Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIFTEEN

    PASADO alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. What happened earlier when I was with Angel is bugging me. Pretend as her boyfriend? Nakakatawa. Hanggang gano'n na lang ba talaga ako? Hindi na ba p'wedeng totohanin? Nakapanli-liit na hinayaan ko siya sa gusto niya. My heart badly wanted to be with her but my mind is getting on the way. Nakokonsensiya ako. Hindi ko pa rin alam kung ano nga bang nangyayari kay Angel at sa asawa niya kaya niya ako niyayang maging pretend boyfriend niya. At ako namang si tanga, pumayag naman.

    Bumangon ako at lumabas ng kuwarto upang magtungo sa kusina. Tila nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa mga nagaganap.

     I opened the fridge and get a pitcher of cold water. Ngunit muntikan ko nang mabitawan ito nang pagsara ko ng fridge ay may nakatayo sa tabi nito.

    Nakahinga ako nang maluwag nang ini-on niya ang ilaw at nakita kong si Ate Eilyn 'yon.

    "Hindi makatulog?" tanong niya.

    Tumango lamang ako saka nagsalin ng tubig sa baso saka sumimsim dito.

    Kumuha rin siya ng baso at inilapag sa tapat ko para salinan ko ng tubig. Nang masalinan ko na ang baso niya ay kinuha naman niya ito saka naupo sa lamesa. Naupo rin ako sa tapat niya.

    "Migz, naranasan mo na bang magmahal?"

    Tila napipilan ako sa tanong niya. Her gaze drifted from the glass of water in front of her onto me.

    "Naranasan mo na bang masaktan dahil sa pagmamahal mo sa taong 'yon?" muli niyang tanong.

    Hindi ko makapa ang sagot sa mga katanungan ni Ate Eilyn. Hindi dahil wala pa akong alam tungkol sa pagmamahal, kundi dahil nabigla ako. Hindi ko alam kung bakit niya biglang naitanong ang mga iyon sa akin samantalang hindi pa naman ako nagkakaroon ng karelasyon.

    "Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, makakaya mo bang bitawan ang isang taong labis mong minahal? Makakaya mo bang magparaya para sa kasiyahan ng iba? Makakaya mo bang saluhin lahat ng sakit, 'yong tipong kahit madurog at magkapira-piraso 'yang puso mo ay ayos lang masabi mo lang na ginawa mo ang tama? Mas pipiliin mo bang maging tama kaysa maging masaya?" Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ni Ate habang sinasambit ang mga katanungang ito.

    Tila hinugot ang puso ko mula sa dibdib ko at piniga ng ubod-lakas. Hindi ko kayang sagutin ang mga katanungan ni Ate dahil matagal ko nang kinalimutan ang pakiramdam na iyon. Matagal ko nang ibinaon sa limot kung paano nabasag at nawasak ang puso ko dahil nagparaya ako. Ngunit hindi ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya, para kay Angel. Bumabalik at bumabalik pa rin ang mga nangyari noong mga panahong iyon, kung paanong inanod ng mga butil ng ulan ang mga luhang bumalong mula sa aking mga mata dahil sa sakit at paghihinagpis.

    Napahikbi si Ate Eilyn. I don't want to see her like this. I don't want her to feel what I felt back then. Pero talagang mapait ang tadhana para sa aming dalawang magkapatid. Hindi ba p'wedeng akuin na lang ng isa ang problema at hinanakit ng isa? Hindi ba p'wedeng isa lang ang magdusa?

    "Pero alam mo, Migz... Nagsisisi ako sa ginawa ko. Oo, alam kong makakasira ako ng pamilya dahil sa ginawa ko. Pero matuturuan ko ba 'to?" aniya sabay turo sa dibdib niya.

    Lumipat ako sa upuang nasa tabi niya at doon umupo. Hinawakan ko ang gilid ng ulo niya upang ihilig sa balikat ko. Hindi ako maalam sa pagpapatahan ng isang babae ngunit kailangan. Alam kong hindi madali ang pinagdaraanan ni Ate. Sa mga salita niya, batid ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon. Kaya wala akong ibang maramdaman kundi awa para kay Ate at galit sa hinayupak na 'yon. How can he be so selfish? May asawa na nga't lahat, nagawa pang humanap ng kabit? At ang mas masahol, ang Ate ko pa ang napili niya. What an as*h*le!

    "Mahal ko siya, Migz. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko siya kayang iwan," himahagulgol na litanya ni Ate.

    "Shhh... Alam ko, Ate. Alam ko. Pero alam mong mali 'di ba? Ate, h'wag ka sanang magagalit pero kasalanan 'yang ginagawa niyo."

    Umalis siya mula sa pagkakahilig sa balikat ko.

    "Nagmahal ka na ba? Nasaktan? Nagparaya? Kasi kung hindi pa, malalaman mo rin ang sinasabi ko. Kapag naramdaman mo na ang mga naramdaman ko, huhusgahan mo pa kaya ako? O katulad mo rin akong mas pipiliin ang maging masaya kaysa maging tama."

    She left me sitting there, dumbfounded.

    Kung ako ang nasa posisyon ni Ate, ano nga ba ang pipiliin ko?

    Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang mga naganap sa pagitan namin ni Angel. Wala sa isip na napasabunot ako sa sariling buhok saka naihilamos ang mga palad sa mukha ko.

    Mauulit ba ang nangyari kay Ate sa akin? Magagawa ko rin ba kayang sumira ng pamilya para lang sa pagmamahal?




    MAGKATABI kaming nakaupo ni Angel sa lilim ng isang malaking puno ng Acacia. Tanaw ang mga batang naglalaro sa playground, pati na ang anak niyang si Earl. He was a jolly kid. Pala-ngiti at pala-kaibigan. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang naglalaro at tumatawa kasama ng ibang mga bata.

    "Mana sa 'yo ang anak mo, 'no. Friendly saka masayahin."

    "Sana nga ganiyan siya hanggang paglaki. Nakakainis lang kasi wala man lang nakuha sa facial features ko. Hahaha..."

    "At least, guwapo ang anak mo. Hahaha... O, 'di ba? Mana pa rin siya sa 'yo. You're both good-looking."

    Napangiti siya sa tinuran ko.

    Nang mapatitig ako sa kaniya'y naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Ate Eilyn kagabi. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong tungkol sa estado nina Angel at ng asawa niya.

    "Angel..."

    "Hmm?"

    "K-kumusta kayo ng a-asawa mo?" Napawi ang ngiti niya dahil sa tanong ko.

    "H'wag na natin siyang pag-usapan."

    "I'm sorry if I offended you. Alam mo kasi, hindi ako mapakali. Gusto kitang makasama pero pa'no ang asawa mo? Tiyak kong magagalit 'yon kapag nalaman niyang may kinikita kang ibang lalaki."

    "Migz, just tell me if you don't like the idea of us dating secretly. Na nagpe-pretend kang boyfriend ko. Hindi naman ako namimilit—"

    "Angel, hindi 'yon gano'n. Nag-aalala lang ako sa kung ano ang kayang gawin ng asawa mo kapag nalaman niya 'to. Natatakot lang akong baka saktan ka niya... Kayo ng anak mo."

    Hindi siya nakaimik. Bumaling lamang siya sa ibang direksiyon ngunit hindi nakaligtas sa 'kin ang pangingislap ng mga mata niya dahil sa mga luha.

    "Angel—"

    "I don't love him. I didn't love him. Kahit kailan, hindi ko siya minahal," aniya saka humikbi.

    Napipilan ako at hindi alam ang sasabihin.

    "It was all an accident. Hindi ko ginusto ang nangyari sa aming dalawa. I was just too drunk that night kaya may nangyari sa amin. H-hindi ko siya mahal at hindi ko alam kung kaya ko siyang mahalin. Lalo na no'ng malaman ko ang ugali niya pagkatapos naming ikasal." Patuloy lamang siya sa paghikbi habang nagsasalita.

    Batid ko ang sakit sa bawat salitang binibitiwan niya.

    "I'm sorry."

    "No. D-don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan na naging tanga ako, eh."

    "K-kasalanan ko. Kung sana nagpakita ako sa 'yo nang mas maaga. Kung sana niligawan na kita noon pa lang para wala ka nang rason para sumama sa iba. Kung sana hindi na 'ko naghintay ng tamang panahon para sabihin sa 'yong mahal kita. Angel, kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon. Kung dumating lang sana ako ng mas maaga, sana nailayo na kita sa ganitong kapalaran," sambit ko habang taimtim na nakatitig sa kaniya.

    "But you're late. I want to hate you but I can't. Kung sana hindi mo na ako itinulak pa sa iba. Kung sana tinanggap mo na lang 'yong pag-amin ko sa 'yo dati. Pero wala, eh. Nangyari na. And it's all my fault. Migz, sorry kung naistorbo ko pa ang buhay mo. Gusto ko lang namang maranasan na mahalin mo. I longed for this for the past years. Mahal kita, dati pa and I keep on thinking kung ano'ng pakiramdam na mahalin mo. Kung ano'ng pakiramdam na mahalin ka rin ng taong mahal mo."

    Napatawa siya ng mapait.

    "I love you, Migz. Simula no'ng una nating pag-uusap, nakuha mo na 'ko. Nahulog na 'ko sa 'yo. Nakakatawa lang kasi puppy love lang 'yon sabi ng iba. Pero para sa 'kin, hindi. I see my future with you everytime we're together. Kaya no'ng itulak mo 'ko kay Jay, binawi ko 'yong pag-amin ko. I told you it was only a joke kasi takot akong mapahiya. Takot ako sa rejection. Hahaha... Ang drama ko na masiyado. Sorry ha, ganito lang kasi talaga ako," aniya sabay punas ng luha sa namumula niyang pisngi.

    I was at a loss for words. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Nanghinayang ako sa mga narinig ko. Pero wala akong choice noong mga panahong iyon. Importante siya sa 'kin, pero importante rin ang pagkakaibigan namin ni Jay.

    Nagitla ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko.

    "Migz, I love you. Pero kung ayaw mo nang ituloy 'to—"

    "Ituloy ang alin?" Isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa gawing likuran ko.

   
   

   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro