Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-One

Eirene

“RIGGS, you can borrow Mara in any other. Iregalo mo na sa akin ang Pasko at Bagong Taon.”

Taon-taon na lang ako nakiki-usap sa lalaking ito sa tuwing sasapit ang season of holiday. Taon-taon ko na lang din pinapa-alala sa kanya na importante na kasama ko si Mara sa Pasko at Bagong Taon. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko noong sinagot ko si Riggs at pinakasalan. Akala ko kasi talaga makakatagpo na ako ng lalaking seryoso at plano na kasama ako kaso 'di pa rin pala.

“Eirene, I can drop back Mara on Christmas morning. Gano'n din sa Bagong Taon. My family will visit us and they wanted to see our daughter.”

I breathed out an impossible sigh.

Lagi na lang niya dahilan ang pamilya at iyong close family tight thing na meron sila. Tapos mauuwi na naman itong usapan sa sumbat na kasi wala akong pamilya. As if I have other choices. Kung meron 'man, sana pinigilan ko na mamatay si Papa. Pinadali ko na sana ang pag-petisyon ko kay Mama mula sa Pilipas papunta dito sa Baltimore. But I have no choice. 

Si Mara lang ang meron ako na ipagkakait pa sa akin nitong ex-husband ko.

“Don't make me beg, Riggs. Nakiki-usap ako sayo nang maayos at sana maintindihan mo,”

“I'm not asking you to beg, Eirene. I told you about the deal. I'll pick up Mara on the night of the 24th and 31st. You already have her everyday so please, let me be with her on Christmas Eve and New Year's Eve.”

Deal. That's how he treated his time with our daughter. Isang deal na akala mo'y nataya sa sugal na nakakairita sa aking pandinig.

Muli akong huminga nang malalim.

“Fine. Just make sure you'll bring her back early in the morning.” I didn't get a re-assurance because Riggs cut our call already. Malalim ako uli huminga bago binalingan si Mara na abalang namimili sa pagitan ng dalawang klase ng chocolate bag. “Have you chose already, sweetie?” tanong ko sa aking pitong taong gulang na anak.

Umiling si Mara. “I haven't, Mama. I like both.” Maloko siyang ngumiti nang tumingin sa akin. Nag-usap na kami na isang bag lang pero mukhang maiiba na naman ang lahat. “I promise not to finish everything in one sitting.”

“Promise?”

“Promise!” Ngumiti ako saka kinuha na ang dalawang bag ng chocolate na pinagpipilian niya kanina. “Where am I going to spend my Christmas, Mama?”

“Your Dad's. But by morning, you and I will go to an amusement park.”

“You will be alone on Christmas Eve again?” Tumango ako na dahilan ng paglukot ng mukha ni Mara. “I can talk to Daddy if you want so we will be together.”

“Why would you do that?”

Pinalapit niya ako saka may binulong sa tainga ko. “I hate my cousins.”

Tumawa ako nang malakas na nakakuha sa atensyon ng lahat. Tama nga si Mari, mana sa akin itong si Mara pagdating sa ugali at kapilyahan. “They will give you gifts.”

“Fancy boxes? Itchy sweater?”

“What did I say about gratitude?”

“I'm sorry.” Inayos ko ang bangs ni Mara saka pinatingala siya sa akin. “Don't open the gift under our Christmas tree, hmm?”

“Of course I will wait for you,” napasuntok sa hangin si Mara pagkasabi ko noon sa kanya. “Come on now and pay for these.”

“Eirene...” Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa aking pangalan at hindi ko in-expect nakita ko. It was him. The reason why my marriage failed and I'm in this kind of offspring's charades with Riggs.

“Cashmere...”

HINDI nawaglit ang tingin ko kay Cashmere habang nakatayo kami ilang dipa ang layo sa isa't-isa. Pitong taon ang lumipas at wala 'man lang nagbago sa kanya. He's still the same guy whom I left in London to be in this place, making my own name in Interior Designing stage. May nababalitaan pa rin ako tungkol sa kanya mula sa internet portal pero maliban sa success niya bilang CEO ng GCG UK, wala na akong ibang alam.

Minsan napapag-kwentuhan namin ni Miss Icheyeru kapag may rant siya tungkol sa ipinalit na in-house designer sa akin. Hindi ko nga maiwasang matawa at mabuti na lang daw, nakuha na niya ako. Hindi na niya kailangan pa mag-tiis sa pagiging old fashion noong pumalit sa akin sa GCG UK.

“Who is he, Mama?” tanong na pumukaw sa amin pareho.

“Mama?” Takang tanong ni Cashmere. “Did we -”

“No. I got married here and... divorced,”

Pilit ako na ngumiti ako kay Cashmere bago binalingan si Mara. “He's a friend from London,” tugon ko kay Mara. 

“From London? Then he knows about Lolo Papa and Ninang Mari?”

“Yes, he is.” Magsisinungaling pa ba ako? I cannot do that with my daughter. 

“Hello, I'm Maranatha Corey! You can call me Mara for short.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa paraan ng pagpapakilala ng unica hija ko. It reminded me of how I introduced myself when I mistook Cashmere's father in front of many. 

“She's indeed your daughter, Eirene,” ani Cashmere sa akin.

“Yeah, indeed,” I said, reaching for Mara's hands. “It's good to see you, Cashmere.”

Cashmere went down on his one knee in front of Mara. “I'm Kien Cashmere Gridley. You have a nice name, young lady,” Nakita ko na pinalapit ni Mara si Cashmere at may binulong dito na kinatawa naman ng binata. “I didn't knew that you're reading your Bible now, Eirene.”

Pasaway talaga itong anak ko kahit na kailan. Sinasabi niya iyon sa lahat at siyempre wala naniniwala na nagbabasa ako ng Bible. Iyon ang naging sandigan ko noon at salamat kay Miss Icheyeru na nagpakilala sa akin muli kay God. It help me to cope up with grievances and lost. Iyong pagkawala ni Papa ng biglaan, malaki ang naging epekto sa mental health ko.

Pagdating ko dito sa Baltimore, puro lang ako trabaho hanggang sa si Miss Icheyeru na ang pumigil sa akin. She gifted me with a Bible and self-help journal. Bagay na ginagawa ko pa rin hanggang ngayon na nakakatulong naman sa akin talaga.

“Maraming nangyari, Cashmere kaya iyon ang naging takbuhan ko,” pag-amin ko sa kanya. 

“Oh? I'm sorry,” umiling ako saka ngumiti.

“Uhm, we have to go now.”

“Eirene, do you have any number where I can reach you?”

“Yes, she has!” singit ng anak ko saka inabutan si Cashmere ng calling card ko. Where did she get that?

“Nice! Thank you, young lady,”

“Sige mauna na kami sa 'yo, Cash.”

“Can I call to invite you out for coffee to catch up?”

Tumango ako kahit labag iyon sa aking loob. Bakit hindi ko siya matanggihan? Seven years na lumipas, Eirene, may pagtingin pa rin? May anak na ako at kakatapos lang ng divorce case ko with Riggs. Ayoko na ng batong ipupokpok na naman sa ulo ko. Ang hirap naman nitong sitwasyon ko ngayon.

“Ba-bye, Mr. Gridley!” Paalam ni Mara kay Cashmere saka binalingan ko. “He's nice and handsome, Mama.”

“Where did you know that?”

“To Ninang!” Pasaway din talaga itong kaibigan ko at kung ano-ano pa ang tinuturo sa batang ito. And speaking of my friend, I have to talk to her and relay the news about Cashmere!

“GWAPO pa rin ba siya sa personal?” tanong ni Marishka pagka-upo sa magara kong couch.

From London, she moved here to Baltimore not long ago. Pinanindigan niya talaga iyong kaibigan na tunay sa akin at kung nasaan ako, naroon din siya. Sa loob ng pitong taong lumipas, nagkasya ako sa pagtingin-tingin sa picture ni Cashmere. I stopped when I met and married Riggs. But in the end, my ex-husband told me that he cannot compete forever to the I got away.

Noong una hindi ko gets pero nang lumaon na-realize ko ang mali ko. I compared him with Cashmere absentmindedly. Kahit siya ang kasama ko, iniisip ko pa rin kung ano kaya ang nangyari kung pinili ko si Cashmere. Ang dami kong what if's, could've and should've sa buhay ko. Mga bagay na tinanggap ni Riggs kaso napagod siya bandang huli. Sinabi niya rin na nakakapagod akong mahalin.

Nakakapagod. 

Salitang tumatak ng maigi sa aking isipan at dala-dala ko hanggang ngayon kaya kahit matagal na naka-move on si Riggs, stuck pa rin ako. My ex-husband has a girlfriend now and they're planning to get married next year. Sabi ko, sabay namin sasabihin kay Mara kaso nanguna na naman sila ni Claudia. I got mad but in the end, my madness didn't do anything nor matters.

“He hasn't change, Mari,” I said, settling down beside her. 

“Baka ito na iyong pagkakataon na bigay ng langit, girl. Nagkita kayo ulit tapos opisyal ka ng divorce.”

“May anak na ako,”

“Eh, ano naman ngayon? How did he react pala when he met Mara?”

“Akala niya sa kanya si Mara.”

Suminghap ng malakas si Marishka dahilan para hampasin ko siya. Baka magising si Mara na nakahiga sa aking kandungan. Sabi ko umakyat na siya sa kwarto kaso ayaw dahil hindi ako kasama. Dito na tuloy siya inabutan ng antok sa living room ng bahay namin.

“So, he knew that you might got pregnant the last time you had sex with him?”

“Siguro. Pakiramdam ko, I betrayed him. Uminom kasi ako ng morning after pill noon agad.”

“Hindi mo rin masabi. Paano kung iba ang maging reaksyon niya kung sakaling nabuntis ka nga niya?” May point si Mari na pareho noong lagi ko sinisiksik sa aking isipan. Ako rin nagsabi sa sarili ko na tigilan ko na ang paglalagi sa nakaraan. “Did you asked him why he's here?”

“No, I haven't.”

“May binigay ba siya na contact?”

“No, but Mara gave him my calling card,” Napapalakpak si Marishka pagkarining sa sinabi ko. Inirapan ko naman agad ang kaibigan ko. “Kung ano-ano tinuturo mo dito na kabulastugan talaga.”

“Okay nga iyon at least kung magka-jowa ka 'man, hindi mo na problema ang sasabihin ni Mara. Hindi niyo na pagdadaanan ulit iyong nangyari noong umamin si Riggs na may iba na siya.”

It was a nightmare for my daughter. Ayoko na nga pagdaanan pa iyon ulit kaya maaga pa lang panay na pagpapaliwanag ko kay Mara. But it is impossible for me to fall in love again. Ayoko muna kahit inilalapit na ng tadhana iyong lalaki na mahal ko pa rin kahit pitong taon na ang lumipas. Seven years later, it's still him.

What kind of sorcery he casted on me before? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro