Kabanata 8: Sa piling ni Ama
Magkasabay kaming lumabas ng kwarto ni Fernan, hindi ko nakita sila mama. Siguro ay nanatili ito sa kwarto nila at ayaw nilang makita ang ganitong eksena.
Huminto kami sa sala na kung saan may isang lalaki na nakatalikod. Ito na ata ang totoong kong ama.
"Maiwan na kita kuya." bulong ni Fernan, sinamaan ko ito ng tingin at sinabing huwag akong iwanan dito. Ngunit iniwanan niya pa rin ako, wala na akong magagawa ito na iyon. Bumuntong hininga ako at humiling sa panginoon na sana ay malampasan ko ito.
Gumawa ako ng ingay upang lingunin niya ako hindi naman ako nagkamali dahil sa pagharap nito ay agad akong napangiwi. Hindi ko maiwasang magduda, ito ba talaga ang tatay ko?
"Anak?" lumapit ito sa akin at hawak-hawak ang magkabila kong balikat, tinitigan niya ako hanggang sa hilahin niya ako palapit sa kanya.
Yakap-yakap niya na ako ngayon. Pero wala akong masabe, bakit ganito ang nararamdaman ko?
Siya na mismo ang kumalas sa pagkayakap at muli akong hinarap. "Kay tagal kong sinuyod ang buong mundo para hanapin ka, kayo ng mama mo, mabuti nalang at maayos ang kalagayan mo."
"Kayo po ba talaga ang tatay ko?" seryoso kong tanong dito, hindi kase ako makapaniwala na siya ang tatay ko. Oo may pagkahawig kami pero seryoso talaga si mama nito?
"Oo, ako ito anak. Patawarin mo ang tatay kung hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo. Anak, mahal na mahal kita." ani nito, pinilit kong hindi magmukhang bastos sa harapan niya pero hindi ko magawa.
"Dapat ko ba talagang paniwalaan iyan?"
"Oo anak, ako talaga ang tatay mo at sana naman ay patawarin mo ako sa pag-iwan ko sa inyo." aniya, bakas sa boses niya ang pangungulila sa anak.
"Asan ka noong panahon na dapat ikaw ang kasama ko?" tanong ko dito, walang emosyon ko siyang tinignan. "Alam niyo ba na wala akong pakealam na nakilala ko kayo?"
Hinawakan nito ang kamay ko at may kung anong kumirot naman sa puso ko dahil sa butil ng luhang lumalandas sa mata nito.
"Anak, pakinggan mo ako." pagsusumamo nito.
"Oo, papakinggan kita." sagot ko na lamang, bakit kase siya pa ang tatay ko? Bakit?
"Noong ipinanganak ka ng iyong ina ay nabaon kami sa utang kaya nung wala na talagang pagpipilian ay pinili kong mangibansa para buhayin kayo ng mama mo pero nagkaroon kami ng problema, nalaman ni Fernando na hindi siya ang ama ng batang inaalagaan niya. Nalaman niya ang pagtataksil namin ng mama mo kaya naman upang makaiwas sa gulo at ako na ang nagpaubaya, imbes na umiyak ay mas pinagtuunan ko nang pansin ang pagtratrabaho. Pinilit ko kayong kalimutan, pero hindi ko kinaya kaya naman bumalik ko sa dati nilang tirahan ngunit wala na sila doon. Hindi ako sumuko anak hanggang sa di inaasahan ay nakita ko si Fernando. Humingi ako ng tawad dito at kalauna'y pinatawad niya." mahabang salaysay nito, hindi ko mapigilang makaramdam ng paninikip ng diddib kung gayon pala ay isa lang talaga akong panggulo dito.
Umayos ako ng tindig at mata sa mata kong tinignan ang kaharap ko.
"Patawarin mo ako anak, hayaan mo ay babawe ako sa pagkukulang ko sa iyo. Sumama ka sa akin sa maynila, maganda ang buhay na naghihintay sayo roon. Ikaw ang Unico Ijo ko kaya naman nasayo lahat ng ari-arian ko." aniya, oo nga't nasa kanya ang karangyaan pero hindi sapat iyon upang sumama nalang ako nang basta-basta.
"Hindi ko magagawang sumama sa taong ngayon ko lang naman nakasama. Oo nga't sikat kayo bilang isang kilalang artista sa bansa pero hindi iyon sapat na dahilan. Pasensya na po, maaari na kayong umalis Mr. Dantes." ani ko, ito talaga ang hindi ko maintindihan e, bakit pa ang idolo kong artista na si Dingdong Dantes ang totoo kong ama.
"Pero.." hindi ko na siya pinaantay na sumagot ng maglakad na ako patalikod sa kanya, alam ko ang sakit na nararamdaman niya pero hindi pa ako handa sa bagay na nais niya. Ito ang pamilya ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay parang tinakasan ako ng ulirat, nakatulala lang ako at iniisip kung ang mga bagay-bagay na maaaring mangyari.
Kung iiwan ko sila papa, paano na sila? Paano na ang mga pangarap ko sa kanila. Paano kung pinilit akong sumama nung totoo kong ama, tatakas pa ako o magpapatangay.
Maraming katanungan ngunit ni hindi ko magawang masagot ng maayos. Siguro kailangan kong magdesisyon ng patas.
Lumabas ako at pumunta sa kwarto nila mama. Pagpasok ko ay nakita ko ang dalawa na nag-uusap, lumingon lang ito ng gumawa ako ng ingay.
"Anak, kamusta?" ani mama na mapunghay ang mata, umiyak ba siya?
"Okay lang naman ako ma, kayo ang dapat kong tinatanong n'yan." ani ko, hinila ako ni mama sa tabi nila papa.
"Hindi mo ba akalain na isang mayaman at kilalang aktor ang papa mo?" tanong nito, inayos nito ang buhok ko bago muling magsalita.
"Nakilala ko siya sa isang palengke, magkaaway kami nang papa mo noon. Kinausap ako ni Ding, sa una'y iritable ako sa kanya ngunit kalauna'y nahulog ang loob ko sa kanya, lumalabas kami kapag may oras. Sinikreto ko iyon sa papa mo. Noong araw na nabuntis ako ay wala akong magawa kundi ang magsinungaling sa papa mo na siya ang ama ng dinadala ko. Tuwang-tuwa ang ama mo ngunit nung nalaman niya na bunga ka ng kataksilan ko kay Ding ay nagalit ito, lahat ay ginawa upang mapatawad niya. Niyaya niya akong lumipat rito at dito na mamuhay ng tahimik." kwento ni mama, masyado palang madrama ng love story nila papa. Sana huwag maging ganito ang lovelife namin ni Kaye.
"Hindi namin inakala na makikita ni Ding ang papa mo, nag-usap sila at pinatawad ng papa mo. Napag-usapan nila na ipakilala ka sa kanya." dagdag pa nito, ngayon ay naiintindihan ko na.
"Pwede ba akong humiling mama at papa?" pakiusap ko sa kanila.
"Ano iyon/ano?" sabay na tanong nila mama.
"Maaari bang kalimutan nalang natin ang bagay na ito. Tsaka may naisip akong desisyon na sa tingin ko ay nararapat." panimula ko, bakas man ang pangamba sa mata nila mama ay tumango-tango lang sila.
"Nais ko sanang pagbigyan ng pagkakataon na makilala ang totoo kong ama." pagtutuloy ko, ito ang dapat at nararapat. Ayaw akong maging di patas na tao. Akala ko'y kokontra sila ngunit ngumiti lamang sila sa akin at sabay na niyakap.
'Pangako, walang magbabago. Ibabalita ko ito kay Kaye."
"Kung ano ang desisyon mo anak, susuportahan ka namin." ani papa ng kumalas ito sa yakap.
"Salamat ng marami papa." sagot ko, nagpaalam na rin muna ako para magpahinga sa kwarto ko. Kailangan ko ng utak para bukas, tumango naman sila at lumabas na.
Andito na ako sa kwarto ko pero hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin yung pag-uusap namin ng totoo kong ama. Babalik naman siguro siya diba?
Kung bumalik man siya ay kakausapin ko na siya ng maayos. Kinuha ang ko cellphone ko upang ibalita kay Kaye ang nangyari.
Labis siyang natuwa at sa wakas ay nakilala ko na ang totoo kong ama at mas lalo siyang nag-ingay nang malaman niyang isang aktor ang papa ko. Isama ko raw siya kapag magkikita uli kami ni papa, dahil hihingi daw siya ng pirma.
'Papa' Hindi naman siguro masamang tawagin ko na siyang papa. Karapatan niya rin naman na tawagin ko siyang ganoon, siya pa rin naman ang nagbigay buhay sa akin.
Kung wala siya, wala din ako sa mundong ibabaw. Bunga man ng kataksilan ni mama ay masasabe kong maswerte pa din ako na nagkaroon ako ng ama na kahit iba kung patunguhan ako ay tinanggap padin ako sa bahay niya. At ngayon na nakilala ko ang totoo kong ama ay mas lalo akong naging maswerte dahil dalawa ang amang kikilalanin ko. Bagamat, hindi ko pa nakakausap ng maayos ang papa ko.
Ipinikit ko ang mata ko at nagpadala sa aliw ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro