Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

Eirene

From: frediediaz@gmail.com

To: eireneblairdiaz@gmail.com

Subject: To my dear René

Dearest René,

Kumusta ka na? Heto ako at nagta-trabaho pa rin sa kabila ng makapal na snow na bumabalot sa buong London. Makikita mo sa picture ang pamosong Big Ben na nababalot rin ng niyebe. May isa pang picture kuha naman sa London Bridge. Ilan lang iyan sa makikita mo rito, anak. Napaka-ganda ng lugar na ito at mababait din ang mga tao kaya nakakaya ko tumagal dito. Miss na miss na kita anak. Hayaan mo at kapag nakaipon na ako, uuwi ako para makita ka.

Hanggang dito na lang.

Love,

Papa

***

Nag-isip ako ng i-re-reply kay Papa pagkatanggap sa email niya. Dalawang beses sa isang linggo kami magpalitan ng email ni Papa. He's London right now, working in a firm that I want to be part of. Isa akong interior designer at may mangilan-ngilan akong experience sa sales, marketing at field works. May mga sikat na construction firm na akong naka-trabaho na maganda naman feedback sa aking Yelp account. I worked as a freelance interior designer now since I get fed up with hierarchy issues, biased system and mania boss.

Gusto sundin ang passion ko ngunit ang hirap mabuhay sa Pilipinas. Idagdag pa na sa akin naka-asa ang buong pamilya ni Mama. Wala naman problema kung si Mama lang pero pati bago niyang asawa at anak nito sa una ay sa akin nahingi ng baon. Worst is, they're stealing from me!

Wala akong kapatid sa ina at naisip ko na maigi na rin iyon kaysa naman mas lalong bumigat ang aking pasanin. Gusto ko na lang talaga umalis at puntahan si Papa sa London kaso baka kulangin ang ipon ko. I have enough savings in the bank. Nilagay ko sa banko kasi paulit-ulit ako kinukupitan ng mga anak ni Tito Ysmael. Pati silang dalawa ni Mama ay gano'n ang ginagawa kapag wala ako dito sa bahay.

Why is life so unfair?

Bakit ako naiwan kay Mama gayong may maganda namang trabaho sa London ang Papa?

Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko magawang sagutin. Humilata ako sa kama at tumitig maagiw na kisame ng aking kwarto.

"Lumayas na lang kaya ako?"

Dagli ako bumangon matapos makarinig ng sigaw sa labas ng bahay. Hindi ko maiwasang paikutin ang aking mga mata nang makumpirma kung ano ang nangyayari. Lasing na naman Tito Ysmael ay may kasama pang ibang mangingnom sa bahay. Akala nila lagi maganda ang ganito gayong pulos kami babae.

Kami lang ni Mama ngayon dito sa bahay dahil pansamantala kinuha ang mga anak ni Tito Ysmael sa kanya. Dahil na rin sa pangit na hilig nito sa pag-inom araw-araw.

I stood up and went out of my room. Hinanap ko si Mama na agad ko naman nakita sa kusina.

"'Ma, inuman na naman? Hindi naman po bar itong bahay natin." Reklamo ko sa aking ina.

"Mas ayos na dito kaysa naman mapaaway na naman sa labas ang tiyo mo," wala sa hulog niyang tugon sa akin.

Hindi ko magawang mapaniwalaan ang sinabi ng nanay ko. Mukhang hindi importante sa kanya ang hindi mapaaway ang Tito Ysmael kaysa akin na anak niya.

"Ma, ayos lang po kung dalawa lang kayo pero kung may iba tao -"

"Manahimik ka nga diyan, Eirene! Kung maka-asta ka akala mo kung sino ka. Bahay ko rin ito baka nakalimutan mo na."

Sumbat na naman.

Kung sa gano'n departamento lang rin naman, mas marami akong isusumbat sa kanya. She never be a mom to me while growing up. Mas abala siyang magpalit-palit ng kinakasama halos araw-araw, uminom at manigarilyo. Akala niya maganda ang ginagawa na parang umaani lamang siya ng points para maka-one on one talk si San Pedro.

"Sinabi ko na po sa inyo na ayos lang akin na umiinom kayong dalawa pero hindi po talaga ito katanggap-tanggap."

"Eh 'di lumayas ka! Puntahan mo iyong tatay mo na sinanungaling. Magsama kayong dalawa at maging palaboy sa ibang bansa,"

"May trabaho si Papa sa London."

"Talaga? Naniwala ka naman agad? Kung meron eh 'di sana nagpadala na iyon,"

"Paano magpapadala kung ganito ka po? Lasing, may ibang lalaki -" Isang malakas na sampal ang pumigil sa aking pagsasalita. But that didn't hurt me. Manhid na nga siguro ako dahil wala na akong maramdaman. This wasn't the first time I talked back at my mother. She loves to hit me, grab my hair and drag me to a dark place back when I was a kid.

So you see, manhid na nga talaga ako.

"Ang Tito Ysmael mo ang pumuno sa pagkukulang ng tatay mo na sinungaling, Eirene. Kung gusto mo na puntahan siya, hala sige lumayas ka na sa poder ko. Wala naman ako mapapala na sayo dahil wala ka na trabaho at pera."

"Huwag mo po sabihin -"

Dali-dali ako tumakbo pabalik sa kwarto ko at tiningan ang mga ipon ko ba barya. Nakakapanlumong tingnan na wala laman iyon at ang aking nagawa na lamang ay umiyak. Ipandagdag ko sana ang mga barya sa ipon ko na nasa banko.

I sniffed and wiped away my tears.

Nasagad na ako at talagang aalis na ako sa lugar na ito. Sa puntong iyon, mabilis ako nag-impake at wala ako iniwan miski na ano sa loob ng aking kwarto. I cannot live like this always. Tingin ko tama naman itong desisyon ko na umalis sa poder ni Mama kaysa mamuhay ako na miserable.

I'm going to London by hook or by crook!

***

From: hrdept@gcguk.com

To: eirenediaz@gmail.com

Subject: Gridley Construction Firm/In-house Interior Designer Job Offer

Dear Ms. Diaz,

We were all very excited to meet and get to know you over the past few days. We have been impressed with your background and would like to formally offer you the position of In-house Interior Designer. This full-time position is from Sunday to Saturday, 9-6 pm. You will be reporting to the head of the GCG HR department.

We will offer you an annual gross salary of £3,500 a month and £1,500 additional pay. You will also have full coverage health insurance and company mobile, and since you're coming from the Philippines, you can reimburse your travel expenses with us. You are entitled to 15 days of paid vacation per year. I am attaching a letter with more details about your compensation plan.

Your expected starting date is May 06, 20xx. You will be asked to sign an employment contract and a non-disclosure agreement at the beginning of your employment.

We would like to have your response by the end of the week. In the meantime, don't hesitate to contact me via email if you have any questions.

We are all looking forward to having you on our team.

Best regards,

Gwendolyn Mcneal

HR Director, Gridley Construction Group UK

GCGUK_Contract_Of_Employment.pdf

GCGUK_Non-Disclosure Agreement.pdf

GCGUK_Compensation_Plan.pdf

***

Halos mapatalon ako nang mabasa ang email na aking natanggap isang araw matapos ko lumayas sa bahay. Natanggap ako sa pangarap kong kumpanya na in-apply-an ko sa portal ng POEA. Malaki ang sahod na at may additional payment pa. Mabubuhay na ako at makakapagpatayo ng sarili kong bahay dahil sa malaking sahod. Hindi ko in-expect na matatanggap ako dahil masyadong maingay bahay noong may interview ako.

"So, ano na plano mo, Eirene Blair?" tanong na pumukaw sa aking tahimik na pagpa-plano ng mga gagawin kapag sumahod na ako sa GCG.

"I'm going to London," simple ko na sabi kay Marishka. Sa bahay niya ako nagpunta bitbit ang lahat ng gamit ko.

"Paano? Sabi mo 'di ba kulang pa ang ipon mo?" Hinarap ko sa kanya ang laptop ko na medyo sira-sira na at pinabasa ang email ng GCG UK. "Hoy, hindi ba't ito ang pangarap mo na kumpanya?"

"Yes."

"Diyan din nagta-trabaho ang tatay mo 'di ba?"

"Yes!" Pareho kami tumayo at nagyakap ng mahigpit. "Makikita ko na si Papa at mababayaran na kita!"

That last statement of mine broke our hug to each other. Wala akong utang sa kanya, magkakaroon pa lang ng utang. Sa kanya ako hihiram ng pandagdag sa plane ticket at pocket money ko sa London.

"May mali yata akong narinig,"

"Sige na Mari, pahiramin mo na ako pera pandagdag. Nakita mo iyong sahod? Mababayaran kita agad kapag nakasahod na ako. Please, suportahan mo na ang pangarap ko, hm?"

"Alam mo naman na may pag gagamitan ako ng pera, 'di ba?"

"Oo pero ibabalik ko rin naman agad."

"Kailangan mo ba talaga pumunta sa ibang bansa?"

"Wala naman mangyayari sa akin dito. Kahit magtayo ako ng interior design consultant company, kakailanganin ko pa rin ng pera. Kaya maganda na may trabaho ako para maibalik ang ipon na magagamit ko sa pag-alis."

"Iyong sa tatay mo? Sure ka ba na nasa London siya? Iyong mga picture na pinadala niya kahapon halatang kinuha lang sa internet."

Si Marishka ang nakapansin ng watermark pero hindi 'man lang nabawasan noon ang pag-aasam ko na magtrabaho sa London. Gusto ko na rin makita si Papa at kung puwede, sasama na ako sa kanya doon. Kami naman dalawa ang titira sa isang bahay. Muli ako nabuhayan ng loob pagka-alala kay Papa na mag-isa sa ibayong dagat.

"Sigurado ako na naroroon siya."

"Have you seen him now? Ni-wala ka nga picture pulos email lang,"

"At least I have a name."

May pangalan siya sa email niya bago itong huli ko na natanggap. Lalo akong na-e-excite kapag naiisip na makakapag-trabaho ako sa pangarap ko na kumpanya at makikita ko ang aking tatay. Baby pa ako nang umalis siya para mangibang bansa at magtrabaho doon. That's the start of my hell life which I ended last night. Lahat naman kasi natatapos at magsisimula na ulit ako mabuhay na mag-isa.

Malayo sa mga toxic na kapamilya na hinding-hindi ko pagsisihan na nilisan kahit anong mangyari. Hinding-hindi na talaga.

"And that is?"

"Jaziel."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro