Kabanata 4: Ang Aksidente
Malakas na ulan ang bumungad sa akin nang ako ay magising. May bagyo ata ngayon, nagtanggal ako ng muta bago naglakad palabas.
Nakita ko naman si mama na hindi mawari kung saan lalakad. Nakakunot ang noo nito at mukhang nag-aalala.
"Ma, anong problema mo at tila hindi ka mapakali?" umupo ako sa sofa at pinanuod siya.
"Yung papa mo umalis, nag-aalala ako lalo na't ang lakas ng ulan. Sinabihan ko na siyang sa susunod na araw nalang asikasuhin yung sa kakilala niya pero masiyado siyang mapilit." bakas ang pag-aalala ni mama, umupo ito sa tapat ko at kinagat-kagat ang kuko niya.
Sarili lang ang iniisip ng taong iyon, hindi niya inaalala yung mga taong nag-aantay sa kanya. Sa akin okay lang dahil 'di naman maganda ang naging trato nito.
"Hayaan niyo siya. Kung mapahawak man siya hindi na natin kargo iyon. Mas pinili niya ang ibang tao kaysa sa sarili niya kaya bahala siya." walang emosyon kong sambit kay mama. Humarap ito sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Luis. Tatay mo pa rin siya!" tumaas na ang boses nito kaya hindi nalang ako sumagot, tumayo ako at pumasok sa banyo para maghilamos.
Tatay, hindi ko matandaan na nag pakatatay siya sa akin. Oo kina Fernan pero sa akin hindi. Tila isang kamalian pa ata na ipinutok niya ako sa matris ng nanay ko. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan ng amang mag-gagabay sa akin, kaya ko ang sarili ko at mas lalong hindi ko siya gagayahin.
Naabutan ko pa si mama na nakatanaw pa din sa labas ng bintana. Napailing na lamang ako at pumasok sa loob ng kwarto.
"Kuya, Laro tayo!" ani ni Lisa na may hawak na isang set ng luto-lutuan. Pinalapit ko ito at ipinaupo sa kama ko. "Kuya, ikaw ang tagaluto tapos ako yung bibili."
"Masusunod po." sinimulan na namin ang maglaro, gaya nga ng sabi nito ay ako ang naging tagaluto. Kunwari pa'y sarap na sarap ito sa kinakain niya.
Sa aming dalawa siya na mismo ang unang umayaw kaya naman sinabihan ko ito na samahan si mama sa labas. Tumango-tango lamang ito.
"Mas matindi pa ang ulan sa labas,
bagamat tanda ito ng panibagong pag-asa. Ngunit, sa bawat patak nito'y buhay ang nagiging kapalit."
Isinulat ko ito sa isang kwaderno na matagal-tagal ko nang hindi nagagamit. Kailangan na sigurong buksan ko muli ang bagay na ito.
"Anak! Anak, lumabas ka muna r'yan." sigaw ni mama, nakalock pala ang pinto. Pasaway na bata.
Lumapit ako sa pinto para buksan ito at ang mukha ni mamang umiiyak ang sumalubong sa akin. Bigla akong kinabahan sa itsura ni mama.
"Anong nangyare ma?" natataranta kong tanong dito. Pero nanatili lamang itong umiyak. "Ma!"
"Anak, ang p-papa m-mo..."
"Sabihin mo na agad ma!" napasigaw na din ako dahil sa naguguluhan ako.
"Naaksidente ang papa mo!" buong lakas nitong isinigaw iyon, bumalik ulit siya sa pag-iyak at ako naman ay halos mabuhusan ng mainit na tubig.
Hindi ko magawang umimik, oo may sinabi ako na hindi kona kailangan ng ama. pero hindi sa ganitong paraan.
"Magbihis ka, Luis. Samahan mo ako sa ospital." natauhan ako ng magsalita si mama. Kumaripas ako ng lakad papasok sa kwarto ko at nagsuot ng maayos na damit. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si mama pati ang aking kapatid na nanunubig na ang mga mata.
"Ano raw ba ang nangyari ma?" hindi ko mapigilang magtanong. Bakit ba kase kailangang mangyari ito?
"Sabi ng mga pulis ay nadisgrasya ang sasakyan ng kaibigan ng papa mo. Madulas ang daan kaya ito ang sinasabi ng nakausap ko."
"Mama, ano pong nangyari kay papa?" tanong ni Lisa na animo'y hindi maunawaan ang nangyari.
"Bunso, mamaya ipapaliwanag ni mama sayo." si Fernan na ang sumagot kaya nung nagkataon ay tinawagan ni mama ang kapit-bahay namin na si Mang Nestor na ihatid kami sa ospital.
"Maraming salamat po!"
Naglakad na agad kami papasok sa loob ng ospital at tinanong kung saan kwarto nakalagi ang aking ama.
"Emergency Room" agad namin iyong pinuntahan at natanaw namin ang mga pulis na nasa labas sa nasabing kwarto ni papa. Lumapit kami dito.
"Sir, sir! Ano po bang nangyari sa asawa ko?" tumatangis na tanong ni mama, hinawakan ko siya sa magkabilang balikan bilang gabay.
"Malakas ang naging salpok ng sinasakyan nila. Ang kasama niyang isa ay dead on arrival na ng dalhin dito sa hospital. Masyadong madulas ang daan na dinaanan nila kaya ganoon nalang ang lakas ng impact." pagsasalaysay ng isang pulis.
"Tsaka nakita namin ito sa kotse." iniabot sa amin ng pulis ang isang supot na naglalaman ng pitaka. Si mama ang tumanggap nito, nagpaalam muna sa amin ang pulis at ito'y umalis na.
Umupo kami ni mama sa tabi ng mga kapatid ko kaya naman ako na mismo ang nagbukas nung plastic na naglalaman ng pitaka ni papa.
Pagbuklat ko nito ay mukha naming magkakapatid ang nasa loob, sumiwang ang isang ngiti sa labi ko. Umagaw pansin sa akin ang isang tinuping papel na nakasingit sa gilid ng pitaka. Kinuha ko ito at tinignan.
Mahal kong anak,
Patawad kung sa bawat araw na nagdaan ay lagi kitang trinatratong iba, anak patawarin mo ako sa ginawa kong pagpaparamdam sayo na iba ka.
At sa tingin ko ay dapat mo ng malaman ang isang bagay na dapat matagal mo nang alam. Anak, hindi ako ang tunay mong ama. Ikaw ang naging bunga sa kataksilan na ginawa ng iyong ina. Hindi ko magawang itaboy ka dahil sa ayakong makitang nasasaktan ang mama mo.
Anak, pinilit kitang tanggapin at kilalanin bilang anak pero kapag nakikita kita ay bumabalik ang pait ng nakaraan. Alam kong mali ito dahil kahit anong nangyari ay parte ka ng pamilya ko.
Sa oras na mabasa mo ito sana ay huwag kang magalit sa mama mo. Ginawa niyang ilihim sayo ang bagay na ito dahil sa ayaw niya lang na mangulila ka sa totoo mong ama.
Patawad anak, sa oras na mabasa mo ito ay sana'y hindi ka magbago.
HALOS madurong ang puso ko sa nabasa, kaya pala iba ang pagtrato sa akin ng aking ama dahil totoo ngang ampon ako. Patuloy ang pag-agos ng luha ko at hindi ko magawang tignan sa mata ang luhaan kong ina.
"Anak, patawarin mo ako." tumatangis nitong paghingi ng tawad. Pinunasan ko ang luha ko dahil dapat si papa ang alahanin namin ngayon.
"Pag-usapan natin ito pag-okay na si papa."
"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ni dok ng lumabas ito sa Emergency Room.
"Opo. Kami nga. Asawa niya ako." sagot ni mama.
"Misis, malakas ang naging impak nang nangyaring pagtama ng ulo niya. May posibilidad na hindi siya magising ngayon, bukas o abutin pa ng taon." salaysay ng doktor, kaya naman hindi ko mapigilang mapaluha. Ibig sabihin no'n ay maaaring makoma si papa.
"Huwag kayong mag-alala dahil minu-minuto naming susubay-bayan ang kanyang kondisyon. Maaari niyo siyang bisitahin. Excuse me!"
PUMASOK na kami sa loob at mas lalong humagulgol si mama sa sinapit ng kabuuan ni papa. Maraming galos ang katawan nito at may benda din sa ulo.
Pa, magpagaling ka. Tsaka pinapatawad na kita, naiintindihan kita. Pangako kapag magising ka ay mas magiging mabuti akong anak sa iyo papa. Magpagaling ka na agad.
Sumenyas ako kay Fernan na lalabas muna, para pumunta sa simbahan na nasa loob nitong ospital.
Nang makarating ay agad akong lumuhod sa harapan at pumikit upang magdasal.
"Panginoon, alam ko pong naging makasalan din ako dahil sa pagtanim nang sama ng loob kina papa. Tinatanggap ko po ang naging kamalian ko, panginoon. Sana ngayon ay pagbigyan mo ang aking dasal na sana'y agarang gumating ang aking kinilalang ama. Gabayan niyo po siya at patagalin pa ang kanyang buhay. Kailangan ko pang maging mabuting anak sa kanya. Lord, nagsusumamo ako. Ang problemang ito ay itinataas ko sa pangalan mo panginoon. Nawa'y iyong dinggin. Amen."
Nanatili ako sa loob at iginugol ko ang oras sa pagdadasal na tuparin ang aking dasal. Hindi masamang magtiwala sa nasa itaas, alam kong may rason ang nangyaring ito. Dahil ang bawat problema ay may kaakibat na kasiyahan. Magtitiwala ako hanggang sa huling hininga ko.
'Mahal na mahal kita papa. Pinapatawad na kita.'
"Anak?"
Lumingon ako sa tumawag sa akong anak at halos masilaw ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Si papa iyon, akmang lalapit ako ng bigla naman itong nawala.
Umukit sa mukha ko ang pangamba at lungkot, naupo na lamang ako at tumitig sa imahe ni papa Hesus. Sana, sana maging maayos na ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro