Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18 years ago | that kid who was lost

e i g h t e e n y e a r s a g o .

-------

Kumikinang ang aking mga mata habang nakatingin sa dami ng mga tao sa airport.

Ngayon lang ako nakalabas dahil ngayong taon lang din naman ako naging maayos mula sa aking sakit na hindi sinabi ni Mommy kung ano. Pauwi na kami ng Pilipinas dahil tapos na raw ang pagpapagamot ko. Sa Pilipinas naman talaga raw kami nakatira pero napilitang manuluyan saglit sa Amerika para ipagamot ang aking sakit.

Iyan ang mga sinabi ni Mommy. At ni minsan ay hindi niya sinabi sa akin kung ano ang aking sakit, basta ay sakit daw ito sa puso at hindi na importante ang malaman ko kung ano ang tawag dahil magaling na naman daw ako.

"Mommy, uuwi na tayo 'di ba? Makikita ko na ba po sina lolo at lola?" nagagalak kong tanong.

Her eyes shifted from looking on our ticket to looking at me. My beautiful mother smiled and nodded. "Yes, baby. Just don't do excessive activities, okay? That's what the doctors said to you, always remember that."

Tumango ako nang paulit-ulit at ngumiti nang wagas. "Opo, noted!"

Pinaupo ako ni Mommy sa upuan kung saan naghihintay ang mga sasakay rin ng airplane, may aasikasuhin lang muna raw siya saglit. Nagmamasid lang ako sa paligid hanggang nakita ko ang isang batang lalaking umiiyak, nakatayo sa harap ng mga upuan at mukhang kanina pa talaga siya ngumangawa dahil sa namamagang mga mata niya.

Tumayo ako at lumapit sa puwesto niya, hindi naman masyadong malayo sa kinauupuan ko kaya alam kong makikita pa rin ako ni Mommy pag bumalik na siya.

"Hi!" Ngumiti ako. "What's your name? Why are you crying? Does something keeps hurting you? Where is your mommy or daddy?"

Nilingon ako ng bata at nakita ko kung paano niya pinahid ang kaniyang mga luha sa isang panyo. Pulang pula na ang kaniyang mga mata, pati na rin ang kaniyang ilong. Suminghot pa siya bago niya ako tuluyang pinansin.

"It's none of your business," sagot niya sa lahat ng tanong ko.

Napakunot naman kaagad ang aking noo. Ang bastos naman ng batang 'to! Nagtatanong ako ng maayos, e! Napakasungit! "Just answer me! You look like a crying potato and you still have the guts to act like that!"

I saw how he rolled his eyes and glared at me like he's ready to stack some clothes on my mouth to shut up.

"I never told you to come near me.

"But you're crying. It's normal for me to feel pity to you."

"Leave me alone, kid."

"Says who's also a kid!"

Magsasalita pa sana siya nang lumingon siya sa aking likuran kaya napalingon na lang din ako. Papunta na sa gawi ko si Mommy at may dala-dalang papel sa kaniyang kanang kamay. Napangiti ako at agad tumakbo papalapit sa kaniya.

"Careful, Estelle! The floor looks slippery—"

Nadapa ako bago pa man matapos ang sasabihin ng aking ina at bago pa ako makaabot sa tapat niya. Nang dahil sa sakit ng impact ng sahig sa tuhod ko ay napaiyak na lamang ako. Lumapit si Mommy nang may nag-aalalang mukha at agad akong dinaluhan, kinarga ako sa kaniyang bisig kahit alam niyang mabigat ako.

"Baby, sabi ko naman sa 'yo kanina na huwag malikot, 'di ba? Tignan mo, Mommy's baby is hurt na tuloy."

Mas lalo akong napaiyak nang hinimas nito ang aking tuhod. "Ouch! Mommy, it hurts!"

Inaalo ako ng aking ina nang biglang may sumulpot na bata sa gilid niya. Ito 'yong batang masungit na nakita kong umiiyak. "Now you're the one who's crying. Pity." Natigil ako sa pagngawa at napalingon din si Mommy sa batang nasa gilid.

"Shut up!"

"Who are you, little kid?"

Umasim ang kaniyang mukha nang marinig ang salitang kid. Muntik na akong matawa nang hindi ko lang maalala na galing pa ako sa pag-iyak. "Don't talk to him, Mommy! Ang sungit niyan kahit mabait ako sa kaniya kasi sabi mo I should be good to strangers!"

Hindi ako pinansin ng bata pero ngumiti naman si Mommy at ginulo ang naka-pigtails kong buhok.

"I'm Habi. I-I am lost..."

Kaagad bumalik ang awa na aking naramdaman kanina para sa kaniya. Kaya siguro siya umiiyak kanina ay dahil nawawala siya. Akala ko pa naman ay may umaway sa kaniyang ibang bata o matanda at iniwan siya ro'n.

"Oh, come here. Let's sit down first. Our flight will be at 9 PM. We still have 2 hours to talk."

Pinaupo ako ni Mommy sa upuan ko at naupo naman ang bata sa aking likuran, habang si Mommy ay nasa aking kiliran pero nakaharap kay Habi, ang batang lalaking masungit pero iyakin.

"Talk," ani Mommy habang inaayos ang mga papeles na hawak niya.

"I came from an orphanage here in Alaska, saying that my parents abandoned me there due to some reasons that I never got to know from the nuns. And now that I am already 10, they sent me on this airport. They told me that someone will get me and that the papers were already on processed upon adoption. But, I've been waiting here for almost 6 hours and no one came to get me... that's when I started crying."

Nang tingnan ko si Mommy, nangingilid na ang kaniyang luha sa mga mata; naaawa. Pati ako ay naawa sa kaniya. Iniwan pala talaga siya rito at hindi nawala. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko kakayanin iyon. Baka nga atakihin ako ng aking sakit.

Hindi nakatiis si Mommy at hinagkan na si Habi. Tinulungan namin siyang hanapin ang kumupkop sa kaniya gamit ang mga impormasyong binigay mula sa mga madreng tagapag-alaga sa bahay-ampunan. Ngunit sinabi ng mga staff na nakalipad na ang eroplanong sinakyan ng mag-asawa. Mas lalong naawa si Mommy sa sitwasyon niya nang makitang para itong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nag-book ng ticket si Mommy at saktong iyon na lamang ang available para sa oras ng flight namin.

Isinama namin siya sa Pilipinas. Doon siya namuhay kasama namin. Tinuring siyang tunay na anak nina Mommy, Lola, at Lolo. Kaso wala kaming ama minsan dahil nasa syudad si Daddy, roon ang kaniyang trabaho ayon sa sinabi ni Mommy.

Sa tagal naming palaging magkasama, nakilala ko pa siya nang lubusan. Hindi pala talaga siya masungit palagi. Minsan lang siya nagsusungit kapag sinumpong siya na parang babaeng nireregla, sabi ni Mommy. Napaka-bubbly niya at nakikisabay sa mga trip ko, na umabot pa sa puntong inaakala kong bakla siya. Kapag naman mayroong nakikipaglaro sa aking ibang bata ay hindi niya ako pinapansin at mas malamig pa sa yelo kung magtampo.

Akala ko ay hanggang kapatid lang ang magiging tingin ko sa kaniya hanggang sa umalis na siya sa amin. Pero hindi, lumabong pa iyon at alam kong hindi iyon puwede sapagkat aalis pa rin siya pagdating ng panahon.

Masasaktan lang ako.

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro