Chapter Five
Eirene
A COOK AND HOUSE CLEANER?!
Hindi pa naman ako bingi at tama rin naman ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Cashmere. He wants me to be his cook and house cleaner in exchange of a salary that can help me survive here. Kailangan ko ng trabaho pero hindi naman ganito. I graduated top of my class and been a scholar since grade school. Hindi rin ako nawawala sa honors at mga may special awards pa ako. Hindi nga lang nakikita ng nanay ko pero 'di pa rin makatarungan ang trabahong binibigay nitong si Demon Gridley.
Do I still have a choice?
Mukhang wala na rin naman na kasi kung meron dapat may inalok siya na iba. Wala rin akong ideya kung dahil ba ito sa ginawa ko noong isang araw. Grabe parang ang tagal ko na dito sa London. Why do I have a bad feelings with his offer?
"Is this still part of the revenge plan you have for me?" Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Cashmere. Kay Kaliana lang ba na plano iyon? But she told me that her brother is a demon! Tinakot lang ba talaga ako ng babaeng iyon? "Look, hindi ko intensyon na sirain pamilya mo. Hindi ko naman nasira. Ay wait, do you understand me? Nauubusan na ako ng English kahit maaga pa lang."
"The only answer I will accept is a yes or a no, Ms. Diaz." He did understand me! Pero yes at no lang? Wala na ba ibang choices? "The clock is ticking..."
I groaned and unconsciously said yes. Lagot na! Ano na lang sasabihin ni Marishka? I accepted a job that is not related to my profession for money.
"Great! That's more I like. You can now start cleaning and cooking my breakfast. I need to jog, so be sure you won't steal, and the whole place should be spotless. You can't touch anything without asking permission first. You can enter other rooms but not mine."
"Oo na kamahalan. Masusunod lahat ng utos mo! Pero paano ako maglilinis kung bawal ko hawakan ng walang paalam?" Prinsipe ng kadiliman ka talaga! Akala mo naman uubra ka sa akin. Gusto na kita saktan kaya lang ayoko mabawasan ang good points ko sa langit. I have to behave, even if I don't want too. Akto siyang tatalikod sa akin ngunit pinigil ko agad. "And what about my reimbursement? I need money for my food today."
Siya naman ang inis na inis na umungol saka kinuha ang wallet at dumukot ng ilang pound sterling mula roon. "Will that be enough?"
"For taxi fare, I need it too."
"You're a scammer."
"Which you entertained and gave a job, right?" Basta na lang niya ako tinalikuran pagka-abot sa lahat ng pera na nasa kanyang wallet. "Thank you, Demon!"
May ganti din ako sa pang-gigipit niya at nanalo ako ngayon. Nakabawi na ako sa ginastos ko sa kanyang kapatid. Hindi lahat ng matsing matalino. Ibang species kaya makakabawi at makakabawi pa rin ako sa inyo!
I circled my eyes around the whole house of the demon prince. Maganda sa paligid at mukhang malinis naman na dito. Nagsimula ako lumakad hanggang sa makarating ako sa kusina. Makapagluto nga muna ng almusal ni mokong bago maglinis. Hindi ko sukat akalain na gagawin ko ito dito sa London.
Sunod-sunod na kamalasan ang inabot ko at heto nga't naiipit pa ako sa pangil ng prinsipe ng kadiliman. I wished my fate wouldn't be like this. Kaso marami talaga unexpected na nangyayari gaya na lang nito.
Sobrang unexpected talaga nito pati lahat!
***
"ANY updates on the furniture that we ordered last week? What is taking them so long to deliver those?"
Narinig ko ang naiinis na boses ni Cashmere habang inaayos ang pagkakasuot ng dress nito. Magpapaalam sana ako na aalis na kaso may kausap pala siya kaya naghintay na lang ako dito sa labas. Malalim ako huminga at patuloy lang pinakinggan ang pang-aaway niya sa kausap. Durog na durog na siguro ang kausap niya dahil sa mga naririnig ko na sh*t words. Kung ganito ba naman ang boss ko, mag-re-resign ako agad.
Nabaling ang tingin ko nang maramdaman ko na nagba-vibrate ang aking cell phone. "Email na naman?"
It's from my father... again.
Hindi ko sinagot ang isang email niya kaya nagtatanong siya ngayon kung ano na nangyari sa akin sa London. His last email was about trying to persuade me not to push my plan. Gusto niya na umuwi na ako agad ng Pilipinas. Ngayon naman ay inaalam niya nangyari sa akin. I want to ask him where he is right now, but I'm still hurt that he lied, making me suffer like this.
Tatanggapin ko pa rin naman siya kahit anong klaseng trabaho meron siya dito. He doesn't need to lie to me or to my mother. Baka tinatawanan na ako ng nanay ko ngayon kung sakaling malaman niya itong sitwasyon ko. I'm sure Marishka won't tell any soul about my situation here. I believed in her with all my soul and heart.
"Are you done cleaning?"
"Ay palaka!" sigaw ko nang bigla may nagsalita sa gilid ko. Dagli akong napakapit sa aking dibdib saka malalim na huminga.
"Are you eavesdropping?"
"Hindi kaya! Tapos na ako maglinis kaya aalis na ako. Magpapaalam lang ako sana kaso nakalimutan ko na judgemental ka pala."
"Huh?"
"Hotdog."
I waved my hand at him. Tuloy-tuloy ako lumabas ng bahay niya at umuwi na. Wala naman ako gagawin na at tinatamad ako mag-ikot dito sa London. Saka na lang siguro kapag naisipan ko na maghanap ng raket. Kilala ko ang sarili ko at wala akong tiwala sa topak ni Demon Gridley. Baka mamaya mali lang timpla ko sa kape ay singhalan na niya ako agad.
YOU. ARE. FIRED!!!
Nailing ako kasunod ng pag-iling. Why did I imagine him yelling that and those veins on his neck protruded? Nakakabaliw naman na imagination ito at tingin ko kailangan ko ng kape pang-palis sa aking naisip kani-kanina lamang.
On the corner near Cashmere's house, I found a café that I find cute. The interior is like those coffee shop in Japan. From the hanging flowers to potted plants inside gives the whole place a homey ambiance. Magandang klase din ang ginamit na mga muwebles at masasabi ko na talagang pinag-isipan ng nagpagawa interior nitong café.
"I don't like the furnitures they recommend. I want something chic as planned." Napatingin ako sa ginang na narinig ko nagsalita. Umisod ako palapit at sinilip ko ang design na naka-buklat sa lamesa. Tsismosa talaga ako at nagkataon pa na malapit lang sila sa counter. "Wood colors is not my style and I hope they will change it." Dagdag pa na sabi ng ginang sa kausap nito.
"You can add vintage furniture to make it chic as you want, ma'am. You may also ask them to change the wall colors. Use light and neutral colors on the walls. Mixed collectibles, too, such as frames and paintings. It will be good to add a floral motif."
Mahaba kong suhestyon na dahilan ng pagnganga ng mga nasa harapan ko. Mukhang napasobra yata ang pangingialam ko. Ang masama pa nakita ko ang logo ng GCG UK sa plano na nakalatag sa lamesa. I have to back off before Cashmere arrive and kill me.
"I'm sorry, I have to go now." Paalam ko pa at akto sana ako aalis na ngunit nakita ko si Cashmere na papasok sa café na kinaroroonan ko.
Lagot na!
"Are you an interior designer from GCG UK?" tanong ng ginang na kanina pa nagre-reklamo. "You got my style and I'm impressed." Kinaway-kaway ko ang kamay ko para kontrahin ang sinabi niya. Paano ba ako tatakas nito? "Arch. Gridley, why didn't you introduced me to your new interior designer? She got what I want and what I requested to your previous designer."
Napatingin sa akin si Cashmere at wala akong nagawa kung 'di kumaway lang. Hindi ko naman intensyon na magbida-bidahan. Naging tsismosa lang naman ako at hindi ko naman sukat akalain na in-honor din pala dito ang freedom of speech.
"S-she just came in today, ma'am,"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Cashmere. Hindi naman niya ako empleyado sa kumpanya nila saka gusto ko lang naman magkape.
"It's a good way of introducing yourself, Ms?"
Napatingin ako sa ginang na nagsalita at agad siya tinugon. "Diaz. Eirene Diaz." Ngumiti ito at inayayahan na kaming dalawa ni Cashmere na maupo. "I'm not going to sabotage your work." Bulong ko kay Cashmere.
"We'll talk later, Ms. Diaz. For now, help me."
Naningkit ang mga mata ko pagkarinig sa huli niyang sinabi. "Paki-ulit nga iyong huli mong sinabi."
"No."
"Damot!" I hissed. Narinig ko naman ang sinabi niya pero gusto ko lang ipaulit kasi simula ng magkita kami, binubully na niya ako. Tandem pa silang magkapatid and I don't know what will happen to me after this meeting.
Sana po, Lord, hindi malalang pambubully ang matamo ko pagkatapos nito. Marunong naman ako gumanti kaso 'di ba compassion to stranger ang turo Mo?
Ayoko na mabawasan ang points ko sa langit.
The meeting proceed and I explained again what I've already did to Ms. Icheyeru. Nagpapa-renovate pala siya ng bahay at hindi nagustuhan ang design suggestion ng in-house interior designer ng GCG UK. At least, nasalba ko ang mga binili niyang world colors furnitures. Iyon nga lang, kailangan magpalit pagdating sa kulay ng wall at i-apply ang sinabi ko floral motif.
"She likes you, and it's not a good thing," ani Cashmere sa akin.
"I agree, but you can pay me for a consultant session. You don't need to hire me, Arch. Gridley. I will email you my rates when I get home later. So, is it a deal or no deal?"
I have two choices, and I'll go with the lesser evil...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro