Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Nagsidatingan ang mga studyante sa paaralan. Lahat ng mga studyante sa Santa Cruz  School ay nagkwekwentuhan habang sila ay papasok sa kanilang silid aralan.

Nag sisidatingan rin ang mga ibang nasa section 13D. Lahat sila ay may kanya kanyang grupo. Sila kasi ang sikat na section sa buong section sa Santa Cruz School dahil sa Section na iyon sila ang natatangi, may sarili silang Aircon, naiiba talaga ang section nila because this section is for those Rich only at hindi lang doon rin ang mga matatalino.

Biglang pumasok ang isang grupo ng magbabarkada. Napatahimil lahat at sila ay napaupo sa kanilang upuan. Sila ang mga grupong kinakatakutan ng lahat. Mayayaman silang lahat. Kung sino man ang makakabanga sa kanila o kaya kakalaban sa kanila for sure mapapatalsik sila dito sa school na ito.

" Good morning guyz "bati ni Crisel Zorsogon, nakashade ito habang naglalakad papunta sa kanilang upuan kasama ang kanyang mga barkada. Short ang kanyang hair at lahat ng ng suot nito ay puro mamahalin umpisa sa bag, accessories nito.

Sumunod naman sa kanya si Richi Tan ang kanyang boyfriend nakahawak sila sa isa't isa habang nalalakad. Napabitaw nalang silang dalawa habang si Richi ay ginugulo at pinag tatapik ang mga ulo ng mga kaklase nito habang naglalakad sila, wala silang magawa dahil kahit mayaman man sila ay hindi nila kanyang pantayan ang mga ito, wala ring magawa ang iba dahil hindi sila mayaman nakapasok sila dahil sila ay matalino lang at hindi nila kayang lampasan ang grupo ni Crisel.

Sumunod naman sa paglalakad si Reyna Martillo ang kanyang tinuring na kaibigan ni Crisel. Ang kanilang mga magulang ay mag kakilala na nung bata pa sila dahil sa business ng parents nila pareho kaya sila ay magkaibigan. Katulad ng ginagawa nila dati hilig nilang mang asar.

"Anong tintingin mong masama,. Ha! " Sabi ni Reyna sa babaeng pinukpok nito gamit ang kanyang kamay.

" Lalaban ka! " Sabi nito sa babae at hinatak nito ang kanyang buhok, napatumba ito sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkalakas ng paghatak nito sa buhok ng babae ay may mga natanggal na buhok sa kanyang ulo.

" Ano ka ba besh, ang aga aga umaaway kananaman ng kaklase natin" sabi ni Crisel habang nasa upuan nito. Tumayo siya at lumapit kay Reyna.

" Ano bang nangyari dito? " tanong ni Crisel kay Reyna.

" Eto kasing babae na ito, kala mo naman kung sinong makatingin ng masama saakin eh " sabi ni Reyna habang nakatingin ng masama sa babae habang tinuturo nito na nakahandusay parin sa floor habang hinahawakan nito ang kanyang ulo dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman nito umiiyak na rin ito dahil ito.

" Ano ka ba para doon lang? Tumayo ka diyan. Hawakan mo ang aking kamay. Ganyan ka ba mag welcome ng newbie saatin Reyna " sabi ni Crisel sa babae at napabuntong hininga lang ito at pinaikot lang ang mata habang tinitignan ang ginagawa ni Crisel.  Pinatayo ni Crisel ang babae,pero habang pinapatayo niya iyon ay agad niyang hinila ang kamay ng babae at pinunta ito sa hanggang sa dulo ng classroom nila.

Ang ilang mga kaklase nito ay tumatawa at ang ilan naman sa kanila ay hindi na umiimik pa dahil sa takot nila sa grupo ni Crisel.

Ang babae naman hinihila ay agad naman itong naiyak at hinawakan niya ang kanyang kamay dahil sa sakit at may kunting galos pa ito.

" Ganon dapat ang mag welcome sa newbie, Reyna " sabi ni Crisel at sinipa pa ang babae sa tagiliran.

Agad naman lumapit  si Reyna kay Crisel na tuwang tuwa sa ginawa niya sa babae. Hindi na kayang lumaban pa ng babae at tangin iyak lang ang nagawa nito. Pumunta na sila sa kanilang upuan habang naiwan naman ang babae doon. Wala sa kanilang lahat ang tumulong sa kanya kaya sina lang mismo ang tumayo at pumunta sa kanyang upuan.

" Ang galing talaga ng babe ko sa pagwelcom " sabi naman ni Richi habang ito ay pumalakpak.

Pumalakpak din si Reyna at Si Jayson Pandema. Isa rin sa kanilang mga barkada.

" Pumalakpak kayo o yari kayo saamin" sabi naman ni Jayson sa mga kaklase nito at agad naman silang pumakpak lahat.

" Ayan masunurin rin naman pala kayo eh " sabi ni Richi.

" Kung sino man ang babangga saamin tiyak mapapahamak rin lang kayo. Diba guyz? " Sabi ni Jayson at namang sumang ayon si Crisel, Richi at Reyna sa kanya.

" Salamat sa pag pagpapaalala sa kanila Jayson " sabi naman ni Crisel kay Jayson.

Wala lang silang imik.

Dumating na si Ms. Rivera.

" Good Morning Class " sabi ni Ms. Rivera sa kanila at bumati naman silang lahat. Kahit napipitlitan lang ang mga grupo ni Crisel.

" Sit Down please " utos ni Ms. Rivera sa kanila napansin ni Ms. Rivera ang babaeng kanilanv pinagtulungan ni Crisel at Reyna.

" Anong nangyari saiyo, Tina? " tanong ni Ms. Rivera kay Tina.

Tinignan muna ni Tina si Reyna at Crisel. Pinagbabantaan ni Reyna si Tina dahil pinalalaki nito ang kanyang mata.

" Nadulas lang po ako kanina " pagsisinungaling ni Tina kay Ms. Rivera.

" Ganun ba sige magpakilala ka nalang sa kanila " sabi ni Ms. Rivera.

Pumunta sa harapan si Tina at agad na itong nagpakilala sa kanilang lahat. Umupo na si Tina matapos nitong magpakilala sa kanilang lahat.

" Meron pa akong masamang balita sainyo " sabi ni Ms. Rivera sa section 13D.

Nagsalita na agad ito kahit kunti lang ang ang nagsasalita sa kanilang lahat.

" Masama ang ibabalita ko sa inyo, " sabi ni Ms. Rivera sa kanila at agad itong umupo sa kanilang upuan. 

" Ikinalulungkot ko ang balitang ito kasi nakita nila si Mr. Ramirez na patay medyo malapit sa kanilang bahay, kalunos lunos ang ginawa nila sa kanya dahil hinati ang kanyang ulo. " pagpapatuloy na sabi ni Ms. Rivera.

Halo halo ang reaction ng mga nasa loob ng classroom  may mga nanlulumo, nagulat at walang pakealam.

" Napagdesyunan ng ating paaralan na dalawin ito sa kanilang bahay especially tayo at kayo na naging adviser siya " sabi ni Ms. Rivera sa kanila.

Merong mga natutuwa sa kanila dahil madami na rin ang natulong ni Mr. Ramirez sa kanila dahil napakabait talaga nito at napakatulungin na guro.

Pag katapos naman mai anaunsyo ni Ms. Ramirez ang nangyari kay Mr. Ramirez at sinabi na rin nito kung kailan sila bibisita doon sa bahay nila Mr. Ramirez. Bukas na iyon.

Bago palang si Tina kaya hindi pa rin kabisado o kilala si Mr. Ramirez kaya sinabi ni Ms. Rivera na maaari din naman siyang hindi sumama sakinila.

Natapos nang naglecture si Ms. Rivera at lumabas na ito aa classroom.

" Ew. I dont like to go sa lugar nila " sabi naman ni Reyna kina Crisel, Jayson at Richi.

" No, Reyna kailangan mong pumunta deserve mong pumunta doon " pang aasar namn ni Richi kay Reyna.

" He's right Reyna pumunta ka kaya tapos mamaya makita mo kauluwa ni Ramirez.HAHAHA" pang aasar naman ni Jayson kay Reyna.

" No way. Ayaw kung pumunta sa lugar nila noh! Ayaw kung makakita at humawak ng mga kung ano ano doon.Yuck!" sabi ni Reyna sa kanila

" Ikaw kaya ang pumunta Jayson diba kapamilya, kapuso, kapatid mo sila.HAHA " paghihiganti ni Reyna sa pang aasar kanina ni Jayson sa kanya.

" At kayong dalawa. Get a room please" dugtong ni Reyna kay Richi at Crisel na kanila pa nagyayakapan ay naghahalikan.

" Ingit nanaman ang walang jowa. Kung magjowa nalang kaya kayong dalawa. Jayson at Reyna. " Sabi ni Crisel at naghalikan sila ni Richi at pinapakita nila ito kay Reyna.

"Eww. No way. Yang lalaki na yan. Hindi ako pumapatol sa mga uncircumcised. " Sabi ni Reyna and she rolled her eyes at humarap na lang para magselpon.

" Excuse me, Reyna, bakit nakita mo na ito at sasabihin mong hindi pa ako circumcised and can i ask you a question na kakita ka ba ng ari ng lalaki " sabi ni Jayson kay Reyna. Hindi na ito pinansin ni Reyna si Jayson.

" Basta ako ayaw kung pumunta doon. Bakit ba kasi hindi nag iingat yang Ramirez na yan namatay tuloy ng maaga. HAHAHA" sabi ni Reyna.

" Kung kaya magbar nalang tayo " sabi naman ni Richi.

" That's a good idea " sabi ni Jayson.
" So... Ano deal " dugtong ni Jayson.

Nagdeal naman silang lahat sa sinabi ni Richi na magbabar sila at hindi pupunta sa bahay nila Mr. Ramirez dahil walang kwenta lang ang pagpunta nila doon.

" I have a good idea about that newbie girl " sabi Ni Reyna.

" Ano nanamang idea yan. " Tanong ni  Crisel habang nagyayakapan parin sila ni Richi.

" Well abangan niyo na lang " sabi naman ni Reyna at napangisi ito.

Natapos na rin nila lahat ng kanilang mga subjects pero hindi sila pumasok sa kanilang Room. At pumunta sila sa isang olad building upan maghithit ng sigarilyo. At uminom na rin sila ng binili nilang in can na alak.

_______________________________________________________________________
_________________

Heto nanaman ang next update sana magustuhan niyo ito guyz.

Please magparandam naman kayo sa mga silent readers diyan.

Wag niyo po sanang basahin lang ito.

Mag- VOTE,  COMMENT  naman kayo diyan...

Pero salamat parin dahil sa pagreread niyo ng story ko.

Visit my account for more stories of mine. TIA💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro