CHAPTER TWELVE
MALALAKAS na katok at boses ni Mama ang gumising sa 'kin kinabukasan. Bahagya kong kinusot ang mga mata ko saka dahan-dahang dumilat. Sinipat ko ang orasan na nasa dingding; alas otso na ng umaga. Nag-unat muna ako bago bumangon. Pagkatapos ay nagsuot na ng shorts dahil naka-boxer lang ako.
"Miggy! Tanghali na! Bangon na riyan at may bisita ka," sigaw ni Mama sa labas ng kuwarto ko.
"Opo! Saglit lang!"
Nang makalabas na 'ko ay bumungad sa 'kin ang isang mala-anghel na mukha. Nanlaki ang mga mata ko at muling pumasok sa kuwarto upang magsuot ng damit. Hindi ko inaasahan na siya ang pupunta rito, at ng ganito kaaga? Saka pa'no naman niya nalaman kung sa'n ako nakatira? Naipilig ko ang ulo ko dahil doon.
Nang lumabas na 'ko ay dumiretso naman ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nakakahiya naman sa kaniya kung haharap akong may bakas pa ng muta sa mga mata at natuyong laway sa gilid ng labi.
"Hi," sabi ko nang makalapit ako sa kaniya na kasalukuyang nakaupo sa sala.
"Good morning," she answered with a bright smile plastered on her lips.
"So... What brings you here?" straight to the point kong tanong.
"Baka nakakalimutan mo, about the tutor thingy?"
"Hindi pa naman ako pumapayag. Sabi ko pag-iisipan ko pa, 'di ba?"
"Kaya nga nandito na 'ko para hindi ka na makatanggi," nakangisi niyang sagot.
Napa-buntonghininga na lamang ako.
"And Marcus told me where you live. Baka lang magtaka ka."
Sabi ko na nga ba. Kagagawan na naman ni Marcus. Siya pa talaga ang gumagawa ng paraan para mas lalo kaming magkalapit ni Aya. Napailing ako.
"So, sa'n tayo? Dito sa bahay niyo, or we'll just find a place?" tanong niya nang hindi ako magsalita.
"Kahit sa'n mo gusto. Kung sa'n ka komportable."
And with that, she decided to stay here in our house. Mas tahimik raw kasi rito kumpara sa mga public places. Saka para makapagpahinga raw ako kaagad pagkatapos naming mag-aral.
Nang matapos kami ay niyaya ko siyang magkape. Nagpresinta naman siya na siya na lang ang magtimpla kaya hinayaan ko na lang. By just looking at her, I saw how perfect she is as a wife. How she smiled while she makes coffee makes the day of her husband complete. Natigil lang ako sa pagtitig sa kaniya nang mahuli niya ako.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Nahihiya ako sa isiping baka nakanganga pa 'ko habang nakatanaw sa kaniya.
Nang ilapag niya na sa harapan ko ang isang tasa ng kape ay nalanghap ko agad ang aroma nito. Sakto lang rin ang tapang nito base sa kulay. Nang tikman ko ito'y awtomatikong napapikit ako, ninanamnam ang magkahalong pait at tamis nito. Para sa isang taong mahilig sa kape, nagustuhan ko kaagad ito. Nakuha niya ang timplang gusto ko.
"O, anong masasabi mo? Kulang ba sa asukal? Masyado bang mapait? Matabang?" she curiously asked.
"Hmmm... Sakto lang." Ngumiti ako sa kaniya, and she did the same.
Saglit kaming binalot ng katahimikan kaya ako na ang bumasag nito.
"Alam mo... Hindi mo na kailangan ng tutor, e. Mukhang alam na alam mo na lahat ng nasa reviewer. Mas mabilis ka pa ngang matuto kaysa sa 'kin. Saka we already studied those when we were in college. Why hire for a tutor?"
"Marami kang alam na hindi ko pa alam. At mas matalino ka sa 'kin."
"Pa'no mo naman nasabi? Pangatlong pagkikita pa lang naman natin 'to," kuryoso kong tanong.
"Marcus told me."
"Si Marcus na naman."
"Bakit? Hahaha... Nagseselos ka ba?" pang-aasar niya.
"Ha? Bakit naman ako magseselos. Saka, matagal na ba kayong magkakilala?"
Natahimik siya at sa tasa niya lang nakatuon ang kaniyang pansin.
What's going on between them? Parang may iba akong pakiramdam.
"Aya. You already knew each other, don't you?"
Tumango lamang siya at hindi pa rin makatingin sa 'kin.
So, that explains why he wasn't surprised when he saw her on the bar the first time that I met Aya. Magkakilala na pala sila.
"Nanligaw ba siya sa 'yo dati?"
Knowing that he's a playboy, alam kong hindi makakaligtas sa kaniya ang karisma ni Aya. Ngunit na-sorpresa ako sa sagot niya.
"Hahaha... No way! Hindi 'no!" This time, she looked straight at me.
"Bakit? Sa ganda mong 'yan? Imposible," iiling-iling na tugon ko saka muling sumimsim ng kape.
"So, nagagandahan ka na sa 'kin?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Sa paraan ng pagtatanong niya'y parang matagal na kaming magkakilala. Just who the hell is this girl?
"Wala pa bang nagsasabi niyan sa 'yo?" naitanong ko na lamang ulit.
"Marami—"
"O, marami naman pala. Ba't parang hindi ka pa rin naniniwala," I blurted out when I cutted her off.
"Kasi ikaw ang nagsabi."
The way she looks at me makes me feel uneasy. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. Naguguluhan ako sa kaniya. Kahit saang sulok ng utak ko kapain ay wala akong matandaang nakilala ko na siya dati.
"Migz, 'yong kape mo lumalamig na," sabi niya saka tumayo na upang ilagay sa lababo ang tasa niya.
*****
"MAGKAKILALA na pala kayo ni Aya, hindi mo man lang sinabi," bungad ko kay Marcus nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pagkauwi ni Aya ay dumiretso ako sa bahay nila para magtanong. Curiosity is killing me, kaya naman pinuntahan ko kaagad siya. Buti na lamang at wala siyang lakad ngayon.
"Ayaw kong sirain ang moment niyo no'ng nakaraan kaya hinayaan ko lang kayo," nakangisi niyang sagot.
"Don't you find her attractive?"
"Bakit? Nagtataka ka kung bakit hindi ko siya niligawan? Hahaha... Heto, tol. No'ng nagkagusto kayo ni Jay sa iisang babae, ano'ng ginawa mo?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit niya pa kailangang ungkatin 'yong nakaraan, eh hindi naman si Angel ang pinag-uusapan namin ngayon.
"Nagparaya," tipid kong sagot.
"O, ngayon. Sa tingin mo, bakit hindi ko siya niligawan?"
Alam kong nakasalubong na ang dalawang kilay ko at kunot na ang noo ko nang mga oras na 'yon. Bakit naman siya magpaparaya? Kanino?
Marami pa pala akong hindi alam tungkol kay Marcus. Kahit na magpinsan kami, ngayon ko lang napagtantong ako lang palagi ang nagsasabi ng problema ko sa kaniya. He never shared his problems to me, not even once. Hindi ko rin alam kung nagsasabi ba siya kina Gab, Ian at Jay. I was too focused on myself that I forgot to confide my friends. Pakiramdam ko, napakasama kong kaibigan.
Naputol ang pag-iisip ko nang maka-receive ako ng isang text message. My forehead creased when I saw that it came from an unknown sender. At ang mas lalo pang ipinagtaka ko ay ang laman nito.
+639516084462
Stop seeing her, or else.
May halong pagbabanta ang mensahe. Stop seeing her? Sino ba ang tinutukoy niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro