Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER SEVENTEEN


  "HINDI mo naman kami kailangang dalhin sa bahay niyo, Migz. May trabaho naman ako. Maghahanap na lang ako ng mauupahan namin ni Earl," saad ni Angel habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

    "Tutulungan na lang kitang maghanap," suhestiyon ko na ikinangiti ni Angel.

    "O, sige. Hindi na ako hihindi. Ikaw na nagpresenta eh," nakangising sagot niya naman.

    Mabuti na lamang at may alam akong paupahang bahay kung kaya't bago maggabi ay may matutuluyan na sila. Malinis na ang bahay at mga gamit na lang ang kulang. Ako na ang nagpresentang bumili ng mattress, unan at kumot, pati mga damit na pagbibihisan nila.

    It's been a long day for all of us, at alam kong pagod din sila. Kaya't nang mag-alas nueve na ay nagpaalam na 'ko para umuwi.

    "Bibisita na lang ulit ako bukas." Nasa labas na ako ng pinto habang si Angel naman ay nakasandal sa hamba nito.

    "Sige. Mag-iingat ka pauwi," sagot niya at nginitian ako nang ubod-tamis. "Thank you for this day, Migz. I appreciated your efforts. Salamat."

    "Alam mo, kanina ka pa nagpapasalamat. Kotang-kota na. Hahaha..." pang-aasar ko sa kaniya. Bahagya akong lumayo nang akmang hahampasin niya ako kaya mas lalo ko siyang inasar nang hindi niya ako natamaan.

    "Che! Umuwi ka na nga! Nang-aasar ka pa." Napairap siya.

    "Uuwi na nga. Baka lang kasi gusto mo 'kong pigilan kaya medyo tinatagalan ko pa. Sabihin mo lang, magpapapigil naman ako, eh."

    "Sus! H'wag ka nga! Asa ka namang pipigilan kita, 'no!"

    "Pikones ka talaga. Hahaha... Sige na. Uuwi na 'ko. Hindi mo na talaga ako pipigilan? Final na? Sure ka na?"

    "Oo! Kaya simulan mo nang maglakad. Lokong 'to."

    Napailing na lamang ako habang nakangisi. I don't know but I find her cute when she's annoyed. Nababaliw na nga yata talaga ako.

    Tatalikod na sana ako nang biglang may humila sa laylayan ng t-shirt ko. Paglingon ko sa gilid ay si Earl ang nadatnan ko.

    "Tito Migz, please stay here. I'm afraid Papa will show up and hurt Mama again," nakanguso at naluluha niyang sabi.

    I squatted in front of him para mapantayan ko siya. Ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti. "Kukuha lang ako ng damit sa bahay namin tapos babalik din ako kaagad. Okay ba 'yon?" tanong ko sa kaniya.

    Nag-aalangan siyang tumango saka tumingin sa lapag. "Babalik ka po, ha," paninigurado niya pa.

    "Oo naman."

    Pagkatapos ay tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay. Nakangiti si Angel nang balingan ko, and I did the same. Kumaway pa 'ko para muling magpaalam.

    "Pasok ka na sa loob. I-lock mo ang pinto. H'wag na h'wag mong bubuksan kapag may kumatok," paalala ko.

    "Opo, tay," nang-aasar niyang tugon. "Uwi na po at gabing-gabi na."

    Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makauwi ako.






   
    NAKAHIGA na ako sa kama at pipikit na sana upang matulog nang mag-ring ang cellphone ko. Tamad ko itong kinuha at tinignan ang caller ID. My brows furrowed when I saw Aya's name. I immediately pressed the answer button.

    "Hello?" bungad ko.

    "Migz? Oy, Migz! Hahahaha... Kumusta?" Hindi ko masyadong marinig ang boses niya dahil sa ingay na nagmumula sa background. But I assume that she's drunk.

    "Aya, nasaan ka?"

    "Hmmm... Hulaan mo... Hahahaha..."

    Agad akong napabangon dahil sa sagot niya.

    "Ano ba, Aya! Tinatanong kita nang maayos. P'wede ba sagutin mo na lang ako?"

    "Alam mo... Ang kulit mo... Paano nga kita s-sasagutin... Eh hindi ka naman nanliligaw."

    "Nasaan ka nga? Sabihin mo na. Sino kasama mo?"

    "Uy... Concern yarn? Hahahaha... Sana all concern." I felt the sadness and desperation in her voice. I was wondering if she was heart broken that's why she's getting drunk.

    Maya-maya pa'y may narinig akong bumagsak. Binundol ng kaba ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

    "Hello? Aya? Nandiyan ka pa ba? Hello?" Nakakailang hello na ako pero walang sumasagot. Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang may nagsalita sa kabilang linya.

    "Aya, tara na. Iuuwi na kita." Nanlamig ang mga kamay ko dahil sa boses na narinig ko. Hindi ko alam kung kaboses lang ba niya o siya talaga 'yong narinig ko. Pero hindi ako maaaring magkamali.

    "Hmmm... No... I don't want to go home yet. Inom pa tayo," rinig kong ungot ni Aya.

    "Hindi. Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo! H'wag ka na ngang makulit, Aya! Papagalitan ako ng Mama at Papa mo!" Tumaas na ang boses niya. Marahil ay dahil sa pagkayamot dahil sa kakulitan ni Aya.

    "Jay, please. Samahan mo na lang ako. Ayaw ko pang umuwi," pagmamakaawa ni Aya.

    Pero sandali. Jay? Si Jay nga ang kasama niya! Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Pero bakit? Bakit sila magkasama?

    Tuluyan ko nang ibinaba ang tawag at nag-online sa social media account ko. Sa pagkakakilala ko kay Aya, mahilig siyang mag-post tungkol sa mga ginagawa niya kaya naman ini-stalk ko ang account niya. At hindi nga ako nagkamali. There was a picture of them, Aya and Jay, na nakaupo sa bar counter at may mga inumin sa harapan nila. May caption pa ito na "Quality time with him." May kiss emoji pa. Nang tignan ko ang background ay nakilala ko agad ang lugar. Doon pa rin sa bar kung saan una kaming nagkakilala ni Aya.

    Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga. Kasama naman pala niya si Jay. I don't have to worry if ever something happened to her. Napangiti ako ng mapakla. Dapat maging masaya ako kasi sa wakas, magkaka-girlfriend na ulit si Jay. Ngunit bakit tila pinipiga ang puso ko dahil sa nalaman ko? Bakit imbis na maging masaya ay naiinis ako at nalulungkot.

    Pinilit kong ipikit ang mga mata ko ngunit mukha ni Aya ang nakikita ko. Naguguluhan na 'ko. Pilitin ko mang isiksik si Angel sa isipan ko ay mukha pa rin ni Aya ang nakikita ko sa tuwing pipikit ako.

    Muli akong bumangon. Kumuha ako ng t-shirt at maong na pantalon sa cabinet at isinuot ito. Nagsuot rin ako ng sapatos. Then I grabbed my wallet and cellphone. Pupuntahan ko si Aya para matahimik na ang isipan ko.





    PAGKAPASOK ko sa bar ay sobrang daming tao. Sobrang ingay. Nasisilaw ako sa disco lights kaya hindi ko kaagad naaninag ang mga taong nakaupo sa counter.

    Naglakad ako papalapit roon ngunit sa kasamaang palad, wala akong nakitang Aya at Jay. Marahil ay nakauwi na sila. Uuwi na rin sana ako nang pagtalikod ko'y nabunggo ko ang isang babae. Napasalampak siya sa sahig kaya naman inalalayan ko siya sa pagtayo.

    "I'm sorry. Hindi ko sinasadya—" Natigilan ako nang humarap siya.

    "It's okay, Migz," nakangiti niyang tugon.

    "Rebecca?"

    "Hahaha... Yup! Buti naalala mo pa 'ko."

    Napangiti ako. "Sino ba namang hindi? Sa ganda mong 'yan?"

    Napatawa siya at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Siyempre! Ako yata si Rebecca Shaira Baltazar. Pangalan pa lang, maganda na," aniya saka ako kinindatan.

    Rebecca Shaira Baltazar?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro