Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: Ang Wakas

Isang taon ang nakalipas....

Tinulungan ako nang dalawa kong ama na asikasuhin ang aking supresa para kay Kaye. Ito ang araw para magpropose sa kanya dahil ayaw ko na siyang mawala sa akin.

"Kuya, maayos na ang hardin. Nakaayos na din ang mga petals na ikakalat." ani Fernan na isa mga nagkusang tumulong.

Dito sa isang kilalang park ko siya susupresahin, hindi lamang ito simpleng park dahil isa ding garden na kung saan maraming turista ang namamasyal dito.

Iniayos ko ang lamesang bilog na may nakalagay na kandila, at mga plato.
Puti ang ginawa kong motif para sa proposal ko dahil para sa akin ang puti ay sumisimbulo sa kaayusan.

"Anak, nakatanggap ako ng text mula sa mama mo. Papunta na raw sila." ani ama na hawak-hawak ang kanyang cellphone.

Pinaayos ko na ang mga bulaklak at yung mga tutugtog. Hinawakan ko na din ang singsing na kanina ay nasa bulsa ko. Eto na ang araw na 'yon, magiging fiancé ko na siya.

"Maghanda kana Luis, malapit na sila." ani papa. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko, ngayon ko lamang ito gagawin.

Itinupi ko ng maayos ang aking suot na coat na binili sa akin ni papa. Isa raw kasi ito sa pinakamahalagang pahina mg buhay ko. Nasa legal na edad na kami para magpakasal.

Bigla akong natuptop sa kaba nang tumunog ang hudyat ng pagdating nito. Kaya mo ito Luis. Ikaw pa ba?

-------
May pang-aalinlangan man ay tinahak niya ang lugar na itinuro sa kanya ng ina. Siya lang kase ang mag-isang pinaglakad nito. Ano bang meron dito ?

Pagtuntong niya palang sa gitna ay biglang nagbukasan ang mga ilaw. Kaya nagbigay ito ng liwanag upang matanaw niya ang paligid, napakaganda rito. Ngayon lang sa tanang buhay niya ang makatungtong sa lugar na ito.

Ipinagpatuloy niya paglalakad ng maramdama niya ang bumabagsak sa katawan niya –– mga petals.

Tinignan niya kung saan ito nanggaling at nakita niya ang bunsong kapatid ng kasintahan na si Lisa. Sinasaboy niyo ang ilang petals upang magbigay buhay sa paglalakad niya, gustuhin man niyang magtanong ay hindi niya magawa dahil wala sa kanya ang tingin ni Lisa.

Huminto na lamang siya ng abutan siya ni Luisa ng isang petal. "Maging maligaya ka." tatanungin niya sana ito ngunit huli na dahil tinalikuran na siya nito.

Sunod na natanggap niya ang isa ulit petal na may nakalagay na liham na galing kay Fernan. Kinuha niya ang papel at binasa.

Mahal kita kahit na anong mangyari, handa kong isugal ang buhay ko para makasama ka lamang mahal.

Itinupi niya ang hawak na papel at doon siya nagkaroon ng ideya kung para saang bagay na ito. Kahit ganoon ay tinahak niya pa rin daan hanggang sa makarating siya sa lalaking nakatalikod sa kanya.

Dahan-dahang humarap sa kanya si Luis na may ngiti sa mga labi. May hawak ito ng kumpol ng Rosas at nang makalapit ay inabot ito sa kanya.

Mamasa-masa man ang mata ay pinilit niyang maging maganda sa harap ng ka-Date niya. "Nag-abala ka pa para sa bagay na ito."

"Hindi ito isang pag-abala. Isa ito sa mga galawan ko na ngayon mo lang makikita."

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ng binata sa kanyang likuran. Inalalayan siya nitong umupo sa isang silya na para sa kanilang dalawa lamang.

Iginala niya ang kanyang mata at nakita niya ang desenyo na talagang pinaghirapan ng binata. Puno ng kandila ang pumapagitna sa kanila, hugis puso ito kaya naman kung pagmamasdan ito sa itaas ay masasabi kong isang magandang atraskyon.

Bumalik lamang ang tingin nito sa binata ng hawakan ang kamay niya. "Nagustuhan mo ba, mahal ko?"

Ngumiti ito sa binata "Bakit hindi, pinaghirapan mo ito kahit na sobra-sobra na." sagot nito sa binata. Pigil na humagikgik ang dalaga.

Biglang tumugtog ang musika kaya naman lumingon siya sa kinaroroonan nito, nakita niya ang kapatid ni Luis na si Fernan kasama ang dalawa nitong ama.

[Inserto: Memories]

"Pwede ba kitang maisayaw?" tumingin siya sa kanyang kasintahan bagi niya tanggapin ang kamay nito, naging mahirapan ang paglalakad nito dahil sa gown nitong sobrang haba, pinilit kase siya nang ina na ito ang isuot sa espesyal na gabi niya.

Tinulungan siya ng binata kaya ngayon ay nasa gitna ulit sila ng mga kandila na pahugis puso. Ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa leeg ng binata samantalang nakahawak naman sa kanyang baywang ang binata.

Sinimulan nila ang pagsasayaw, mata sa mata silang nagkatinginan. Dinadama ang hitmo ng awitin at kasabay nito ang isang nakakabinging tawanan. Lumabas ang isang Video Presentation nilang dalawa ni Luis. Mas lalo siyang walang masabe sa ginagawa ng binata, lumabas sa bidyo ang larawan nilang sabay kumain, panunuod ng sine at iba pa. Mas binigyan pansin niya ang bidyo nilang dalawa na naghahabulan sa isang parke. Ito ang araw na sinagot niya ang binata sa ilang buwan nitong panliligaw.

"Nagustuhan mo ba?" tumingin siya sa binata at doon niya naramdamam ang pag-agos ng luha sa kanyang abong mata. "Bakit ka umiiyak, pangit ba?"

Bakas sa boses ng binata ang pag-aalala, ngunit umiling-iling siya upang iparating na hindi totoo na pangit ang nasa bidyo. Naiiyak siya dahil saya, oo tama. Sa sayang ngayon niya lang naramdaman.

Bahagya niyang hinampas ang dibdib ng lalaki. "Sobrang ganda Luis, wala akong masabe ang alam ko lang ay masayang-masaya ako na dumating ka sa buhay ko. Hindi ko pinagsisihan na ibigay ang matamis kong oo. Mahal na mahal kita, Luis." nakita niya ang paglandas ng luha sa mata ng kasintahan. Alam niyang masaya rin ang dahilan ng pagluha nito.

Nagtaka siya sa biglang pagbitaw sa kanya ng binata, at nagulat siya na bigla itong umaktong magpro-propose. Napatakip na lamang siya ng bibig.

"Mahal, alam kong hindi ka pa handa ngunit gusto kong mas maging handa. Handa na maging akin at hindi na mawala pa sa akin. Makasarili man tignan ngunit ito ang isinisigaw ng puso ko. Mahal, alam kong maraming problema ang maaari nating kaharapin ngunit handa na ako--- dahil kasama kita." Bahagyang huminto sa sinasabi ang binata, mas lalo siyang naiyak sa binibitwan nitong salita.

"Saksi ang lahat sa pagmamahalan nating dalawa, alam natin na lahat sila ay botong-boto sa ating dalawa, kaya sana tanggapin mo ako sa buhay mo, hindi bilang isang kasintahan kundi bilang asawa."

"Hindi ko man maipapangako na magiging perpekto akong asawa, pero ito ang iyong pakakatandaan. Ano man ang mangyaring unos ay sayo parin ang puso ko."

"Kaya--- Will you be my wife and be part of life with our babies." mas lalo siyang napaiyak sa huling binanggit nito. Sa isip nito ay handa na siya, handa na siyang maging asawa ang lalaking nakaluhod sa kanya. Umiiyak man ay pilit nitong inayos ang kanyang boses bago niya bitawan ang sagot.

"Y-yes, Luis." itinayo niya ang binata at ito ay ginawaran ng isang halik na may kasamang pagmamahal. Kasabay noon ang pagputok ng mga fireworks display sa paligid, pati ang palakpakan ng mga taong nakasaksi. Isa na roon ang mga magulang nila. 'I love you... Luis."

Kumalas ito sa pagyakap at ipinagtungko ang kanilang mga noo. "Salamat, Kaye. Salamat."

Ito na ata ang pinagkamasayang gabi na nangyari sa buhay niya. Hindi niya pinagsisihan ang kanyang naging desisyon. Isa-isang lumapit sa kanila ang kani-kanilang pamilya at sila ay binati. Yakap-yakap man ng kasintahan ay nagawa niyang makipagkamay sa mga naging kaklase nila noong senior high.

"Anak, I'm so proud of you!" ani ng kanyang papa na hinila ito para mayakap. "Be good to your husband."

Magkayakap ang dalawang magkasintahan na ngayon malapit ng magpakasal. Sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng ina ni Luis ---- ang kanyang ina ng kanyang mapapangasawa.

Pagkatapos ay binigyan silang dalawa ng pribadong usapan. Umupo sila sa isang mahabang bangko at inihiga niya ang kanyang ulo sa balikat ng kasintahan. Hawak din ng binata ang ang kanyang kamay.

"Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, Kaye. Sayo ko lamang ito naramdaman." sambit sa kanya ng kasintahan at ginawaran siya ng isang halik sa noo.

"Parehas lamang tayo nang nararamdaman. Ito siguro ang tinatawag nilang Forever." noon may ayaw niyang paniwalaan ang salitang ito ngunit naging sina ng binata ay mas naging interesado siya sa salitang "Panghabam-buhay."

"Mahal na mahal kita, Kaye Angeles Arcullo- Dantes." dalawang apelyedo ang idinagdag nito sa pangalan niya, alam naman niya ang rason kung bakit dalawa dahil mahalaga sa kasintahan ang dalawang taong ito.

"Mas mamahalin kita, Luis Angeles Arcullo-Dantes."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro