CHAPTER FOUR
NAPABALIKWAS ako nang makarinig ng sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.
"Miggy! Miggy!" aligagang sigaw ni Mama.
Agad akong bumangon at hindi na nag-abala pang magsuot ng damit dahil sa pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang tono ng boses ni Mama - takot na takot.
Tinungo ko ang pinto saka ito binuksan at nabungaran ko ang luhaang mga mata ni Mama.
"Ma, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Miggy! Ang Ate Eilyn mo... Ang Ate Eilyn mo, naglayas!" hagulgol ni Mama.
Hindi agad na-proseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Siguro dahil kagigising ko lang o ayaw talagang tanggapin ng utak ko ang mga narinig kaya hindi kaagad ako makapag-react.
"Miggy! Hanapin mo ang Ate mo! Baka sumama na siya sa lalaking 'yon! Miggy!" Nakakapit na si Mama sa braso ko habang sumisigaw at niyuyugyog ako.
"S-sinubukan niyo na ba siyang tawagan?"
"Iniwan niya ang cellphone niya," aniya saka ipinakita sa 'kin ang hawak niyang de keypad na cellphone ni Ate.
Hindi ko malaman kung ako bang dapat kong gawin. Ito ang unang beses na sinuway ni Ate si Mama. She has always been the good daughter. She didn't attend college and just work instead for us to finish our studies. Kaya hindi ko agad maarok kung bakit niya ito ginagawa ngayon. Siya ang unica hija ng pamilya kaya hindi namin siya dapat pabayaan.
"Hahanapin ko si Ate, Ma. Ibabalik ko siya rito... Ibabalik ko siya sa atin." I hugged my mother for reassurance as I said those words.
"TOL, ano? Nahanap mo ba siya?" tanong ko kay Gabby sa tawag. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng pinagtatrabahuan ng lalaking kinakasama ni Ate - sa presinto.
"Wala, tol. 'Yong lalaki ba, nandiyan?" tanong niya sa 'kin pabalik.
"Wala rin, tol. Day off niya raw ngayon," imporma ko.
"Tsk! Ang hirap naman nilang hanapin. Halatang pinagtataguan nila tayo," angal niya.
"Makita ko lang talaga ang lalaking 'yon, humanda siya sa 'kin."
"Mag-ingat ka, tol. Baka magka-record ka niyan... Mahirap na. Pulis 'yang kalaban mo,"paalala niya.
Hindi na 'ko umimik. Tama naman kasi siya. Mahirap kalaban 'yong lalaking 'yon. Isa pa, bawal akong magkaroon ng bad record dahil maka-a-apekto ito sa pag-a-apply ko sa susunod na taon sakaling pumasa ako sa board exam.
"Tsk! Buhay nga naman."
Nagpasya akong umuwi na lang dahil wala rin naman akong mapapala kung mananatili pa 'ko rito. Maghihintay lang ako sa wala.
Naglakad lang ako papuntang sakayan dahil nasa likod lang naman ng plasa ang presinto. Dalawang bloke lang naman ang pagitan ng sakayan at plasa.
Tatawid na sana ako nang biglang may tumawag. Hindi ko agad nakita kung sino iyon dahil nasisilawan ang screen ng cellphone ko ng araw. I just swiped the answer button at saka inilapit sa tainga ko ang earpiece nito.
"Hello? Dude?" Si Marcus.
"O? Ba't ka napatawag? Tatawid na 'ko, e," angil ko sa kaniya. Pa'no kasi, wrong timing tumawag.
"Nagyayaya si Jay. Sa Art District daw tayo mamaya - "
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niya pang sinabi nang napadako ang tingin ko sa kabilang kalsada. At tulad ng mga pangyayari sa isang pelikula... Tila ba biglang bumagal ang ikot ng mundo. At dahan-dahan, bumaling sa 'kin ang rason kung bakit tuluyan na ngang tumigil hindi lang ang mundo ko, kundi pati ang pagtibok ng puso ko.
She gazed at me while I stare at her beautiful face. Nagbago na siya - mas lalo pa siyang gumanda sa paglipas ng mga taong hindi ko siya nakita. Isa lang ang tiyak kong hindi nagbago - ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"HEY! I heard what happened to your Ate Eilyn," ani Ian.
Kasalukuyan kami ngayong nasa isang inuman sa Art District. Nagyaya si Ian dahil Biyernes - payday niya. It's his treat kaya hindi na kami naka-hindi. As usual, kaming lima ang magkakasama - si Marcus, Ian, Jay, ako at ang kakambal kong si Gabby.
Nagkatinginan lang kami ni Gabby.
"Hindi mo naman masisisi 'yong tao, dude," si Jay ang nagsalita.
"No! That man already has a family! Bakit kailangan niya pang sirain ang buhay ng ate namin?" palatak ko.
"You know, dude. Love is not selfish. Kung talagang mahal niya ang ate namin, he should have let her go. He should have never left his family for the sake of love... Kung love pa nga bang matatawag 'yon," mahabang litanya ni Gabby.
"Hindi niyo naman kasi malalaman kung ano'ng pakiramdam dahil hindi kayo ang nasa sitwasyon. Why don't you try to put on their shoes?" kibit-balikat na sabi ni Ian.
"Alam niyo, mga dude... Let's just enjoy this night. Kaya tayo nandito para makapag-unwind. Leave your problems behind for a while. May bukas pa, aba!" payo ni Marcus na sinegundahan naman nila.
ALA una y media na ng madaling araw nang mapagpasyahan namin ni Gabby na umuwi na. Hindi naman marami ang nainom namin dahil puro kwentuhan lang kami.
"Uuwi na talaga kayo? Grabe naman, dude! Minsan sa isang buwan ko lang kayo nakaka-bonding, e. Sulitin na natin!" pangungulit ni Ian. Sa aming lima, siya ang may pinakamababang alcohol tolerance kaya ayon at pipikit-pikit pa habang nagsasalita.
"Oo nga naman. Minsan lang tayo makumpleto. Sulitin niyo na... Pati ang buhay binata niyo. Bahala kayo, pagsisisihan niyo rin kapag nag-asawa na kayo," pangungunsensiya ni Jay saka sila tumawang tatlo nina Marcus at Gabby. Napailing na lang ako.
"Ewan ko sa inyo! Basta uuwi na 'ko. Kailangan ko pang mag-review bukas ng umaga. Alam niyo namang hindi ako pumapasok sa review center. Sariling sikap lang 'to," sabi ko.
"Pati sa ano nga sariling sikap, e! Hahahaha..." Diniinan pa talaga ni Marcus ang salitang 'ano.' Nagtawanan na naman sila pagkatapos.
"Bakit kasi ayaw mo pang mag-girlfriend? Ano? Siya pa rin ba? Hahahaha..." asar ni Jay.
Natigilan ako sa sinabi niya. Buti na lang pala at hindi ko nasabi ang nangyari kaninang umaga.
"Torpe kasi 'tong utol ko. Pero loyal. Nawa'y lahat, 'di ba? Hahahaha..." panggagatong pa ni Gabby.
Kahit kailan talaga, hindi ako mananalo sa kanila kapag ganito na ang usapan. Buti na nga lang at lasing na si Ian. Mas malala pa naman siya mang-asar.
"Kung ako sa inyo, magsi-uwian na rin kayo. Iuwi niyo na 'yang si Ian. Tulog na, oh!" nasabi ko na lang.
"Paktay! Hindi pa niya nababayaran ang mga nainom natin!"
Natampal ko na lang ang noo ko sa sinabi ni Marcus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro