
Chapter Eight
Eirene
"GOOD MORNING, SIR! What can I get you started?" Magiliw ko na tanong ngunit bago pa makasagot ang customer na nasa harap ko sumingit na si Travis.
"I'll take this customer, Eirene. Another Gridley wants to talk to you." Tinuro niya iyong puwesto ni Cashmere sa labas. "What's your connection to them?"
Napangiwi ako dahil pangalawang beses na ako na-excuse sa trabaho dahil lagi akong may unexpected visitors. Nagkataon pa na hindi lang basta kung sino ang bisita ko. Kahapon si Arch. Jaziel ngayon naman ay iyong anak na ang gusto kumausap sa akin. May sense kausap si Arch. Jaziel kaysa kay Cashmere saka wala ako makitang rason sa likod ng pagbisita niyang ito. Baka tungkol na naman sa offer nilang trabaho sa akin.
But I haven't decided yet.
Hindi ko pa nga nababasa ang email ni Demon Gridley sa akin.
"It's an inconvenient attachment, Travis," I answered and step aside. Inalis ko ang suot na apron saka sumbrero bago lumabas ng café. "Why are you here?" tanong ko agad nang makalapit sa puwesto ni Cashmere.
"You're not in uniform?" My eyes rolled which I didn't hide anymore. Gusto ko na makita niyang naiinis ako sa presensya niya. "Oh, right! You're on a break and I asked you here."
"You cannot just come here, barging and disturbing me at work even if your mom owns this café."
"You haven't read my email to you,"
"We just talked yesterday, and I said I'll think about it."
"My email is not about the job offer. Please check it first, and here, this is for you. You can throw or eat these flowers."
"Really? Ipapakain mo sa akin ang bulaklak?"
"Because it's edible. Just like the ones I gave you yesterday." Umawang ang labi ko pagkarinig sa sinabi niya. Tinapon ko iyong mga bulaklak kahapon without knowing na puwede ko pala kainin. "You throw it, aren't you? All I thought you're smart"
"You're such a smug and unbelievable." Naiirita akong iniwan siya bitbit ang bulaklak na bigay niya. Naririnig ko pa rin ang tawa niya hanggang sa makapasok ako sa loob ng café. "Mabilaukan sana siya kakatawa." I cursed which catches the attention a customer. She's smiling as if she understand what I've said. Yumukod ako upang humingi ng dispensa bago bumalik sa quarter ng mga cafè staffs.
Nakakairita talaga! And what's with his email ba? Nagpunta siya dito para lang sabihin na basahin ko ang email niya? Ang special ko naman masyado at pinupuntahan pa talaga niya ako.
"You saw Cashmere? He's so hot, and for the first time, I heard him laughing."
Narinig ko na usapan ng ibang staff na hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin. Lumapit ako sa locker ko at kinuha ang aking cell phone. Pagbukas ko noon, tumambad sa akin ang text message ni Arch. Jaziel tungkol kay Papa kahapon. Meron na ako address kung nasaan si Papa pero wala pa ako tapang na harapin siya.
I left his last email on read just what I did to Cashmere's email. Ang kaibahan lang, binasa ko iyong kay Papa tapos kay Cashmere hindi.
From: [email protected]
To: [email protected]
Subject: To my dearest René
Dearest René,
Kumusta ka na? Nabasa ko iyong email na narito ka sa London ngayon. Alam mo ba na nahiling ko sana mali ang pagkakabasa ko? I don't want you to be here and see me. Wala akong mukhang maihaharap pa sayo at sana maintindihan mo ako.
Hanggang dito na lang.
Love,
Papa
Huminga ako nang malalim matapos basahin ulit ang email ni Papa.
He doesn't want to see me. Ngayon ko lang din napansin ang email niya. His name is Fredie, not Jaziel. Mas tumatak kasi sa isip ko ang unang email na ginamit niya sa pag-contact sa akin. Tapos iyong huli bago ako umalis ng Pilipinas, ibang email na pala.
I'm the blame because I let my emotion overpower my brain. I almost ruined a good family, and now I'm stuck here because of all the mishaps I created. Simula pa lang mali na pero nanatili ako rito pero natatakot ako umuwi at harapin ang salita ni Mama. Well, now that she's in jail, I wouldn't hear anything from her, but I failed.
Malalim ako ulit huminga saka binalik na ang cell phone sa locker at muling hinarap ang mga trabahong naghihintay sa akin.
***
MARISHKA is busy watching while doing a video call with me. May ginagawa rin naman ako pero nag-uusap kaming dalawa. She's constantly asking what's plan and how long will I stay here. Mga tanong na ang hirap sagutin kasi wala pa talaga akong plano at kabalak-balak na umuwi.
"You've got a suitor agad? Grabe naman akala ko trabaho ang hinahanap mo diyan," tukso sa sa akin ni Marishka ng makita iyong bugkos bg bulaklak na bigay ni Cashmere.
"It's from the Demon and it's edible. Ito ang ihahalo ko sa pagkain ko ngayong gabi dito sa London."
"Sounds like a pratical guy, huh?" Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ng kaibigan ko. "What? Totoo naman na si Cashmere Gridley ay isang praktikal na lalaki. Sa lahat ng nakilala mo, siya iyong nagbigay ng bulaklak na edible."
"Whatever!" I said as I filled my mouth with the salad I had made for dinner. "How're the people there?"
"Tahimik naman na dito." Tumango-tango ako ulit. "May maganda pala akong balita, Eirene."
"Ano yon?"
"Do you remember my parent's relative in London?" Dahan-dahan ako tumango. Naalala ko na doon niya ako pinapupunta noong malaman na nagkamali ang GCG UK sa paghire sa akin. "They're sponsoring my vacation there next month. Meaning magkikita na tayo at puwede ako mag-stay diyan hanggang sa makahanap din ng trabaho!"
"You'll do that?"
"Oo naman. Magkaibigan tayo 'di ba? For better and for worse?" Gusto ko maiyak. Sobrang suwerte ko na mabait na tao si Marishka. May utang pa ako sa kanya tapos ngayon gagawa siya ng paraan para masamahan ako rito. "By the way, why did Cashmere Gridley giving you flowers?"
"Do you want to hear what he written on the card?" Nang tumango ang kaibigan niya tuloy-tuloy ang naging pagsasalita niya. "Work for me, Eirene."
Suminghap si Marishka pagkarinig sa sinabi ko. Hindi ko pala na-kuwento sa kanya ang tungkol sa balak na pag-re-hire sa akin ng GCG UK. Nakatanggap na ako ng email mula kay miss Gwen at mas mataas sa naunang offer nila sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba inutos ni Architect Jaziel o utos ni Cashmere. Pero tingin ko si Architect Jaziel ang may utos dahil wala ako tiwala sa attitude na meron si Cashmere Gridley.
"It's like a proposal, Eirene. Teka nga, ano ba itsura niyang si Cashmere Gridley?" Hindi ko pupurihin si Cashmere. Hinding-hindi! "Holy cow, this is Cashmere Gridley?" Pinakita pa sa akin ni Marishka ang na-search niya. "The man on side is Jaziel Gridley, right?"
"Yes," I answered.
"Ang gwapo naman nilang mag-ama! And the British accent, wow! Kapag niligawan ka nito, sumagot ka agad ha. Bawal na pakipot ngayon!"
"He's not my type, and I think we shared the same conclusion." Saka wala sa priority ko ang humanap ng kalandian dito sa London. Saka na siguro kapag may stable job na ako. "I'm still thinking about the offer. Pakiramdam ko magiging aso't pusa kaming dalawa ni Cashmere Gridley."
"You know I love the cat-dog kind of trope in novels."
"In novels, Mari. Totoong buhay kaya ang pinag-uusapan natin dito." Tumawa lang ang kaibigan ko nang malakas. "I hate you!"
"I love you!" I groaned and she just laugh. Sa inis ko, nagpaalam na ako sa kanya at inubos na ang pagkain ko. I have a long day today and I don't think I can sleep tonight either.
Puwede naman ako gumala siguro?
Napatingin ako sa calling card ni Michael na siyang tumulong sa akin noong unang araw ko rito. Kinuha ko iyon at pinag-isipan kung tatawagan hanggang sa pinindot ko na ang call button pagka-type sa numero niya. Kabado ako nang mag ring iyon pagkatapos ay may nagsalita na sa kabilang linya.
"Hello?" Oh, God, I love the accent.
"Hi! It's me, Eirene. Is your offer still available?"
"Yeah, and I'll fetch you there in twenty." I badly need a distraction, and Michael is a kind soul that can give me what I want.
"Great! I'll wait for you here."
***
KATATAPOS lang namin kumain ni Michael sa paborito niyang restaurant ngayon naglalakad na kami dito sa Ancient City. Hindi ko maiwasang mamangha at talagang magaling na tour guide si Michael. Hindi ko nga rin halos namalayan ang oras dahil ang sarap niya kausap. Natagtag ang kinain ko kanina na pulos masasarap din. Ang maganda pa, hindi ako pinagbayad ni Michael kahit ako naman ang nag-aya sa kanya.
"Did you enjoy the night walks?" tanong ni Michael sa akin.
"Yes, and you're a good tour guide," I answered with a smile.
"Well, I cleared my schedule immediately in case you needed a companion again."
"It sounds bothersome, Michael. I contemplated calling you until I found myself pressing that call button."
Si Michael naman ang tumawa at pati iyon ay may epekto sa akin. I know that this isn't a matters of a heart.
"You will never be a bothersome. Call me whenever you need a companion, hm?" Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa pumara ng taxi si Michael na siyang sasakyan ko pauwi. "Don't forget the magic word, Eirene."
"Yes, I won't," akto akong papasok sa loob ng sasakyan ngunit naudlot ng may maisipan ako gawin. Humarap ako ulit kay Michael at hinila palapit ang collar ng suot niyang polo shirt saka hinalikan siya sa labi. "That is me saying thank you for tonight." I giggle and entered the taxi.
Sinara naman ni Michael ang pintuan saka tinapik ang bubong noon, hudyat na puwede na kami umalis. Lumingon pa ako nang tumakbo ang sasakyan bago bumaling sa unahan. It's not a matters of a heart but that kiss gave me chills down my spine. I guess flirting in London will never hurt me. Basta landi lang at walang commitment na involve ay ayos na sa akin.
Non-sexual flirting will be enough for me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro