Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7: Kasiyahan

Ngayon ang araw ng labas ni papa sa ospital, kaya medyo kinakabahan ako dahil ito na rin ang araw na makikita ko ang totoo kong ama.

"Uuwe na tayo pa, namiss ka na ng bahay." ani ko, inalalayan ko siyang umupo. Wala pa kase sila mama dahil inaasikaso pa yung mga bills.

Dumating din naman agad sila at sabay-sabay kaming lumabas sa kwarto ni papa. Napuno nang tawanan ang hallway ng hospital dahil sa pagtatawanan namin, halos mapunit ang aming mga labi.

"Kumain kaya muna tayo, tutal nasa labas na rin naman tayo!" suhensyon ni mama, sabagay ito rin ang unang araw na magkakasama kami na kumain sa labas.

"Saan naman ma?" tanong ni Fernan na hawak sa kamay si Lisa.

"Ma, sa Mang-Inasal nalang tayoo!" ani bunso na hinihila pa ang laylayan ng damit ni mama.

Lumapit si papa kay Lisa at yumukod ito upang magkapantay silang dalawa. Hinawakan ni papa ang dalawang balikat ni Lisa kaya naman napabitaw si Fernan dito.

"Gusto mo sa mang inasal, pero dapat halikan mo si papa sa pisnge?" ani papa na akala mo'y bata. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi ni papa dahil sa paghalik ni Lisa sa pisnge nito. "Tara na sa Mang-inasal!"

"Pasaway na bata!" rinig kong bulong ni Luisa, kahit kailan talaga napakakontra nito sa kapatid.

Hindi ko na lamang siya pinansin at sumunod na sa kanila, pinara ni papa ang isang taksi at kami naman ay sumakay na. "Sa Paredesian Mall tayo!"

Agad umandar ang taksi kaya naman iniharap ko ang aking mukha sa labas ng salamin, napakaganda talaga ng mga atraksyon dito sa pilipinas kaya talagang hindi maiwasan na dayuhin ito ng ibang mga lahi.

"Luis?"

"Bakit ma?"

"Patawad." maikli pero ramdam mo ang sinseridad ni mama sa paghingi nito ng tawad. Sinuklian ko lamang siya ng isang ngiti, bakit pa ako magagalit o magtatanim ng sama ng loob e kung magkakaayos din naman sa huli.

"Kalimutan na natin ang nakaraan ma. At itong kasalukuyan nalang ang ating pagtuunan ng pansin." ani ko, tumango si mama at kalauna'y ngumiti kami sa isa't-isa.

"Nandito na ho tayo!" ani Drayber na huminto sa gilid upang makababa kami.

Pagkababa palang namin ay tumakbo na agad si Lisa sa loob ng Mall kaya sinundan siya ni Fernan. Matawa-tawa naming sinundan ang daan papasok.

Mabuti nalang pala at bungad lang ang Mang Inasal kaya natanaw na namin sila Fernan na nakaupo na, kinawayan naman kami ni Lisa kaya lumapit na kami.

"Ako na ang ooder." ani Papa, sinuway naman siya ni mama kaya kaming dalawa nalang ni Fernan ang umorder.

"Ano sayo kuya, unli rice?" tanong nito.

"Tatlong unli rice, Tatlong hindi. Bigayan nalang." ani ko, para tipid. Dapat pala niyaya ko si Kaye dito para naman may kapareha ako.

"Sige kuya." sinabi naman niya sa kahera ang order namin, dinamay niya na din ang Halo-halo.

Pagkatapos ay inabutan nito si Fernan nang stick na may nakalagay na numero. Lumapit kami kina mama at inantay ang order namin.

"Mama, ang tagal naman!"  reklamo ni Lisa na nakabusangot na, gutom-gutom na ang bata.

"Lisa, matuto kang mag-intay. Hindi sa lahat ng oras kailangan magmadali, naiintindihan mo?" ani Luisa na nakakunot na din ang noo.

"Tama na 'yan, Luis puntahan mo muna yung waiter sabihin mong nagugutom na ang isa rito." ani papa na bumaling pa ng tingin kay Lisa na ngayon ay nakangiti na.

"Sige po." tumayo ako at pumunta sa kahera, sinabi ko ang sadya ko at sinabi nito na nagkaroon lang nang problema pero ihahatid na din agad.

"Pakibilisan lang ho kase nagrereklamo na ang higante sa tiyan ng kapatid ko." biro ko, natawa naman ang babae kaya tumango ako at umalis na.

"Ano raw ang sabe?" ani mama.

"Nagkaroon lang ng problema pero ihahatid na din raw agad." sagot ko.

"Paglaki ko, ipapasara ko ang lugar na ito." ani bunso na agad namang sinuway ni mama kaya tumungo nalang ito, delikado pa't kung may makarinig sa kanya. May mga tao pa naman na baluktot kung mag-isip.

Maya-maya pa ay dumating na ang order kaya muling lumiwanag ang mukha ni Lisa. Sinimulan na naming kumain para makatapos agad.

"Luis, mamaya pupunta sa bahay yung totoo mong tatay. Handa ka na ba?" tanong ni papa, napatingil naman ako sa pagkain at malamlam na tumingin kay papa.

"Handa na ako pa." sagot ko nalang, baka kung ano pa ang isipin nila. Mahirap na baka mas lalo pang maging magulo.

"Mamaya na 'yan pag-usapan, kumain muna kayo." ani mama, kaya ipinagpatuloy ko na ule ang pagkain. Nakakatatlo palang ako na kanin nang maramdaman ko ang kabusugan.

Pinagmasdan ko lang sila. Ang saya nilang tignan, para silang mga anghel kung magtawanan.

"Tapos na ako!" magiliw na sigaw ni Lisa kaya mangilan-ilang tao ang tumingin sa amin. Sinuway muli ni mama si Lisa, maingay kase masyado.

"Halika na't umuwe na tayo!" ani papa na akmang tatayo na ng bigla itong mapahawak sa mesa.

"Pa, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong, agad naman siyang inalalayan ni mama.

"Okay lang ako, nabigla lang siguro ang pagtayo ko." anito. Umayos siya ng tindig at maayos na naglakad, nagkatingin muna kami ni mama bago sumunod.

Dapat pala ipinahinga muna namin si papa sa bahay bago kami nagbalak na lumabas. Nasa taksi na kami pero animo'y walang nais magsalita, mga busog siguro.

Ibinaba kami ng drayber sa tapat ng bahay namin, sabay-sabay naman kaming pumasok. Kami na ni mama ang naghatid kay papa sa kwarto nila.

"Sigurado bang maayos ka lang Fernando, baka naman may masakit sayo ah?"

"Maayos lang ang lagay ko Ana, nabigla nga lang ang pagtayo ko kanina." giit nito, pinaniwalaan nalang namin ang sinabi nito kaya naman nagpaalam na ako sa mga ito.

Pipihitin ko na sana ang segura ng tawagin ako ni papa. "Anak, ikaw na lang ang humarap sa tatay mo. Magpapahinga muna kami ng mama mo."

Ngumiti ako ng pilit, "Kung iyan ang nais mo pa." lumabas na ako at pumasok sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako bago kunin ang bag ko, dahil may gagawin pa akong Assignment. Bukas na ipapasa ito. Gumawa ako ng isang liham pagpapasalamat para sa magulang at inilagay ko ito sa Colored Paper at nilagyan ng mga disenyo na hindi masakit sa mata.

Sunod ay nag-gupit ako ng nga larawan na may kinalaman sa Pilosopiya at idinikit sa notebook ko. Sinagutan ko na rin yung sa Oral Communication. Sinigurado ko na wala akong nakaligtaan na gawin bago ko ibalik sa bag ang gamit ko.

"Kuya?" tawag nung nasa labas.

"Bukas 'yan."

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Fernan na may kung anong kislap sa mata na hindi ko matukoy. "Bakit?"

"Yung totoo mong tatay nasa labas." ani nito, napatigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kanya.

Ito na ba? Handa na ba akong harapin siya? Ano ang maaari kong sabihin sa kanya, kinakabahan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro