04
"Ito ang assignment n'yo. May kailangan akong puntahan kaya kayo na ang bahalang sagutan 'to. Titingnan ko sa Friday."
Nagmamadaling umalis si Sir kaya naiwan kami ni Yori bigla sa library. Mag-five P.M. na at dapat tapos na kami pero may assignment pa! Worse, hindi pa individual assignment! Partners kami ni Yori kaya dapat sabay naming gagawin. Napanguso ako at tumingin sa may bintana. Lumulubog na ang araw kaya ang ganda ng kulay ng langit.
"Gawin natin 'to bukas... kung free ka," sabi ko sa kaniya sabay tingin sa papel. Nagbigay ng tatlong topics si Sir tapos ilalagay namin ang possible na argument ng both sides. Para kaming makikipag-debate sa sarili namin.
"We can just do it offline," sabi niya habang nag-aayos ng gamit.
Ngumuso ako at nagpahalumbaba sa may lamesa. "Ayaw mo ba akong makita bukas?"
Natigilan siya bigla sa pag-aayos ng gamit at matagal na nakatulala sa bag niya bago tumingin sa akin.
"Bakit? Gusto mo ba akong makita?" seryosong tanong niya.
Napaawang ang labi ko at matagal kaming nagkatinginan bago ako napaubo.
"Yuck!" sabi ko.
Inabot ko kaagad ang inuminan ko para uminom ng tubig. After clearing my throat, I stood up and got my things too.
Nauna akong naglakad palabas ng library at sumunod naman siya sa akin hanggang sa makarating ulit kami sa waiting shed. Pagkalabas ko ng phone ko, bigla na lang namatay!
"Hala!" Tinapik-tapik ko pa ang screen. Napataas ang isang kilay ni Yori habang pinapanood ako. "May charger ka? Lowbatt na ako! Magpapasundo pa ako! Hala, hindi ko pa naman saulo number ni Kuya Adrian..." Sa galing kong mag-memorize, bakit hindi ko naisipang i-memorize ang number niya?
"Wala akong charger," sagot niya naman. Napasapo ako sa noo ko, nag-iisip.
"Ah, sa convenience store na lang." May charging station doon! Aalis na sana ako nang magsalita ulit si Yori.
"You're going to wait there alone?"
Kumunot ang noo ko at lumingon ulit sa kaniya. Hmm, wala naman akong choice! Lumubog na ang araw kaya madilim na. Natatakot akong mag-commute pauwi dahil gabi na tapos maglalakad pa ako papunta sa village namin. Hindi ko rin naman alam ang number ng driver kaya hindi ako pwedeng maki-text.
"Bakit? Concerned ka?" pang-aasar ko sa kaniya.
Napailing siya at kinuha ang phone dahil may tumatawag. Naglakad na ako papunta sa may tawiran at iniwan siya roon. Red pa ang ilaw sa pedestrian lane kaya naghihintay lang ako roon.
"Nat!"
Napalingon kaagad ako at nakitang mabilis na naglalakad papunta sa akin si Yori. Nang huminto siya sa harapan ko ay hinihingal pa siya.
"Gutom ka na ba?"
Natawa ako bigla sa tanong niya. "Ang random mo, ha! Bakit mo tinatanong? Ililibre mo ba ako ng dinner, huh?"
"Yes," simpleng sagot niya.
Napaawang ang labi ko at binalik ang tingin sa ilaw. Green na iyon pero hindi ako naglakad paalis. Lumingon ulit ako kay Yori na hinihintay ang sagot ko.
"At paano naman ang phone ko, huh?"
"You can charge at the restaurant."
"Okay!" Mabilis akong kausap! "Let's go!" Nauna na akong naglakad sa kaniya kahit hindi ko alam kung saan 'yon.
Mabilis siyang humabol sa akin at sabay kaming naglakad, nakasuot pa ng backpack. Malapit lang dito ang restaurant nila kaya kayang lakarin. Siguro ay roon siya umuuwi kasi palagi ko siyang nakikitang naglalakad lang pagkasundo sa akin.
"Ililibre niya ako," masayang pagkanta ko habang naglalakad. "Ang sarap talaga ng libre! Buti naisipan mo 'yan, Yori!" Pagkabanggit ko ng pangalan niya ay saka ko lang naalala ang tinawag niya sa akin kanina.
Nat? Hmm, okay... Kung iyon ang gusto niyang itawag sa akin.
"Saan naman galing 'yong Nat?" Kaunti lang tumatawag sa akin noon.
"Your friends call you that."
Ah... Sina Seven at Lai. Narinig niya siguro!
"Bakit? Friends ba tayo?" nang-aasar na tanong ko.
Tiningnan niya lang ako na parang hindi siya natutuwa sa akin bago ako inunahang maglakad. Hinabol ko pa tuloy siya!
"Joke lang! Siyempre, ngayong summer, friends tayo! Pagdating ng pasukan... Hindi na tayo friends," pagbibiro ko ulit.
"Bakit?" seryosong tanong niya.
"Kasi... we're going to be rivals again!" Ngumisi ako.
Pagkatapos ng summer training, balik na naman ako sa pamomroblema kung paano ko siya matatalo sa ibang subjects. Hmm, kailangan kong maging number one sa class. Hindi lang sa class... Sa buong batch. Paano ko gagawin 'yon kung nandito 'tong lalaking 'to?
"Bakit ka kasi nasa HUMSS at hindi STEM kung plano mo palang mag-Electronics Engineering?" nagtatakang tanong ko.
"Bawal ba?"
"Hindi naman." Nagkibit-balikat ako. Hindi naman strict sa strand alignment 'yong ibang universities. "Curious lang! Ano nga?"
"I wasn't sure of what I wanted."
"Hmm, okay! So, saan tayo bukas? Gusto mo sa bahay na lang namin? O kaya sa isang coffee shop! O kaya sa restaurant n'yo na lang... Ay, kaso baka maingay kapag maraming customers. Hmm, sa bahay n'yo kaya? Or... saan pa ba?"
"Ikaw bahala," maikling sagot niya habang naglalakad.
"May alam akong study hub na malapit dito sa school! Doon na lang! Bago lang 'yon kaya wala masyadong tao!"
Sarado kasi ang school library kapag wala naman kaming training kaya kailangan naming maghanap ng ibang lugar. May study hub na nire-rent lang dito. May internet na, may pagkain pa! May mga ready-to-use computers din, pero siyempre, mas okay kapag ikaw ang magdadala ng sariling laptop. Malamig din doon kaya okay na okay! Kailangan ko lang magdala ng jacket kasi baka antukin ako.
Nakarating din kami sa tapat ng Japanese restaurant. Pagkapasok namin ay maraming customers dahil saktong dinnertime. Lumapit kaagad ang Ate ni Yori sa kaniya at nag-usap sila in their language. Nakatayo lang ako roon na parang sira dahil hindi ko maintindihan. Sabi ko nga, dapat mag-aral na akong mag-Japanese! Mabibilib sa akin si Yori niyan! Oh, competitive din ako pagdating sa ibang language.
"Onee-chan..." Tumingin sa akin si Yori at tinuro ako gamit ang palad niya. "She's Estella. Estella, this is my sister, Akemi."
"Hello po, Ate Akemi!" Hindi ko alam kung makikipag-shake hands ako o ano. Ang ganda ng Ate ni Yori! Hindi siya mukhang katandaan. Baka nasa twenty-four years old pa lang.
"Hello, Estella!" Ngumiti siya at kumaway lang sa akin. "Sorry, medyo busy sa restaurant. Upo kayo!" Inayos niya pa ang isang table para roon kami umupo. Mukhang ang bait-bait niya rin.
Tahimik na umupo si Yori sa tapat ko habang hawak ang menu. Binaba ko na rin ang gamit ko at umupo nang umalis ang Ate niya para mag-asikaso ng ibang customers.
"What do you want?" tanong sa akin ni Yori.
"Kahit ano!" Sinandal ko ang siko ko sa may lamesa.
"Walang 'kahit ano' rito," masungit na sabi niya.
"Eh, restaurant n'yo 'to! Ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang masarap!"
"My sister's restaurant, not mine."
"Ayaw talagang magpatalo?"
"Talaga."
Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang menu sa kamay niya. Napaawang ang labi niya at sinamaan din ako ng tingin. Inirapan ko lang siya at nagtingin na ng pwedeng order-in.
"Ito akin." Tinuro ko iyong beef na may rice para maiba naman ang o-orderin ko. Mukhang masarap namang magluto ang Ate niya!
Tumayo siya at siya na ang pumunta sa may counter para um-order. Hindi na siya nagtawag ng waiter kahit iyon naman ang system dito. Kilala na siya ng mga empleyado rito kasi nakita kong nag-chikahan pa sila bago siya bumalik sa table. Pinag-usapan 'ata nila ako dahil tumingin silang dalawa sa gawi ko.
"Ano na namang sinasabi mo sa kanila tungkol sa akin, huh? Sinisiraan mo siguro ako," sabi ko pagkabalik niya sa table. Naglapag na rin siya ng glass of water kaya uminom ako roon. Nakakauhaw rin ang nilakad namin 'no!
"Tinanong niya kung girlfriend kita."
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko pero mabuti na lang at tinakpan niya ang bibig ko ng tissue na para bang ine-expect na niya ang reaction ko. Nilunok ko ang tubig para makapagsalita ako.
"At ano naman ang sinagot mo?" Nagsalubong ang kilay ko.
Nagkibit-balikat siya, nang-iinis. Nilukot ko ang tissue na pinangpunas ko sa bibig ko at binato 'yon sa kaniya. Nandiri kaagad siya at binato 'yon pabalik sa akin.
"Ang charger pala, nasaan?" Nilabas ko ang phone ko.
"I'll get it upstairs." Tumayo siya.
"Dito ka rin ba nakatira?"
Tinuro niya ang taas, ibig sabihin, dito nga rin siya sa building na 'to nakatira. Tatlong palapag lang naman. Ito ang first floor, tapos 'yong second at third floor, ina-assume ko na lang na bahay nila 'yon.
Pinanood ko siyang umakyat sa may hagdanan sa may likod. Lalagpas pa ng counter at kitchen kaya naglaho na rin siya sa paningin ko.
Habang hinihintay ko siya, may narinig akong pamilyar na boses. Pagkalingon ko, nanlaki kaagad ang mga mata ko at parang by instinct, kinuha ko ang menu at tinakip sa mukha ko!
Bakit nandito 'yong dalawa?! Si Lai at Seven! Kapag nakita nilang may kasama akong lalaki at kaming dalawa lang, mang-aasar 'yon! Ayaw ko ngang ma-hot seat!
Dahan-dahan akong yumuko at parang tangang naglakad papunta sa may counter. Halos nakaupo na ako sa sahig dahil nagtatago ako sa likod ng counter!
"Estella?" Napaangat ang tingin ko kay Ate Akemi. Napaayos kaagad ako ng tayo! Hala, nakakahiya naman! "Are you looking for Yori? He's upstairs." Tinuro niya ang hagdan.
"Thank you po!" Nagmadali akong umakyat sa may hagdan. Hindi ko rin alam kung saan ako papunta!
Umakyat lang ako hanggang sa bumukas ang pintuan at halos magkabungguan kami ni Yori. Automatic na nilagay niya ang braso niya sa baywang ko at hinatak palapit para hindi ako mahulog pabalik sa hagdan. Pareho kaming nagulat sa isa't isa.
"What... are you doing here?" nagtatakang tanong niya bago ako binitawan.
"Dito na lang tayo kumain! 'Yong mga tropa ko, nasa baba!" sabi ko sa kaniya.
Napakurap siya saglit, pinapa-sink in pa sa utak niya ang sinabi ko.
"Eh, ano naman?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Aasarin ako noon, for sure! Sige na, Yori! Dito na tayo kumain! Dito na rin ako magcha-charge! Basta, anywhere, huwag lang sa baba!"
At teka... Ang kapal ng mukha noong dalawang 'yon na kumain nang wala ako, ha! Tse-check ko sana ang GC para tingnan kung nag-aya sila kaso lowbatt nga pala ang phone ko.
"Go to the roof deck upstairs."
Iyon lang ang sinabi niya bago bumaba. Umakyat na lang ulit ako hanggang sa makita ko na ang pintuan papuntang roof deck. Namangha kaagad ako dahil puro halaman 'yon at may mga ilaw pa. May wooden tables and chairs din kaya umupo na lang ako roon habang naghihintay. Ang refreshing naman dito.
Pagkaakyat ni Yori, ang dami niya nang dala-dala. Dala niya ang mga gamit namin, tapos pati iyong isang tray ng pagkain namin. Nilapag niya iyon sa wooden table at umupo sa tapat ko. Kumuha na rin siya ng extension at sinaksak doon ang charger. Sa wakas, nakapag-charge din ako. Baka hinahanap na ako nina Mommy!
"Thank you!" masayang sabi ko at kinuha na ang plato ko.
"It's hot-"
"Ouch!" Binawi ko kaagad 'yon at napahawak sa daliri ko gamit ang isa kong kamay. "Aray! Bakit hindi mo sinabi?!"
Tumayo kaagad siya at hinatak ako papunta sa may sink para mahugasan ko ang daliri ko. Hindi naman gaanong masakit at nawala na rin naman habang nakatapat sa gripo.
"Tsk." Mukhang galit pa siya, ha!
"Ano?! Ako na nga ang napaso!"
"I told you, it's hot."
"Too late, chocolate!" Ngumisi ako. Hawak pa rin niya ang kamay ko at tinatapat iyon sa may gripo. "Huy, okay na. Hindi na masakit."
Pinatay niya ang gripo at lumapit sa akin para tingnan ang daliri ko. Masyado siyang malapit! Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya. Umangat ang tingin ko sa kaniya habang siya ay ini-inspect ang daliri ko.
"Okay na..." mahinang sabi ko. "Hindi na masakit."
Nagtama ang tingin namin at hindi niya inalis ang tingin niya hanggang sa umiwas na ako. Binitawan na rin niya ang kamay ko at bumalik na kami sa may table para kumain.
Siya na ang naglapag ng plato ko pero sa ibang part niya hawak para hindi siya mapaso. Habang kumakain ay nag-on na ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng messages na pumasok! Nakita ko rin na inaya pala ako nina Seven pero hindi ako nakapag-reply kasi nga lowbatt ako.
Pero hindi iyon ang problema ko!
"Omg..." bulong ko habang ngumunguya at nakatingin sa inbox ko.
"Why?" nagtatakang tanong ni Yori.
"Galit na galit si Daddy! Tingnan mo, oh!" Pinakita ko pa sa kaniya ang screen. Lumapit siya para makita nang maayos ang maliit na text.
"Nataleigh, answer your phone," pagbabasa niya. "Your mom said you're still not home. Where are you? Are you okay? Please answer me."
Lagot ako! Hindi tuloy ako makanguya nang maayos habang nagta-type ng reply.
"He does not sound mad. He sounds worried," sabi niya naman.
Hindi ko siya pinansin at nag-type na lang ng message. Ise-send ko na lang sa GC ng family para alam na rin ni Mommy. Nakailang texts na rin siya sa akin pero ang daming exclamation marks kaya hindi ko na binasa!
"Nataleigh," ulit ni Yori at natawa saglit.
Tumigil ako kaka-type at sinamaan siya ng tingin. "Tumatawa ka?"
"No." Umiwas siya ng tingin at kumain na lang ulit.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil susunduin na raw ako. Hindi ni Kuya Adrian... kung hindi si Daddy mismo! Kabadong-kabado tuloy akong mapagalitan! Alam kong hilig kong pagtripan si Daddy pero hindi ko kayang gawin 'yon kapag seryoso siya! 'Yong totoong seryoso!
"Huwag mo na akong ihatid, ha!" sabi ko sa kaniya habang kinukuha ang gamit ko.
"Why? I want to apologize to your dad too."
"Huwag na! Una na ako!" Tatakbo na sana ako pababa ng hagdan nang may maalala.
Dali-dali akong tumakbo pabalik. Mukhang nagulat pa siya nang makitang naroon ulit ako. Tumayo ako sa tapat niya at nagpamaywang.
"Ano?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Thanks," maikling sabi ko at tumakbo na.
Nagpaalam na rin ako sa Ate ni Yori bago ako lumabas ng restaurant. Nakita ko na ang itim na kotse ni Daddy na naghihintay sa tapat kaya nagmamadali akong pumasok doon.
"Good evening, Attorney," pormal na bati ko pagkapasok ko ng sasakyan.
Tumingin lang siya sa akin at napailing, saka nag-drive paalis. Ganoon?! Hindi magsasalita! Mas nakakakaba naman 'yon!
"Galit ka, Dad?" I tilted my head to the side so he could see me in his peripheral vision while driving. "Yu-hoo! Hello! I'm here! Galit ka ba, Daddy?" pangungulit ko.
"I'm not mad, Estella."
"Weh? Galit ka, eh." Pinagkrus ko ang braso ko at tumingin sa harapan. "Ganito kasi, Dad, na-lowbatt ako kaya hindi ako nakapagpasundo, tapos naghanap pa ako ng charger! Eh, nagutom ako kaya nag-dinner muna ako habang nagcha-charge! Nanghiram na lang ako ng charger diyan! At least nakapag-charge, 'di ba?! Tapos nandito pa rin ako! Safe and sound!"
"I was just very worried," kalmadong sabi niya. "Please... Don't do that again. Bring your power bank when you're going out."
"Okay!" masayang sabi ko. Okay na, hindi raw siya galit! He was always very particular with my safety.
Grabe, hindi ko alam kung bakit pero pagod na pagod ako pagkauwi! Bumagsak kaagad ako sa kama pagkatapos ng nightcare routine ko. Kinuha ko ang phone ko nang tumunog iyon. Napaawang ang labi ko nang makitang nag-message si Yori.
For the first time ever!
Yori: Are you home?
Napangisi ako habang nagta-type ng reply.
Estella: kapag cnabi kong hinde iikutin m b ang buong mundo para hanapin ak :D
Yori: Even Google translate can't understand what you're saying
Estella: ginoogle translate mo pa ang sinabi ko?! wala yan sa google translate sira hdhafhhjahjs
Akala 'ata niya ay may mga Filipino words siyang hindi alam. Natawa tuloy ako habang nagta-type ulit. Sineen niya na lang kasi ako! Sinend ko ang address ng study hub para alam niya kung saan kami magkikita bukas.
Estella: c u :D
Nag-react lang siya ng like sign sa message ko kaya tinabi ko na ang phone ko at natulog. Maaga rin akong gumising dahil gusto kong makipag-unahan sa kaniya roon! Dapat ako ang mauna! Sigurado akong ako ang mauuna!
Nagsuot lang ako ng simpleng shirt at jogging pants, tapos nagdala ako ng hoodie para hindi ako antukin doon sa lamig!
"Ate! Did you just get my hoodie?!" Narinig ko na ang sigaw ni Kye mula sa taas nang ma-realize na binuksan ko ang cabinet niya.
"Thank you, Kye!" sigaw ko rin at sumakay na sa sasakyan.
Nagpa-drive thru ako ng breakfast at kumain habang papunta roon. Ang aga ko kasi! Confident pa akong mauuna ako roon pero pagkababa ko ng sasakyan, napahinto kaagad ako dahil sabay kaming nakarating ni Yori! Nagkatinginan pa kami, nagtataka.
"I arrived first!" sabi ko.
"No, I did."
"Ako ang nauna, excuse me!"
"I walked, and you rode a car. I won."
"Ano naman ang connect, huh?! Calculate the distance, and you'll know who won! Nauna ako kahit mas malayo ako!"
"Bakit? Naglakad ka rin ba?"
"Anong oras ka nagising?" paghahamon ko pa.
Napailing na lang siya sa akin at nilagpasan ako para maunang pumasok sa loob. Sumimangot ako at sumunod sa kaniya. Nag-rent kami ng space na may pillows at tables para comfortable. Tahimik doon sa study hub dahil kaunti lang ang tao at lahat ay busy nag-aaral.
Iniwan na naman ako ni Yori pagkabayd niya! Inunahan na naman ako! "Hoy-"
"Shush," sabi niya para inisin ako.
Ang aga-aga, binibwisit niya ako! Grabe talaga ang talent ng lalaking 'to! Nababawasan na nga ang inis ko, tapos dino-doble niya kinabukasan. Ang galing niya, huh!
Tinanggal na namin ang shoes namin at umupo roon sa malambot na sahig. Nilabas ko na rin ang laptop ko at nag-connect sa internet. Naghati kami ng side para hindi magulo.
Abala kami sa pagre-research at pagta-type ng mga possible na argument namin, tapos kapag mayroon na ay sinasagot namin ang isa't isa. Iyon lang ang laman ng paper.
"If I were you, I would not word it like that," sabi niya sa gawa ko. "It's easy to find loopholes when using these words..." He highlighted the words in the document.
"Eh, iyon kaya ang nasa research! Tingnan mo pa!" Pinakita ko ang laptop screen ko.
"Shush..." Nilagay niya ang daliri niya sa labi niya para patahimikin ako dahil nga nag-aaral 'yong ibang tao. "Lower your voice."
Noong break time na namin ay tumayo siya para bumili ng inumin at pagkain. Pagkabalik niya, nilapag niya ang tubig sa harapan ko at umupo na sa tabi ko.
"Thank you," mahinang sabi ko.
Natapos na rin naman namin nang maaga ang ginagawa namin. Mga three o'clock na namin napagdesisyunang tumayo at lumabas ng study hub. Hindi pa ako nagpapasundo dahil masyado pang maaga. Gusto ko pang gumala.
"Uuwi ka na?" tanong ko kay Yori. Nakatayo lang kasi siya sa tabi ko, mukhang may hinihintay.
"Ikaw?" tanong niya pabalik.
"Hmm, gusto ko pang gumala! Hahanap muna ako ng bilihan ng meryenda! Ice cream ulit! Sama ka?"
"No." Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad paalis. Sumunod naman ako sa kaniya. Nang mapansin niyang nasa likod niya ako ay lumingon siya sa akin. "Bakit?"
"Ako na lang ang sasama sa 'yo!"
Napabuntong-hininga siya. "Fine, let's get ice cream."
Pumalakpak ako at tumalon-talon pa. Hinatak ko siya sa sleeves ng shirt niya papunta sa may ice cream shop. Wala na siyang choice kung hindi sumunod sa akin.
Bumili ako ng malaking bowl ng banana split tapos share na lang kami. Inabutan ko siya ng isa pang kutsara at sabay kaming kumain. Sarap talaga ng malamig na pagkain sa tag-init! Grabe, napakainit sa labas. Pati 'yong hangin ay mainit din!
"May girlfriend ka na?"
Muntik na niyang madura ang kinakain niya dahil sa tanong ko. Bigla na lang pumasok iyon sa utak ko. Curious lang din.
"Okay, alam ko namang wala. Mukha namang wala, eh," kaswal na sabi ko.
"Ano'ng pinapalabas mo?" Mukhang na-offend pa siya.
Tumawa ako nang malakas at napatakip sa bibig ko. "Hindi, puro ka kasi aral, eh! Ang seryoso mo pa! Sabagay, dapat naman aral muna talaga! Masyado pang maaga para sa mga lovelife-lovelife na 'yan. Ako rin, eh. Hindi ko pa naman 'yon iniisip."
"A-huh..." Tumango siya.
Sa haba ng sinabi ko, iyon lang ang ni-reply niya. Bwisit talaga 'to.
Tiningnan ko ang phone ko nang makitang nag-message ang kaklase ko sa group chat ng class, nag-aayang manuod ng sine sa Saturday. May bagong labas daw kasi na movie galing sa comics.
"'Di ba mahilig ka sa comics?" sabi ko kay Yori at pinakita sa kaniya ang message sa group chat. "Pupunta ka? Pupunta best friend mo, oh!" Turo ko sa nag-reply ng 'G.' Si Jap 'yon. Sumunod naman ang iba kong mga kaklase, kasama sina Caitlyn at Ollie.
Nagkibit-balikat lang si Yori habang kumakain ng ice cream. Hindi ko alam kung oo ba 'yon o hindi!
"Tara, punta tayo!" aya ko sa kaniya. "Punta tayo, ha!"
Caitlyn: sino pang pupunta? punta ka ba sis ko @Estella sama mo na si... hehehe
May nag-chat na kaklase ko tapos minention si Yori. Ang daming heart reacts! Ano ba 'yon?!
Kinuha ni Yori ang phone niya at nag-reply sa GC.
Yori: Yeah, we're going.
Hala, mas lalong dumami ang heart reacts at sunod-sunod ang chat ng 'Yieee' sa group! Napakurap ako. Gusto ko sanang mag-type pero hindi ko alam ang sasabihin ko!
Ollie: magkasama?!?!?! bakit may 'we'?!?! magkausaaap?!?
Estella: ANG ISSUE HA
Hindi na nga ako nag-chat doon! Binaba na rin naman ni Yori ang phone niya at nag-focus na lang sa ice cream.
Kinabukasan noon ay may training lang ulit kami, pero the usual lang naman ang nangyari. Nagsimula na rin 'yong ibang members sa debate team na mag-training kaya dumami na ang kasama namin sa library.
Noong lunch break ay nilapag ulit ni Yori ang lunchbox sa tapat ko. Lagi na niya akong dinadalhan ng lunch dahil palagi ko rin talagang nakakalimutan. Naging habit na 'ata 'yon sa aming dalawa.
"Sino'ng may gusto ng ice cream?!" Pumasok iyong isang member ng debate team. Sa team competition siya. Taga-STEM.
Puno pa ang bibig ko nang tinaas ko ang kamay ko. "Me!"
Lumapit 'yong lalaki at binigyan ako ng ice cream mula sa plastic. Ang dami niyang binili. Nang makita niya ako ay natigilan siya saglit bago umiwas ng tingin.
"Thank you! Ano'ng name mo?" tanong ko habang binubuksan ang ice cream. "Gusto mo?" bulong ko kay Yori na nasa tabi ko lang.
Umiling siya at tumingin doon sa lalaki na nakatitig na sa akin ngayon.
"Ah... Marius. Rus na lang," pagpapakilala niya at inalok ang kamay niya. Nakipag-shake hands naman ako.
"Estella," pagpapakilala ko rin. "HUMSS ako. Grade 12."
"Ako rin, kaso STEM!" Ngumiti siya. "Kaya pala ngayon lang kita nakita. Magkaiba pala tayo ng strand! It's hard to miss someone like you around here in the campus."
Tumawa ako. "Malaki rin 'tong campus..."
"I'll get a drink," sabi ni Yori sa akin at naglakad palabas.
Tumayo rin ako at kinuha ang wallet ko. "Sige, Rus! Nice to meet you!" sigaw ko at sumunod kay Yori para bumili rin ng inumin. Dala-dala ko pa ang ice cream ko.
Parang gusto ko ng fruit shake. May tindahan sa labas, malapit sa may convenience store.
"Ano'ng bibilhin mo?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya at hindi ako sinagot. "Bili tayo ng fruit shake! Samahan mo ako!" Hinatak ko ang sleeves ng polo niya.
"Ayoko," sabi niya at naglakad ulit habang nakapamulsa.
"Ang damot mo! Buti pa si Rus, mabait!" Sumimangot ako sa kaniya.
Napahinto siya bigla sa paglalakad.
Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib. Nang lumingon siya ay tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang nainis siya lalo sa sinabi ko.
"Saan ba?" iritang tanong niya.
Ngumisi ako at masayang naglakad papunta roon sa bilihan. Sumunod naman siya sa akin. Hindi siya nagsasalita habang hinihintay ang order namin. Ang init na naman. Sumilong na lang ako sa may gilid kung saan hindi abot ang sinag ng araw.
Nakasimangot siya at nakatingin lang sa harapan habang nakapamulsa. Ako, inuubos na ang ice cream na bigay ni Rus.
"Nagalit ka ba sa sinabi ko? Joke lang 'yon, eh!" sabi ko sa kaniya.
Umiling lang siya at kinuha iyong dalawang shake na binili ko. Inabot niya sa akin ang isa at nagsimula nang maglakad pabalik.
Grabe, nabadtrip talaga si Yori at hindi na niya ako masyadong kinakausap hanggang uwian! Umupo ulit ako sa waiting shed at nakatayo na naman siya roon, nagbabasa ulit ng comics at naka-earphones.
"Kahit galit ka, hinihintay mo pa rin akong makauwi, huh..." natatawang sabi ko.
Nakita kong tumigil ang mga mata niya sa pagbabasa. Oh, naririnig pala niya ako!
Sus... Napansin ko na 'yon! Wala naman pala siyang hinihintay rito kung hindi ako!
Tinago niya ang comic book sa bag niya at nagsimula nang maglakad paalis. Natawa ako! Iiwan niya talaga ako rito?!
Noong medyo malayo na siya, huminto siya sa paglalakad at bumalik sa kinauupuan ko. Napangisi ako.
"Oh, bakit ka bumalik?" tanong ko.
"I left something."
"Ano?"
Umupo siya sa tabi ko at yumuko. May pinulot siyang piso sa may ilalim ng upuan tapos nabitawan niya kaya tumayo siya at hinanap 'yon. Noong dumating na ang sundo ko, pinulot na niya ulit 'yon at naglakad paalis nang walang pasabi.
Binuksan ko ang bintana nang kaunti nang madaanan siya ng sasakyan habang naglalakad siya. Sana marinig niya pa rin.
"Bye, Yori!" sigaw ko at kumaway pa na parang makikita niya ako.
Kinabukasan, akala ko ay hindi siya tutuloy sa gala namin pero kami pa ang naunang dalawa sa meet up place. Nakasuot siya ng white shirt, cotton jacket, tapos pants.
"Good morning!" bati ko sa kaniya. Naka-fit cropped top lang ako at flare pants. "Kanina ka pa nandito?"
Umiling siya.
"Galit ka pa rin ba kasi cinompare kita kay Rus?" natatawang tanong ko. "Sorry na! Joke lang 'yon! Mas magaling ka pa rin makipag-debate doon! Iyon nga lang, pinakamagaling ako. Tsaka hindi ka naman madamot kasi binibigyan mo nga ako ng pagkain!"
Tumingin siya sa akin at may kinuha sa buhok ko kaya natigilan ako. Inabot niya ang clip ko na natanggal.
"Paayos na lang, please," sabi ko.
Lumapit pa siya at inayos ang buhok ko bago nilagay ang clip doon.
"Yieeee!"
Sabay kaming napalingon nang makita 'yong iba naming mga kaklase na kararating lang at nasaksihan pa 'yon! Lumayo kaagad si Yori at pumunta kay Jap habang ako ay pumunta kina Caitlyn at Ollie! Ano ba 'yan! Inulan na naman kami ng pang-aasar!
"Nahiya pa kayo! Magtabi na kayo maglakad!" Tinulak-tulak pa ako nina Ollie pero umiling ako at yumakap sa kanilang dalawa.
"Nagkakamabutihan sa summer?!" pang-aasar din ni Caitlyn. "Aba, aba! Hindi namin alam 'to, ah!"
Noong bumili na ng tickets ay pinagtabi pa nila kami ni Yori! Naging awkward tuloy kami dahil may mga nang-aasar sa amin! Hindi ko alam ang iaakto ko!
"Guys, maghawak-hawak tayo ng kamay," sabi ng isa kong kaklase habang nasa sinehan at hindi pa nagsisimula. Ano ba 'yan!
Hindi ko nga sinunod! Hindi rin sila pinansin ni Yori. Pati iyong best friend niya na si Jap ay tumatawa habang may sinasabi sa kaniya. Nang-aasar din 'ata!
Hindi na rin kami nagpansinan ni Yori kahit noong nagsimula na ang movie. Mahirap na 'no! Baka asarin na naman kami.
Bakit kasi?! Magkaklase lang naman kami, tapos partners sa debate! Ano naman ang kaasar-asar doon? Lahat na lang binibigyan ng meaning! Siyempre, magi-interact talaga kami kasi kailangan! Tsaka kalaban ko 'yan, 'no!
Si Yori 'yan! Ilang beses din akong natalo niyan kaya hindi pwede! Summer lang ngayon, pero tuloy ang laban kapag nasa klase na!
Tama na nga! Nag-focus na lang ako sa movie. Pinainom pa ako ni Caitlyn sa fruit shake niya kaya nilamig ako lalo. Bakit lumamig dito sa sinehan? Dapat pala ay nag-jacket din ako.
Napatingin ako sa binti ko nang may magpatong ng jacket niya roon. Umangat ulit ang tingin ko kay Yori pero nanonood lang siya at nakakrus na ang braso sa dibdib. Naiwan na lang siya sa puting shirt niya.
Ibabalik ko ba o ano? Kapag sinuot ko, aasarin na naman kami tapos iisipin nila na may something. Kapag binalik ko naman, eh di nilamig pa rin ako!
Bakit niya naman kasi binibigay? Ganoon ba siya kabait, huh? Ni hindi ko nga sinabing nilalamig ako! Paano niya nalaman?!
"Okay lang ako." Binalik ko na lang ang jacket sa binti niya.
"Yori, gagamitin mo jacket mo? Pahiram naman!" Napatingin ako kay Veena, 'yong kaklase rin naming babae. "Lamig, eh!"
Tahimik na inabot ni Yori kay Jap ang jacket at pinasa naman ni Jap kay Veena.
Ah... Okay.
Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib at tahimik na lang na nanood. Hindi ko na kinausap si Yori at hindi na rin naman siya nagsalita.
______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro