Letters Sent
After 3 days nakita naming magbabarkada na may nakaipit na Card sa notebook ni Allene...yun na siguro yung galing kay Mark...
Ewan ko bigla akong nalungkot siguro dahil baka magkagustuhan na sila halata naman kay Allene na gusto nya din...malandi rin ang isang to eh!hehehe joke...
At ako naman...haayy walang lovelife...huhuhu
"Jen gawa kana ulit ng letter para kay Andrei"- si Kaye tatahi-tahimik pero nakikiayon din sa usapang trip...
"Hmp! Ayoko na noh! Pinagbigyan ko na kayo dati kaya wag na!"
Pero sa totoo lang nakagawa na ako ng 5 letters pa...
Isesend ko yun everyweek pero hindi ko na sasabihin sa barkada... Baka makantiyawan pa ako...
Somehow nakakagaan din kasi knowing na nababasa niya ang nilalaman ng dibdib ko kahit hindi niya alam na ako yung sumusulat nun...
***
Napadala ko na lahat ng letters kay Andrei sa limang magkakasunod na linggo pero diko naman maramdaman na naghahanap siya kung sino man ang sumusulat sa kanya....
Sana sinabi ko nalang kasi ang pangalan ko...may codename pa kasi...Marimar ang ginamit kong pangalan...sikat na sikat kasi ngayon ang mexicanovela ni Thalia at Marimar ang pangalan niya...
Palihim ko siyang iniistalk...dalawa lang naman ang tambayan nilang magbabarkada kung hindi basketball court, sa bilyaran malapit sa school...pero parang wala namang pinagbago sa kilos niya...
Matatapos na ang 3rd grading at binigay samin ang friday na 'to para magcomplete ng requirements at notebooks bago ang exam sa Monday...
Kaya puwede kaming mag-stay sa library or sa canteen pero for section A lang ang ganitong set-up... Yung iba sa classroom lang.
Papalabas na sana ako ng classroom nang tawagin ako ni Mark...
5 Weeks na din pala after niyang naibigay yung card kay Allene. Hindi ko na inalam ang progress basta ang sinabi ko kay Allene boto ako kay Mark. Bahala na sila...hehehe
"San ang punta mo?" saad niya habang papalapit.
"Sa library andun ang barkada ko." tugon ko naman.
"Uhm, tapos mo na yung mga requirements mo?" tanong ulit nito.
"Yup, ikaw?" sagot ko ulit.
"Hindi pa nga eh! Patulong naman." Ayun kaya naman pala ako pinansin magpapatulong pala.
"Ano ba yun?" Tutal naman guwapo siya kaya pagbigyan. Hehe! Actually kamukha niya si Cogie Domingo kung kilala niyo siya. Hehe!
"Kulang ako ng 2 experiments, puwedeng pasulat? Ikopya mo lang tong answers ng groupmate ko!"
"Tss... ang talino di naman nagsusulat sa experiment notebook..."
"Sige na! Libre kita sa canteen mamaya...eat-all-you-can!" pang-eengganyo niya sabay kindat at tusok sa pisngi ko...
At naglaway naman ako sa ngiti niya. Hehe! Joke!
Naglaway ako sa eat-all-you-can siyempre!
Choochoosy pa ba ako??
Kinuha ko nalang yung notebooks na hawak niya.
"Sige kita nalang tayo sa canteen after one hour..." saad niya at naglakad na palabas ng room nang nakangiti. Ang loko binigyan pa ako ng time frame.
Binuklat ko ang notebook niya. Ako talaga pinagsulat niya paano kasi halos magkapareho ang penmanship namin...parang sulat-kamay ng engineer...(Hehe! asa!) pangarap ko talagang maging engineer.
Inayos ko ang gamit ko at lumabas na rin ng room...
Naglalakad ako sa hallway nang may biglang sumigaw...
"Marimar!"
Galing iyon sa nadaanan kong room...Hindi ko alam pero awtomatikong napatingin ako sa taong nagsalita...
dubdub dubdub
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo mula sa nakabukas na bintana ng classroom nakatitig at nakangiti sa akin si Andrei...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro