Chapter Twenty-Six
Eirene
I AM in the tallest building here in Baltimore, staring blankly at the view down under. Parang maliliit na alitaptap iyong ilaw ng bawat sasakyan na naiipit sa traffic ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako narito ngayon o kung ano ang ba ang ibig sabihin nang nagyayari sa 'kin? Mariin akong humawak sa railings at mas dumungaw pa.
"Eirene..." Napalingon at agad ko nakita si Cashmere na lumabas mula sa kung saan.
"Cash? Why are you here?" tanong ko ngunit imbis na sagutin ay niyakap niya ako nang mahigpit. "What's wrong, Cash?" Bahagyang lumuwag ang yakap niya sa akin ngunit hindi pa rin siya sumagot.
"I'm leaving soon. I want to know if we're on the same side, Eirene. Kung sasama ka ba sa akin pabalik ng London."
"Eirene..." Tawag na muling nagpalingon sa akin at siyang dahilan para tuluyan ako kumalas sa yakap ni Cashmere. "Hindi ka puwede sumama sa kanya at ilayo sa akin si Mara."
"Riggs, nandito ka rin? A-ano ba nangyayari?"
"I can give you and Mara a home filled with love in London."
"Your home is here Eirene. Kahit naman naging magka-iba ang landas na tinahak natin mahalaga ka pa rin sa akin. Kayo ni Mara, mahalaga kayong dalawa sa akin."
"I love you, Eirene. We have already wasted seven years of our lives, and I won't let you go again. Not this time."
Pauli-uli ang tingin ko sa kanilang dalawa at naguguluhan pa rin ako. Gulong-gulo ako isip ko kung ano pipiliin ko, iyong buhay ba dito sa Baltimore o ang bagong simula na alok ni Cashmere sa akin sa London. I'm really torn in between two choices served in my plate right now.
"Eirene, sa akin ka makinig," sambit pa ni Riggs.
"Think of a better tomorrow with me in London. Mara, as well as your mom, will like to live there." Alok naman ni Cashmere sa akin.
Napatakip ako sa magkabila kong tainga. Ayoko na makinig sa kanila. Kailangan ko makaalis dito. At may kung anong tumulak sa akin dahilan para malaglag ako sa building na kinaroroonan namin.
"No!" sigaw ko nang magising matapos malaglag sa building na panaginip lang pala. Nagtahip tahip ang aking dibdib dahil sa kaba at sobrang emosyon na aking nararamdaman ngayon. Pati sa panaginip ay nalilito ako. Tapos naroon pa ang mga nagpapalito sa akin ngayon.
Marahan ko inalis ang kumot na nakatabing sa kalahati ng katawan saka hinawi ang buhok at nilipon iyon pataas. Dinampot ko ang ipit sa bedside table na siyang ginamit ko sa buhok at tumayo saka tumungo sa banyo. Humarap ako sa may kalakihang salamin at matamang sinipat ang aking repleksyon. Kailangan ko na magkaroon ng desisyon agad pero palaisipan bakit kasama si Riggs sa panaginip ko.
Dahil ba sa ginawang pagkausap sa akin ni Claudia noong nakaraan? Kung paano nagbago ang isip ng dati kong asawa at hindi tumuloy sa bakasyon nila sa California saka Hawaii. Claudia said it's all because of me and I think I have to talk to Riggs.
But I have a date with Cashmere today...
Nasapo ko ang ulo ko gaya sa aking panaginip. Nakakalito talaga!
"MAMA, can I have pancakes for breakfast?" tanong ni Mara na narinig ko naman pero ewan ko ba at hindi ko agad sinunod.
Tulala pa rin ako habang hinahalo ang kape na tinimpla kani-kanina lang. Kahit iyong kwento ni Mama tungkol sa rehab center na pinasukan niya ay naririnig ko rin ngunit hindi nag-si-sink ang thoughts. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kakulangan ko sa tulog o iyong weirdong panaginip na naman. Napapagod na ako kakaisip kung sino ang kikitain ko para makausap.
New Year's eve na bukas dito sa Baltimore at nag-usap kami ni Cashmere na magkasama mamimili ng lulutuing handa. Extra special dahil kasama ko si Mara at Mama ngayon. Natupad ang pangarap ko na kumpletong pamilya sa isang iglap.
"Nak, pancakes daw ang gusto ng anak mo na almusal." Pukaw ni Mama sa akin. Sandali ako tumingin sa kanya tapos binalingan ko na si Mara. Agad ako naghanda ng mga gagamitin para sa pancakes ni Mara at sa sobrang abala hindi ko namalayang nilapitan na pala ako ni Mama. "Ayos ka lang, nak? May problema ba?"
"Naguguluhan ako, 'Ma," pag-amin ko pero alam ko na hindi iyon malinaw kay Mama.
"Tungkol ba iyan kay Cashmere? Mabait naman iyong tao at mahal na mahal ang anak mo. Iyong sa dati mo namang asawa, si Riggs, mabait din iyon at concern pa rin sa inyo kahit may kanya-kanya na kayong buhay dalawa."
"Mama, doon nga po ako naguguluhan. Ang gusto po ni Cashmere, sumama ako sa kanya sa London."
"Kasama si Mara?"
"Siyempre naman po, 'Ma at pati ikaw kasama."
"Aba, eh, teka hindi ba parang magulo. Ito bang mga magulang ni Cashmere ay tanggap na may anak ka?" Umiling ako. "Abay, ayusin mo muna, Eirene. Hindi maganda na susugod ka doon na 'di sigurado." Hinawakan ni Mama ang magkabila kong braso. "Alam ko na mahal mo si Cashmere pero pag-isipan mo pa rin maigi."
"Mama, Tito Cash is here!"
Lumingon kami sa gawi ni Mara pero wala na siya sa lamesa kung saan ko siya huling nakita.
"Ako na gagawa niyan. Asikasuhin mo na ang bisita niyo."
"Anong gagawin ko po 'Ma?"
"Magbakasyon ka kasama niya. Nandito naman na ako. Ako na bahala kay Mara basta ituro mo lang pasikot-sikot dito sa Baltimore."
"Kararating mo pa lang tapos aalis ako. Hindi pa tayo nakakapag-bonding."
"Puwede naman natin gawin iyon pagbalik mo saka hawig mo si Mara kaya parang kasama na rin kita. Madaldal pa iyong apo ako. Ikaw na ikaw talaga maliban na lang sa pagiging inglesera niya." I smiled. "Asikasuhin mo na ang bisita mo bago ka maunahan ng anak mo."
Right. Kapag nag-ayang maglaro si Mara, mahirap na hiramin si Cashmere dahil matagal talaga sila maglalarong dalawa. Dali-dali akong lumabas at nabungaran na magkatabi sina Mara at Cash.
"Hey, did you sleep well last night?" tanong ni Cash sa akin.
"Yeah, medyo late lang ako nakatulog." I accepted the coffee he brought for me and took a sip from it. "Mag-a-almusal lang si Mara tapos maliligo. Isama natin si Mama para makita niya ang buong lugar."
"Me! I'll tour Lola here. We will go to my favorite playground, arcade, and toy store!" Singit ni Mara na nagpatawa kay Cashmere.
"I guess I cannot let you alone with your Lola, sweetie,"
"Why? I am a good girl, Mama." Tumingin ako kay Cashmere. Sobrang matured lang talaga ng anak ko at alam niya kung ano meron sa amin. "Mama, you can have a vacation with Tito Cashmere. Just don't forget my pasalubong."
Ayos talaga itong batang 'to. Lagi kami magkasama pero ngayon ko lang napansin na ganito na pala siya ka-matured. All I thought my ex-husband was joking.
"You heard the kid, Eirene,"
Pinaglapat ko ang labi ko habang nakatingin kay Cashmere. Hindi pa ako nakakapag-decide. Kakausapin ko pa si Riggs dahil kasama siya sa panaginip ko kahit hindi ko pa alam kung bakit.
"We'll talk about that later. Let's have some breakfast first."
Iwas ko saka inaya na si Mara pabalik sa dining area. Lumingon ako ulit kay Cashmere at doon pa lang siya sumunod sa amin. Alam ko na pakiramdam niya'y nababalewala ko ang effort na binibigay. Ngunit naiipit talaga ako sa pagitan ng dalawang choices na meron ako ngayon. Ano ba ang dapat ko gawin?
Ano ba talaga ang dapat?
AFTER ng grocery bonding, umalis si Cashmere para kitain si Miss Bia. Naiwan sa bahay si Mara at Mama habang ako ay narito kasama si Lindsay at Marishka. Sabi ni Mama puwede naman akong gumala kaya heto nga't kasama ko na ang kaibigan ko.
"Lind, does Riggs and Claudia's relationship on the rocks?" It's an out-of-mind question that Marishka didn't expect.
"Is this the reason why we're here, hanging out?" Marishka says, looking at Lindsay in disbelief.
"I heard from my husband that they're fighting over simple things, which is normal for me. Javi and I are fighting too about our dinner dish, when I'm asking what to wear, etc. So, it's normal, Eirene. You know the guy, he won't rest a fight until Claudia back off and admit she's wrong."
Gano'n nga si Riggs. Compromise talaga ang kailangan kapag si Riggs ang karelasyon.
"Why are you asking Lindsay about your ex-husband? Aren't we supposed to talk about Cashmere?"
"Claudia visited me, saying that Riggs is having second thoughts. He's also never mentioned re-marriage in every topic they talked about." Nakita ko na nagkatinginan sina Lindsay at Marishka. "I know I shouldn't think about them because it's out of my concern anymore, but I'm torn."
Inumpisahan ko na i-kwento ang weirdo kong panaginip sa kanila at bandang huli ay tumawa lang dalawa.
"Your ex-husband doesn't have a say in whatever decision you make. If you want to stay in London, go. Your business here will operate even if you're there," Lindsay says after sipping her wine glass.
Siya ang nagdala sa akin dito sa Baltimore dahil naniwala siya na meron ako kaya pang patunayan. Nakamit ko nga iyon at may sarili na akong opisina na pinamamahalaan ko katulong ni Marishka.
"Girl, matagal mo hinintay ito. Ngayon ka pa ba aatras at magdadalawang isip dahil lang sa ex-husband mo," ani Marishka sa akin na inisip ko namang mabuti.
Tumingin ako sa labas ng kinaroroonan naming hotel matapos sumimsim sa wine glass na hawak. I have to come up with a decision now and whatever it will be it's for the better...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro