Chapter 8
Chapter 8
Another soldier
Matapos ang mainit naming pagsasalo ng sundalong hapon, bigla na rin tumaas ng temperatura sa Pilipinas at tumila na rin ang ulan. Ngunit pinili pa rin namin manatili sa kweba habang dama ang init ng aming pagmamahalan.
Sinong mag-aakala na ang nararamdaman kong labag sa kalooban ay mauuwi sa maalab ng pagmamahalan?
Kasalukuyan akong nakasandal sa matipunong dibdib ng aking sintang hapon—este medyo maayos na dibdib pala, ang aking imahinasyon ay tila naapektuhan dahil sa laki ng kanyang... laki ng kanyang pagmamahal kanina.
Nakayakap ang kanyang mga braso sa akin habang nakahilig ang baba niya sa balikat ko. Bahagya lamang natakip sa aking kahubaran ang kanyang uniporme na tatlong beses ang laki sa kanya at maaari ko nang gawing kumot.
Rinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong hininga.
"May problema ba, mahal ko?" marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
Ilang beses siyang umiling sa akin habang magkatitigan ang aming mga mata. Isa lang naman ang ibig sabihin niyon, hindi niya ako maintindihan.
"Marry me... demo..." muli siyang napailing.
Hindi man kami magkaintindihan sa salita pero ramdam ko na ang pinuproblema niya. Paano nga ba kaming dalawa? Isa lang naman akong magandang dalagang Pilipina at isa siyang patpating sundalong hapon, kailanman ay hindi kami maaaring magsama. Isa iyong ilusyon.
Kapwa kami papatayin ng aming mga lahi kapag nalaman nila ang aming pagtataksil.
"Seiji..."
Nang marinig niyang tinawag ko ang pangalan niya sa unang pagkakataon, nanlaki ang maliit at napakaganda niyang mga mata.
Sinapo ko iyong magkabilang pisngi niya at mas dumiin ang mga mata ko sa kanya. Hinayaan kong humagpos ang uniporme niya sa lupa at tumambad ang aking magandang kahubaran sa kanya.
"Hindi kita mapapakasalan, Seiji. Marry me no..." ilang beses akong umiling sa kanya.
"Me is from Philippines... you is soldier Japanese! War war. Us kill..." ilang beses kong parang ginilitan ang leeg ko.
Sinapo niya rin ang magkabilang pisngi ko. "Demo Aishiteru..."
"Hindi kita maintindihan, pero kailangan na natin maghiwalay. Naalala ko may ibinigay sa akin si ina na mapa!" may kinuha ako sa bulsa ng aking kasuotan at nangangatal kong binuksan ang papel sa harapan niya.
"Mapa! Malapit na ako sa unang kuta ng katipunan! Matutulungan nila ako. Makakaligtas ako..."
Nakatungo siya roon sa mapa at mukhang naiintindihan na niya ang ibig sabihin ko. Nang muling nagtama ang mga mata namin, ilang beses pa siyang umiling sa akin.
"Para ito sa atin... kailangan ko pang mabuhay para paramihin ang lahi ng mga Rosilla." Muli kong sinapo ang magkabilang pisngi niya at idinikit ko ang aking noo sa kanya.
"Ipinapangako ko, Seiji. Hahanapin kita sa susunod kong buhay at hinding-hindi kita pakakawalan. Mababaliw ka sa akin at aanakan mo ako ng sampu..."
At muli'y inangkin ko ang mga labi ng sundalong hapon at hinayaang muling mamayani ang aking nahahalinang tinig ng sukdulan ng aming pagmamahalan.
Akala ko'y makaka-apat na ikot pa kami ng mainit na pagsasalo ng sundalong hapon. Mariin pang nakahawak ang dalawa kong palad sa matipunong— este mabuto—ano medyo maayos niyang dibdib habang walang tigil ang paggalaw ng baywang ko sa ibabaw niya. Kapwa kami pawis na pawis at nakaawang ang mga labi habang dama ang aming pag-iisa nang may marinig kaming mga yabag ng paa.
Agad kaming napalingon sa bukana ng kweba. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa paggalaw sa ibabaw niya.
"Ahh...peste!" usal ko nang hawakan niya ang kamay ko para patigilin ako.
"C-Chottomatte kudasai."
Iritado akong umalis sa ibabaw niya at dali-dali kaming nagbihis ng labag sa loob ko.
"Sino ba namang pesteng hinayupak iyan?" bulong ako nang bulong habang inaayos ang kasuotan ko. Habang iyong sundalong hapon sabog na sabog pa ang buhok, hindi pa nakabutones ang uniporme at nakasintas iyong sapatos.
"O-okay?"
Lumingon siya sa akin. Tumango na ako kahit hindi naman talaga maayos ang pakiramdam ko. Hawak na niya iyong kanyang baril habang nakaprotekta ang isang braso niya sa akin. Dahan-dahan ang lakad namin habang nakatitig sa lumalaking anino papalapit sa amin at nang sandaling tumambad na sa amin ang hayop, walang-hiya, peste at letcheng istorbo agad niyang itinutok ang baril sa panibagong patpating sundalo.
Pumasok na siya sa kweba na nakatutok din ang baril sa amin.
"Matsumoto!"
"K-Kobayashi!"
Nakakrus ang mga braso ko at naniningkit ang mga mata ko sa delivery boy ng pizza na nakatulala rin naman sa akin.
Hindi ko akalain na bagay rin pala kay Kobayashi maging delivery boy.
"What are you doing here dressed like that? Do you have evil plans again? Binabalaan kita, Kobayashi! Not my Seiji! Noong nakaraan buhay ka pang peste ka!"
"Huh? Nakaraang buhay?"
Agad umangat ang kilay ko. Aba't nakakapagtagalog na ang hapon na 'to! At hindi pa masyadong pilipit ang dila niya, hindi katulad ni Seiji.
"Can I come in?"
"Bakit ka papasok? Delivery boy ka lang naman? Why are you here?"
"Where's Seiji? I didn't know that his girlfriend is here." Gusto pa sana niyang sumilip sa loob pero hantaran ko siyang hinarangan.
"Excuse me, gago ka, ah?! Wife na 'ko! By the way, what happened to your hair?" napangiwi ako nang mas mapansin ko ang hairstyle niya. Kung si Seiji long hair na sabog ang buhok, ito namang si Kobayashi long hair na straight, parang rebonded pa nga.
"Ah, wife then."
"What is your business with my husband?"
"None of your business. I'll just come back later."
Bago pa lalong uminit ang ulo ko ay pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. Padabog na akong umupo sa sofa. I messaged Seiji right away. Gusto ko sanang tawagan pero baka katabi niya iyong mga ugok niyang kaibigan at isipin na minamanipula ko na naman si siya.
Like duh? Super luwag ko kaya kay Seiji. Sinong matinong asawa ang papayag na lumabas ang asawa kasama iyong mga single niyang mga kaibigan na puro mga babaero?
I told him that Toshiro Kobayashi was here with a strange get-up. Don't tell me sikat na rin iyong hapon na iyon at kailangan na rin niyang mag-disguise?
I thought we're done with him. Pero mukhang may koneksyon pa sila ni Seiji at parang close na rin sila. Well, I can't blame Toshiro, my bebe is so kind naman kasi. Isang patunay na iyong kulto nila Troy, alam kong pinagtitiyagaan na lang naman sila ni Seiji.
My bebe is so kind talaga.
Akala ko ay mamaya pa magre-reply si Seiji pero napatitig ako sa phone ko nang tumatawag na ang magaling na hapon.
"Yes, bebe?"
"Is he still there?"
"Pinaalis ko na agad."
"Good. Don't open the door, okay? I'll be right back."
Ngumiti ako. "Alright."
Dahil mabait naman akong asawa, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagti-twitter habang hinihintay si Seiji. Nagtingin din ako sa online shop ng iba't ibang costume na pwede kong isuot sa susunod na bed scene namin ni Seiji.
Bakit ba? Gusto ko kayang mag-role play!
Pagulong-gulong ako sa sofa habang kinikilig na tinitingnan iyong mga isusuot namin ni Seiji. My bebe wearing a bunny headband, while I'm wearing a leopard nightie.
Para akong bulate na binudburan ng asin sa kilig habang nakikita iyong imahe ni Seiji na namumula habang suot ang mga pinag-a-add to cart ko. Bilhin ko na kaya?
Pwede rin naman na iyong mismong suot niya noong nakaraang buhay namin? Should I find a Japanese soldier uniform?
Hindi ko na namalayan na lumipas na ang oras sa pagtingin ko ng mga isusuot namin ni Seiji, kaya nang bigla kong narinig ang boses niya halos mahulog na ako sa sofa.
"Ouch!"
"Bebe, be careful."
Mahinang sabi ni Seiji na mabilis akong dinaluhan at inalalayan agad ako. "Seiji! I missed you!"
Madrama kong iniyakap ang mga braso ko sa kanya na halos matumba na rin siya sa akin. I tightly snaked my arms around his nape.
"B-bebe..." ilang beses niyang tinapik ang braso ko. "I can't breathe..."
"Then I will give you air to breathe, bebe..." mas madramang sabi ko. Bago pa makapalag si Seiji, sinapo ko na ang magkabilang pisngi niya at mariin ko siyang hinalikan.
I immediately pushed him on our sofa. Dahil alam ni Seiji na paborito kong pumosisyon sa ibabaw niya, hinayaan niya na lang ako. Nasa laylayan na ng damit ko ang mga kamay ko at handa na akong hubarin iyon nang biglang tumunog ang pesteng doorbell.
Mapapatay ko ang letcheng Kobayashi na iyan!
Seiji awkwardly looked at me. Nangangatal pa iyong hintuturo niya habang unti-unting nag-aangat para ituro ang pintuan. Alam ni Seiji na ayaw na ayaw kong mabibitin!
"A-Ano bebe..."
Padabog akong umalis sa ibabaw niya at iritado kong hinawi ang buhok ko. Kumakamot si Seiji sa sabog niyang buhok habang mabagal na bumabangon sa sofa.
"Gomene, Ibu..."
Umirap ako sa kanya. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. He tenderly kissed my forehead to the tip of my nose until to my lips.
"Later. I'll make Ibu totemo happy." He said in whisper.
Parang tumalon ang buong kaluluwa ko sa sinabing iyon ni Seiji, kaya kahit hindi ako marupok inangkla ko na ang braso ko sa kanya at sinamahan ko na siyang salubungin ang pesteng istorbo.
Hindi na ako nagulat nang makita na si Kobayashi nga iyon. Dinala namin siya ni Seiji sa sala, akala ko nga ay pauupuin siya ni Seiji doon sa sofa na dapat bibinyagan namin pero inalok siya ni Seiji sa ibang upuan.
I secretly grinned.
And because I am a good wife, I offered something to our guest.
"I'll prepare your foods, gentlemen."
Of course, ihahanda ko lang naman kasi bumili na ako kanina ng pagkain. At isa pa, alam ko naman na kailangan nilang mag-usap na sila lang. I need to give them the privacy they need.
Hindi muna ako lumabas sa kitchen ng halos kalahating minuto para pagbigyan ang dalawang patpating hapon na mag-usap. Kobayashi has a nice body before, bakit kaya namayat iyon?
Or maybe that's really his original body? Si Seiji rin naman kasi ang nagsabi na sadyang ganoon daw talaga ang mga katawan nilang mga hapon. Even their skin, iba iyong pagkaputi nila maputla o madilaw parang kulang talaga sa araw.
Kung titingnan para talaga hindi healthy si Seiji pero puro gulay naman ang kinakain niya at nasa tamang oras naman siya kung kumain. Sadyang ganoon talaga ang pagka-macho niya.
Malapit na akong lumabas sa pintuan ng kitchen nang marinig kong nagsasalita si Seiji.
"I can't go out for too long. Ibu will pluck my eyes out of its socket. She will put salt on it and feed it to the crows." Seiji said casually na parang lalagyan lang ng mantika ang kawali.
"Honto? But that's c-cruel... a-are you sure that you're fine here? I just realized that Filipino girlfriend is—" bago pa ituloy ni Kobayashi ang sasabihin niya ay itinigil na niya iyon nang makita niya ang anino ko.
Kung kanina ay parang hindi pa siya natatakot sa akin, ngayon ay bigla siyang pinagpawisan. Ikaw ba naman ang sabihan ng kapwa mo hapon na pinagbantaan ka ng asawa mong dudukutin ang mata mo? 'Di ba?
I pretended not to hear their conversation. Inilapag ko na sa center table ang pagkain at hantaran akong kumalong kay Seiji. Saglit pang napatungo ang asawa ko na parang nahihiya pa sa kaharap niya.
Nag-aalinlangan pa si Seiji na ipulupot iyong braso niya sa baywang ko habang kaharap si Kobayashi pero nang panlakihan ko siya ng mata, nangangatal pa ang kamay ng magaling na hapon ilagay lang iyon agad sa baywang ko.
Napapunas ng pawis si Kobayashi at ilang beses napalunok habang pinapanuod ang sitwasyon ni Seiji. Parang napansin ko pa ang pag-iling niya na parang hindi niya gustong mapunta sa parehong sitwasyon.
Yumakap ang braso ko sa leeg ni Seiji.
"Now, what brings your newly found friend here, bebe?"
Seiji glanced at Kobayashi hesitantly. Pansin ang hindi pagsang-ayon ni Kobayashi pero dahil mahal ako ni Seiji, hindi na niya hinintay ang approval ng long hair niyang friend.
"He's somewhat connected with a Filipina and..."
"Don't tell her."
"And? What happened to Himeno? Akala ko malapit na kayong mag-work?"
Hindi nakasagot si Kobayashi, kahit si Seiji ay napakamot sa pisngi niya. "Don't tell me... na may Filipina rin na labag sa loob na humahabol sa 'yo?"
Kobayashi grimaced. Napasulyap din sa akin si Seiji.
He put too much effort for Himeno before, and then what? Who is this Filipina?
"Labag sa loob?" nakangiwing tanong sa akin ni Kobayashi.
"He's good in Tagalog, bebe. Nande?"
Umiling sa akin si Seiji. "Wakanai."
"So, you're here to ask Seiji for an advice? Are you sure that you got the right guy?" mas humilig ako kay Seiji at humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Hindi na nakawala si Seiji... we're married and about to make ten babies."
Napatayo na si Kobayashi habang pawis na pawis. "That's because I didn't ask for an escape, Ibu."
"I think I should leave..." kinakabahang sabi ni Kobayashi.
Hindi ko na napigilan tumawa. "Don't get caught, Toshiro. Parang naalala ko sa nakaraang buhay natin na na-inlove ka rin sa Filipina..."
Muling napailing si Seiji. "Kureiji..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro