feb 2 | the consequences of being reckless
2 n d d a y o f f e b r u a r y .
------
"Ano, hindi ka sasagot?" naiinip na paulit-ulit kong tanong.
Naabutan na kami ng alas siete ng umaga sa pintuan at doon pa lamang siya nagising. Pinatuloy ko pa rin naman siya kahit na hindi ko gusto. Pinakain din at pinainom ng gamot dahil nag-aapoy ito sa lagnat.
Pero heto ako at nakikipaglaro ng taguan ng sagot sa kaniya. Simula kasi noong nagising siya, kahit isang salita ay wala siyang nilabas. Nakatulala lamang ito sa kawalan at parang kay lalim ng iniisip.
Ang sarap lang bigwasan kung wala lang iyang mga pasang may sugat niya sa mukha.
Bumuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang first-aid kit sa ilalim ng kama kung saan siya nakaupo. Dahil malinis naman na ang kaniyang mukha, hindi ko na siya pinahilamos at kinuha na lang ang alcohol, betadine, at cotton.
Nagpunit ako ng kaunting bulak at nilagyan ng alcohol. Ilalapat ko na sana ito sa pasa niyang may sugat nang bigla itong umiwas. Iritado akong napatingin sa kaniya. Hindi nagpapatalo, lumapit ulit ako at mabilis na inilapat ang bulak.
"Ah! Ano ba!"
Unti-unti kong naibaba ang kamay at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. "Wow, nagsasalita ka pala? Akala ko naging pipi ka no'ng nabugbog, e."
Inis niya akong tiningnan at umismid. Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na ang panggagamot sa kaniya. Nasasaktan pa rin siya kada dikit ko sa alcohol kaya unti-unting nawawala ang inis ko sa kaniya, natatawa na.
"Kalalaking tao, takot sa alcohol. Mas nakakatakot kaya ang mabugbog," I murmured. Hindi niya ako pinansin. Natapos ako sa paglalagay ng alcohol kaya sinunod ko na ang betadine. Nakita ko ang kaunting takot sa kaniyang mga mata kaya napaismid ako. "This is betadine. Hindi ito masakit."
Nakita ko naman ang paghinga niya ng maluwag. Nang matapos ko siyang magamot, kasali na ang ibang pasa niyang nakikita ko sa buong katawan niya, umupo na ulit ako sa upuan na nasa kaniyang harapan, ready na ulit na tanungin siya.
"So, saan mo nakuha ang mga pasa't sugat na 'yan?"
Umiwas siya ng tingin.
"Dapat ay sagutin mo ako dahil tinulungan kita. Kung tulog na ako kanina, saan ka naman pupunta, aber? Masuwerte ka nga't gising pa ako sa mga panahong iyon!" pangongonsensya ko pa.
"Hindi ko naman sinabing pagbuksan mo 'ko. Kumatok lang naman ako, ah?" sagot niya pabalik.
Aba'y pilosopo!
Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa kaniya—tingin na siguradong magpapaamin sa kaniya. Napangisi naman ako nang makita siyang ngumuso ng kaunti at parang sumuko na.
"Fine!" he blurted. "I-I was cheated by my ex-girlfriend. Sinugod ko ang lalaking pinagpalit niya sa 'kin, pero hindi ko naman inaakala na kasali iyon sa isang brotherhood. Kaya ayun, pinagtulungan ako..." Nagkuwento pa siya kung sino ang ex niya, ilang buwan pa lang sila, at kung paano siya nasasaktan nang pinagpalit lang siya sa isang tambay.
Habang nagsasalita siya, napapatitig ako sa kaniya. Wala pa ring nagbago. Ganoon pa rin siya. Napaka-bubbly kung magsalita pero kung sinusumpong ay daig pa niya ang yelo sa pagiging malamig at mas masungit pa sa mga kontrabida sa mga palabas. Ipaglalaban din niya ang mga bagay o taong sa tingin niya'y dapat sa kaniya at titigil lang kung alam niyang hindi na niya kaya.
"...tapos nakita ko itong apartment sa katatakbo ko. Nakabukas pa ang ilaw at kitang-kita iyon sa bintana mong salamin. Kumatok ako para sana humingi ng tulong, pero wala na akong lakas para sumigaw pa. H-Hindi ko naman inakalang... ikaw pala a-ang nakatira dito."
Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa aking mga mata.
"P-Pasensya na, Estelle, ah. Naabala na naman kita." Tumawa siya ng hilaw, halatang pilit.
Napangiti ako; hindi sa saya o galak kun'di sa sakit. "So, you still remember me."
After his storytelling, I can finally tell that I'm still not moved on from that phase where I can say it hurts the most. Why can't I accept it?
Kuminang ang kaniyang mga mata at paulit-ulit na tumango, na parang masaya talaga siya sa coincidence na ito at nakita pa niya ako.
"Oo naman! Paano ko naman makakalimutan ang parehong taong tumulong sa akin hanggang sa mahanap ko ang aking pamilya?"
Right. I am just that person. Bakit pa kasi ako umasa?
"Na-miss kita, Estelle!"
***
if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!
love,
ruru
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro