalaro niya siguro!" 

"Huh? He was helping his sister with the restaurant so he could buy you a gift for your birthday."

"Huh?!" sabi ko rin. 

"Oh, secret ba dapat 'yon? Shit..." bulong niya. "Okay, bye!" Nagmamadali siyang tumakbo para takasan iyong kasalanang ginawa niya sa tropa niya. 

Hindi ko alam 'yon! Nagbago tuloy ang tingin ko kay Yori. Mas inintindi ko na ang sitwasyon niya... Pagkatapos kong mag-drama sa kanya kanina. Naawa tuloy ako! 

"Hey." Napaangat ang tingin ko nang dumating si Yori at umupo sa tabi ko. "Why are you-"

"Hindi ako galit sa 'yo! Ha-ha! Joke-joke lang 'yong kanina! May napanood kasi akong movie na ganoon tapos ginaya ko 'yong lines sa 'yo! It's a prank!" bawi ko kaagad. 

Nagsalubong ang kilay niya, hindi ako maintindihan. 

"Basta! Okay tayo!" Binigyan ko siya ng thumbs up. "Dali, thumbs up na." Naguguluhan pa rin siya pero sinunod niya naman. 

"Do you have plans for your birthday?"

"Wala naman!" sagot ko kaagad. 

"Then... Can you celebrate your birthday with me?" tanong ni Yori. 

"Magpapaalam ako kay Daddy!" 

Excited ako sa birthday ko! Ako talaga 'yong taong mahilig sa mga special events! Mahilig sa Christmas, Valentine's Day, birthday, anniversary, ganoon! Basta, mga special day. Gusto kong may celebration, pero gusto ko simple lang. Ayaw ko ng mga program. Gusto ko intimate lang. 

"Saan ba tayo bukas?" 

"At my sister's restaurant." 

Malapit lang naman 'yon kaya pagkauwi ko ay nagpaalam kaagad ako sa mga magulang ko. Huwag lang daw ako masyadong magpapa-late. Sa sobrang excited ko sa birthday ko, halos hindi na ako makatulog! Kinailangan ko pang magbasa nang magbasa hanggang sa makatulog ako! 

Pagkagising ko, bumaba kaagad ako sa dining para kumain ng breakfast. Medyo puyat pa. 

"Happy birthday, love." Nagulat ako nang abutan ako ni Daddy ng malaking bouquet! Every birthday ko, binibigyan niya ako ng bouquet, pero nagugulat pa rin ako! 

"Thank you, Daddy! Ang pretty nito! Thank you! Love you!" I hugged him, and then hugged the bouquet after. 

"Happy birthday, my baby! Since matanda ka na ngayon, here's a gift for you!" Lumapit sa akin si Mommy at pinatalikod ako para masuot ang isang necklace sa leeg ko.

It had my name on it. Estella, with stars. It was in gold. 

"I love it! Thank you, Mommy!" Niyakap ko rin siya. 

"Happy birthday, Ate," bati rin ni Kye. Himala, maaga siyang gumising ngayon, ha! "You wanted this." 

"Ang bebe ko! Sabi mo, ayaw mo akong i-paint!" Niyakap ko siya nang mahigpit kahit sinusubukan niyang kumawala sa akin. He still gave me a small portrait of myself. Ang sweet naman! "Love mo talaga ako kahit hindi mo sinasabi!"

"Let me go!" reklamo niya. Nang makawala, tumakbo kaagad siya palayo sa akin. 

Ang saya talaga ng birthday ko! Good mood tuloy ako pagkapasok sa school. Binati kaagad ako ni Ollie at ni Caitlyn. Ang regalo nila sa akin ay books. Mahilig kasi akong magbasa, tapos hiningi nila ang wish list ko sa books noong isang araw. Bumili sila ng tig-isa para iregalo sa akin. 

"Thank you!" Nag-group hug kami. 

"Omg, Nat!" Akala ko naman si Yori na kung makaalog si Ollie sa balikat ko! Pagkatingin ko sa pintuan ay nakita ko si Seven at Lyonelle na naghihintay sa aking lumabas. Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kanilang dalawa.

"Wow, dinayo ang building ko para batiin ako. Ang sweet naman," pang-aasar ko sa kanila. 

"Happy birthday, Nat." Inabot sa akin ni Seven ang isang box. 

From: 7, Lai, Ate Avi, Celestia, Leone, Kiel

"Awww, thank you!" Pagkabukas ko ng box, puno iyon ng mga favorite kong snacks! Sama-sama na roon ang mga regalo nila. May cookies pa na binake daw ni Celestia, kahit alam kong tinulungan naman siya ni Tita Sam. Basta, maraming gift iyon. 

"Happy birthday. Have a good one." Lai gave me a short hug. Sweet na sana kaso biglang ginulo ang buhok ko kaya hinampas ko siya. 

"We have to go back now. See you this weekend," paalam ni Seven. 

Babalik na sana ako sa room nang may humatak sa palapulsuhan ko. Sumunod lang ako kay Yori hanggang sa makarating kami sa loob ng debate club room kung saan walang tao.

"Happy birthday," bati ni Yori at niyakap ako. 

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Thank you!" 

Pagkabitaw ko sa yakap ay inabutan niya ako ng flowers at isang maliit na box. "I don't know what to get you... but this perfume reminded me of you. The scent has your name... Sweet Estella." 

"Weh?!" Chineck ko ang box. Iyon nga ang pangalan ng scent! Inamoy ko rin at ang bango. "Thank you! Next time, kahit huwag mo na akong bilhan ng gift, okay?! Ayaw kong mahirapan ka pa!" 

"Then, don't get me something for my birthday too."

"Bahala ka riyan!" Tumawa ako at lumabas na ng room dahil nag-ring na ang bell. 

Napuno na naman kami ng pang-aasar nang pumasok sa room dahil may hawak akong flowers, tapos nasa likod ko pa si Yori! Siyempre, hindi ko na ma-deny na wala kaming something dahil mayroon naman talaga!

Pagkatapos ng klase ay sabay kaming naglakad ni Yori papunta roon sa restaurant ng Ate niya. Mukhang kinakabahan pa nga siya habang naglalakad kami. Ano ba ang pinaplano nito? 

"Hi, Estella! Happy birthday!" bati ng Ate niya pagkapasok namin. 

"Thank you po!" 

"The food is ready upstairs," sabi niya kay Yori.

"Thank you. Let's go, Nat."

Umakyat kami roon sa may roof deck. Napaawang ang labi ko nang makitang naghanda pa talaga siya ng dining set-up doon. May couch kung saan kami uupo, tapos naka-set up na ang table. May candles pa nga at flower vase. 

"Ang effort, ha! Thank you!" Umupo kaagad ako sa malambot na couch. Dala-dala ni Yori kanina ang mga regalo sa akin na nilapag niya muna raw sa kwarto niya. 

"Did I go overboard?" tanong niya naman at umupo sa tabi ko.

"Hindi naman! Cute nga, eh!" Pinisil ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. "Hindi ko alam na ganito ka pala!" Natawa ako. 

Ang sarap din ng pagkain. Pagkatapos namin kumain ay kinuha niya ang maliit na cake at sinindihan. 

"Happy birthday, Nat," sabi niya habang nakatakip ang isang kamay sa gilid ng kandila para hindi mawala ang sindi. "Make a wish." 

"A happy and healthy life for my family, friends, and Yori!" sabi ko bago hinipan ang kandila.

"You were not supposed to say it out loud."

Okay na 'yon! Iyon naman palagi ang wish ko kada birthday ko. Nadagdag lang sa wish ko ang pangalan ni Yori. 

"Is it cold? Do you want to go down?" tanong sa akin ni Yori.

"Sige, tara!" 

"You can wait in my room while I clean up."

Hala! Makikita ko na ang kwarto niya! 

Sinamahan niya ako sa loob ng bahay nila. May tanggalan ng sapatos bago pumasok, tapos may available ding house slippers kaya iyon ang sinuot ko. Ang linis ng bahay nila. Parang wala sila masyadong gamit. 

"This is my room. You can wait here." Binuksan niya ang pinto at ang ilaw. 

"Wow, sa video call ko lang nakikita 'to dati, ah." Umupo ako roon sa gaming chair niya at pinaikot ang sarili. "Ang galing! Ang linis ng kwarto mo, ha!"

"Feel free to look around. Magliligpit lang ako," sabi niya at sinara na ulit ang pinto.

Tumayo ako at inikot ang kwarto niya. Napatingin din ako sa desk niya kung nasaan ang mga medals at certificates. May trophies din. Lagi siyang top 1 sa science high school kung saan siya nag-Junior High. 

"Cute," sabi ko nang makita ang 2x2 photo niya malapit sa mga notebook. Kinuha ko iyon at nilagay sa likod ng I.D. ko. Ipapaalam ko kay Yori mamaya. 

Binuksan ko ang notebook niya para tingnan ang lecture notes niya. Napangiti ako dahil ang organized ng sulat niya. Mas lalo akong natawa nang makita ko ang pangalan ko sa baba na dino-doodle niya. Ito pala ang ginagawa niya kapag bored siya sa klase, ha. Sinubukan pa niya akong i-drawing as cartoon character. 

"Crush na crush ako," bulong ko. Akala ko nga ay makikita ko pang fine-FLAMES niya ang pangalan namin. 

"Nat-" Natigilan si Yori nang makita niyang hawak ko ang notebook niya. Inagaw niya kaagad sa akin iyon, namumula ang tainga. "It's nothing!"

"Anong nothing?!" Tumawa ako nang malakas. "Ang galing mo rin pala mag-drawing?"

"I was just bored once!" He defended himself. 

"Sus... Oo nga pala, akin na 'to, ha?" Tinaas ko ang I.D. ko para makita niya ang 2x2 photo niya. 

"Why do you have to take an ugly photo?" 

"Anong ugly?! Hindi, ah!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Cute mo nga rito, eh! Akin na 'to!"

"Then, give me yours too," nahihiyang sabi niya at umiwas pa ng tingin. 

Tumawa ako sa hitsura niya at kinuha ang bag ko para abutan siya ng 2x2 photo ko. Lagi kong baon 'yon dahil baka kailangan sa school. Nilagay niya rin iyon sa likod ng I.D. niya. Nakasabit din doon ang keychain na nakuha namin sa arcade. Ganoon din 'yong sa akin, eh! Gaya-gaya talaga! 

"Hindi ka pa ba hinahanap?" tanong ni Yori habang nakaupo kami sa sahig ng kwarto niya. Nakasandal ang likod namin sa may kama niya. 

"Hindi pa naman..." 

Kumabog ang dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko. He intertwined my hand with his without saying anything. Parang pareho kaming nahiya. Niyakap ko ang tuhod ko gamit ang isa kong kamay at umiwas ng tingin. Ganoon din siya na nakatingin sa kabilang gilid habang magkahawak ang kamay namin. 

"Nat..." tawag niya.

"Hmm?" 

"Daisuki."

Lumingon ako sa kanya, nakakunot ang noo. "Huh?"

He smiled and ruffled my hair. "Nothing. Happy birthday."

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro