Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER EIGHTEEN

    "O, ano'ng nangyari sa 'yo?" untag sa 'kin ni Rebecca.

    "Ah, w-wala. May naalala lang."

    "Becca!"

    Napalingon ako sa lalaking tumawag kay Rebecca.

    "Bec—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang magawi ang tingin niya sa akin. Rumehistro ang gulat sa mukha niya.

    "Migz? A-anong ginagawa mo dito?"

    "Hey, bro! Kumusta?"

    "Oohhh... Magkakilala kayo?" tanong ni Rebecca sa aming dalawa.

    Hindi ko inalis ang tingin ko kay Jay. "Yeah! Tropa kami, eh. 'Di ba, Jay?" Hindi ko alam kung nahimigan niya ba ang sarkasmo sa tono ng pananallita ko.

    He's now looking at me with the same intensity my gaze are giving to him. Napangisi siya na nakapagpatinag sa akin. He then turned his gaze to Rebecca.

    "Nga pala, Rebecca. Puntahan mo na lang si Aya sa kotse. Hinahanap ka, eh. Alam mo namang sa 'yo lang nakikinig 'yon," aniya.

    Wala nang nagawa si Rebecca kundi sumunod sa sinabi ni Jay.

    Wait... What? Magkakilala silang tatlo?

    "I bet you're confused. Tara ro'n sa counter."

    Jay ordered drinks for us, saka siya nagkuwento. Sa totoo lang, wala naman talaga dapat akong pakialam sa relasyon nilang tatlo. Why would I care? Pero heto't nakikinig pa rin ako sa kuwento ni Jay. Hindi ko alam pero parang pinaglalaruan yata kami ng tadhana.

    "So, you're saying na half-siblings kayo ni Aya at noong high school mo lang nalaman?" tanong ko pa ulit sa kaniya upang makasigurado.

    "Hahahaha... Lasing ka na yata, eh. Paulit-ulit? Oo nga, sabi— Aray naman! Bakit ka naman nambabatok?"

    "Bakit ngayon mo lang sinabi?"

    "Aba! Eh, malay ko bang magkakilala na kayo. Kagabi nga lang ako umuwi galing siyudad, eh. Kung 'di niya lang ako tinawagan, hindi pa sana ako uuwi. Hay, buhay. Eh, 'di sana ngayon nasa bahay ako ng girlfriend ko at—"

    "Ha? may girlfriend ka na?"

    "Hay! Ewan ko nga sa 'yo! Gulo mo kausap!" aniya saka nilagok ang alak sa shoting glass niya.

    Hindi ko mapigilan ang pilyong ngiti na nais kumawala mula sa mga labi ko. Rebecca is Aya's cousin and their living in the same house. Nasa Manila kasi ang buong family niya kaya do'n siya tumuloy sa bahay ni Rebecca.

    Naputol ang pagmumuni-muni ko nang kalabitin ako ni Jay sabay nguso sa cellphone ko na nasa counter table.

    "Kanina pa tunog nang tunog 'yan. Nakailang missed call na, hindi mo narinig? O wala ka lang talagang balak na sagutin." Napailing pa siya pagkatapos.

    Agad kong dinampot ang cellphone ko na patuloy pa rin sa pag-ring. Angel's name flashed through the screen. Pipindutin ko na sana ang answer button nang bigla itong tumigil. Napakunot ang noo ko nang makita ang oras. Alas dose pasado na ng gabi, ba't 'di pa rin siya tulog?

    I decided to call her back but when I was about to dial her number, she called again. Agad ko itong sinagot.

    "Hello?"

    "Ano ba, Lucas! Luc— Lucas... Bitiwan mo nga ako! Magigising si Earl! Umalis ka na, please. Baka matakot sa 'yo ang bata kapag nakita ka niya rito. Please..." Napahikbi si Angel. "Please, umalis ka na. Pabayaan mo na kami!"

    Naalarma ako nang marinig ko ang pangalan ng asawa ni Angel. Hindi na 'ko nagpaalam pa kay Jay at agad na 'kong lumabas sa bar na 'yon. Naghanap ako agad ng taxi para mapuntahan sila. Hindi ko pinatay ang tawag at patuloy lang na nakinig sa usapan nila.

    I heard sobs. Tiyak kong kay Angel iyon galing. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kabilang linya.

    "Pabayaan? Nahihibang ka na ba? Ano na lang ang sasabihin sa 'kin ng mga magulang mo kapag nalaman nilang pinapabayaan kita? Na pinapabayaan ko kayo ng anak ko? Ha? Kaya sumama ka na sa 'kin. Tara na, umuwi na tayo sa bahay!"

    "No! Hindi na 'ko babalik sa 'yo! Kahit lumuhod ka pa sa baga, hinding-hindi na 'ko babalik sa 'yo!"

    "Sino ba ang ipinagmamalaki mo, ha? 'Yong pulis na hilaw na 'yon? Bakit? Akala mo ba natatakot ako sa kaniya? Baka kailangan ko pa siyang patayin sa harapan mo para bumalik ka na sa 'kin. Ano? 'Yon ba ang gusto mo, ha? Sagot!"

    "P-papa? Papa! A-anong ginawa mo kay Mama? Bitiwan mo siya!"

    Tumawa na nang malakas si Lucas. Para na siyang nababaliw! Akala ko totoo lahat 'yong sinabi niya na hahayaan niya na sina Angel. Psh! Baliw na nga yata ang lalaking 'yon. Dapat lang na hindi na bumalik sina Angel sa kaniya dahil siraulo siya.

    "Manong, p'wede po pakibilisan?"

    "Nagmamadali ka ba? Pasensiya na at medyo malabo na ang mga mata ko, gabi pa naman. Madilim. Baka madisgrasya tayo."

    Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ni Manong. I need to get there as soon as possible! Baka kung ano'ng gawin ni Lucas sa mag-ina niya. I calm myself and breathe slowly multiple times. Nanginginig na ang mga kamay ko. Para na akong ni-nerbiyosin dahil sa sobrang takot at kaba para kina Angel.

    "Papa! H'wag! Papa!" rinig kong sigaw ni Earl pagkatapos ay sinundan iyon ng mga iyak nilang dalawa ni Angel. Ramdam ko ang takot sa bawat hikbi nila. Parang nilalamukos ang puso ko sa naririnig ko. Walang hiya talaga'ng hayop na 'yon!

    "Manong, pakibilisan ng konti. Baka kung ano nang mangyari do'n kapag nahuli ako ng dating," taranta kong pagmamakaawa sa driver.

    Ngunit ilang sandali pa'y nakarinig ako ng isang malakas na putok at nawala ang linya nina Angel. Mas lalo akong kinabahan. Agad akong nag-dial ng police hotline upang i-report ang nangyari at nang mapuntahan nila kaagad ang apartment nina Angel.

    Naihilamos ko na lamang ang mga palad ko sa mukha dahil sa labis na pag-aalala.

    "Sana walang nangyaring masama sa kanila," piping hiling ko.

   

   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro