CHAPTER TEN
"MA..."
Napalingon kaming lahat sa tumawag kay Mama. Kasalukuyan kaming naghahapunan ngunit nang makita namin siya'y awtomatiko kaming napatigil sa pagkain at dinaluhan kaagad namin si Ate Eilyn.
"Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Ha? Kumain ka na ba? Sinaktan ka ba ng lalaking 'yon?" sunud-sunod na tanong ni Mama na may halong pag-aalala.
"Ma..." hagulgol ni Ate sabay yakap kay Mama.
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa 'yo? Ano?"
"Ma, buntis po ako."
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh," mahina ngunit tiim-bagang na sambit ni Papa.
Nagitla kaming lahat sa sinabi ni Ate. Hindi rin nakahuma si Mama at diretso lamang siyang nakatingin kay Ate.
Maya-maya pa'y tumayo si Mama at dumiretso sa lamesa saka nagsalin ng tubig sa baso. Inisang lagok niya ito pagkatapos ay nanghihinang umupo habang si Papa naman ay lumabas ng bahay.
Hindi ko alam kung ano bang gagawin. Kahit ang kakambal ko at sina Kuya ay nakaupo lang sa sala at nakayuko, tiim-bagang at nakakuyom ang mga kamao na halatang nagtitimpi.
"Anak naman, bakit ka... Bakit ka nagpabuntis do'n sa lalaking 'yon? May asawa na 'yon, Eilyn!" Pati si Mama ay napahagulgol na rin.
"Ma, hindi siya mabigyan ng anak ng asawa niya. Baog ang asawa niya kaya pinili niya ako para... Para mabigyan siya ng anak!"
"O. Eh, bakit ka nandito? H'wag mong sabihing..."
"Nalaman na ng asawa niya—"
"Anak naman! Pa'no kung ipakulong ka ng asawa no'n? Ha? Ano'ng gagawin mo? Bakit kasi hindi ka nag-iisip?"
"N-nag... Nag-usap na kami, Ma," sabi ni Ate pagkatapos suminga.
Hindi na sumabat si Mama kaya si Ate Eilyn na ulit ang nagsalita.
"Ipapa-ampon ko sa kanila ang bata."
*****
"HEY! What's up mga bro? Ano'ng ganap at nag-aya kayong mag-inom? Martes pa lang ah," ani Jay.
Nagkatinginan lang kaming tatlo nina Marcus at Gab bago sagutin si Jay.
"Family problem," tipid na sabi ko.
"Oh... Kaya pala. Pero alam niyo mga bro, hindi na mawawala ang problema sa buhay natin. Nakadepende lang sa atin kung pa'no natin dalhin. Sabi nga, there's always a solution to any problem. If there's no solution, then, that's not a problem," mahabang litanya ni Jay.
"Hindi rin," sabat ni Gab.
"Oo nga. Kasi alam mo, hindi naman lahat ng problema, kailangan ng solusyon. May mga problema na dapat hindi na iniintindi at hinahayaan na lang," si Marcus ang nagsalita.
"Pero sa kaso ng problema namin ngayon, hindi talaga p'wedeng hayaan na lang," kontra ko.
"Kung hindi p'wedeng hayaan, then might as well find a solution to it. But tonight, let's all get wasted! Whoooo!" sigaw ni Jay saka binuksan ang isang bote ng Tequila.
Uminom lang kami hanggang sa maramdaman kong umiikot na ang paligid. Mas lalo pang nakadagdag sa pagkahilo ko ang dancing lights sa dancefloor. Maya-maya pa'y nag-aya sila na sumayaw, at dahil nga nahihilo na 'ko at parang masusuka ay nagpaiwan na lamang ako. Halos hindi ko na maaninag ang paligid ko dahil nagsisimula na rin itong lumabo. Just then, I felt someone grabbed my arm and whispered to my ear, "Already drunk? Gusto mo bang pawiin natin?" She chuckled.
I was too drunk to complain and just found myself being led to somewhere I didn't know. I can still manage to walk as if my feet has a mind of its own.
*****
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising ako. I groaned when the sun rays hit my eyes so I turned my back against the window. Tila pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit, ngunit pinilit ko pa ring dumilat. I woke up in an unfamiliar room. And even with a massive headache, I still scanned the whole place which motif is cream white. The decors are simple yet elegant. May malalaking painting na nakasabit sa pader at ang sahig ay carpeted. Malaki at malinis ang kuwarto. P'wede siyang kuwarto ng lalaki o babae. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat nang pagbangon ko'y bumungad sa 'kin ang sarili kong repleksiyon. Gawa kasi sa salamin ang dingding na nasa paanan ng kama.
Ngunit ang mas gumulat sa 'kin ay ang hubad kong katawan. I look under the sheets and my undergarments were all gone. Napapikit pa 'ko nang biglang pumintig ang ulo ko.
'Wala naman sigurong papasok rito,' sabi ko sa isip ko. Kaya naman tumayo na 'ko para hanapin ang mga damit ko ngunit hindi ko ito makita. I searched through the sheets, dahil baka natabunan lang ang mga ito. Minsan kasi kapag lasing ako, hindi ko na namamalayang nahuhubad ko na pala ang lahat ng damit ko, ngunit ibang bagay ang nakita ko.
The white sheet had a red stain on it. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Kukunin ko pa sana ito ngunit may narinig akong kumakatok sa pinto.
Hindi pa man ako nakakasagot ay bumukas na ito at bumungad sa 'kin ang isang magandang babae. She has a small face which complemented her small eyes and nose. Maputi siya at mapula ang kaniyang mga labi. Her black hair was tied in a messy bun. Katamtaman lang rin ang taas niya na sa hinuha ko'y 5'4" hanggang 5'6". Nang ngumiti siya ay lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
"Are you done staring?"
"S-sorry," depensa ko.
"Hahaha... You don't have to. Hindi naman ako madamot. Halika sa baba. May nakahanda na ro'ng almusal," aniya saka tumingin sa katawan ko. "Oh, by the way. Here's your shirt and pants. Pina-laundry ko kasi nagsuka ka raw kagabi."
"Ah... S-salamat."
"Nandiyan na rin 'yong underwear mo. Infairness, you're big... I mean, your—"
"Thank you. Magbibihis na 'ko."
I cut her off dahil baka ano pa ang masabi niya. Umiinit na ang mukha ko at pihadong namumula na ako kaya tumalikod na 'ko.
Then I heard her footsteps. Akala ko ay aalis na siya ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang tumayo siya sa likuran ko at bumulong sa tainga ko na nakapatindig sa mga balahibo ko.
"I'm curious. I wanna know how you taste," malanding sabi niya.
What? Ibig sabihin, walang nangyari sa 'min? Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. Akala ko'y dahil sa kalasingan ay may nadali na 'kong babae. Noon lang kasi ako nalasing ng todo kaya hindi ko na talaga alam kung ano ang pinaggaga-gawa ko kagabi. But the red stain was bugging my mind.
'Ah! Baka mantsa na talaga iyon,' sabi ko na lamang sa sarili ko.
"Ah... Ano... Magbibihis na 'ko. If you'll excuse me—"
"Alright! Alright! Sabi ko nga. Hahahaha... I'm just trying if you'll took my bait. Ngayon alam ko na... Sige, magbihis ka na diyan. Hahaha..." aniya saka dumiretso sa pintuan.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya isinawalang-bahala ko na lamang ito.
Bago siya lumabas ay muli niya akong nilingon.
"I'm Rebecca, by the way." Pagkatapos ay kinindatan niya 'ko saka tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
*****
NANG makapagbihis na ako ay agad akong lumabas ng kuwarto upang magpaalam na sana. Ngunit hindi ako pinayagan ni Rebecca na umuwi hangga't hindi ako kumakain kaya sa huli'y napapayag niya rin akong doon na mag-almusal.
Nang matapos kaming kumain ay nagpasalamat ako sa kaniya saka tumayo na upang umalis. Nauna siyang matapos kaysa sa 'kin kaya tumayo na rin siya upang ihatid ako sa pinto.
"By the way, I'm sorry for what happened last night," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
She laughed, which made me glanced at her.
"Don't worry. Hindi naman na bago 'yon sa panahon ngayon kaya naiintindihan ko kung bakit niyo 'yon nagawa. You know, most of the people are liberated nowadays," prangkang sabi niya.
I'm stupefied at what she said. Niyo? Ibig sabihin hindi siya ang nakasama ko kagabi? Argh! Naguguluhan na 'ko! Gustuhin ko man siyang tanungin ng diretso ay nag-aalangan ako. Babae ang kausap ko, and I just can't ask her if I had touch her or not. Or if it's really her who brought me here.
Hanggang sa makauwi ako ay 'yon lang ang laman ng isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro