Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

Eirene

“Mari, can you lie for me?”

Tumigil sa pagkain si Marishka pagkarinig sa tanong ko. Kailangan na kailangan ko lang kasi ng back up para tumibay ang pagsisinungaling ko. Matapos ko marinig lahat ng sinabi ni Cashmere kagabi, umalis ako sinabi ko na pupuntahan ko si Papa. Pinuntahan ko naman kaso tulog ang tatay ko at ayoko naman na istorbohin siya kaya umuwi na rin ako.

“Lie about what?” tanong ni Marishka sa akin pabalik. 

“About me celebrating the entire thanksgiving evening with Papa. Nagpunta ako doon talaga kaso tulog siya at hindi ko inistorbo.”

“Kanino ko sasabihin?”

“Kay Cashmere in case na magtanong. Hindi mo na kailangan mag-over share basta kapag siningit lang niya.”

May kakaibang ngiti na gumuhit sa labi ng kaibigan ko. Binalewala ko lang iyon at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili.

“Fuck buddies pa rin ba ito o iba na? Alam mo iba kasi ang chemistry niyong dalawa kapag magkatabi kayo. And him inviting to a family only dinner was a different case, Eirene.”

“Wala ka kahapon kaya sumama ako sa kanya sa bahay nila but it was a complete nightmareI wish not to elaborate.”

“Okay. I hear you and got your back,” kumindat si Marishka at nakakalokong ngumiti. Sana nga saklolohan niya ako ngayon pero ayokong magbakasakali pero wala naman akong ibang choice na. Kailangan ko lang siya pagkatiwalaan sa ngayon at huwag isipin muna si Cashmere. 

But how will am I going to do that when I'm working with him?

Tulad ngayon, magkikita kami sa bahay ni Miss Icheyeru at pagkatapos kahapon, hindi ko alam paano siya kakausapin. Bakit kasi umasa iyong isang side ng utak ko? Pero isang nga lang ba o buong puso't isip ko na?

Ah basta, magta-trabaho ako ngayon. Bawal ang distraction o kahit anong emotional attachment na nasa isipan ko lang naman talaga. I must remove any emotional distraction from now on if I want everything to continue.

Malalim ako huminga saka tinapos na ang pag-aayos sa sarili at umalis na rin ako agad upang tumungo sa bahay ni Miss Icheyeru. Nag-offer si Cashmere na sunduin ako pero tinanggihan ko agad. Marishka told me not to be hard and be frank on him. Paano ko naman gagawin iyon? Baka mamaya ako lang pala nag-iisip na may ibig sabihin ang lahat ng ginagawa niya.

“Miss Diaz!” Miss Icheyeru greeted me as I enter her place. “We have so much to talk about the design you've sent to me.”

“Yeah and I'm sorry if I'm late,” I said, greeting everyone including Cashmere. 

“It's all right. You did no harm. Let's get inside now,” ani pa ng kliyente ko saka nauna na pumasok. 

“I offered you a ride,” Cashmere said when we walk inside together. 

“Kaya ko naman mag-commute. Namali lang ako ng kalkula sa oras,” pag-amin ko sa kanya. 

“Do we have a problem, Eirene?” Sa halip ay tinanong pa niya ako kung may problema ba kaming dalawa. “Are we cool?” tanong pa niya uli. 

Tumingin ako sa kanya. “Yeah, we're cool. What made you think we're not, hm?”

“You tell me, Eirene. You're distant and constantly refusing my offers.”

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Can we just focus on work, Architect Gridley?” tanong ko sa kanya. 

Siya naman ang huminga nang malalim. He vowed his head in defeat. “Whatever you said goes...”

I busied myself checking on the design I submitted to Miss Icheyeru for approval. She likes every design I created and told me that I made her to be indecisive suddenly. Hindi kasi siya makapili kaya hanggang ngayon ay narito pa rin kami ni Cashmere sa kanyang bahay. 

“Miss Diaz, can I talk to you?” tanong ni Miss Icheyeru na pumukaw sa aking atensyon. Akala ko may papabago na naman siya pero imbis na revision, isang job offer letter ang binigay niya sa akin. “It's hard to corner you because Architect Gridley is always around. Anyway, I'm starting an interior designing consultation office in Scotland and Baltimore and I want to hire you. You can choose which country you want to lead.”

Lead? Meaning sarili kong office at siya lang ang magpo-pondo?

“Miss Icheyeru...”

“You deserve an office where you can take a lead. We will still collaborate but whatever office you choose, I'll fund it. I know you can be more outside GCG UK because you have the talent.”

“I'm contracted with them, Miss Icheyeru,”

“Yeah, but you're still under a probation and I think it's a waste of time. Why can't they see that you're talented?” Hinawakan ni Miss Icheyeru ang magkabilang kamay ko. “You may think about my offer and discuss it with me over a coffee some other time.”

Totoo na under probation pa nga ako sa GCG UK pero iyon naman ang process talaga ng employment kahit gaano pa ako kagaling. It's called going back to zero where my feet's grounded. Yet, I'm touch that someone recognized my talent even in a short period of time. Wala pa ako three months dito sa London pero parang ang dami-dami ko na nagawang design.

Bukod sa bahay na ito ni Miss Icheyeru, meron pa akong isang project na residential house din. Na-impress ang mga kliyente sa binigay ko disenyo at interior suggestions kaya sa akin na binigay ni Cashmere ang naturang proyekto. Marami pa naka-line up at sinasalang maigi ni Cashmere ang mga proyekto na mapupunta sa akin. And I'm okay with two difficult client so far.

Nalugmok ako sa malalim na pag-iisip na pinalis ni Cashmere.

“Hey, let's have lunch outside,” ani Cashmere sa akin.

“May baon akong sandwich at may tatapusin pa ako dito.”

“It can wait, Eirene. All of them went out already.” Napatingin ako sa paligid at tama nga siya. Kami na lang ang naiwan dito. Hindi ko na namalayan ang oras pero may baon naman kasi talaga ako. “What is this?”

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya iyong sobre na bigay ni Miss Icheyeru na pilit ko binawi.

“It's nothing, Cash.”

“A job offer to lead Miss Icheyeru's office?” Nakita ko na kumunot ang noo niya bigla. “Is she pirating you, Eirene?”

“No. I don't this so. Amin na iyan at hindi ko pa naman nababasa pati.”

“Will you consider it?”

“I see no problem with that. Under probation pa ako sa GCG UK kaya ibig sabihin puwede pa ako ma-endo base sa performance ko sa trabaho.”

“I know that and I'm evaluating you as the CEO and head Architect of our company.” Natapos na ang evaluation niya kaya siya naman ang nag-e-evaluate sa mga taong gusto niya manatili sa team niya. “I'll talk to Miss Icheyeru about this. This isn't right, not on my watch.”

Binawi ko ang sulat sa kanya saka pinunit iyon.

“Consider it never happened, Cashmere Gridley. Go and have lunch. May tatapusin pa ako rito.” Malamig ko na salita sa kanya saka binalikan ang aking ginagawa.

I don't want to create issues that will ruin the company's good name. Miss Icheyeru is one of the important client that helps Cashmere to win the evaluation. He got the position and full control of everything that's happening inside and outside the company. I'll take the credit on bending his one leg like what Architect Jaziel told me to do so.

“I'm not trying to over power your decision, Eirene. It's just inappropriate to poach an employee of mine behind my back. If you want to resign, do it properly or just wait until your work evaluation finish.”

Umalis si Cashmere pagkasabi noon at muli akong naiwan mag-isa lugar na kinaroroonan ko. Bakit ba kasi hindi ko iyon tinago agad. Natural lang na sumama ang loob ni Cashmere dahil boss ko pa rin siya pero hindi naman maiiwasan ang mga ganitong bagay. As a budding interior designer, I seek for growth, not to be stagnant. Nagkataon lang na mali ang pagkakataon ngayon. 

Marahas akong bumuga ng hangin habang isa-isang pinupulot ang mga pinunit ko na papel. 

Sa hospice ako dumiretso pagkagaling ko sa bahay ni Miss Icheyeru. Hindi na bumalik si Cashmere noong umalis siya para mag-lunch kaya ang ending ako na ang tumapos ng lahat. Nilagay ko sa notebook ko ang bawat suggestions at aalisin sa design na inaprubahan ng kliyente. Nakakapagod na araw at masakit sa ulo na mga pangyayari. Gusto ko lang makatakas at dito sa hospice ko nais na pansamantalang magpahinga.

“Papa -” Natigilan ako nang makita ko si Cashmere sa loob ng kwarto ni Papa. 

“Eirene, halika at tingnan mo ito. Kanina ko pa kinu-kwento dito kaibigan mo ang mga naalala ko noong baby ka pa,” mahabang sabi ni Papa. Lumapit ako at tinabihan siya sa kanyang kama saka tiningnan iyong mga baby picture ko. “Nasabi ko pala na hindi nagkita kagabi kaya nagpahanda si Cashmere ng belated thanksgiving dinner. Kasama natin iyong staffs, anak.”

Napatingin ako kay Cashmere at siya ang unang nag-iwas ng tingin. 

“I'll get the food outside and call on the staffs.” Paalam niya at iniwan na kami ni Papa sa kanyang kwarto.

“Mabait siya, anak. Tingin ko nga ay may gusto siya sa iyo.”

“Imposible, Pa. Hindi niya ako type.”

“Nagkakamali siya kung gano'n. Ikaw ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa, anak.”

“Binobola niyo naman po ako, Papa!”

Tumawa si Papa at gano'n rin ako. Masaya ako na may ganitong improvement kay Papa. Pero hindi lagi ganito kaya susulitin ko na habang naalala niya pa at hindi muna iisipin ang ibang tao. Tatakas muna ako pansamantala at susulitin ang pagkakataon na may tatay ako.

Susulitin ko muna ito.

Ito muna at saka na iyong iba.

Saka na si Cashmere. Saka na muna siya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro