Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Options

"How can I ever unlove you, Ibu? My chest tightens so much. I want to kiss you now. P-Please, bebe. . ."

When I heard those lingering words from him, I suddenly felt like we were in the middle of an orchestra. Para akong nakakarinig ng musika sa paligid na hindi ko naman nakikita kung saan nagmumula.

I should have felt the fear, dread, and anxiety inside this depressing place, but for a split second with Seiji's tender eyes on me, I suddenly felt like I was captured in a magical place and the colorless forest slowly had its color.

I could feel the fast beating of my heart. This might be corny, but this really could be the power of love. Na sa simpleng mga salita niya lang, sa magaang titig ng kanyang mga mata at mahina at mahinahong boses niya, sobra akong nadadala sa mundong hindi ko inakalang bigla na lang magpapakita sa akin.

How could he look so adorably handsome with that simple gesture?

God, save me from his charms. Kung si Seiji ay nagagawa niyang itago ang bawat reaksyon o kaya'y nararamdaman niya sa akin, ako naman ay ang kanyang kabaliktaran.

I can't just hide my fascination with him. Sobrang hansamu talaga, bebe. . .

With the few threads of his hair slightly covering his tender eyes, his handsome face leaning on his arms, and even his soothing voice— that almost beg at me.

What's the first thing that I'd never get used to about Seiji Matsumoto? His effortless charms. Paano iyon nagagawa ni Seiji sa akin?

Anong klase ng gayuma mayroon ang Japan at sobrang effective sa akin?

How could he just sit there and ask me something like I had been depriving him of it like villain? Bakit sa mga bitaw ng mga salita ni Seiji ay ako ang mukhang may kasalanan sa amin? Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang dahilan kung bakit kami nasa sitwasyong ito.

He's the reason why I've been treating him this cold! Pero kung makapagsabi siya ng please, parang siya itong matagal ko nang kinakawawa.

Hinayaan ko ang sarili kong makipagtitigan sa kanya. He's waiting for my reply. Inaamin ko na gusto ko nang tumakbo sa akin, yakapin at halikan nang paulit-ulit. But this is my chance to get back on him.

Kahit gaano ko siya kamahal ay hindi ko kayang kalimutan na nakaya niya akong tiisin at hinayaang umabot kami sa ganito. Dapat ay maranasan niya rin kung paano maghabol kagaya nang kung paano ako nagpakahirap na kuhanin ang atensyon at pagmamahal niya.

But could I bear this? Hanggang saan ang limitasyon ko sa kanya? Hanggang ko siya kayang tiisin kung patuloy niya akong sinusuyo sa paraang alam niyang kahinaan ko?

Like, my gosh! Ang hirap magpaamo ng hapon! Pero siya, mukhang hindi man lang mahihirapan sa akin.

At please please bebe ka sa akin ngayong hapon ka!

I should calm myself and think about my struggles! I have the upper hand today. At dapat koi tong samantalahin.

Eksaherada kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Pinagkrus ko ang mga braso ko at sumandal na akong muli sa puno.

"No," matigas na sabi ko.

Ilang beses akong napasalamat sa utak ko dahil hindi nagawang pumiyok ang boses ko. He shouldn't sense that I've been struggling to treat him like this.

"But Ibu, you just told me that— "

"You are my beginning and ending?" pagtuloy ko sa sasabihin niya. Sinalubong ko nang muli ang mga mata niya, mas itinaas ko ang tingin ko na parang hindi man lang nagkakagulo ang isipan ko.

Tinanggal niya ang pagkakayuko niya at umupo na siya nang maayos.

He nodded.

"Ang layo naman ng sinabi ko sa kiss me. Swerte ka? Bati na tayo? Gwapo? Gwapo? May abs?"

Pansin ko na saglit siyang natigilan, kumunot pa ang kanyang noo, bago nag-angat ang isa niyang kamay para himasin ang kanyang noo. Para ba siyang nakarinig ng mga salitang hindi niya maintindihan kung bakit nakasama sa usapan.

Like excuse me? Valid naman iyong pinagsasabi ko.

"But you just asked for a baby—" pinutol ko ulit ang sasabihin niya.

Isa pa sa nakakaasar dito kay Seiji, puputok na iyong ugat ng kaaway niya sa pakikipagtalo sa kanya siya naman itong parang nakikipag-usap lang kung magkano na ang palitan ng peso sa yen.

Even his cousins were complaining about it!

Like, I was expecting a heated conversation between us, but Seiji's just nodding, blinking, or reasoning out like we were in casual conversation about water and electric bill— at hindi pa kami overdue.

"Dito? Dito talaga, Seiji? I told you paglabas na lang natin sa gubat na 'to! Gosh, hindi lang balakang ko ang sasakit pati likuran. Gagaya ka pa sa ninuno mo na—" siya naman ngayon ang pumutol ng sasabihin ko.

"It was your story, Ibu. I was just listening to your stories," he said casually.

Ipinaypay ko na ang kanang kamay ko sa aking sarili dahil tumataas na ang presyon ng dugo ko sa kanya. Ako lang ba ang sobrang naapektuhan sa usapang ito?

"Hmmp! Tutulog na ako! Huwag kang matutulog, Seiji. Bantayan mo ako!"

"You don't need to ask. I've been doing that since we were on the island," he said in his normal tone.

Muntik ko nang hawakan ang didbib ko dahil tila bigla na namang umatake ang bilis ng tibok nito.

Fucking Seiji Matsumoto and his unknown charms! I saw how he said those words, it was so simple that he didn't even intend to flirt with me. Para lang naman niyang sinabi na expired na iyong gatas na nakalagay sa refrigerator o tumigil na ang pag-ikot ng washing machine.

"Excuse me? Lagi ka kayang nauunang matulog sa akin!" I tried to sound annoyed. Kahit kaunti na lang ay alam kong bibigay na ako.

Ano ba itong si Seiji?!

Tipid lang ngumiti si Seiji pero sa kaunting galaw lang ng labi niya halos hindi ko na makita ang mga mata niya.

"W-What?" I tried to sound irritated.

"There are things that I didn't tell you back then, Ibu."

Hihiga na sana ako pero mukhang nakahanap na naman ng dahilan si Seiji para kuhanin ang atensyon ko. Mukhang wala na siyang balak hayaan akong matulog.

"What? More secrets?"

Umiling siya.

"It is not really that important. . ."

Pinanlakihan ko ng mga mata si Seiji. "Tell me."

"Remember when you woke up on the island?"

I blinked twice. "Of course. Poker face mong mukha ang agad kong nakita. Hindi ko talaga makakalimutan iyon. Like everyone's dreaming to see me in silk—" he interrupted me again.

"I was too afraid, even nervous that time. . ."

"Sa akin? Wow naman! Kahit bagong gising ako noon at punung-puno ng buhangin, alam ko sa sarili kong hindi ako nakakatakot noon! Goodness, Seiji! Ang ganda at sexy ko kaya!"

"Of course, but Ibu, can I continue first?"

I rolled my eyes again.

"Ibu, you were not breathing when I woke up. I desperately tried to save you," tipid siyang ngumiti. "Ang luckily you started breathing again."

Unti-unting umawang ang mga labi ko habang nakatitig sa kanya.

"Y-You mean. . ."

Seiji Matsumoto slowly nodded. And he's too hesitant to look at me, like a shy fanboy again.

Kusa nang umangat ang isa kong kamay para hawakan ang mga labi ko. Yes, Seiji and I had shared a lot of kisses, halos mabaliw ako noon para lang makahalik sa kanya. But all this time he initiated the first!

"You kissed me!"

"CPR, bebe," pagtatama niya.

"Ikaw naman pala itong unang umatake, tapos grabe ka nang tumakbo sa akin?!" bigla kong inalala ang pangyayaring iyon. Gusto kong palakpakan ang acting skills ni Seiji, sino ang mag-aakalang sa pagising kong iyon ay ni-CPR niya ako?

He looked so unbothered! Nakaisa na pala siya sa akin!

Pero bigla kong naalala na ang pula ng mukha niya, buong akala ko ay dahil lang iyon sa araw!

"Y-You!" marahas ko siyang itinuro.

"Pinahirapan mo lang talaga ako sa isla pero sa totoo pala ay type mo talaga ako! Umamin ka, Seiji!"

He chuckled and nodded twice.

Lalong naningkit ang mga mata ko. Inuuto talaga ako nitong si Seiji Matsumoto. There's no way na aaminin niya iyon sa akin. He's always in denial.

"Hindi mo pa rin ako mapipilit," ilang beses akong umiling sa kanya.

"And the reason why I always wake up too late was at night, I always practice how to pronounce your difficult name, because I don't want to upset you anymore."

Napatulala na naman ako sa kanya.

"S-Seiji. . ."

"And it was true that I always stare at you when you're asleep. . . because I can't believe that a very beautiful girl will take an interest in me. It was so impossible, Ibu. I was too afraid that I might wake up in the morning and everything was just a dream— a dream that someone will look at me the way you looked at me."

Simula nang aminin ko sa sarili kong mahal ko si Seiji, ang isa sa higit na nakapagpahulog sa akin sa kanya ay ang paraan ng pagtitig niya sa akin. His eyes were always filled with admiration and warmth. Pero hindi ko akalain na ang paraan din ng pagtitig ko sa kanya ay may ganito ring epekto sa kanya.

"No one ever looked at me the way you do, Ibu. No one ever called my name as sweet as you. No one ever showered me with loving words like you. You made me feel those strange things that I'd thought I would never be capable of. . ."

Akala ko ay tapos na si Seiji sa mga gusto niyang sabihin sa akin, bakit kailangan pa niyang patagilin lahat ng mga ito? Why didn't he open it to me. Handa naman akong makinig sa kanya.

"I even threatened your stepmother for hurting you."

"Kyohei stopped me from hunting those people who tried to drag you down in showbiz."

Sa bawat bitaw ng mga salita ni Seiji mas lalong lumalalim ang pagkakatulala ko sa kanya. All this time, I thought he was just my low key husband who was pretending to be a shy fan boy. Iyon naman pala ay matagal na siyang gumagalaw na hindi ko man lang napapansin.

"I asked to background check everyone who has the tendency to come near you. I want everyone clean and safe."

He's been trying to let me live freely just like I'd used to. He didn't want himself to hinder my career. Seiji has been considerate and I didn't even notice it.

Akala ko ay dahil ganoon lang talaga ang ugali niya, hindi niya nais ng atensyon at mas gugustuhin niya na lang magtago sa mga anino. But I just realized as he started to confess right now, that he have tons of moving shadows. Hindi siya nagtatago sa kahit anong klaseng anino, because he's been the huge shadow. At tinatakpan niya sa kanyang likuran ang mga bagay na tahimik niyang ginagawa para sa akin.

"Ngayon ay sinasabi mo sa akin na hindi gaanong importante ang mga sinasabi mo? Everything about you— us is important, Seiji. You've been hiding everything for me, at hinayaan mo pang umabot tayo sa ganito."

"I'm sorry, Ibu. . ."

Napamasahe na lang ako sa aking noo.

"Come here!"

Ngayon naman ay siya ang natulala sa akin. "Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Bahala ka—" halos magulat ako nang mabilis tumayo si Seiji mula sa kanyang pagkakaupo. Malalaki ang hakbang niya makarating lang sa posisyon ko.

He sat beside me.

Huminga ako nang malalim at marahan kong isinandal ang ulo ko sa braso niyang payat. Kapwa na lang kami tumanaw muli sa kalangitan. Kung dati ay sa alon ng tubig kami natutulala ngayon ay sa mga bituin.

"Kirei, right?"

Minsan niya na ring pinuri ang mga bituin nang nasa isla pa kami.

"Hai," he replied.

"Maybe that's the difference between us, Seiji. I am an open book. Hantaran kong ibinibigay sa 'yo ang lahat. I am proud of loving you. . ."

"I am proud of you, Ibu. I am so proud that I fell in love with you," his eyes slowly met mine.

"Can I trap you again, Ibu? Can I trap you with my different version? Can you accept my tender and mad love with you?"

Unti-unting sumilay ang ngisi hindi lang sa mga labi ko kundi pati na rin sa aking mga mata. "What does the mad love tastes like, bebe?"

He chuckled. His face leaned closer and he gently pressed his forehead with mine.

Then I whispered, "On bed. . ."

And for the first time, after all of our complications, I heard Seiji's genuine laughter again. "A cotton candy or a red wine?" ulit kong tanong.

He blinked and pointed himself innocently. "Seiji. Watashi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro