Chapter Two
Eirene
"Can you pull over, mister? Right there."
May malawak na ngiti na gumuhit sa aking labi ng bumaba ako sa taxi. Agad akong niyakap ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maiwasang manginig sa lamig dahil 'di naman ako sanay sa ganitong klima. Sanay na sanay na ang balat ko sa klima na meron ang Pilipinas. The bustling, vibrant, multiclutural and cosmopolitan vibes welcomed me warmly despite the cold weather.
I'm in London, finally!
Walang niyabe na bumabalot sa daan ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin. Paskong-pasko na kung pagbabasehan ang panahom dito kahit matagal pa sumapit iyon.
"Ms. Eirene Diaz?" tanong na pumukaw sa akin.
"Hi there! I am Eirene Diaz." Agad na lumapit sa akin ang Briton na tumawag sa aking pangalan. "Is this the apartment building?"
"Yeah, so, shall we?"
Ngumiti ako ulit. "We shall!"
Magkatulong namin binitbit ang mga bag ko. Nang makapasok na kami sa loob, tumambad sa akin ang magandang staircase na gaya sa mga royal houses. Para akong pumasok sa classic regency films na pinapanood ko gaya ng Pride and Prejudice, Bridgerton, Persuassion. I feel like a lady all of a sudden, but when I realize that I have a lot of luggage, my shoulder went down.
"Nice staircase... Which floor?" I curiously asked,
"Fourth floor."
Wala sa sarili akong napatingin sa mga bagahe ko na dala. I have a big luggage, bug duffle bag and a box of my office things.
"Don't you have a lift here?" Nang umiling ang lalaking kasama ko. "I guess I need to start climbing the stairs now."
Iniwan ko muna ang mga libro ko kay Marishka. Sinabi ko na padadalhan ko siya ng pera bayad sa utang ko saka pampadala ng aking naiwan. Mabuti ang napilit ko iyon na pahiramin ako kung 'di mapapalampas ko ang pagkakataon na ito. Kaso umpisa palang, pasakit na ang hagdan na ito kahit maganda. Kahit tinulungan ako ng kasama ko, hindi ko pa rin maiwasan na hingalin at mapagod.
These stairs prove to me that I am not in good shape anymore.
"Sa wakas!" bulalas ko nang makarating na sa palapag na sinabi sa akin ni Michael. Habang nagbubuhat kami, kinausap ko siya at nalaman ko na Michael ang pangalan niya.
"What is it?" Tumingin ako kay Michael agad. Pakiramdam ko na-haggard siya sa pagbubuhat pero hindi lang marunong magreklamo. "Anyway, here is your aparment unit," aniya sa akin at sinusian na ang apartment ko. Pinauna niya ako pumasok sa loob bitbit ang designer bag ko. Ito na lang natira dahil itong nanay ko, pinagbebenta pala para magkapera.
"Is that the London Bridge?" tanong ko. The majestic view of the bridge amazes me more. I think I'm going to love this place! This is more than what I've read in novels and online articles.
"You mean the Tower Bridge?"
Oo nga pala iyon ang tawag ng mga Briton sa pamosong landmark nila. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. London Bridge refers to the late Her Majesty as her death code. Now that London is in his new era, Londoners have to embrace the changes slowly.
Wait, am I a Londoner now?
Not until I applied for a citizenship card or, if possible, married a citizen. I think the latter is a much better idea.
"Uhm, Ms. Diaz?" May kamay na kumaway-kaway sa harap ko.
"Yes! I'm sorry. I-I spaced out a bit. You know, daydreaming." Natatawa kong sambit ngunit walang epekto kay Michael. "Uhm, the bridge is so majestic!"
Michael chuckled upon hearing my remarks. "Here is my card and your apartment key." Tinanggap ko ang inabot niya saka muli tumingin sa Tower Bridge. "Do you have time today for coffee? I can tour you around if you want."
Tumingin ako kay Michael. "Tempting, but I'll pass. I have a job to attend to today."
"All right. Enjoy your stay, and welcome to London, Eirene."
I waved my hand at Michael. After he left, I glanced at the majestic view in front of me again. It is a warm welcome from a cold country indeed. Malalim ako huminga at ngumiti sa harap ng camera ko.
It's Eirene in London!
***
Walking in the grounds of Canary Wharf makes me feels like conquering the world of lions in the business field. Kung kanina pakiramdam ko ay nasa classic novels ako dahil sa vibes ng apartment building na tinitirhan ko, ngayon naman nasa tunay na akong mundo. Fast forward to what I aim here in London. I'm here for a job and to find my father.
Speaking of my father, wala pa siya reply sa email ko. Umaga naman ngayon dito. Bakit kaya?
Mag-email na lang ako siguro ulit mamaya kapag may libreng oras sa trabaho.
Bitbit ko ang aking portfolio, kopya ng resumé pati ibang requirements na inayos ko sa Pilipinas bago ako pumunta dito. Mahirap at maraming pila akong naranasan dahil hindi lang naman ako pinay na magta-trabaho sa ibang bansa. Marami akong kasabay at iba-iba ang kaso nila. Sa pagkuha naman ng working visa madali lang naman ako nakakuha bukod kasi na may job offer na ko, naayos ko na rin pati titirhan ko rito.
Online ko nakilala si Michael na akala ko'y scammer pa noong una. Napatunayan ko naman na hindi dahil hinarap niya ako at sinamahan sa aking apartment.
Natigil ako sa pag-iisip ng huminto ako sa harap ng matayog na building ng Gridley Construction Group. Dalawang building iyon na nahahawig sa Petronas Tower ng Malaysia. May walkway na nagdudugtong sa dalawang gusali na gothic ang estilo. Kung titingnan aakalain mo na simbahan ngunit karamihan naman ng gusali rito ay pareho lang nito.
"Hi! Good morning! I have an appointment with Ms. Gwendolyn McNeal of the HR department today." Pinakita ko sa kanya ang kopya ng email ni McNeal at agad naman nila ako inasikaso. May isang sumama sa akin papunta sa HR department.
Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling makikita ko si Papa. Dito siya nagta-trabaho at iyong company logo din ang gamit sa email na natanggap ko last month.
"Here, ma'am. Kindly wait for Ms. McNeal here," sambit sa akin ng sumama sa akin hanggang sa conference room.
"Uhm, wait, is there a way I can check the name of employees here?"
"Through an employees database, but it's in the north wing of this building, and you can only have access once you have a company ID." I am technically hired, but I need an ID to have access. Gaano kaya katagal magkaroon ng ID dito? "Do you know someone who's working here, ma'am?"
"Yes, my father."
"Do you have at least a name? Maybe, I know him."
"Jaziel."
That name changes the woman's expression on her face. Mula sa pagiging maliwanag ay tila dumilim iyon na para bang may nasabi akong masama. Mabuti at tumunog ang cell phone nito kaya pumaling sa iba ang tingin. Ano kaya problema sa pangalan ni Papa? Parang horror name ba iyon?
"Ma'am, Ms. McNeal is currently stuck in our south wing building opening today. She asked you to come back later. You can stay in our cafeteria downstairs if you want."
"Where is that?" tanong ko na agad naman sinagot ng aking kausap with matching pagturo pa ng direksyon.
Lahat tinandaan ko at nagsimula ako maglakad-lakad sa kabuuan ng GCG UK. Maganda din pati sa loob at masasabi na state of the art ang pasilidad na aking makita. Mula sa electonic gate hanggang sa elevator na salamin. I've seen this in Hong Kong and maybe the architect of this building got inspired by those. Naagaw ng mga muwebles ang pansin ko na pulos limited na sa market at halatang exported ang mga iyon.
Sa kakalakad, halos hindi ko na namalayan na maling daanan na pala ang tinahak ko. My feet brought me in the newly opened south wing of GCG where a gathering currently happening. I circled my eyes until it stopped to a banner not far from me.
Jaziel.
May dalawa pang pangalan na nakasulat sa banner ngunit mas natuon ang atensyon sa naunang nabasa. It was my father's name! I have to meet him right away. Baka mamaya hindi pala niya natatanggap ang email ko dahil sa pagiging abala. I immediately go downstairs and swam the crowd.
"Excuse me." Tumingin sa akin ang isang lalaki at agad naman ako pinaraan. Inulit ko ulit ang salitang iyon upang makiraan sa sa kumpol ng mga tao na nasa baba.
Ang dami namang tao dito.
"May I have the attention of everyone please?" Patuloy pa rin ako sa paglalakad palapit kahit ang iba ay nakatuon na sa maliit na stage ang tingin. "It's been a great pleasure to have you all here to celebrate, not only for the opening of our south, but also for my father's birthday, Architect Jaziel Gridley."
Architect...
Arkitekto ang tatay ko? Kaya naman gaya niya rin ako na mahilig magdisenyo. I have an artistic roots and this company where I'm about to work is my father's blood, sweat and tears.
Wait a minute...
Tama ang dinig ko. Tatay din noong nagsasalita si Papa ko. Ibig bang sabihin hindi lang kami ni Mama ang pamilya niya? May kapatid ako?
"You may take the stage now, Dad."
Narinig ko pa na pakiusap ng lalaki sa stage. Mas malinaw at mas malapit na dahil ilang dipa na lamang ang layo ko. Sinundan ko ng tingin ang inabutan ng lalaki ng mic. The man is obviously as tall as the other man who handed him the mic. But my father's aura quite brighter than the other.
He was my father and he must knew that his daughter is here to meet him. Doon, hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinawag siya.
"Papa!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro