Chapter 7
Chapter 7
Delivery
I thought I could easily brush the idiots away. Lalo na nang pumayag naman si Seiji na hindi sumama sa kanila kahit wala pa naman silang sinasabi, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harapan ng mga ugok na bisita ni Seiji na nakahilerang nakaupo sa bagong sofa ng asawa kong hapon.
Yes, Seiji's about to tell me that he recently bought a condominium near his office so that it wouldn't be a hassle for him to drive home. Halos hindi pa nga ako makapaniwala. I even asked him if he paid it in cash or installment. Sobrang kuripot naman kasi ni Seiji tapos biglang bibili ng condominium?
Pero bago ko pa man kausapin ng masinsinan si Seiji tungkol sa bagong biling condominium niya, mas pinili kong tumayo roon sa harapan ng mga ugok niyang kaibigan.
I stood in front of them elegantly. Nakakrus ang mga braso ko at taas noong nakatingin sa kanila, bahagyang nakabuka ang mga hita ko habang sinadya kong tapik-tapikin iyong sapatos kong may eight-inches heels para hantarang iparating sa kanila na hindi ko gusto ang presensiya nilang apat sa harapan ko.
Like seriously? Hind pa rin ba sila nakaka-move on sa akin? Kasal na ako at masaya na kaming nagmamahalan ni Seiji, huwag na silang umasa na maghihiwalay pa kami. Besides, Troy, Aldus, Sean, Langston are not really my type.
Feeling ko nga mga retokado pa sila.
"Hindi ba't sinabi na ng asawa ko na hindi siya sasama? Bakit may pagsunod pa kayo rito sa condo?"
Si Seiji lang iyong nanatiling nakatayo sa tabi ng sofa niya na may plastic pa nga pero inuupuan na ng mga hindi imbitadong bisita. Patungo-tungo lang iyong magaling na hapon habang handa pa yatang makipaggigilan sa akin itong magagaling na ugok na 'to.
Of course, Troy Ferell answered quickly. Sino pa ba ang aasahan ko kundi ang pasimuno ng peste nilang samahan?
"It's just for few hours, Sidra. Para naman tayong walang pinagsamahan. You should be happy that your husband has genuine friends like us." Napangiwi ako sa narinig ko.
I looked at Seiji accusingly. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Genuine? Genuine? Hindi ba alam ng hapon kong asawa na pinagti-tripan lang siya ng mga ugok na 'to? Kung anu-ano pinagsasabi nila kay Seiji at naniniwala naman ang magaling na hapon na iyon.
Businessman pa man din ang mga ito. Paano na lang kung papirmahin nila na papirmahin si Seiji? But then again, I immediately brushed those thoughts. I can say that Seiji's a bit innocent, but he can never be fooled when it comes to business.
Sa ibang bagay lang talaga siya madaling mauto.
"Wala tayong pinagsamahan, Troy Ferell."
"What? We were your—" bago pa man tapusin ni Langston Kamote iyong sasabihin niya ay tinalikuran ko na siya.
"Seiji, follow me!"
Kahit nakatalikod na ako at naglalakad alam kong nakailang yuko si Seiji roon sa mga kaibigan niya bago siya magmadaling sumunod sa akin.
Kalalapag ko lang ng baso ng tubig sa lamesa nang pumasok si Seiji na parang maamong tuta. Lalong tumalim ang mga mata ko sa kanya.
"I told you, Seiji. You should stop coming with them. They are not good influence for you." Nanunumbat na sabi ko.
"But Ibu... they helped me a lot. When I was still pursuing you and when I was away from you. They guarded you for me."
Agad akong umiling. "No. Type nila ako Seiji. They were just seeking for an opportunity to get me. But I was very loyal to you kaya hindi nila ako nakuha. Isa pa, can't you notice? Super insecure nila sa 'yo. Sobra silang inggit sa 'yo kasi you're already married. You got me—your wife as one of the sexiest women alive."
Umiling din sa akin si Seiji. Na-brain wash na talaga ng Troy Ferell na iyon ang bebe ko. "They are not like that, Ibu. Who told you? They are all kind to me."
Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya. I buried my face on his chest, mas lalo na naman akong napaiyak. "But I am afraid that they might ruin my soft bebe..."
"No."
Nagkunwari akong parang naiiyak habang nakasubsob pa rin sa macho niyang dibdib. Pero nang maalala ko ang tungkol sa condo niya agad tumigil ang kunwari kong pag-iyak at marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya.
I pulled him closer. "Bakit bigla kang bumili ng condo, Seiji? At hindi ko pa malalaman kung..." biglang nanlaki ang mga mata ko. "Don't tell me they advised you to buy this so that you can bring..."
Kahit hindi ko tapusin ang sasabihin ko, alam kong nakukuha na iyon ni Seiji. Nagsimula na siyang umiling ng maraming beses sa akin at halos mahilo ako dahil sa pagsunod ng mata ko sa pag-iling niya.
I immediately grabbed his face to stop him. "Ibu... this is for you. For us. I want you to live here and not in your condo. I want you near my company."
Biglang lumuwag iyong pagkakahawak ko sa long sleeve niya at ang pagkakakunot ng noo ko ay unti-unting nawala, sa huli napapadyak na lang ako sa sahig at napahampas sa braso niya.
"Bebe naman, e! Sabihin mo na lang sa mga friends mo na bukas na sila bumalik. Because..." pinaikot-ikot ko ang hintuturo ko sa dibdib niya. "May tissue na ba here, bebe?"
Ilang beses tumango si Seiji.
Ngumisi ako. "Bebe ko medyo ready..."
Dahil madaling kausap si Seiji, nakaangkla na ang braso ko sa kanya pagbalik namin sa harapan ng mga kaibigan niyang ugok. At base sa nakikita ko sa hitsura nina Troy at ng mga kasamahan niyang unggoy, alam na nilang nakapagdesisyon na talaga si Seiji.
Like duh? The decision is always mine. Patay na patay kaya sa akin si Seiji simula pa ng panahon ng pananakop ng hapon, there's no way that he'd decide something without my approval.
Besides, I am the wife.
Kapwa na kami nakatayo ni Seiji sa harapan ng mga kaibigan niya. Mas humigpit pa iyong yakap ko sa braso niya at hilig na hilig ang katawan ko, habang nanunuya ang mga mata ko roon sa mga ex-boyfriends ko na hindi pa rin talaga maka-move on.
"Ano..." nagkakamot na siya sa sabog niyang buhok. Gusto ko na sanang sumabat at sabihin sa kanila na magsilayas na sila dahil hindi sila welcome pero hinayaan ko na nga lang si Seiji na magsalita.
"Our condo is still a mess. We need to fix this first. Can you come back tomorrow?" hirap na hirap na sabi ni Seiji.
Dahil nagsisinungaling lang naman si Seiji at itinuro ko lang sa kanya ang gagawin niyang rason, halatang-halata sa kanya na hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi na niya magawang makatingin ng tuwid roon sa mga talunan niyang friends.
"But this is all about your cousin, Seiji. Tadashi's in trouble. We need your help." Seryosong sabi ni Sean.
And those words immediately switched my grin to frown. Tama ba ang pagkakarinig ko?
"W-What? What happened to him?" pagsabat ko.
Pero base sa ekspresyon nila ay hindi nila gustong sabihin sa akin. This is something that's really exclusive for them. Kung hindi lang mabait si Tadashi at naging kontrabida sa buhay namin ni Seiji ay hindi ko siya papayagan. But Tadashi's my favorite cousin of Seiji, kaya wala na akong pinagpilian kundi bitawan si Seiji.
I wanted to ask more about it but it's one of his friends' rule pa rin naman. "Go. I can wait here." Bakas na agad iyong pag-aalala ni Seiji sa pinsan niya.
"Magbihis ka muna. Can you wait here, boys?" tanong ko. Tumango naman sila sa akin. Sinamahan ko na si Seiji sa kwarto na medyo mabigat ang loob.
"I'm sorry, Ibu."
"It's fine. It's Tadashi."
Hindi ko na siya hinayaan pumili ng damit sa cabinet, dahil lumapit na ako at ako mismo ang pumili ng white t-shirt sa kanya. Kusa nang gumalaw iyong mga braso ni Seiji habang binibihisan ko siya.
He's like a baby as always. Sinadya niyang bahagyang bumaba sa akin para sa sandaling itaas niya iyong mga braso niya ay maabot ko, isinuot ko iyong t-shirt niya sa ulo niya, sa braso hanggang sa bahagya kong hilahin ang laylayan.
Mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya sa labi. He smiled. Nawala na naman iyong maliit niyang mata.
Hansamu talaga ng bebe ko. Kinuha ko rin iyong puting addidas niyang cap at isinuot ko iyon sa kanya. Like duh? Siguradong mag-stand out siya kapag katabi niya iyong mga ugok niyang friends, hapon na hapon kaya ang pagka-hansamu ni Seiji.
"Be careful and please no other girls. I will know, Seiji. I am warning you. Dudukutin ko iyang mata mo. Lalagyan ko ng asin tapos ipiprito ko at ipapakin sa uwak!"
Napangiwi si Seiji at ilang beses napakurap na parang agad niyang nakita ang pangyayari ng mga sinabi ko.
"Kureiji... kureiji..." bulong na sabi niya habang umiiling at nakanguso.
"But of course, I am just kidding, bebe!" isinabit ko ang mga braso ko sa leeg niya. Ilang beses pa akong tumalon-talon habang hantarang ipinadadama sa kanya ang buong katawan ko.
"Isama mo na lang kaya ako?"
Ngumuso siya at umiling. "You can't. Bebe is totemo famous..."
Kung dati laglag lang iyong mga braso ni Seiji sa tuwing nakasabit ako sa kanya, ngayon lagi na siyang nakayakap sa baywang ko.
"Hmm... hayaku, okay?"
He nodded twice. "Hai."
Bago ako kumawala sa kanya muli akong humalik sa kanya at pinalalim iyon. Gusto ko pa sanang ibaba iyong kamay ko tulad ng lagi kong ginagawa pero si Seiji na mismo iyong pumigil sa kamay ko.
"Kureiji..."
Umirap ako sa kanya. "No girls, okay? Dahil kapag nalaman kong nambabae ka, Seiji, iiwan lang naman kita at itatago ko ang anak natin. Pupunta ako sa ibang bansa, pagbalik ko mas sexy pa ako with super cute baby and may hot na lalaking naghahabol sa akin, tapos may amnesia na rin ako at hindi na kita makikilala. Sobrang galing ko na rin sa business at investor mo pa pala ako. Pero isa-sabotage kita sa mga business deals mo dahil naghihiganti ako sa pambabae mong hapon ka! Maghahabol ka sa akin sa ulan na hindi nakapayong kaso hindi na talaga kita papansinin kasi naka-move on na ako."
Napakamot na naman si Seiji sa sabog niyang buhok. Ilang minuto siyang napatitig sa akin, kulang na lang may lumutang na formula sa ere habang pilit niyang ipinu-proseso ang mga sinabi ko. "Is that another story, Ibu?"
"Yes!"
Hinawakan ko na ang dalawang balikat niya at sinimulan ko na siyang itulak palabas. "Go. Bago pa magbago ang isip ko at i-lock na kita sa kwarto na 'to."
"Are you pregnant already, Ibu?"
"What if I am?"
Hindi agad nagsalita si Seiji pero ilang beses siyang tumango. "It's fine."
Pero bago pa man kami tuluyang nakalabas ng kwarto, sinigurado kong markado na si Seiji. I left a freshly marked hickey on his neck. Pulang-pula pa siya at tutungo-tungo na hawak iyon nang humarap siya sa mga kaibigan niya.
"Alright. Be careful, boys." Paalam ko.
Kung sa ibang pagkakataon nasisiguro ko na uulan pa ng mga walang kwentang salita mula roon sa mga ugok na iyon, pero mukhang seryoso talaga sila dahil hindi na rin sila nag-aksaya ng oras.
Nauna nang lumabas iyong mga hindi imbitadong bisita at huli si Seiji na sumulyap pa sa akin. I gave him a flying kiss. He didn't kiss back, of course. Tumango lang siya sa akin. Tumaas lang ang kilay ko dahil kahit naman ganoon si Seiji, pinaliligaya niya naman ako sa pinakagusto kong paraan.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng ilang gamit ni Seiji, iyong magagaan lang na hindi ako mahihirapan. I even fixed the bed sheets and removed the plastic of the sofa. Of course, I checked all those places that we might use for our next steamy exercise. Hanggang sa makarating na ako sa bathtub.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita na malaki iyon. Si Seiji Matsumoto talaga! Simpleng mahilig din!
Like duh? Bakit kailangan biglang sound proof iyong opisina niya? Bakit kailangan malapit na ako? Dahil gusto na laging makaisa ng hapon!
Patalon-talon ako at pakanta-kanta mag-isa roon sa loob ng bagong condominium niya nang biglang tumunog ang telepono ko.
It was Tanya.
"Hey, girl? What's up?" Masiglang bati ko.
Dahil kilalang-kilala na niya ako, alam na niya ang tono ng boses ko. "Wow. Looks like someone had her sprinkling session or about to get one?"
"Katatapos lang. So, what's up?"
"Wanna go out?"
"Eh? Nasa condo ako ni Seiji. Pero wala naman siya. Wait, I'll ask him."
I quickly messaged Seiji. Hindi pa man humahaba ang usapan namin ni Tanya ay mabilis na rin naman siyang nagreply.
Bebe: No.
I frowned. Ibinalik ko kay Tanya ang atensyon ko. "He said no. Maybe next time?"
"Where is he ba?" tanong ni Tanya.
"He's with his friends."
"What? Do you mean Troy and the gangsters?"
"Yeah?"
"That's unfair! Bakit siya pwede tapos ikaw hindi?"
I bit my lower lip. Hindi rin ako sanay na mag-no sa akin si Seiji. Dati ay okay lang siya nang okay sa akin.
I shrugged my shoulders. Hindi rin naman kasi pupunta talaga si Seiji kung hindi dahil sa pinsan niya. "Maybe next time, Tanya. You know... I am already married."
"Alright. No problem."
Babalik na sana ako sa kwarto ni Seiji nang biglang may nagdoorbell. Agad kumunot ang noo ko dahil wala naman sinabi sa akin si Seiji na dadating at wala akong natatandaan na order ko ng pagkain.
I suspiciously peeped on the peephole. Delivery man nga! Maybe Seiji ordered a pizza for me? Super sweet talaga ni bebe!
Binuksan ko na iyong pinto. Pero parang saglit nagulat iyong delivery man nang makitang ako iyong nagbukas. At magsasalita pa sana ako sa kanya nang unti-unting rumehistro ang kanyang pamilyar na mukha.
He's totally different from before! And why the hell he became a pizza delivery boy?
"T-Toshiro Kobayashi?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro