CHAPTER SIXTEEN
TILA NANIGAS sa kinauupuan niya si Angel habang ako naman ay nanlamig dahil sa presensiya ng taong nasa likuran ko. Nakatitig sa kaniya si Angel habang nanlalaki ang mga mata.
"Ano? Bakit hindi kayo makapagsalita?" matapang nitong tanong.
Angel's hand is shaking. Mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko kaya naman tumayo ako at hinarap ang lalaking nasa likuran ko.
Hindi ako duwag ngunit tila nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaki. It's Angel's husband! How can I ever forget his face? The face of the man who stole Angel from me!
Napatingin siya nang matalim sa mga kamay naming magkahawak pa rin. Babawiin na sana ito ni Angel ngunit hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.
"Siya ba? Ha, Angel? Siya na ba ang kinababaliwan mo ngayon? Bakit? Ano bang mayroon sa hayop na 'yan, ha?" tiim-bagang niyang tanong.
"L-Lucas, I... I'm sorry—"
"P*tang *na naman, Angel! Minahal naman kita, pero bakit ganito ang napala ko? Ha? May nagawa ba 'kong mali sa 'yo? Mayro'n ba?" His eyes are already turning red as tears started to form.
Maya-maya pa'y lumapit sa 'min si Earl habang humahangos at pawisan, ngunit natigilan nang makita niya ang lalaking tinawag ni Angel na Lucas.
"Earl. Uwi na tayo."
"No! I'm staying with Mama!" sigaw niya kay Lucas saka yumakap kay Angel. Hilam na ng luha ang kaniyang mukha at nanlalamig na rin ang pawisan niyang kamay.
"See what you've done? Pati anak natin dinadamay mo! And now, he hates me—"
"It's all your fault! It's all your fault, Lucas! Kaya bakit mo sa 'kin isinisisi kung bakit galit sa 'yo ang anak ko?" putol ni Angel sa dapat ay sasabihin niya.
"Anak natin, Angel! Anak ko rin siya!"
"No! Simula no'ng saktan mo 'ko, at no'ng nagdala ka ng babae sa mismong pamamahay ko, pinutol mo na ang lahat sa atin! At pinuputol ko na rin ang koneksiyon ninyo ni Earl!"
Sa mga oras na 'to, tila ba nanonood lang ako ng isang pelikula. It's like I'm not in the scene, where the female and male lead were having a lover's quarrel. Wala silang pakialam sa mga taong nakaririnig sa kanilang dalawa at tila may sariling mundo sila kung saan inilalabas nila ang lahat ng kanilang mga saloobin.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Angel. That made her stop from talking back to Lucas and look at me. Ngunit muli rin siyang napabaling kay Lucas nang magsimula ulit itong magsalita.
"Angel, mahal kita. Since then, I'm loyal to you. I may not be faithful but I'm loyal to you. Nagawa ko lang 'yon out of misery. You're so near yet you feel so distant, far from my reach. Hindi kita mahawakan. Hindi ko alam kung bakit nananatili ka pa rin sa 'kin kahit na alam ko na ang buong katotohanan. You don't love me. You never loved me. Not even once." Naglaho ang galit sa mga mata ni Lucas at napalitan iyon ng kakaibang lungkot.
"H-how did you..."
"I heard you, Angel. I overheard your conversation with him. I was in denial at first, kasi akala ko nagawa mo lang sabihin 'yon sa kaniya kasi galit ka sa 'kin. But that night when you got home, your eyes were full of happiness and contentment. Something I've never seen for the past years that were together. I'm so sorry. I'm so sorry, dahil hindi ko nagawang paligayahin ka. I guess I will never have a place in your heart." Saglit na dumapo ang tingin niya sa 'kin saka muling bumaling kay Angel. "Siya ba? Siya ba 'yong first love mong lagi mong binabanggit sa mga sulat mong nasa diary mo? 'Yong first love mo na hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutan?" Napatawa siya nang mapait. "I thought that a puppy love was as shallow as having a crush. But look at you, kahit ilang taon na ang lumipas at naging matured na, siya pa rin. Sa kaniya pa rin nakatuon ang paningin mo. Siya pa rin ang inaasam mo."
Napayuko si Angel at tahimik na humikbi. I can't react. It feels like my heart stopped beating when I heard what he said. Totoo ba? Maniniwala ba 'ko? O baka naman nagkakamali lang siya. Baka hindi talaga ako ang tinutukoy ni Angel sa mga sulat niya gaya ng sinasabi ni Lucas.
Lumapit siya kay Earl at inilapat ang kamay niya sa ulo ng bata. "Earl, I want you to take care of your Mom. You're a big boy now, I'm counting on you," aniya saka nginitian si Earl.
Kapagkuwan ay bumaling siya sa 'kin. "Man. I guess you are Miguel, right?" tumango ako bilang tugon. "I don't know who you are, but please take care of them. Ayaw kong bitiwan si Angel dahil mahal ko siya. But only you can give her the happiness that I'm not able to give. Alagaan mo siya." Iyon lang at tumalikod na siya.
Hindi ako makapaniwala. Parang ang bilis nang mga pangyayari. Hindi ko inaasahang makakaharap ko ang asawa ni Angel, and now what? He's giving her the freedom that she wanted. I didn't expect that thing to happen. Akala ko uupakan niya 'ko dahil kinukuha ko sa kaniya ang asawa niya pero hindi niya ginawa. Nakapagtatakang ang bilis magbago ng modo niya. Galit na galit siya kanina at kung nakamamatay lang ang tingin niya ay baka kanina pa 'ko bumagsak sa lupa at duguan. Ngunit hindi, biglang lumambot ang ekspresiyon niya. He's saying things I can't imagine he would say in that state.
Now, I'm torn. Naaawa ako sa kaniya dahil sa aming dalawa, siya ang mas higit na may karapatan kay Angel. But he let her go. Binitiwan niya si Angel nang ganoon lang kadali. I'm starting to have a doubt.
"TITO MIGZ, I don't want to go home," untag ni Earl sa akin habang nakaupo kami sa bench sa labas ng isang convenience store na malapit sa playground.
Napatigil ako sa pagkain ng ice cream, ganoon din si Angel. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Angel bago ako nag-aalangang bumaling kay Earl.
"Why?"
"Papa will just beat Mama again. I don't want that to happen." Bakas ang takot sa mukha ng bata. He's just barely six years old but he already witnessed traumatizing things.
Napayuko si Angel saka binitiwan ang disposable spoon at pinagsalikop ang dalawa niyang kamay.
"S-sinasaktan ba siya lagi ng Papa mo?" tanong ko at tumango naman siya. "How about you? Sinasaktan ka rin ba niya?" Umiling siya. Nakahinga ako kahit papaano dahil hindi siya pinagbubuhatan ng kamay ng ama niya.
"I don't want to see Mama crying again. Please, take us with you."
Napapikit ako nang mariin. Hindi ko na alam ang gagawin. I can't afford to let them suffer again, pero saan ko sila dadalhin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro