
Chapter Four
Eirene
"The HR Department hired you by mistake."
Tila bombang sumabog ang balitang iyon sa aking isipan. Nayanig ang nanahimik at natitira kong pag-asa na manatili sa bansang ito. Baka hindi para sa akin ang London. Pero ano na gagawin ko ngayon? "We will reimburse your plane ticket and the first month rent from your apartment. I'll also asked them to book you a ticket back in the Philippines, Ms. Diaz."
Nakita ko na sinara niya ang laptop at marahang dinampot iyon, kinipkip sa kanyang kilikili. Akto siyang lalakad ngunit huminto nang magsalita ako.
"I-I cannot go home yet," sambit ko na nagpaharap sa kanya sa akin.
"Okay. It's none of my business now, Ms. Diaz. Wait until the management process everything we owe to you." Tuluyan itong umalis ngunit bumalik rin agad. "You may leave now because I believe this is my office."
Napatingin ako sa kaliwa't-kanan ko at tama naman siya. Hindi ko nga alam bakit siya lumabas gayong opisina naman niya ito. Wala ni-isang salita ang namutawi sa aking bibig bagkus ay lumabas na lamang ako sa opisina niya. Bitbit ko ang mga pagkain na hindi naman binayaran ng walanghiya. Since wala na akong pan-taxi, maglalakad na ako pauwi kahit malayo ang lugar ng aking apartment.
Paano kaya sila nagkamali gayong nabasa ko naman na sa akin nakapangalan iyong draft ng contract at NDA. Pati sa compensation plan sa akin din nakapangalan. Nawalan ako ng lakas na magtanong sa kanya at sumbatan sila sa hassle na ginawa nila sa akin. Nagmukha tuloy akong pera na hinayaan lang siya na i-offer ang reimbursement ng plane ticket at renta ko sa apartment. May bonus palang libreng ticket pauwi sa Pilipinas.
Parang may mali kaya naman huminto ako sa paglakad at muling lumingon sa opisina ni Architect Cashmere Gridley. I decided to go back after removing the ID lace on my neck. Whether I signed the contract or not, I have plans of quitting too. Nagbago na agad ang isip ko at ayoko na sila maka-trabaho.
"What else do you need, Ms. Diaz?" tanong ng demonyitong Gridley sa akin pagkabalik ko sa opisina niya. "We will write to the POEA for the mistake we've made to make it less hussle for you, by the way."
Ang daming sinasabi eh hindi naman iyon ang dahilan bakit ako bumalik dito.
"I forget to return this to you. And honestly, I have no plans of working under you. I thank God for an inconvenient attachment you've sent to my email."
Basta ko na lang binato sa sahig ang ID at lumabas na ako uli. Hindi ko alam kung tinamaan ba siya nang ibato ko ang ID pero bahala na. It's none of my business either. Ang dapat ko problemahin ngayon ay kung paano ako mabubuhay dito sa London na wala pang trabaho. Paano ko nga ba gagawin iyon dito sa bansang malas lamang ang aking inabot?
I am officially a single, with no savings and jobless woman in London. Sana may sugar daddy ako na mahanap para tapos na iyong problema ko.
Lumingon pa ako uli sa GCG UK bago tuluyang lumakad pauwi sa aking apartment. Bitbit ko pa rin ang mga pagkaing mukhang bubuhay sa akin ng ilang araw hanggang sa matanggap ko ang reimbursement ko sa kanila. Sobrang kamalasan naman ito.
Sobrang-sobra.
***
Kahit si Marishka ay hindi makapaniwala sa sinapit ng job application ko. Hindi naman ako na-hussle gaya ng sinabi noong demonyitong Gridley. They contacted the consulate and here I am, waiting queue to get interviewed by them. Hindi naman siya masasabing scam na trabaho dahil 'di naman sila nagkulang sa pag-asikaso sa akin ngunit nakakasama pa rin ng loob talaga. Kung kailan naka-settle na ang isipan ko, saka nagkaganito ang lahat ng pangyayari.
"Umuwi ka na lang, Eirene. Hayaan mo na iyong pera at kikitain naman din natin iyan dito," ani Marishka sa akin. Sabi niya may pag-gagamitan siya ng pera na pinahiram sa akin kaya hindi ko puwedeng hayaan na lang dahil nangako ako.
"Malay mo naman may ma-offer na trabaho sa akin ngayong araw din." I'm trying to be positive even if my mind keep saying I should give up and go home. "It's almost my turn, Mari. Tatawagan na lang kita ulit."
I turned off my phone, and when it was my turn, I politely relayed my case to the woman behind the acrylic face shield.
May dalawang choice ako na kailangan pagpiliian sabi ng nakausap ko. Since I'm legally allowed to stay here in London due to my working visa, I must send out my CV to different companies until I get a job. The second option is similar to Demon Gridley's offer to go back home and apply to local placement agencies that can help me deploy overseas.
Iniisip ko lang dalawang option na bigay sa akin hanggang sa makarating sa Tower Bridge Park. Maraming tao na in-expect ko na kaya wala ako mahanap na puwesto saan maaring umupo. I bought a newspaper with me which I opened particularly at job hunt section. Naniniwala ako na makakahanap ako ng trabaho dito dahil ayoko talaga umuwi na walang pera.
When I found a seat, I immediately took it and open the newspaper that I'm holding. Nilabas ko ang aking cell phone para pantawag sa mga numero na naroon at tablet pang-ayos naman ng aking CV. Pagkabukas ng tablet, nakita ko agad ang email ni Papa. Wala pa siya paramdam ngayon sa akin simula nang matanggap ko ang huling email niya. He told me in that email, I should never go here without a job.
May trabaho naman ako ng pumunta dito, hindi lang natuloy dahil nagkamali raw sila. Hindi ko talaga lubos maisip paano sila nagkamali pero ayoko na bumalik doon para sa eksplanasyon.
"Is this seat taken?" tanong na pumukaw sa akin.
"Go ahead take it." I answered without looking at the man with a familiar British accent. Hindi naman siguro ako nagha-hallucinate na naririnig ko ang boses ng demonyitong iyon. Or maybe I'm just hungry. Nagtitipid na kasi ako ngayom hangga't wala ang reimbursement na pinangako ng GCG UK.
"You know there's a job-finding portal online, right?"
Doon na ako nag-angat ng tingin at hindi nga ako nagkamali ng hula. It was him. The one who made my life a living hell in this cold country.
"I don't need your opinion. Go away from me,"
"I'm not here for you either. Stop thinking highly of yourself, Ms. Diaz. You're not my style."
Maang akong napatingin sa kanya. Feeling naman nito masyado. Gwapo ka nga ubod naman ng sama ng ugali mo! I didn't emphsize his good looks there which almost making me puke.
"You're also not my style!"
He chuckled softly. "Do you need a job?"
"Isn't it obvious? I'll take anything to help me save up fast and survive in this country."
"Hm, anything." Muli ako tumingin sa kanya at doon ko napansin na nakatingin siya sa akin. I'm starting to hate his blue eyes, but it's attractive. Nagulat ako nang hindi pa nakuntento ang walanghiya at hinila palapit sa kanya ang silyang kinauupuan ko. I can't believe he manage to pulled my chair easier, without sweating and exerting to much effort. "When you said anything -"
"Anything except that, Architect Gridley. I'm not that kind of woman." Hindi porke't gwapo ka at naghahanap ako ng sugar daddy ay bibigay na ako sayo. Never! It will never happen.
"What are you saying?" Muli siyang tumawa na nagpakunot sa noo ko. Narito ba siya para tawanan ako? Saka malayo itong Tower Bridge Park sa GCG UK. "I'm not that kind of man either. I'm giving you a job, but it's not related to your work experience."
Binigyan niya ako ng calling card na may address niya at sinabihan ako na magpunta ng alas kuwatro ng madaling araw. Ano naman kayang klase ng trabaho ang ibibigay niya sa akin?
***
"Is this the house of Cashmere Gridley?" tanong ko nang bumukas ang pintuan at niluwa ang pigura ng isang ginang na halatang paalis na.
"Let her in, Nana, and be safe. Please tell my parents that I will be fine without you here."
It was Cashmere. Kilalang-kilala ko na ang boses at accent niya kahit ito palang pangalawang araw na nagkita kami. He said yesterday that I should be in his house on or before four o'clock in the morning. Hindi ko alam kung bakit pero nakaka-gulat na maaga pala gumising ang tulad niyang mayaman.
"You live alone here?" I circled my eyes around the room and checked every piece of furniture. Pati iyong disenyo ng bawat kanto at pinansin ko. "It's obvious that you want to have your own family yet."
"Your theory based on what?"
"Based on the edges that your house has. Also, the furniture has edges that are not friendly for the growing kid. Unless you want to visit the hospital regularly, you'll settle in this house." Hindi nagsalita si Cashmere at nanahimik na rin naman ako. But not until I remembered to ask him what he would give me. "Why did you ask me here again?"
"You said you need a job, and I will give you one since I don't want us to have bad blood forever. Even if you almost made my parents go on their separate ways."
"They did?"
"Almost." Mariin akong napapikit matapos iyon marinig. Sugod kasi ako ng sugod at sobrang nakakahiya kay Architect Gridley. "Here is your job," Cashmere said, handing me an apron, a broom and a feather duster.
"What are these?"
"Cleaning materials, and you'll be going to cook for me. I want bacon and pancakes with strawberries and maple syrup."
"What am I here?" May utos agad siya kahit hindi pa napapaliwanag ng maayos kung ano ba talaga ang trabaho ko dito sa bahay niya.
"My cook and house cleaner."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro